*Theia's Flashback*
"I want you to become the most important person in my life."
Napamulat ako.
For the first time, I dreamt about a guy.
What have you done to me Nate?
The door suddenly opened and Mommy came in.
"Theia, baby."
Halata sa mukha niya yung gulat ng makita akong gising.
"Hi, Mommy."
"Gising ka na agad? Ang aga pa ah." I looked at the clock on the table.
6 am.
I touched my forehead. Medyo masakit yung ulo ko. Hindi ako usually nagigising ng ganito kaaga e.
"What's wrong? May masakit ba sa'yo?" Mommy asked pagkalapit niya sa'kin. "Should I call Ella?"
"No, Mommy." Sagot ko. "I'm okay."
"Baby, remember what your doctor said?" Sabi niya. "Dahan dahan diba? Baka masyado mong pinapagod yung sarili mo."
"Don't worry." I replied. "Nag iingat po ako, Mommy."
"Didn't you slept well last night?"
"I did."
Napangiti ako pagkaisip kay Nate.
"Hmm.." Nagbago bigla yung tingin niya. "Parang iba yung ngiti ng baby ko ah."
"Hindi naman, Mommy.."
"Talaga?" Natatawa tuloy ako lalo. "May nangyari sa piano room kahapon no?"
Manghuhula talaga si Mommy e.
"Wala po, Mommy."
"Naglilihim ka na sa'kin, baby." She said while taking tupperwares out of her bag.
Okay lang naman sabihin sa kanya diba? It's my Mommy.
"Ikekwento ko po kapag meron na."
What I said made her stopped and looked at me.
"So meron nga." She assembled the table sa harapan ko at pinatong yung tupperware na hawak niya.
I took her hands and looked at her.
"I promise to tell you anything you ask, Mommy." I said. "Pero sa ngayon, wala pa po akong masasabi sa inyo."
Kasi baka wala naman talaga, Mommy.
"Okay." She nodded. "I trust you, baby."
"Nasaan po si Daddy?"
"Nasa work na, baby." She removed the lid and handed me a spoon.
Sopas *____*
"Kumain na ba po kayo?"
"Sabay kaming kumain ng Daddy mo bago umalis." Sagot niya. "Si Alec pupunta rin daw dito mamaya."
"Mommy." Kumuha ako ng sopas sa at nilapit sa kanya. "Say ahhhh..."
"Ahhh.." Natatawang sabi ni Mommy.
"Hmmm.." Tumango tango kami parehas habang ngumunguya.
"Masarap ba?"
"Parang wala naman po akong maalala na hindi masarap na luto niyo, Mommy."
"Aba marunong na mangbola yung anak ko." She replied. "Dalaga ka na talaga. Sa susunod may boyfriend ka na niyan."
"Mommy!" Muntik na kong masamid sa sinabi niya.
"O bakit? Totoo naman."
"Mommy, walang magkakagusto sa tulad ko." I jokingly said. Pero sa loob loob ko, sobra akong natatakot at naniniwala sa sinabi ko.
"At sinong hindi magkakagusto sa prinsesa namin?"
"Dad!!!"
Lumapit agad si Daddy kay Mommy pagpasok sa kwarto ko and he kissed her on the cheeks.
"Good morning, baby." He leaned and kissed my forehead.
"Akala ko ba nasa trabaho ka na?" Tanong ni Mommy.
"Oo, hon. Kaya lang tumawag si Mr. Ong kanina. Pupunta daw siya sa site ng tatayuan nating school." Sagot ni Daddy. "Walang maiiwan sa office."
"Si Alec nasaan?"
"May aasikasuhin daw sa school nila."
"Daddy. Mommy. I'm okay." I told them habang patuloy sa pagkain ng sopas.
They both stared at me for a moment.
"Pero, baby.."
"Mommy, hindi naman po ako mawawala."
They both looked at each other and back at me.
"Are you sure?" Daddy asked. "We can stay here if that's what you want."
"Daddy, malaki na po yung baby niyo ni Mommy. I promise mag iingat po ako."
"Don't forget your meds after meal okay?" Sabi ni Mommy. "Always keep your phone with you para ma-contact ka namin agad. Wag ka masyadong lumayo sa room mo at baka kung anong mangyari sa'yo."
"Mommy, can I go to the piano room after?"
"Sure, baby. Basta mag iingat ka." She allowed. "Itetext ko kuya mo para may kasama ka agad mamaya."
"Yes, Mommy."
"Atsaka--"
"Hon, malaki na si Theia. Kaya niya na yung sarili niya diba, baby?" Daddy interrupted.
"I promise, mag-iingat po ako."
"Alright." Hinalikan nila ako parehas sa noo. "If you need anything, call a nurse. If you're not feeling well, stay here sa room mo."
"Aye aye, Mommy." I giggled.
Hindi ako mapakawalan ni Mommy.
Hinintay ko silang makalabas ng kwarto tsaka ako kumain ulit. Ang sarap talaga mag luto ni Mommy. Binuksan ko yung isa pang lalagyan. Clubhouse sandwich.
Kumuha ako ng isa at kumain. Yummy ^__^
Habang inuubos ko yung natitirang sopas, may kumatok sa pinto.
