webnovel

Chapter 10

Chapter 10

"Naka move on na yan oh! Naka move on na. Yiiieee!" nagtawanan kami dahil sa mga pinagsasabi ni Julie kay Christian habang nakaturo sa mukha nito.

Maging si Christian ay nakikitawa rin. "Edi wow. Palibhasa single at walang experience. Hahaha"

"Wag niyo bullyhin, baka umiyak pa 'yan eh. Hirap pa mandin matahanin." natatawang sabi ni Elle kaya lalo kaming natawa. Pati yung mga classmates namin na nakikinig sa mga asaran namin nakikitawa na rin.

Sa aming anim, si Elle yung madalas magcomfort kay Christian. Dinadamayan din naman namin siya, binibigyan ng advice. Pero kasi si Elle yung lagi niyang nakakasama. Lagi siyang kinakausap ni Elle, mapasatext o sa personal. Pinaparamdam niya talaga kay Christian na may kaibigan siya at hindi nag-iisa.

"Oo nga. Iyakin 'yan eh! Kalain mong nasa labas ng School tapos umiiyak." binato ni Christian ng panyo si Kinley sa mukha saka tumawa.

"Patawa ka!" sagot naman ni Christian. Napatigil kami sa pagtawa nang biglang may nagsalita.

"Pumunta na kayo sa gymnasium, baka maubusan pa kayo ng upuan." sabi ni Sir Randy habang nakasilip sa classroom namin pero agad ding umalis pagkatapos niyang magsalita.

Katatapos lang ng flag ceremony pero imbes na dumiretso agad kami sa gym, tumambay muna kami dito sa room namin.

Hindi pa naman daw kasi magsisimula agad yung symposium at maiinip lang kami dun kaya dito muna kami dumiretso.

Pero dahil sinabihan na kami ng isang teacher, nagsitayuan na ang mga kaklase ko para pumunta ng gym. Nagsabay-sabay naman kaming magtotropa sa paglalakad.

Habang naglalakad kami sa hallway papuntang gym, hindi ko mapigilang matawa dahil kinukulit ako ni Francis.

"Woy!" panay pa ang kalbit tapos kapag lilingunin ko naman tatawa lang siya kaya pati tuloy ako natatawa na rin.

"Bakit?" natatawang tanong ko.

"Wala. Hahaha" hindi ko siya pinansin at tumingin na lang ako ng diretso sa nilalakaran namin.

Maya-maya kinalbit na naman niya ako. Medyo nauuna kasi ako sa kaniya sa paglalakad kaya nasa may bandang likuran ko siya.

"Kanina kapa ha. Haha" sabi ko matapos kong lumingon sa kaniya.

"Gusto mo hanggang mamaya pa eh. Hahaha" binilisan niya ang lakad niya para makasabay sa'kin at nung magkatabi na kami, umakbay siya sa'kin kaya medyo nailang na naman ako.

"Pansinin mo kasi." tugon ni Julie na may halong pang-aasar.

"Pinapansin ko naman ah! Tinatawanan lang naman ako."

"HAHAHAHAHA!"

"See?" sabi ko habang nakaturo pa sa mukha ni Francis.

"Kinikilig lang 'yan. HAHAHAHA" nagulat ako sa biglang pagsingit ni Alvin. Nasa tabi na pala namin siya.

Tinignan ko naman si Francis at halatang nagpipigil siya ng tawa. Hahahaha Gusto ko sana siyang tawanan ng malakas kaso nasa gym na kami. Naupo kami sa bandang dulo ng bleacher sa may taas kung saan bakante pa.

Marami na ring estudyante ang nandito pero ang karamihan ay may mga sariling upuan na kaya yung bench na lang ang may bakante.

"Wala pa yung magsasalita?" tanong ni Christian.

"Nandiyan na ata. May mga bodyguards na akong nakita kanina eh." sagot naman ni Elle sa kaniya.

May mga tao naman na sa harap na nag-aayos nung projector na gagamitin at mukhang parating na rin yung mga magsasalita. Sabi ni Kuya Jelo, si Mayor Cariaga raw yung magsasalita.

