*Charm's POV*
"Bessy!!"
"Bessy naman, nasa iisang room lang tayo pero ang lakas ng boses mo."
"Ay hehe."
Gutom na kasi ako. T____T
"Tara kain na tayo?"
Kanina pa kaya nakulo tyan ko.
"Sure. Ligpitin ko lang yung gamit ko."
Yayyyyy!
"Tara?" Sabi ni Erica.
"Wait lang ha." Theia stood up and went to Ry.
"Ano nga palang sabi ni Ms. Rita kahapon?"
Oopss.
"Theia can still take her exam after lunch."
Buti nalang pinuntahan ko parin siya..
"Alam na ba niya?"
I nodded. "Diba bukas yung laban nila Vin?"
"Oo. Manunuod ba kayo?"
"Oo naman. Pwede naman outsiders diba?" Sagot ko. "Sasabihan ko rin si Kuya para pumunta siya."
"Ano kakain na ba tayo?" Lumapit sa'min sina Vin tsaka Ken.
"Gutom na ko kanina pa." I pouted.
Anong oras ba kami kakain?
"Tara." Ry stood up. "Sasama na 'ko sa inyo."
"Ayon bati na sila. Sa wakas." Umakbay sa'kin si Ken habang palabas kami ng room. "Lezzgo, Charm."
Hila hila naman ni Vin si Erica tsaka Ry. Tuwang tuwa naman silang dalawa na pagtripan kami.
"Nasaan si Theia?"
"Hindi ba siya sumunod sa'tin?" Sabi ni Ken paglingon.
She's not here..
"Baka naiwan siya sa room." Sagot ni Vin.
Agad kong tinanggal yung akbay niya tsaka tumakbo pabalik sa room.
"Theia!" I shouted nung nakita kong nakalapit parehas si Nathan tsaka si Ivy sa kanya.
He let go of her hand tsaka lumabas kasama si Ivy.
"Ayos ka lang ba??"
Baka sinampal siya ni Ivy.
I sighed in relief nung hindi naman namumula pisngi niya.
"Theia??"
Nakatingin lang siya sa kamay niya.
***
"Bessy ano ba?" Hinatak ko siya sa tapat ng bilihan ng waffles.
"Anong ano ka dyan?" Sabi ko sabay tingin kay ateng nagtitinda. "Dalawang order po ng D. One chocolate caramel and strawberry creamcheese."
3 piece waffles yung D ^____^
"Good choice, bessy." Nakinang yung mata niya habang nakatingin dun sa niluluto. "Nagke-crave ako ng ng waffles ngayon."
Hindi nga pala siya nakatikim nung niluto ni Manang.
Since she was unconscious..
"Gaga. Sa'kin yan parehas." Sabi ko. "Umorder ka ng sa'yo."
"Gaga. Ayaw mo ng chocolate caramel."
Siniko ko nga. Nailagan naman niya.
Nahuli niya 'ko agad ha.
"Ay ganun ba? Sige sa'yo na yung isa." Natawa naman kami parehas dun.
"Bibili ako ng shake." Sabi niya sabay tingin sa bilihan. "Anong flavor gusto mo?"
"Mango!" Sabay kami ng pagsabi kaya natawa nanaman kami ulit.
Pagkakuha ko nung waffles, pumunta na 'ko sa inuupuan nila. Nauna pa si Theia kaysa sa'kin.
"WAAAHH!!"
Masaya na siya nyan. Kaya kami bestfriends e. Mahilig kami sa pagkain at mahilig kaming kumain.
"O ayan na."
Nilapag ko na parehas sa lamesa yung dala ko at kumain na siya agad.
*____*
"Theia, dahan dahan naman."
Erica and I were laughing at her. Pano kasi, tiniklop niya yung isang waffle tapos kinain agad.
"AMAZING KA BESSY!"
Nag-thumbs up ako sa kanya.
Hindi ko naisip gawin yon ha.
O___O
Nagulat din yata siya sa ginawa niya. She returned the waffle on her plate tsaka uminom ng tubig.
"Sorry."
I gave her wipes and she started eating again. This time with fork na.
My eyes went to Ry. Hindi niya pa ginagalaw yung pagkain niya. Napansin ko ring wala na sina Vin at Ken.
"Nasan yung dalawa?"
"Nauna na sa practice." Sagot ni Erica. "Ang bilis nga nila kumain e. Nung dumating kayo, kakaalis lang din nila."
"Theia."
It was Ry.
"Hm?" She didn't even looked up.
"I need to talk to you."
"I know." Sagot niya. "Eat and then we'll talk."
Ry didn't answer but he started eating. Nung natapos na kami nila Erica at Theia, sabay kaming tumayo para itapon yung pinagkainan namin.
"Gusto mo bang itakas kita?"
I'm not mad at him dahil sa nangyari pero yung sitwasyon kasi ni Theia..
"Gaga." They laughed at me dahil sa sinabi ko. "Itakas mo man ako, hindi mo 'ko matatago sa kanya."
Nakakadalawang gaga na siya.
