webnovel

She Knows

*Alec's POV*

"Kuya, can I go?" Tanong niya. "I want to rest."

"Not yet, Theia."

Umalis na sila Tita Dina at Naomi. Sinamahan ni Charm si Manang na mamalengke. I asked her to go para makausap ko si Theia.

Kanina niya pa iniiwasan yung tingin ko. Ganito din siya nung nandito pa sina Tita. When we told her about Nathan, wala siya ganong imik.

Ni hindi siya mukhang nagulat sa mga sinabi namin sa kanya.

"Ano ba talagang nangyari?" I asked. "Hindi mo manlang sinabihan sila Charm na aalis ka."

"I'm sorry." Sagot niya. "My phone turned off after realizing na lumayo na pala ako sa gym."

"You made us worry." Sabi ko. "Buti nalang nahanap kita. You shoud've stayed with them. Bakit ka pa pumunta dun?"

"I just.." She took a deep breath. "I just wanted to remember us nung naaalala niya pa ko.."

"Sobrang dami na kasing nangyayari.. hindi ko na alam kung ano pa bang totoo sa hindi.."

Why won't you open up to me, Theia?

Hindi ka naman ganyan. I needed to know para matulungan kita.

"Won't you tell me what happened?"

"Wala namang nangyari."

Hindi parin siya makatingin sa'kin.

"Wala ba talaga?"

She shook her head.

"Kausap mo daw si Ivy bago ka mawala?"

That question made her looked at me.

I finally got you, Theia.

"Who told you that?"

"Si Charm. Nakita daw kayo ni Ry."

Hindi siya tumatanggi. Ibig sabihin totoo nga.

"Anong pinag-usapan niyo?"

Tahimik parin siya.

"Is it about Nathan?"

Without responding, unti unti siyang umiyak.

"You knew."

Narealize ko narin kung bakit ganun siya habang kinakausap namin kanina.

"You knew about his amnesia." I said. "Alam mong ikaw lang ang nakalimutan niya."

She slowly nodded. Kaya siya tahimik. Kanina niya pa pinipigilan yung luha niya.

Pero paano nalaman ni Ivy? Kung kakaalam lang rin namin kanina?

"How did she know, Theia? Sinabi niya ba?"

Umiling siya.

"Did you know what that meant?"

Mas lalo lang lumakas yung hagulgol niya.

"Kung pababayaan mo siya kay Ivy, hinahayaan mo rin siyang kalimutan ka, Theia.."

******

*Theia's POV*

I was trying to avoid being left alone with Kuya. Alam ko ring sinabihan niya si Charm na umalis para makausap ako.

Iyakin akong tao and he knows that. I was sure enough that I won't cry nung kinausap nila ako kasi narinig ko na lahat mula kay Ivy. But after hearing the truth, gusto ko na tumakas.

Kuya didn't argue with me anymore. He just held me tightly until I finally stopped crying.

She lied to me. Hindi ko matanggap yun.

I went to that playground because I wanted to visit a place where our memories remain.

Nung hindi niya pa ko nakakalimutan.

Nung ako pa yung mahal niya.

Wala narin palang saysay yun kung hindi niya naman ako naaalala.

"Bessy?"

"Hm?"

"Tulog ka na ba?"

"Hindi pa naman." Sagot ko. "Dalawang araw ba naman akong tulog."

Natawa ako ng konti. Charm didn't responded so I looked at her.

"Why?"

"Wala lang." She was staring at the ceiling. "Kamusta ka naman?"

"Okay lang."

"Wala ka namang nararamdamang kakaiba?"

"Panong kakaiba?"

"Nevermind." Lumingon siya sa'kin at ngumiti.

May gusto nga pala akong itanong sa kanya.

"Nakita daw kami ni Ry?"

Charm nodded. "Nag-usap daw kayo ni Ivy."

Alam kaya ni Ry yung nangyari? Alam niya kaya yung ginagawa ni Ivy?

Maybe I need to talk to him.

Ayaw ko sanang paniwalaan na nagsisinungaling siya. Sana mali lang sila Kuya.

Yung panaginip ko.

If he doesn't remember me, I won't be the most important person in his life anymore.

***

"Theia! Charm! Kain na tayo."

"Wait lang kuya!"

"I better go." Sabi ni Charm pagtapos maglagay ng lipstick. "Baka sugurin tayo ni Kuya dito."

"Great idea." Kinuha ko yung suklay sa lamesa at binuksan yung closet.

Naghahanap ako ng panyo nung nakita ko yung white dress na binigay ni Nate. Kinuha ko yung dress at binalik sa box.

