webnovel

Chapter 11

Chapter 11

Pagkatapos namin magluto, kumain at magkwentuhan ng ilang oras ay nag-ayos na rin kami dahil hapon na at kailangan na namin umuwi.

Nanghingi ako ng malaking plastic kay Francis para paglalagyan ko ng mga chocolates at balloons na galing din sa kaniya. Kinailangan namin pasingawin muna yung mga balloons para madala ko. Hindi kasi magkakasya sa plastic kung may hangin lahat yun. Tsaka sinabi ko naman kay Francis na yung message naman sa loob ang importante at hindi yung hangin ng lobo. Sa bahay ko na lang ulit papahanginan lahat para may pandisplay ako sa kwarto ko.

Kinain na rin namin kanina yung cake para hindi ko na bitbitin pauwi tsaka para dagdag din sa meryenda namin.

Nilinis muna namin lahat ng kalat bago kami lumabas at hinintay si Francis na ilock ang lahat ng dapat ilock sa rest house nila.

"Tara na!" yaya niya matapos lagyan ng kandado yung gate nila. Sumakay na siya sa motor niya saka ako umangkas.

Naunang umalis si Kinley na sinundan naman ni Christian tapos nasa hulihan kami ni Francis.

"Nag-enjoy kaba?" rinig kong tanong niya at napangiti naman ako.

"Syempre naman. Hehe! Salamat. Magaling magsurprise ha."

"Magaling din ako magpakilig." gusto kong silipin kung anong expresyon ng mukha niya matapos niyang sabihin yun pero hindi pwede. Baka mawala pa ang focus niya sa pagdadrive at madisgrasya kami kapag tumingin ako sa mismong mukha niya. Haha

"Ewan ko lang. Hehe" pabirong sagot ko.

"Wag kang ano. Nakikita ko sa side mirror na namumula ka. Haha" nakikita niya? Waaaaah, hala! pasimple akong tumingin sa side mirror ng motor niya at kitang-kita kong namumula na nga ang mukha ko kaya dahan-dahan akong tumungo dahil sa hiya.

"Okay lang 'yan. Hahahaha! Love naman kita"

Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa narinig ko. Eto yung first time na sinabi niya yun at hindi ako sanaaaaay.

Pakiramdam ko lalong akong namula at hindi na makatingin sa kaniya kahit nakatalikod naman siya sa'kin dahil alam kong makikita niya na naman ako sa side mirror.

Hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti ng todo. Hindi ko rin maitanggi na kinikilig ako. Waaaaaaaah!

Anong sasabihin koooooo???

Sabihin ko rin kaya sa kaniya yung sinabi niya sa'kin?

Love ko rin siya???

Huwaaaaaaaah! Ayoko!!! Nakokornihan ako -____-

Hindi na lang ako umimik kahit naririnig ko ang mahinang tawa niya. Nanatili lang akong nakatungo at hinintay na makarating kami sa harap ng bahay namin.

"Nandito na tayo sa tapat ng bahay niyo Love, baba na."

Ewan ko kung seryoso ba siya sa sinasabi niyang 'love' o nang-aasar lang siya. Halata kasi na nagpipigil lang siya ng tawa.

Inangat ko ang ulo ko at nakita kong nasa harap na nga kami ng gate ng bahay namin. Wala na rin yung mga kaibigan namin. Hindi ko namalayang nagkahiwa hiwalay na pala kami ng direksyon.

Bumaba na ako sa motor saka natatawang tumingin sa kaniya. "Salamat."

"Basahin mo yung mga message sa balloons ha. Marami yun, baka abutin ka ng madaling araw kapag binasa mo lahat. Pero wag ka magpupuyat. Matulog ka ng maaga. Pwede namang bukas mo na lang basahin yung iba kung hindi mo matatapos ngayon." nakangiting sabi niya.

Tumango lang ako saka nginitian din siya.

"Nod lang? Gusto ko marinig boses mo bago ako umuwi."

"Hahahaha. Oo na. Sige na. Mag-ingat ka sa pag-uwi." nasabi ko na lang.

"Bye. Love you." walang boses na lumabas sa bibig niya pero alam kong 'yon' ang sinabi niya base sa buka ng labi niya.

