Nasa sala ng condo nila Chase ang mga bisita ni Ricai na si Tian-Tian at ang ibang kalalakihan na kasama nito.
Nag aapoy naman na sa galit si Chase habang nakamasid lang doon sa may kitchen "Boss, ayos lang po kayo?" Tanong ni Belj kay Chase na di maipinta ang mukha dahil masayang kausap ni Ricai si Tian- Tian pati na yung iba pang mga kalalakihan.
"Mukha ba kong okay? Kung ikaw ako? Makita mong may kasamang pulutong na kalalakihan ang girlfriend mo di ka sasabog sa galit?!"
"So— Sorry Boss."
"Ano? Alam mo na ba ang background ng Tian- Tian na yan?"
"Boss, private masyado ang impormasyon ng kaibigan ni Miss."
"What? Bakit sino ba ang tukmol na yan? Mas mayaman ba sya sakin? Mas sikat?"
"Umandar na naman ang pag ka fanatico nya sa sarili." Pabulong na sabi ni Belj.
"Narinig kita!"
"Ehhh... kasi naman Boss..."
"So ano nga?! Bakit di mo nakita ang background ng tukmol na yon?!"
"Actually Boss, may nalaman po talaga ko kaso baka di po kayo maniwala."
"Just say it!"
"."
Halos mag gagabi na ng umalis sila Tian-Tian kaya naman nag hihimutok na talaga sa galit itong si Chase.
"Um. See you tomorrow brader." Ang sabi ni Ricai na inihatid pa sa labas si Tian-Tian habang nakatingin sa bintana si Chase at tinatanaw sa baba ang mga ito.
Napatingin sa taas ng condo si Tian- Tian at nakita nya nga roon si Chase.
"Cutiepie, sigurado ka bang ayos ka lang na kasama ang Chase na yon?" Sumakay na sya sa kotse.
"Hmmm? Ah... Eh... Oo wag kang mag alala ayos lang ako wala syang gagawin saking masama dahil may..."
"May?"
"Ano... yung.... may usapan kami kasi nga boarder nya ako remember assistant nya ko."
"To be honest, wala akong tiwala sa mokong na yon kaya once na maka pag settle na ako dito mag resign ka na. Hindi ka pinagtapos ng pag aaral nila tita para lang maging alila."
Ricai sighed "brad, hindi nga ako alila, assistant! Okay?"
"Ah basta! Kukunin kita sa kaniya!"
"Haysss... sige na late na rin you need to rest kararating mo lang galing London mahaba ang binayahe mo kuya."
"Okay, basta bukas ipapasundo kita kay Eljo be ready, understand?"
"Yes Boss."
"Sige na mauna ka ng pumasok tsaka ako aalis."
"Um. Ingat kayo." She stepped back and wave sa mga kaibigan nya.
"Bye Rica!!!" Sabay-sabay sambit ng mga kalalakihang na naka sakay sa dalawa pang kotse na nasa likuran ng kotse ni Tian-Tian.
Ricai smiled and wave "Bye, bye ingat kayo mga brad." Then she left.
Bago naman paandarin ni Tian- Tian ang kotse nya tumingin muna sya sa taas ng condo pero di na nya doon na aninagan ang silhouette ni Chase.
"Boss, san po tayo?" Sambit nung isang lalaking nakasakay sa kotse sa likuran ni Tian- Tian.
"Sa Villa."
Pagpasok naman ni Ricai sa condo nila nakita nyang badtrip si Chase habang nakaupo sa sofa sa sala at nakatingin sa kaniya.
"Is he going to eat me?" Pabulong bulong ni Ricai.
Habang papalapit naman siya kay Chase na may tense tahimik naman na nakasilip sa sa kwarto sila Belj at Baby.
"Tito Belj, do you think tita Ricai can see the sun tomorrow? Uncle ninong seem so mad very very mad. Aren't we..."
"Shhh.... just let them talk." At sinara na nga nya yung pinto.
"Eh? Sabi nyo mag lu-lurk tayo sa kanila?"
"Ahm... SPG na eh hayaan na muna natin sila mag video games nalang tayo."
"Pero..."