"May gagawin ka ba mamaya?" napalingon ako kay Francis nang magsalita siya.

"Wala naman. Bakit?"

"Tambay daw tayo sa may rest house namin. Nagyaya sila eh."

"Sige. Saan na nga ba banda yun?" nakapunta na ako minsan dun sa rest house nila pero isang beses pa lang tsaka matagal na rin yun kaya nakalimutan ko na kung saan banda.

"Basta mamaya sabay ka sa kanila. Alam nila yun. Hindi ako makakasabay sa inyo papunta dun dahil mauuna ako para maayos ko agad yung pagtatambayan natin."

"Anong oras ka pupunta dun?"

"Pagkahatid ko sa'yo mamayang uwian didiretso na ako dun. Dun na rin ako magbibihis."

Tinanguan ko na lang siya dahil mukhang mag-sisimula na yung symposium. Nagdadatingan na yung mga magsasalita kasama ang Mayor ng lugar namin. May mga kasama rin silang ilang pulis. At halos lahat ng tao sa gym ay sa kanila nakatingin.

Nawala sa kanila ang atensyon ko nang biglang may kumalbit sa likuran ko. Paglingon ko, medyo nagulat pa ako nang makita ko kung sino yung nasa likuran ko.

"Kuya?"

"Tara sa labas." parang nagmamadaling sabi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit parang medyo natataranta siya.

"Bakit?"

"Basta!" medyo pabulong na sabi niya.

"Baka pagalitan tayo. Mag-uumpisa na oh." sabay turo ko sa may harapan.

"May sasabihin ako. Tara na kasi!"

"Pwede namang mamaya na! O kaya ngayon mo na sabihin." naguguluhan ako sa mga pinagsasabi niya. May sasabihin lang, kailangan lumabas pa.

"Importante kasi!!!" naiinis na sagot niya. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya dahil alam kong hindi niya ako titigilan.

Nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko saka sumunod kay Kuya. Sobrang bilis niya maglakad na parang tumatakbo na kaya hindi ko siya masabayan.

Sinundan ko lang siya hanggang sa makalabas kami ng campus. Buti na lang walang teacher na nakakita sa'min.

Umupo siya sa may bench at tumabi naman ako sa kaniya.

"Ano bang sasabihin mo???" inis na tanong ko. Luminga-linga muna siya sa paligid saka huminga ng malalim bago magsalita.

"Yung isang pulis kasi na kasama nila... Hindi ko alam kung tauhan siya ni Mayor pero parang alagad niya nga. Basta.... Hindi ako sigurado pero malakas yung kutob ko."

"Sinong pulis? Alin dun? Tsaka anong meron sa kaniya kung tauhan nga siya ni Mayor?" sunod-sunod na tanong ko.

"Naalala mo ba yung kwento ko, yung sinabi ko sayong natanggalan ng bonet dahil nahila nung babae nung gabing sinundan namin nila Kian yung mga lalaking may kinakaladkad na babae?" medyo pabulong pa ring sabi ni Kuya.

"Oh tapos?"

"Siya yun! Yung pulis!!!"

Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya kaya naman hindi agad ako nakasagot at bahagya pang natulala.

"Wag mo muna sasabihin kila Mama ha!. Baka mapagalitan na naman tayo."

"T-tekaaa. Sigurado ka ba na siya yun?" kunot noong tanong ko. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa mga sinabi niya dahil parang imposible naman ata yun.

"Jestine! Andun ako. Kitang-kita ko lahat ng nangyari. Kahit yung mga kaibigan ko, nakita rin nila!"

"Pero diba madilim dun sa part na yun. Panu ka nakasigurado na siya nga 'yon?!"

Hindi nakapagsalita si Kuya at parang napapahiyang napakamot na lang siya sa ulo niya.

"Ah basta! Sigurado ako, na yung pulis na yun na isa sa mga tauhan ni Mayor Cariaga, siya rin yung isa sa mga dumukot kay Sarra." pagpupumilit pa ni Kuya.