Seryoso kaya ako.
T____T
"Edi tatawagan ko si Kuya Alec." Kinuha ko agad yung phone ko at pinindot ang speed dial 3.
"Charm."
He already answered but she took it away.
"Hi, Kuya." Sagot niya. "Wrong dial. Napindot lang ni Charm."
"Opo. Mag-iingat kami."
"Bye." Binaba niya rin at inabot sa'kin. "Ako na bahala, Charm. Wala namang gagawing masama sa'kin si Ry."
"Sige na nga."
Gawin niya lang yung gusto niya.
Nandito lang naman ako.
"Akala ko ba mag-uusap kayo?" Erica asked. "He's gone."
I looked back at our table. Wala na si Ry.
"He texted me." Theia was already holding her phone. "Bukas nalang daw after ng laban nila."
"We should go." I said. "It's almost 1. May exam ka pa."
Kumapit sa magkabilang braso ko yung dalawa tsaka kami umalis sa cafeteria.
"Hindi mo ba ko bibigyan ng pointers, bessy?" She asked sweetly.
At kelan pa siya naging sweet?
"Anong pointers ka dyan??" Tinignan ko nga ng masama.
"I'll give you some." Erica winked at her. "Don't worry, Theia."
I stopped walking kaya napahinto rin sila. Binatukan ko nga.
"Aray!"
"Biro lang naman ee!"
"Ayan ang napapala ng mga nag-bibiro."
Sabay sabay naman kaming natawa and stopped when they interrupted us.
Nasa tapat na kami ng office ni Ms. Rita nung may dumating pang iba bukod sa'min.
This is a bad idea.
******
*Theia's POV*
"Bukas ka nalang mag-exam."
"Oo nga. Tara na, bessy."
"Ngayon na." I answered them both.
Nandito rin kasi sila Ivy at Nate. Hindi ko naman alam na sabay pala kaming magte-take ng exam.
Charm grabbed my arm.
"Sigurado ka ba, bessy? Pwede namang bukas yan. O kaya pagtapos niya nalang."
"Ngayon na para makauwi tayo agad."
"Theia.."
Napatingin ako sa kanila. Mukhang ayaw din niyang papasukin sa loob si Nate.
"It's okay, bessy." Hinawakan ko yung kamay ni Charm. "Bibilisan ko lang, promise."
"I'll stay here."
I knocked three times before opening the door. Naramdaman ko namang nakasunod siya sa'kin.
"Please sit down." She said. "May aayusin lang ako saglit."
We both sat down sa magkabilang dulo ng couch. May dalawang upuan na sa tapat ni Ms. Rita. Mukhang dun kami mamaya.
"How are you, Mr. Go?" Tanong niya. "You were absent last tuesday, akala ko hindi ka na papasok."
Absent siya?
Bakit pa siya aabsent kung wala na naman siya sa ospital?
"May emergency lang po sa bahay."
"How about you, Ms. Zamora?" She looked at me. "Are you well enough to take the exams?"
"Yes po."
"You don't need to worry." Sabi niya. "Your brother already explained what happened. I'm glad you're okay."
I just smiled.
Ano kayang sinabi ni Kuya?
She stood up and walked towards us.
"Here." Inabutan niya kami ng tig dalawang test papers. "You both have 2 hours to finish."
"You can leave your bags here tapos dun kayo mag-sagot sa chairs na nasa harapan ng table ko." She said. "Make sure you have extra paper for computations. After the exam, you may go."
***
"Theia?"
Nauna naman talaga akong matapos pero pinauna ko parin siyang lumabas.
Pinanuod ko silang lumakad palayo sa'min.
"Bessy?" Charm was waving her hand on my face kaya napatingin ako sa kanya.
"May problema ba?"
I shook my head. "Si Erica?"
"Sumunod na sa gym." Sagot niya. "Tumawag kasi si Gavin. Nagdadrama. Wala daw yung no. 1 supporter niya."
"Theia??"
I looked up. Hindi ko napansing huminto ako sa paglalakad. Nakatitig lang kasi ako sa kamay ko.
"What's wrong?"
"Wala naman."
Bakit kaya siya nakatitig dito?
Ano bang meron sa kamay ko?
Wala naman akong suot bukod.. dito?
"Masama ba pakiramdam mo??" Charm held my face. Nilagay niya din yung kamay niya sa leeg ko. "Hindi ka naman mainit."
"I'm okay, Charm."
"May nangyari ba? Anong ginawa ni Nathan?" She asked. "Theia, talk to me."
"Bessy."
"Why??"
"Alam ko na kung bakit siya nakatingin sa kamay ko kanina."
"Kamay?"
"Kanina din diba? Sa room." Sabi ko. "Nung binalikan niyo ko ni Ry."
Nakikinig lang siya.
"Hinawakan ni Nate yung left hand ko."
"What's on your left hand?"
"This." I held up my hand. "Yung promise ring na binigay niya sa'kin."
This is the only thing he would stare at.
Naalala niya kayang binigay niya 'to?
******