Magsasalita pa sana ako kaso binuhay niya na yung motor niya at nagpaalam na aalis na saka nagmaneho palayo.

Sayang, hindi niya narinig yung... Ah basta. Hihi!

Maharot kana Jestine! -_-

Pagpasok ko sa loob ng bahay, si Mama agad yung una kong nakita. "Ano 'yan?" tanong niya sabay turo sa malaking plastic na dala ko na pinaglalagyan ng mga chocolates and message.

"Kung ano-ano lang Ma."

"Galing kay???" nanunuksong tanong ng nanay ko. Halata kasi sa expresyon ng mukha at tono ng pananalita niya.

"Hehehe." nahihiya ako Maaaaa!

"Magbihis kana. Tapos bukas yayain mo siya dito magdinner." nagulat ako sa sinabi ni Mama. Alam niya na kaya? Pero paano eh kanina lang naging kami ni Francis? Ang bilis niya naman makasagap ng balita.

"Bakit ko naman yun yayayain?" nakangusong tanong ko.

"Diba boyfriend mo na yun? Nakita ko post ng mga kaibigan mo. Andami niyo palang picture?"

Akalain mo nga namang nakapagpost agad yung mga yun? Hanep naman.

"Bahala na po bukas. Hehehehehehe"

"Wag na pala muna bukas. Sa sabado na lang sa lunch. Para hindi naman gabi."

"Sige Ma..."

Tumango lang si Mama at nagpaalam naman na ako na magbibihis muna.

Pagpasok ko sa kwarto, dali-dali akong nagpalit ng damit dahil excited akong mabasa yung mga nakasulat sa papel na nasa loob ng mga balloons.

Ibinubo ko sa sahig lahat ng laman nung malaking plastic na dala ko at inipon lahat ng mga balloons sa isang tabi saka ko pinagkukuha ang mga nakaroll na papel na nasa loob nun.

Nang makuha lahat ng papel, umupo na ako sa kama ko at nag-umpisa basahin lahat ng mga nakasulat dun.

Kumuha ako ng isa at saka ko dahan-dahang binuklat. Ewan ko ba kung bakit hindi ko pa naman nababasa yung nakasulat pero alam kong kinikilig na ako. Hihi. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti ng todo habang binubuklat ko ang papel na hawak ko.

'Alam kong marami nang nakapagsabi sa'yo na maganda ka pero gusto ko pa rin sabihin na SOBRANG GANDA mo sa paningin ko. Isa yun sa dahilan kung bakit kita nilagawan.'

Lalo pa akong kinilig dahil sa nabasa ko. Hanubayan! Sunod kong dinampot at binuklat yung isa pang papel.

'Kung nababasa mo man 'to ngayon, alam kong girlfriend na kita dahil nakuha ko na ang matamis mong 'Oo'. Thank you :) '

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya sunod-sunod ko nang binuksan ang mga papel.

'Hinintay talaga kita mag18 para legal. Hehehe'

'Gusto kong malaman mo na MAHAL NA KITA! At araw-araw kong ipapaalam yun sa'yo kahit alam mo na.'

'Thank you sa chance na binigay mo sa'kin para patunayan ko ang sarili ko sa'yo'

'Sobrang swerte ko dahil naging magkaibigan muna tayo. Kahit hindi naman ganun kaclose. Atleast friends tayo.'

'Mag-iingat ka palagi ha!'

'Hindi ako magsasawang sunduin at ihatid ka sa inyo.'

'Alam kong hindi sa lahat ng oras magkausap tayo pero dahil akin kana, hanggat maaari at kaya, kahit busy tayo pareho. Gagawa ako ng paraan para makausap ka.'

'Hindi mo alam kung gaano mo'ko napapasaya tuwing makikita kita.'

'Alam mo bang malaki rin ang pasasalamat ko sa mga kaibigan natin dahil talagang tinulungan nila ako para mapalapit ako sa'yo.'

'Wag mo pababayaan sarili mo ha! Lagot ka sa'kin.'

'Oo nga pala, gusto ka ni Mama para sa'kin. Sobrang boto siya sa'yo. Hahaha Lagi nga nagpapakuwento 'yon eh.'