Gusto ko maniwala sa mga sinasabi niya pero hindi ako ganun kakumbinsido. Maaaring totoo, pero mas lamang sa'kin na imposible. Dahil unang-una, madilim sa lugar kung saan nila nakita yung mga masasamang loob. Pangalawa, pulis yung pinagbibintangan ni Kuya tapos tauhan pa ni Mayor. Paano mangyayari yun?

"Kuya, kung ano man 'yang mga naiisip mo, tigilan mo na. Nag-iimagine ka lang, nambibintang ka pa."

Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. "Sige, kung ayaw mo maniwala okay lang. Basta sinabi ko sa'yo kung anong napansin ko. 'Wag mo'ko susumbatan sa huli na kesyo hindi ako nagsasabi sa'yo." tinanguan ko lang siya.

"Sinabi mo rin ba kila Neil?"

"Oo. Sinabi ko kanina kaya nagpaiwan sila sa gym para manuod ng symposium tsaka para obserbahan na rin yung mga tauhan ni Mayor. Baka mamaya kasi, si Mayor pala---" hindi na natapos ni Kuya yung sasabihin niya dahil agad kong tinakpan ang bibig niya.

"Kuya ano kaba! Napakabintangero mo talaga. Judger ka! Pati si Mayor pinag-iisipan mo ng ganyan. Mamaya may makarinig sa'yo dito." pabulong na sabi ko saka inalis ang pagkakatakip ng kamay ko sa bibig niya.

"Malay lang natin diba?"

"Ewan ko sa'yo!"

Hindi na siya nagsalita kaya naman tumayo na ako at niyaya siya pabalik sa loob ng campus. Hindi na kami nanuod ng symposium dahil baka mapagalitan pa kami ng mga teacher pag nakita nila kaming late na dumating. Tumambay na lang kami sa classroom nila at doon nagkwentuhan hanggang sa matapos ang symposium at start na ulit ng klase kaya nung magsidatingan na ang mga classmates niya, bumalik na rin ako sa classroom namin.

"San ka galing?" agad na tanong ni Francis nung makapasok ako sa room namin. Busy naman sa pagkukwentuhan sa kabilang side yung mga kaibigan namin kaya hindi nila napansin yung pagpasok ko.

"Sa labas lang. Sinamahan si Kuya tumambay." pagsisinungaling ko.

"Tumambay lang kayo? Bakit hindi kayo nanuod ng symposium?"

"Ah, kasi hindi trip ni Kuya yung mga ganun. Naiinip siya. Haha" pilit ang tawang sabi ko pa.

Ano ba 'yan Jestine, hindi pa nga kayo nagsisinungaling kana. Hays! Alangan naman kasing sabihin ko sa kaniya yung mga pinagsasabi ni Kuya kanina.

"Halata nga." natatawa na ring sagot niya. Umupo naman na ako sa upuan ko at siya naman ay umupo rin sa katabing upuan.

"Kamusta pala yung symposium? Anong sabi ni Mayor?"

"Hindi naman si Mayor ang nagdiscuss. Yung tauhan niya. Nagsalita lang siya saglit."

"Ah."

"Wala raw tayong klase mamayang hapon." sabi niya na medyo ikinatuwa ko naman.

"Bakit daw?"

"Wala pang schedule ng mga subjects eh. Actually may pasok pero walang klase. Sabi nila maggegeneral cleaning lang daw tayo mamaya."

"Pero papasok ka?" tanong ko.

"Hindi. Hahaha! Pupunta na agad ako sa rest house para maaga ko maayos kung may aayusin man dun at para maaga rin tayo makauwi."

"Edi aabsent na rin kami? Hahaha"

"Pwede naman. Bakit hindi?"

"Kapag bawal umabsent, papasok ako." napansin ko ang biglaang disappointment sa mukha niya matapos kong sabihin yun.

'Ayaw ba akong papasukin nito? :-/'

"Pwede naman umabsent eh." malungkot na sabi niya.