Hindi ko muna dapat makita 'to.

Ayokong umiyak nanaman ulit.

I didn't noticed that Kuya was already there, standing by the door. Sinarado ko agad yung closet pero alam kong nakita na niya.

"Are you sure gusto mong pumasok?"

"Yes. Wala naman akong gagawin dito, Kuya."

"You can come to work with me."

"How can I graduate kung parati akong aabsent?"

Nakatitig lang siya sa'kin.

"Don't worry about me." Sabi ko. "I'll be okay."

"Are you sure?"

I nodded and hugged him. "Parang hindi mo naman ako kilala."

"Kaya nga ko nag-aalala kasi kilala kita."

"Malaki na 'ko."

"Lumaki ka lang pero iyakin ka parin." Sagot niya habang yakap ako.

"Umiiyak lang ako dati kapag binubully mo diba?"

"Bully ka dyan. Ang bait ko kaya." Sabi niya. "Ako ang pinakamabait mong kuya sa mundo."

"Ikaw lang naman yung kuya ko." Inirapan ko nga.

"Exactly." He winked at me.

"Bully."

"Mas gusto ko pang umiyak ka dahil bully ako kaysa umiyak ka ng dahil sa kanya."

I felt a tear escape from my eyes and quickly wiped it away.

"Sana sa kagaya mo nalang ako na-in love, Kuya."

"Bakit naman?"

"Kasi alam kong hindi mo ako sasaktan."

Another teardrop fell.

Before I could even wipe it away, he let go of me at siya na mismo nagpunas.

"I'm not sure about that. I can't guarantee na hindi ka masasaktan sa lalaking tulad ko." Sabi niya. "Kapag love, masasaktan at masasaktan ka. That's what I'm sure of."

"You always worry about me."

"Anong masama dun?"

"You worry too much."

"Eh anong magagawa ko? Kuya mo ko."

"Ayokong nag-aalala ka."

"Then stop doing things that will make me worry."

"I don't think I can. Lalo na't ganito yung nangyayari."

"You do know that I'm always here, right?"

I nodded.

"Tama na nga ang drama." He finally let go. "Wala kang mahahanap na katulad ko kasi ako lang ang gwapo."

Tinignan ko siya ng masama.

"Aminin mo. Wala nang mas gagwapo pa sa'kin."

"Meron kaya." Sabi ko. "Si Daddy."

"Malamang mas gwapo si Dad." Sabi niya. "Sa kanya kaya ako nagmana."

"Patas lang tayo." I crossed my arms. "Maganda rin kaya ako.

"Correction." Pinitik niya ko sa noo. "Si Mommy at Naomi lang ang maganda."

"ANG SAMA MOOOO!!"

Tumakbo na siya palabas ng kwarto.

"KAKAIN NA!!"

***

"Are you sure about this?"

For the nth time.

I rolled my eyes and sighed. Pinipigilan rin ni Charm tumawa kanina pa.

Almost 30 minutes na kaming nasa tapat ng school pero hindi pa kami lumalabas ng sasakyan.

Paulit ulit yung tanong niya habang nasa biyahe pero hanggang ngayon, hindi pa siya kumakalma.

"Kuya."

"FINE."

Finally, lumabas siya sa at pinagbuksan kami ni Charm ng pintuan.

"I really can't persuade you not to go?"

"I'll call you kapag may umaway sa'kin. Kahit madapa lang ako at magkasugat, malalaman mo agad."

I used to tell him those words nung mga unang araw na pumapasok ako. Because I've never been to a real school before. 4th year college lang yung nakumpleto ko.

"Alright." Defeated, he kissed both of us on the forehead.

Para siyang tatay na magpapaalam sa pinaka mamahal niyang mga anak and that made me smile.

"Ingat, Kuya!" Charm and I both said at the same time kaya natawa kami.

"Call me. Ako na ang susundo sa inyong dalawa."

We waved at him and entered the school.

***

"Nate..."

Pasunod na sana ako kanila Charm nung hinawakan niya yung kamay ko.

He was staring at my left hand.

"Nate...?" Napatitig siya sa'kin.

Anong nangyayari?

Ngayon lang niya ako hinawakan ulit.

Pero bakit?

"Babe." Dumating si Ivy.

"May problema ba?" She asked habang nakatingin sa'ming dalawa.

"Theia!" Charm came back with Ry behind her.

"Nothing." Binitawan niya yung kamay ko and left the room with her.

What just happened?

******

Next chapter