'Kapag kailangan mo'ko, tawag ka lang pupuntahan agad kita. Anytime rin pwede ka dumalaw sa bahay. Ipagluluto pa kita.'

'Mag-aral ka ng mabuti. Kung gusto mo sabay tayong mag-aral para masaya. Hehe'

'Kumain ka sa oras tsaka wag kana mahiya sa'kin kapag nililibre kita. Hahaha'

'Alam kong hindi ka naman mahilig magpuyat pero bibilinan pa rin kita. Wag ka magpuyat!'

Binuksan ko lahat ng papel at binasa ang mga nakasulat dun hanggang sa hindi ko na namalayan na dinner na pala.

Tinabi ko na lahat ng letters, balloon at chocolates na binigay ni Francis. Naglabas naman ako ilang pirasong chocolate para ilagay sa ref namin.

Paglabas ko ng kwarto dumiretso agad ako sa kusina at saktong naghahain na ng panghapunan si Mama.

"Tawagin mo na ang Papa at Kuya mo. Kakain na tayo." bungad agad sa'kin ni Mama nang makita niya ako. Tinanguan ko lang siya saka pumunta sa sala at niyaya sila Kuya na kumain.

★★★

Kinabukasan.

Nagising ako sa ring ng cellphone ko. Dali-dali ko yun kinapa sa ilalim ng unan para tingnan kung sinong tumatawag.

Napangiti ako nang makita ang pangalan niya sa screen ng phone ko kaya agad kong sinagot ang tawag...

"Hello?"

[Goodmorning. Kagigising mo lang?]

"Goodmorning din... Oo kagigising ko lang. Hehe"

[Walang pasok ngayon. May bisita ang School. Matulog ka ulit.]

Parang nawala yung antok ko nang marinig kong wala kaming pasok. Hindi ko alam kung matutuwa ako or malulungkot. Siguro natutuwa ako na wala kaming pasok pero parang mas lamang yung lungkot dahil hindi ko siya makikita. Huhu

[Hellooo?]

"Oy?"

[Sabi ko matulog ka ulit.]

"Eh nawala na yung antok ko."

[Magbreakfast kana.]

"Maya-maya. Ikaw ba, nagbreakfast na?"

[Tapos na po. Hehe Nabasa mo ba lahat ng message ko sa'yo?]

"Ah oo. Salamat."

[Nagustuhan mo ba? Kinilig kaba?]

Bigla na namang bumilis ang tibok ng dibdib ko dahil sa magkasunod na tanong niya.

"Oo naman. Hehe"

[Sus! Parang hindi naman.]

"Nagustuhan ko nga. Haha Promise! Naappreciate ko talaga."

[Oo na. Hahahaha. Binibiro lang kita.]

"Bal-------"

"BLAAAAAAAAAAAAAAAG!"

Muntik ko nang maitapon ang cellphone ko sa sobrang gulat. Pagtingin ko sa may pintuan, nakita ko si Kuya at dahil ginulat niya ako, sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ba?????????!!!!!" inis na sigaw ko.

"Bumangon kana diyan. Samahan mo'ko. Hindi pa naghihilamos, landi agad inuuna." sasagot pa sana ako pero umalis na agad siya.

"Nakakainis!"

[Hello???! Ano yun?]

"Ah wala. Yung abnormal ko lang namang Kuya."

[Sige na. Kumain kana muna. Tatawag na lang ulit ako mamaya...]

"S-sige"

[Bye Love...]

Hindi na ako nakasagot pa dahil namatay na ang tawag. Nakakaasar naman kasi si Kuya! Tss. Magpapasama lang, nagdadabog pa.

★★★

"Ano bang bibilhin mo dito?" tanong ko kay Kuya habang abala siya sa pagtingin ng mga product na nadadaanan namin.

"Wala lang. Dun tayo sa mga school supply" turo niya sa kabilang part ng mall saka mabilis na naglakad. Bwisit nga eh dahil iniwan pa ako. Grrrr

"Jestine!!!"

Nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin kung sino yung tumawag sa'kin. Paglingon ko sa likod, nagulat ako dahil si Christian at Elle lang pala. Hindi na ako magtataka kung bakit magkasama na naman sila. Simula nung magbreak si Christian at yung girlfriend niya, lagi na lang si Elle ang kasama niya.