Magsasalita na sana ako pero biglang magsalita ang class president namin. "Guys! Ngayon daw tayo maggeneral cleaning para wala nang pasok mamayang hapon."

"Yehey!" sigawan ng mga classmates namin. Kahit ako natuwa rin sa narinig ko. Atleast hindi ko na kailangan umabsent dahil wala namang pasok. Hakhak

Nagsitayuan na ang mga kaklase namin para maghanap ng mga kaniya-kaniyang panglinis kaya tumayo na rin kami para itabi yung mga upuan.

"Woy! Pagtapos natin maglinis uwi tayo saglit tas bihis lang tas diretso na agad tayo sa rest house nila Francis para maaga rin tayo makauwi." sabat ni Elle.

"Ganun na nga pero mauuna ako dun. Pag-uwian dun na ako didiretso para malinis ko yung pagtatambayan natin." tugon naman ni Francis na sinang-ayunan naming lahat.

Naghiwahiwalay na kami para maghanap ng mga kaniya-kaniya naming panglinis pagkatapos namin maitabi sa gilid ang mga arm chair.

Mabilis na lumipas ang oras at natapos na rin kami sa paglilinis kaya naman maaga rin kami pinauwi ng mga teachers.

"Kung kelan nakabisita na ang Mayor, saka nagpalinis. Abnormal!" natatawang sabi ni Christian kaya nagtawanan kami. Pati yung ibang estudyante na nakarinig na kasabay namin sa paglalakad palabas ng gate ay natawa rin sa sinabi ni Christian.

"Sana sa kanila mo 'yan sinabi. Hahaha" sagot ni Elle.

"Kaya nga! Ngayon ka pa nagreklamo kung kelan tapos na maglinis." sabat ni Alvin.

"Bukas sasabihin ko sa kanila. Uwian na eh. Tinatamad na ako bumalik."

"Sige sabihin mo sa mga teachers ha! Pag hindi mo lang sinabi, may batok kang lima" sabat din naman ni Kinley.

"Gawin mo nang sampu Tol. Haha" biglang singit rin ni Francis kaya sinamaan siya ng tingin ni Christian.

"Sampung sapok gusto mo?" hamon ni Christian kay Francis na ipinakita pa ang kamao niya kaya lalo kaming natawa dahil mukhang natakot talaga si Francis.

"Joke lang eh. Hehe" tugon ni Francis na nagpeace sign pa.

"HAHAHAHAHA Duwag ka pala." asar ni Julie.

Nagtawanan na lang kami dahil sa mga asaran ng dalawa naming kaibigang lalaki hanggang sa makalabas kami ng campus at magpaalam sa isa't-isa para umuwi.

"Byeeee!" paalam ko sa kanila na kumakaway pa habang papalayo ang motor na minamaneho ni Francis hanggang sa hindi ko na sila matanaw dahil tuluyan na kaming nakalayo.

"Sabay kana lang sa kanila mamaya ha! Sinabi ko na sa kanila na daanan ka." nakangiting sabi ni Francis pagkababa ko sa motor niya.

"Sige. Salamat ah. Mag-ingat ka." nakangiti ring sagot ko.

Tumango lang siya at nagpaalam na aalis na saka muling pinaandar ang motor niya palayo.

Pumasok na ako sa loob at naabutan ko si Kuya na nanunood ng basketball. Hindi ko naman siya pinansin at nagdire-diretso lang ako papasok sa kwarto ko saka nagmadaling nagbihis.

★★★

Halos isang oras din ang lumipas bago dumating ang mga kaibigan ko para sunduin ako. Nagtext si Julie na nasa labas na sila ng bahay kaya dali-dali na akong lumabas ng kwarto.

"Saan ka na naman pupunta?" inis na tanong ni Kuya kaya nilingon ko siya.

"Kila Francis lang." malumanay na sagot ko.

"Harot." bulong niya na rinig ko naman.

"Hoy!!!" sigaw ko saka sinamaan siya ng tingin.

"Sige na, lumayas kana!"

