webnovel

Chasing Her Smile

Author: lyniar
Teen
Ongoing · 112.5K Views
  • 90 Chs
    Content
  • ratings
  • NO.200+
    SUPPORT
Synopsis

What if isang araw “housemate ” mo na pala ang taong naka destiny sayo? Anong gagawin mo? A. Basic lang, gaya ng sabi ng iba sundin ang sinisigaw ng puso mo. B. Hayaan ang destiny mismo ang gumalaw para sa inyong dalawa. C. Wag nalang maniwala na may itinadhana para sayo. Kung ang ugali naman ay kasumpa sumpa at higit sa lahat nakakairita at ang sarap ibaon ng buhay. D. Manahimik nalang at sumunod sa agos ng buhay pero magiging palaban para sa naka destiny sayo. E. Last and but not the least tatakbuhan mo ang taong naka tadhana sayo pero masasaktan ang pride mo dahil natutunan mo ng mahalin ang taong ito dahil nakilala mo na ito simula bata palang kayo. . . . Kung ikaw si Ricailee anong pipiliin mo? Halina’t basahin natin ang aso’t pusang istorya ng RiChase. Kung curious ka kung ano ang ibigsabihin ng RiChase basa ka na dahil maikli lang ang buhay kaya mag basa tayo at mag sulat ng short story. Malay mo makarelate ka. (:

Tags
3 tags
Chapter 1Prologue

"Ayoko na! Pagod na kong intindihin ang nakakainis mong pag uugali. Mas gusto ko pang pakisamahan ang mga daga kaysa sa gaya mong walang puso!"

Ako si Ricailee Villamor o kilala bilang Ricai pwede ring Rica depende sa closeness ng taong kausap ko. Isa akong dating accountant sa isang bangko pero dahil sa nangyari nung nakaraang linggo isa na ako ngayong kriminal well, hindi pa naman pero malapit na talaga akong makapatay dahil sa housemate ko.

"Sige umalis ka kung kaya mo basta ba ihanda mo ang 5Million mo bago ka umalis. Tandaan mo oras na umalis ka sa condo na ito ibigsabihin lang din nun na pumapayag ka ng mapasakin ito."

Siya naman si Chase Alcantara kabaliktaran ng pangalan niya ang taglay niyang karisma dahil imbes na sya ang humahabol sa mga kababaihan siya pa ang hinahabol ng mga nakakaawang babae. Hindi ko nga malaman kung bakit nagkakandarapa ang mga kababaihan sa kaniya eh isa lang naman siyang chef na hindi magaling magluto ginagamit niya lang yung charm niya para palaging makuha sa TV para sa cooking show pero sa totoo isa siyang tamad at puro kain nalang na chef.

"Okay fine! Do what you want aalis na ko."

Paalis na sana ako dahil sa uma pero bigla kong narinig ang kalansing ng mga susi "Try it kung kaya mong lumabas."

Kinapa ko yung susi ko sa bulsa ng aking short pero hindi ko makita "Chase! Akin na yang susi ko!"

Itinago niya sa bulsa ng pantalon niya yung susi ko "Bakit ko ibibigay sayo? Bakit bayad ka na ba sa 5M na utang ng pamilya mo sa pamilya ko?"

"Chase!!!"

Lumapit sakin si Chase at hinawakan ang dulo ng buhok ko "Mamaya sumama ka sakin uuwi tayo ng probinsiya."

Itinulak ko ang kamay niya "Ano? Alam mong hindi pwede dahil ang alam ng mga magulang ko ay nasa abroad ako."

"Hindi ko na problema yon basta sasama ka sa akin sa ayaw mo at sa gusto."

"CHASE!!!"

Simula bata palang ako kilala ko na si Chase dahil ang pamilya niya ang pinakamayaman sa barrio namin hawak nila ang buong mamayan ng Barrio de Espenzo sila rin ang bumibili ng mga lupain doon at tanging samin nalang ang hindi pa nila nabibili kaso sa hindi inaasahan kinailangan naming ibenta yung lupa ng grandparents ko sa halagang 2Million lang at hindi yun sumapat para sa operasyon at gamutan ni Papa at sa hindi inaasahan nasunugan pa kami kaya nabaon na kami sa utang.

At dahil nga sa pangyayaring yon ako ang pumasan ng problema ng pamilya ko kaya eto ako ngayon kailangang mag pa alila sa demonyong si Chase!

You May Also Like

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
4.7
303 Chs
Table of Contents
Volume 1 :Short Story