Tumakbo sila papalapit sa'kin kaya napangiti ako dahil ang cute nilang dalawa habang tumatakbo. Hahaha

"Ano ginagawa niyo dito?" nakangiti kong tanong nang makalapit sila sa'kin.

"Walang pasok eh. Kaya gala muna haha. Ikaw ano ginagawa mo dito?" tanong ni Elle.

"Sinamahan ko yung abnormal kong Kuya."

"Oh eh nasan siya?" tanong naman ni Christian

"Bibili raw ng School supply eh." tugon saka dahan-dahang naglakad papunta sa store na pinasukan ni Kuya kanina. Sumabay naman sa'kin sa paglalakad yung dalawa.

"Alam ba ni Francis na nandito ka?"

"Oo. Nagpaalam ako sa kaniya kanina bago kami umalis ni Kuya."

After ko magbreakfast kanina, nagtext ako kay Francis na may pupuntahan kami ni Kuya Jelo. Hindi siya nagreply pero tumawag naman siya bago pa kami makaalis. Wala naman na siyang ibang sinabi o bilin kundi mag-ingat daw ako. Hehe

"Woy! Nakabili na ako ng kailangan ko. Uwi na tayo." biglang singit ni Kuya. Hindi ko namalayan na nasa tabi na pala namin siya dahil kay Elle at Christian ako nakaharap.

Magpapaalam na sana ako sa kanilang dalawa na uuwi na kami pero biglang nagsalita si Christian. "Mamaya kana umuwi. Sama ka muna sa'min."

Lumingon ako kay Kuya para magpaalam sana pero hindi pa man ako nagsasalita, tumango na agad siya. Hindi ko napigilang ngumiti ng pagkalapad-lapad.

"Kaya mo ba umuwi mag-isa?" natatawa kong tanong. Kumunot naman ang noo niya.

"Mang-aasar kapa? Sige wag kana sumama. Uwi na tayo." naiinis na sabi ni Kuya kaya pinigilan kong tumawa dahil baka nga kaladkarin niya ako pauwi sa bahay. Haha

"Joke lang. Hehe! Sige na uwi kana. Ingat" kumaway kaway pa ako sa harap niya kahit hindi pa naman siya umaalis.

"Umuwi ka kaagad ha!" bilin niya saka unti-unti tumalikod sa'min at naglakad paalis.

Sinundan ko pa ng tingin si Kuya hanggang sa hindi ko na siya matanaw saka aki humarap ulit kila Elle.

"Saan tayo?" nakangiting tanong ko sa kanila.

"Kahit saan. Hahaha" tawa ni Elle at nagsimula na kami maglakad-lakad.

"Akalain mo 'yon, nagkamali sa'yo si Francisco. Hahaha!" nilingon ko si Christian saka sinamaan ng tingin dahil nang-aasar na naman siya. Ibang klase pa tumawa. Hay naku!

"Ha ha ha ha happy???" tumigil na siya sa pagtawa pero halatang nagpipigil lang siya kaya hinayaan ko na lang at ibinalik ang tingin sa nilalakaran ko.

"Nako sis yaan mo na 'yan. Palibhasa iniwan. Hahahahaha!" singit ni Elle at hindi ko napigilang matawa dahil mas nakakaasar yung tawa niya. Hahaha

Nung tingnan ko ang reaksyon ni Christian, pokerface lang siyang nakatingin sa'min ni Elle kaya lalo kaming natawa.

"HAHAHAHAHAHA Bars!" banat ko naman sabay turo sa mukha niya.

"Edi wow! Kala niyo ha!" nangusong sagot niya sabay liko sa kabilang direksyon ng mall at naglakad ng mabilis dahilan para maiwan kami ni Elle tatawa-tawa pa rin.

"Hoy! Jowk lang. Hahaha pikon!" sigaw ni Elle sabay habol kay Christian kaya pati ako napatakbo na para mahabol sila.

"Wag kang pikon Tol!" natatawang sabi Elle sabay tapik sa balikat ni Christian.