Hindi na ako sumagot at inis na tinalikuran siya. Naglakad na ako palabas at nang makarating ako sa may gate namin, nakita ko na sila na nakangiti pa ng todo habang nakatingin sa'kin kaya nagtaka ako.

"Anong meron? Para kayong nanalo sa loto."

"Wala lang. Ang cute mo kasi gurl. Sakay kana dito." sabi ni Elle na itinuro pa ang likuran niya. Kay Christian siya nakaangkas at yun na lang ang may space dahil angkas na ni Kinley si Alvin at Julie.

"Saan na nga banda yun?"

"Basta. Hindi ko madescribe eh. Nakalimutan ko na kung anong pangalan ng place na yun pero hindi naman kalayuan dito sa bayan. Mga 20minutes nandun na tayo." sagot ni Elle.

"Alam ko naman yun. Pero bakit nga pala dun niyo naisipan magpalipas ng oras?"

"Wala lang. HAHAHAHA! Yun ang trip namin eh. Sabayan mo na lang, tutal manliligaw mo naman si Francis. Hehe"

"Hay naku." sabi ko sabay irap sa kaniya.

"Ayiee kinikilig."

"Anong nakakakilig dun?"

"Kinikilig ka. Namumula pa nga eh. HAHAHAHA"

"Alam mo isa pa, itutulak na kita." natatawang sabi ko sabay hawak sa dalawang balikat niya na akmang itutulak siya.

"Joke lang. Eto naman. Christian oh!." kunwaring nagmamakaawang sabi ni Elle. Hahaha parang naging bata bigla.

"Sige tulak mo na 'yan para wala nang madaldal. Haha"

"Mananahimik na ako." tugon pa ni Elle saka tinakpan ng dalawang kamay niya ang bibig niya. Tinawanan lang namin siya ni Christian.

Makalipas ang ilang minuto, tumigil si Kinley sa harap ng isang hindi kalakihang gate kaya naman itinigil din ni Christian ang motor na sinasakyan namin sa bandang gilid naman ni Kinley.

Pamilyar sa'kin ang lugar at mukhang eto na 'yon. Medyo may nabago lang ng konti kaya parang hindi ko agad napansin na nandito na kami. Parang nawala ang ilang mga puno sa paligid. Tapos yung gate ay parang binago ang style at pintura kaya siguro hindi ko agad nakilala.

"Dito na ba yun?" tanong ni Alvin na tinanguan naman ni Kinley. Hindi kasi siya nakasama nung unang beses naming makapunta dito kaya mas hindi niya alam 'to kesa sa'kin.

Bumaba na kami sa motor at saka hinintay yung dalawang boys na magpark sa may gilid ng gate.

"Jestine una kana!" sabi sa'kin ni Christian na ikinagulat ko.

"Ha?! Bakit ako???"

"Teritoryo ng manliligaw mo 'to diba? Kaya mauna kana dai!" sabat naman ni Alvin.

"Ayoko. Kayo na mauna. Baka mamaya may aso pa diyan, makagat pa'ko." nakasimangot na sabi ko sa kanila.

"Walang aso diyan. Baliw!!! Sige na pasok na. Kasunod mo naman kami eh. Mas matutuwa yung manliligaw mo kung ikaw yung una niyang makikita." tugon naman ni Julie sabay pumwesto likuran ko at hinawakan ang dalawang balikat ko tapos dahan-dahan akong itinulak papunta sa gate na itinulak naman ni Kinley at Christian para bumukas.

Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanila. "Alam niyo ang dadaya niyo. Siguro kaya ako ang pinauna niyo para kapag hinabol tayo ng asong nagbabantay dito sa rest house nila, ako yung mahuhuling tumakbo pabalik. Hayst!"

"Wala ngang aso dito. May nakita ka ba?. Wala naman diba?" sagot ni Julie habang tuloy pa rin sa pagtulak sa'kin.

Tumigil siya sa pagtulak sa'kin kaya napatigil na rin ako sa paglalakad. Nasa harap na kami ng main door ng rest house.