"Theia?"
I automatically smiled pagkarinig sa boses niya.
Si Nate.
"Pasok ka." I cheerfully said. Tinakpan ko na yung mga tupperware tapos uminom narin ako ng gamot.
Nag slow motion yung paligid nung pumasok siya.
"Good morning, Theia." Nakangiti siya.
Hala. Ang gwapo.
"Theia?" He was waving his hand in front of my face nung bumalik ako sa reyalidad.
"You look happy."
"Halata ba? Ikaw kasi yung unang tao na nakita ko ngayong araw."
Yung puso ko.
"Ang aga aga nangbobola."
He just chuckled.
"Kumain ka na?" Napatingin siya sa table na nasa harapan ko. "Kumain ka na pala."
"Si Nicole kamusta? Hindi ka ba dumaan sa room niya?" I asked. Ang dami niya kasing bitbit na plastic bag.
"Tulog pa. Nandun naman si Mama." He said habang nilalabas yung laman ng plastic na dala niya.
Fruits, juice in can, milk, bottled water at may mga yoguart pa.
"Gagawin mo bang bahay mo yung kwarto ko?"
"Do you want me to?" He grinned. "Kung gusto mo, dito na ko titira."
"In your dreams." I rolled my eyes at him. "Hindi pa nga alam ni kuya yung ginagawa mo."
"Bakit? I'm not doing anything wrong."
Bakit feeling ko meron? At namumula ako dahil dun.
Napatingin siya sa'kin. "May gusto ka ba?"
Ikaw.
"Milk please." I smiled not minding my thoughts.
Nilagay niya muna lahat sa ref tsaka inabot sa'kin yung gatas. Hahawakan ko na sana pero binawi niya at nilagyan ng straw.
That's so sweet.
"Kumain ka na?"
"Nope."
I stopped sipping. "Why not?"
"Akala ko kasi hindi ka pa kumakain. Sasabayan sana kita."
"Do you want to go out?" I suddenly felt guilty. "Gusto mo kumain sa cafeteria?"
May cafeteria naman dito sa ospital.
He looked unsure. I removed the tupperwares infront of me tapos tinanggal ko yung table. Tumayo na ko bago pa siya makasagot.
"What are you doing?"
"Aalis." Sagot ko habang nagsusuot ng tsinelas.
"Saan ka pupunta?"
"Kakain tayo."
I grabbed his hand and made our way to the cafeteria.
***
May iba't ibang klase ng soup. May meals tulad ng eggs, meatloaf, hotdog, bacon etc. Nakatingin lang ako kay Nate habang nakapila siya.
"Nate."
Tinuro yung table malapit sa bintana.
"Hintayin kita dun ha."
Tumango naman siya.
Konti palang yung tao dito. Ang aga pa kasi masyado.
"Anong inorder mo?" Tanong ko pagkababa niya ng tray.
"Tapsilog."
May gatas rin siya tapos may sabaw pa.
I was watching him pero hindi niya ginagalaw yung pagkain niya.
"Anong problema?"
"Sa totoo lang hindi ko pa nasusubukang kumain dito."
"Really? Why not?"
"Wala naman kasing rason para kumain ako dito."
"Si Nicole?"
"Laging si Mama yung nagdadala ng pagkain sa kanya. Si Ate naman yung kasama niya kapag may trabaho yung parents namin." Sagot niya. "Nandito lang naman ako kapag walang bantay si Nicole. I've never been in the cafeteria before."
"Your first time."
"Yes." He smiled. "My second first with you."
"Kailan yung unang first?" I felt curious. Nung isang araw lang naman kami nagkakilala.
"Sa piano room. I've never been there." He said. "Wala namang rason para pumunta ako dun."
"Your second first." I repeated.
"I meant what I said. I want you to become the most important person in my life." He reiterate habang nakatitig sa'kin. "Tignan mo ngayon, nagiging rason ka na sa mga bagay na hindi ko naman nagagawa noon."
For the first time, nakaramdam ako ng kakaibang kilig.
Hindi yung kilig na dahil kay Mommy at Daddy.
Hindi yung kilig na dahil kay Kuya Alec at Ate Naomi.
Kundi kilig na dahil kay Nate.
***
*Theia's POV*
Paano ako napunta dito?
Pagkamulat ko, nasa loob na ko ng kwarto.
Kelan pa ko nakauwi?
I couldn't remember what happened. Ang naaalala ko lang, nakita ako ni Kuya.
Nasaan si Charm?
Ako lang mag-isa sa higaan. Anong oras na ba? We still have exams. Baka late na ko. She might've forgotten to wake me.
"Charm?" Tawag ko habang bumababa ng hagdan. "Nasan ka na? Papasok pa tayo diba?"
Pagkababa, hindi ko inasahan yung nangyari. Niyakap niya ko agad ng mahigpit.
"Kuya??"
It took me by surprise when I heard him sobbing.
"Uy, Kuya. Are you crying??"
Hindi siya sumagot. Mas lalo lang lumakas yung tunog ng hikbi niya and that was the sign I needed.
Umiiyak talaga siya.
Nandun rin sina Tita Dina tsaka Ate Naomi.
What's happening?
******