"Sinong pikon? Hahaha" hamon niya naman kay Elle. Gusto ko silang tawanan dalawa dahil mukha silang ewan dito sa gitna ng mall.

Nang-asaran pa sila at nasa likod naman nila ako habang pinagtatawan silang dalawa.

Maya-maya pa tumigil na sa pagtawa si Elle. "Wait lang guys. Naccr ako. Dito muna kayo." paalam niya. Tinanguan lang namin siya ni Christian bago siya umalis para pumunta ng c.r.

Sabay naman kaming naglakad ni Christian papunta sa isang gilid dahil nasa gitna kami at maraming taong dumadaan na nahaharangan namin.

"Kamusta ka?" nakangiting tanong ko kay Christian nang makarating kami sa isang gilid.

"Okay naman."

"I mean yung puso mo. Haha mukhang masaya kana ah!"

"Syempre may nagpapasaya. Hahaha" bahagya pang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Sino kayang nagpapasayang tinutukoy niya? At dahil nacurious ako, tiningnan ko siya ng nagtatakang tingin na may halong pang-aasar.

"Hulaan mo kung sino." nakangising sabi niya kaya naman napaisip ako kung sinong tinutukoy niya.

Wala naman akong napapansin sa kaniya na madalas niyang kausap sa phone. Wala rin siyang nababanggit sa'min. Tsaka nitong mga nakaraang araw, parang hindi na rin siya masyadong malungkot kung titingnan. Lakas na nga ulit pang-asar eh. Kaya napapaisip kung sinong tinutukoy niya. Wala akong ibang maisip na pwedeng maging dahilan para sumaya siya at madaling makamove on...

Wala rin naman siyang ipinapakilala sa'min or dinadalang bagong kakilala kapag may mga mga lakad kaming magkakaibigan.

Maliban na lang kung.....

Kaibigan na mismo namin yung tinutukoy niya.

"Mukhang kilala ko na. Hehe"

"Nung mga oras na kailangan ko ng karamay, hindi niya ako iniwan. Mula pag-gising ko sa umaga, isang text message ang natatanggap ko mula sa kaniya na nagpapaalalang marami pang mas mahahalagang bagay na masayang pagtuunan ng pansin at mas worth it iyakan... Akala niyo ba babae lang ang umiiyak kapag nasasaktan? Syempre kami rin. Tao rin naman kami. Nasasaktan din. Haha kacornihan pero totoo."

Nakatitig lang ako kay Christian habang nagkukwento siya. Nakikita ko rin sa mata niya na masaya na nga siya at parang kinikilig pa kaya hindi ko naiwasang mapangiti.

"Hanggang sa pagtulog ko hindi siya nakakalimot. Haha! Ewan ko ba dun. Minsan nga natatawa na lang ako sa mga pinaggagagawa niya dahil para na siyang nanay ko kung magbigay ng mga bilin. Broken lang naman ako pero parang ang tingin niya sa'kin eh nagkaron ng malubhang sakit. Hahahahaha! Pagsabihan mo nga 'yang kaibigan mo na 'yan."

"Hahaha. Ganun talaga yun si Elle. Pasalamat na lang tayo dahil naging kaibigan natin siya at sobrang swerte natin sa kaniya kahit pa sukdulan ang kahibangan nun sa mga idol niya."

"Malaki nga pasasalamat ko dun dahil never niya ako iniwan. Lagi siyang nandiyan, may kailangan man o wala." kwento niya pa sabay ngiti.

"Mabuting kaibigan yun. Wala kang problema sa kaniya basta suportahan mo lang siya sa mga gusto niya sa buhay. Hahahaha" at nagtawanan pa kami ni Christian habang inaalala at pinagkukwentuhan ang mga kabaliwan ng kaibigan naming si Elle.

"Hindi ko nga alam kung natutulog pa yun dahil nung mga panahon na lugmok na lugmok talaga ako, halos hindi ako makatulog at inaabot pa ako ng madaling araw. Syempre para magpaantok at maglibang, nag-oonline ako para magbasa basa ng kung ano-ano sa social media tapos magugulat na lang ako dahil bigla siyang magchachat kahit alas tres na ng madaling araw. Nagtataka ako kung bakit gising pa siya ng ganung oras. Hanggang sa sinabi niya na nanunuod daw siya ng mga video ng asawa. Hahaha! Nung una nagulat pa ako at napaisip nung sinabi niyang may asawa na siya dahil hindi ko alam ang tungkol dun tapos yun pala, megathrone lang ang tinutukoy niya. Haha" natatawang kwento pa niya.