"Bakit sarado?" takang tanong ko sabay harap sa kanila.

"Tulak mo. Bukas 'yan. Nakakawang nga oh!" sagot ni Kinley sabay turo sa kaunting kawang ng pinto.

"Kayo na lang! Lagi na lang ako." reklamo ko.

"Hay naku! Sige na buksan mo na kung ayaw mong abutin tayo ng bagong taon dito sa labas." tugon ulit ni Alvin at dahil mukhang hindi talaga nila ako titigilan, ginawa ko na lang yung sinasabi nila.

Dahan dahan kong itinulak ang pinto hanggang sa lumaki ang pagkakabukas. Maingat akong naglakad papasok pero wala akong makita dahil madilim ang loob ng bahay. Nakasunod naman sila sa'kin.

"Oh nasaan na 'yon? Bakit parang wala namang tao dito?" kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko para ilawan ang paligid. Kahit nakabukas na yung pinto, medyo madilim pa rin dito sa loob dahil natatakpan ng mga puno at malalaking dahon ang liwanag ng araw na dapat dito tatama.

Halos napapalibutan kasi ng mga malalaking puno ang rest house na 'to kaya hindi masyado natatamaan ng sikat ng araw.

Nang makuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko, bubuksan ko na sana 'yon para iturn-on ang flashlight nang biglang bumukas ang ilaw at lumiwanag ang buong paligid.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko at hindi ko alam kung paano ako magrereact dahil ramdam kong biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Gulat akong pinagmasdan ang paligid.

Nagkalat ang iba't-ibang shape ng balloons sa sahig pero mas marami ang hugis puso na balloon tapos sa loob nun, naaaninag ko ang mga ibat-ibang kulay ng papel na nakaroll. Isang papel sa kada isang lobo.

Napakarami ring mga chocolates na nakakalat sa maliit na mesa at bawat chocolate ay merong nakadikit na stolen pictures naming dalawa ni Francis na malamang ay mga kaibigan namin ang kumuha. Natulala ako sa lahat ng nakikita ko...

"Yiiiiiiiiiiiiiiieeeeeeeee!!!"

Bumalik lang ako sa katinuan nang marinig ko ang hiwayan ng mga kaibigan ko at napalingon pa ako sa kanila dahil dun pero hindi inaasahan ang makikita ko...

Nakakagulat

Masaya sa pakiramdam at feeling ko anytime tutulo na ang luha ko nang makita ko siyang nakangiti sa'kin habang hawak ang cake na may nakasulat na 'Can you be my girlfriend?'

Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib to the point na hindi ko alam kung paano at ano ang isasagot ko. Ramdam kong nangangatal na ang mga kamay ko kaya pinilit kong itago yun sa likuran ko para hindi nila mapansin.

Hindi ko alam kung pag-iisipan ko pa ba ang isasagot ko o bahala na kung anong lalabas sa bibig ko.

Parang ngayon gusto ko ulit tanungin ang sarili ko kung gusto ko na ba siya... Pero sa tingin ko ay hindi na kailangan dahil alam ko naman na ang sagot.

Dahan dahan akong tumango saka ngumiti habang nakatingin sa kaniya ng diretso. Hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko. Basta ang alam ko lang ay masaya ako sa mga nangyayari ngayon.

Mas lalong lumakas ang hiyawan nila at halos magsitalunan pa dahil sa kilig. Hindi ko naman napigilan matawa dahil sa mga reaction nila.

"May lovebirds na sa barkada!!!" sigaw ni Christian kaya imbes na tumuloy yung luha ko sa pagtulo, lalo lang akong natawa.

Nagtaka ako nang lumingon si Francis kay Kinley at iabot dito ang cake na hawak niya at halos hindi ako mahinga dahil sa sobrang gulat nang bigla niya akong yakapin.

"Awwww! Speechless." tugon ni Elle.

"Sweet!!!" dagdag naman ni Alvin.

Hindi ako makagalaw dahil sa higpit ng yakap niya. Ramdam ko rin yung kabog ng dibdib niya, halatang kinakabahan din siya.

"Thank you!" rinig kong bulong ni Francis sa tenga ko habang nakayakap sa'kin. Bahagya lang akong tumango dahil wala akong lakas ng loob para magsalita. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko kaya niyakap ko na lang din siya pabalik.

Ilang segundo pa ang lumipas bago siya kumalas sa yakap namin at pagtingin ko sa mukha niya, napansin ko agad ang pangingilid ng luha sa mga mata niya.

Nginitian ko munasiya ng malaki bago ako nagsalita.

"Alam mo ang daya mo." marahang sabi ko na ipinagtaka niya.

"Anong madaya dun?"

"Sabi mo maglilinis ka lang pero ano tooo???"

"Ah, haha! Kasi kahapon pa ako nakapaglinis dito. Katulong ko silang lahat. Pati yung pag-aayos nito. Sinabi ko lang sa'yo na maglilinis lang ako ng pagtatambayan natin para ako yung mauna dito tsaka syempre, para na rin hindi ka makahalata." paliwanag niya sabay kindat.

"Alvin???!!! Ang galing mo rin. Hahaha may patanong tanong ka pa kung dito na ba yung rest house nila, alam mo naman na pala dahil galing ka dito kahapon." kunwaring bulyaw ko kay Alvin.

"Sorry na sissy. Syempre ang alam mo hindi pa ako nakapunta dito kaya kailangan ko umacting. Hehehe"

Tinawanan ko lang siya saka ibinalik ko ulit kay Francis ang tingin ko. Umupo siya sa sofa at sumenyas na tumabi ako sa kaniya kaya sumunod naman ako.

Naglibot naman sa buong bahay ang mga kaibigan namin at naghanap ng pwedeng butingtingin. Nakasarado yung kwarto kaya hanggang salas, kusina at labas lang sila. Bukod dun, alam rin naman nila na hindi sila pwede pumasok sa kwarto.

Hindi naman kalakihan yung rest house nila. Tamang tambayan at pahingahan lang talaga...

Tumingin ako sa baba at pinulot ang isang lobo na malapit sa may paanan ko saka pinagmasdan 'yon.

"May message 'yan sa loob" rinig kong sabi ni Francis at napangiti naman ako.

"Pwede ko na bang basahin?" tanong ko sabay tingin sa kaniya.

"Oo naman. Sige, basahin mo sa harap ko. Hehe"

"Sa bahay ko na pala babasahin. Nahihiya ako pag dito ko pa binasa. Baka marinig nila yung message mo para sa'kin."

"Sabagay. Oo nga. Para sa'yo 'yan kaya dapat ikaw lang ang makaalam lahat ng nakasulat diyan."

"Yung mga picture. Hahaha. Hindi ko alam na palihim pala nila tayong pinipicturan." natatawang ko sabi ko sabay kuha ng isang chocolate na nakapatong sa maliit na mesa saka tinignan yung picture naming dalawa na nakadikit dun. Eto yung time na magkatabi kaming nagkaupo sa plaza habang nagkukwentuhan. Kitang kita pa sa picture yung hawak kong softdrinks.

"Actually hindi ko alam na pinipicturan pala nila tayo. Nalaman ko lang nung minsang hiramin ko ang phone ni Julie dahil gusto kong makita yung ibang pictures mo nakasave sa phone niya. Dun ko nakita yung mga stolen pictures natin na magkasama. Sinabi ko yun sa kaniya at sabi niya, hindi lang daw siya ang kumukuha ng picture satin. Lahat ng kaibigan natin ginagawa yun kaya imbes na pagalitan ko sila, sinabi ko na ipagpatuloy na lang nila dahil naisip kong magagamit ko 'yon kapag sinurprise kita." mahabang paliwanag niya na lalong ikinatuwa ko.

"Salamat. Sobrang napasaya mo'ko" nakangiti pang tugon ko.

Hindi siya sumagot at tinitigan niya lang  ako habang nakangiti kaya naman nakaramdam na naman ako ng pagkailang.