"Hahaha. Hindi kana nasanay dun. Pero kahit ganun yun, worth it siyang maging kaibigan."

"Alam ko naman yun. Kaya nga bestfriend na turing ko dun eh. Kahit abnormal madalas."

Tumawa lang ako habang tatango-tangong nakatingin sa kaniya. Sang-ayon ako sa mga sinasabi niya dahil totoo namang abnormal talaga si Elle.

Ilang saglit pa nang bigla siyang tumigil sa pagtawa kaya napatigil na rin ako. "Teka! Antagal naman ata nun mag-c.r." kunot niyang sabi.

Napansin kong kanina pa nga siya umalis at hindi pa bumabalik. "Oo nga. San naman kaya nagpunta yun?"

"Dito ka lang muna ha. Sundan ko lang siya." tumango lang ako saka siya umalis para sundan si Elle.

Habang naghihintay, napalingon ako sa isang boutique na malapit sa kinatatayuan ko. Dahan-dahan akong naglakad palapit doon. Gusto ko magtingin-tingin ng mga paninda habang hinihintay sila para hindi ako maboring...

Pero hindi pa man ako nakakalapit dun sa boutique, may isang lalaking matangkad ang nakaagaw ng atensyon ko. Naglalakad siya papasalubong sa'kin habang nakatungo at nagcecellphone. Saglit ko siyang tinitigan dahil parang pamilyar siya. Feeling ko nakita ko na 'to somewhere.

"Gio!!!"

Nagulat ako nang bigla niyang iangat ang ulo niya at tumingin sa direksyon ko saka kumaway kaya napalingon ako sa likuran ko at nakita ko ang isa pang lalaki na kumakaway din.

"Madapa ka sana hinayupak ka!!!" sabi nung lalaking sumigaw ng Gio nung makalapit sa kaniya yung tinawag niya.

"Naglalaro ako eh. Pokemon Go." sagot naman nung Gio sabay dutdot ulit ng cellphone niya saka inilibot sa paligid na parang may hinahanap. Mukhang ewan. Hahaha gwapo sana.

Hindi ko na hinintay pa yung mga susunod na usapan nila at tumuloy na lang ako sa paglalakad hangang sa marating ko ang boutique na tinatanaw ko kanina.

***

"Uy salamat ha! Mag-iingat kayo sa pag-uwi." sabi ko sa kanilang dalawa pagkababa sa motor. Tumango lang si Christian habang nakangiti namang kumakaway kaway sa'kin si Elle. "Thank you rin sa pagsama sa'min. Next time ulit".

"Sige. Hehe" ngiti lang ang isinagot nila saka pinaandar ulit ni Christian ang motor niya at umalis.

Kanina nung mahanap ni Christian si Elle, nagyaya silang kumain muna saka umuwi na rin pagkatapos. Nagtingin lang pala si Elle ng merchandise ng idol niya kaya siya natagalan bumalik. Kung hindi pa siya pinuntan ni Christian, hindi pa siya babalik. Baliw talaga. Tsk!

Pumasok na ako sa loob tsaka dumiretso agad sa kwarto. 10am pa lang naman kaya makakapagpahinga pa ako bago maglunch. Tuesday na ngayon kaya may pasok sa trabaho sina Mama at Papa. Si Papa nasa barangay, si Mama naman nagtuturo kaya kaming dalawa lang ni Kuya ang tao dito sa bahay.

Nagpalit na ako ng damit pambahay saka sumalpak sa kama at kinuha ang cellphone ko. Mag-oonline muna ako.

Pag open ko ng Facebook account ko, mga pictures agad naming tatlo nina Elle at Christian ang bumungad sa news feed ko na kuha kanina sa mall tsaka nung naghihintay ng pagkain na inorder namin.

Magcocomment pa sana ako nang biglang magpop up yung chat head ng messenger.

Nagchat si Kinley.