Agad kong inalis ang tingin ko sa kaniya saka kunwaring inilibot ang paningin ko sa buong paligid ng rest house nila... Ayokong mapansin niyang naiilang ako sa mga tingin niya.

Ilang minuto pa ang lumipas bago siya muling nagsalita.

"Hindi ko akalaing aabot sa ganito. Nung una kasi, gusto ko lang talaga mapalapit sa'yo kasi ikaw lang sa buong barkada natin ang hindi ko gaano nakakasama. Nakakausap naman kita pero hindi ganun kadalas." nilingon ko siya pagkatapos niyang sabihin yun.

"Pero dahil sa kagustuhan kong mapalapit sa'yo, hindi ko naman akalaing magkakagusto ako sa'yo." nakangiti pa rin siya habang nagsasalita at nakatitig pa sa mga mata ko na para bang nakikita niya sa mata ko ang past.

"Ang bilis nga ng pangyayari eh. Parang kahapon lang nung tango at iling lang ang response natin sa isa't-isa. Hahaha" sagot ko naman sa kaniya.

Naalala ko dati na magkakaron lang kami ng conversation kapag may itatanong kami sa isa't-isa or may importanteng sasabihin. Hanggang dun lang yung closeness namin pero dati yun. Dahil ngayon, boyfriend ko na siya. Hakhak!

"Oo nga eh. Hehe. Pero ewan ko rin ba kung bakit ngayon ko lang naisipan na gumawa ng paraan para mapalapit sa'yo samantalang ilang taon na rin tayong magkakaibigan. Feeling ko tuloy matagal na kitang crush kaya nahihiya lang ako sa'yo noon at ngayon ko lang narealize. Hahaha!"

"Kung ganun pala edi matagal na rin kitang crush dahil hindi ko kailanman na naisip na  gumawa rin ng paraan para maging close tayo. Hahaha! Pero pwede rin namang hindi lang talaga tayo interesado sa isa't-isa noon." natatawang tugon ko.

"Pwede rin. Kasi kung crush mo ang isang tao, hindi ka magdadalwang isip na magpapansin sa kaniya. Kung hindi man maging kayo, kahit maging magkaibigan man lang okay na." tatango-tangong sabi niya.

Hindi naman na ako sumagot at tinanguan na lang din siya.

"Aamin na nga ako. Hehe ang totoo, hinintay lang talaga kita mag-18 para nasa legal age kana kapag naging tayo na." napangiti ulit ako sa sinabi niya dahil naalala ko yung time na nalaman na ng parents ko na nililigawan niya ako.

"Hinintay mo pala ako. Sana sinabi mo para alam kong may naghihintay sa'kin. Paano pala kung may nauna sa'yong nanligaw sa'kin tapos nagkagusto rin ako sa kaniya at sinagot ko siya. Parang naghintay ka lang sa wala at siguradong masasaktan ka lang kasi naunahan ka dahil hindi ako aware na naghihintay ka sa'kin." ngumisi lang siya sa sinabi ko na parang kampante siya na siya lang talaga yung naghintay sa'kin.

"Bago ako naghintay sa'yo, sinigurado ko munang wala akong kaagaw. Haha" pati ako natawa na rin at hindi nakasagot dahil sa sinabi niya. Tama ako. Kampante nga siya. Haha!

"Nagugutom kana ba? May mga pagkain sa kusina. Pwede natin lutuin yun."

Tumango lang ako at hinayaan siyang alalayan akong tumayo at maglakad papuntang kusina. Nasa kusina na rin pala silang lahat habang masayang nagkukwentuhan at nagtatawanan.

Nagulat pa ako nang sabay-sabay silang pumalakpak nang makita nila kaming dalawa ni Francis. Nagsimula na naman silang asarin kami at wala akong nagawa kundi ang tumawa na lang.

*★*★*★*★*★*★*★*★*★*★*

[ Thank you po sa lahat ng readers. GOD BLESS YOU ALL :* :) ]

Next chapter