Pinindot ko yun para tingnan kung anong sinabi niya.

McKinley Soriano

"Gumala pala kayo ha!"

Me:

"Biglaan lang" reply ko.

McKinley Soriano

"Lahat naman biglaan."

Napakunot ako ng noo nang mabasa ko ang reply niya. Bakit parang seryoso siya?.

Me:

"May problema ka ba?" tanong ko.

McKinley Soriano

"Wala... Kasi totoo naman. Halos lahat biglaan. Kadalasan nangyayari ang mga bagay kung kelan hindi mo inaasahan."

Me:

"Hoy! Andami mong alam. Hahaha!"

McKinley Soriano

"HAHAHA! Joke lang. Pero may tanong ako."

Me:

"Ano yun?"

McKinley Soriano

"Bakit kaya kung alin yung mga bagay na gusto natin, yun ang hindi natin nakukuha? At ang worst dun, napupunta pa sa iba"

Hindi ko alam kung anong tinutukoy  ni Kinley. Malakas ang kutob ko na may problema siya. Para kasing sobrang seryoso niya ngayon kahit sa chat ko lang siya kausap. Hindi naman siya ganyan eh.

Halos 2minutes pa ang lumipas bago ako makaisip ng isasagot sa tanong niya dahilan para hindi ko agad siya nareplayan at ngayon may naisip na ako.

Me:

"Siguro kasi may mga bagay na kahit gusto natin, kung hindi yun nakalaan para sa'tin kahit anong gawin natin hindi natin yun makukuha dahil may mga bagay rin na talagang nakalaan para sa atin. Ang dapat lang nating gawin eh hintaying dumating kung ano yung nakalaan sa'tin."

McKinley Soriano

"Eh anong purpose ng effort? Diba sabi nila, kapag gusto mo ang isang bagay kailangan mo mag-effort para makuha yun."

Napaisip naman ako sa sinabi niya. May point siya. Kailangan ng effort para makuha natin ang mga gusto natin.

Me:

"Oo nga. Pero para malaman kung para sa atin nga iyon, kahit hindi tayo mag-effort, kahit maghintay lang tayo kusang mapupunta sa atin kung ano man ang bagay na iyon. Pero minsan may mga bagay talaga na kailangan ng effort para makuha yung gusto natin. At makukuha lang natin yun kung nakalaan talaga para sa atin."

Ilang minuto pa akong naghintay bago siya sumagot.

McKinley Soriano

"Okay gets ko na. Haha! Nakakatampo lang kasi."

Me:

"Anong nakakatampo dun?" Takang tanong ko.

McKinley Soriano

"Yung dati ako lagi ang kasama niya, pero ngayon. Hahaha nevedmind"

Medyo matagal ko pang inisip kung sino yung tinutukoy niya. Lagi niya raw kasama? Dati? Tapos ngayon hindi na?. Hmmmm

Aha!

Magrereply na sana ako pero bigla ulit siyang nagchat.

McKinley Soriano

"Hoy! Baka isipin mo may gusto ako dun ha. Kasi wala naman. Sinasabi ko lang na dati ako yung lagi niyang kasama. Ngayon iba na ang lagi niyang kasama."

Bigla akong natawa ako sa sinabi niya ha. HAHAHA! Defensive.

Me:

"Defensive ka buddy"

McKinley Soriano

"Hindi naman. Hehe Baka lang kasi kung ano nang iniisip mo diyan."

Me:

"Alam mo, hayaan mo na muna si Elle. Mas kailangan siya ni Christian ngayon. Siguro kapag totally nakamove on na siya, ikaw na ulit ang sasamahan ni Elle. Hahaha"

McKinley Soriano

"Ewan ko sa'yo. Pinagtatawanan mo lang ako."

Me:

"Sorry naman. Nagdadrama ka kasi diyan eh."

McKinley Soriano

"Sige na. Haha bye na. May pupuntahan pa ako."

Me:

"Sige ingat."

Hindi na siya nagreply pagkatapos nun. Naglog-out na rin ako saka naglibot sa kwarto para maghanap ng pwedeng paglibangan pero naalala ko si Francis.

Tawagan ko kaya siya?

*★*★*★*★*★*★*★*★*★*★*

Next chapter