"Sige na pag na talo mo ko treat kita ng 2boxes of donuts bago kita ihatid sa Lola mo. G?"
"G!!!"
Belj smirked and he thought "pag dating talaga sa donut mabilis pa sya sa alas kwatro. Pero sana lang mag chill si Boss..."
At di na nga makapagsalita si Ricai dahil hindi nya alam kung paano sya mag sisimulang mag explain kay Chase.
"Why ain't you talk?!" Ang pagalit na sambit ni Chase at kinagulat naman iyon ni Ricai.
"I... I... So... Sorry!!!"
Chase sighed angrily "what the heck Ricai?!!!! Why didn't you tell me about that gang?!"
"What? Gang?"
"Huh! Ano? Mag mamaang maangan ka pa? Alam ko na kung sino yung Tian- Tian na yon!"
"So, napa background check mo na pala. Oh, ikaw nga pala si "Boss Chase" na kailangan alam ang lahat!!! So ano? Did I disappoint you?! That your girlfriend is one of a gang?!"
Chase made a facepalm "I didn't meant anything I just want you to tell me everything about you! Magkasama tayo sa iisang bahay tapos malalaman ko na kasama ka sa isang gang? Who the hell are you?"
Tumayo si Ricai "were done here I'm tired I want to sleep."
"No! Mag uusap pa tayo!!!"
"Fine! Mag uusap tayo pero pag tapos mong malaman ang gusto mong malaman tungkol sakin tapos na rin tayo! If that's what you want!"
Ang kanina lang naging totoo mag girlfriend at boyfriend ay hindi man lang umabot ng isang araw. Nang dahil sa hindi inaasahang bisita ay nagdulot pa ng hindi pagkakaintindihan nung dalawa.
***
Mga panahong college student palang si Ricai may nakilala syang isang lalaking student na hindi nya inaasahang magiging malapit nyang kaibigan at ang kaniyang first love.
"Ibang iba ang Manila sa Barrio De Espenzo...." Sambit ni Ricai habang ineexplore nya ang Manila.
"Ms. Ricai?"
"Ako po yon."
Tumigil sa isang café si Ricai para mag pahinga dahil napagod sya ka lalakad tinatandaan nya kasi ang bawat daan papunta at pauwi sa University kung saan sya mag aaral ng college.
"Thank you po." Ricai said happily at bumalik sa pwesto nya.
"Heh." Reaction nung lalaking crew sa café na nag bigay ng iced coffee kay Ricai.
"Eh? Ayos ka lang Xitian?" Sabi nung isang crew na lalaki na si Eljo.
"Ha?"
"Rare view kasi na ngumingiti ka magugunaw na ba ang mundo?"
"Sira ulo!"
"Cute nung bata no? Mukhang hindi sya taga dito panigurado kasama sya sa mga bagong salta sa Del Mago University mga freshman."
"Yeah."
"Ayos ah, kanila two syllables ngayon naman yeah lang? You really are the man of few words. Buti nalang kapatid ka ng may ari ng café na ito dahil kung hindi ewan ko lang kung matanggap kang luko ka."
"Tsss!"
"Nga pala, 4th year college ka na sa pasukan di ba?"
"Um."
"Anong balak mo graduate mo? Dito ka nalang?"
Napatingin naman si Xitian kung san nakaupo si Ricai dahil natapon nito ang iced coffee nya sa dala nitong laptop.
"Xitian? Huy!"
Pero hindi pinansin ni Xitian si Eljo at nagulat nalang ito na pinuntahan nito si Ricai.
"Eh??? Umandar na naman ang pagka kuya nya."
Nagulat naman si Ricai sa biglang pag sulpot ni Xitian "dont move!!!"
"O— Opo."
"Lalo kasing madadamage ang laptop mo kapag basta mo nalang ito pupunasan."
"O— Opo."
"Dahan-dahan namang pinunasan ni Xitian ang laptop ni Ricai "dont worry student ako sa comtech kung gusto mo aayusin ko ang laptop mo."
"P— Po?"
"I'm BS Computer Technology student kaya I can fix your laptop sure kasi akong kahit di kumalat yung coffee sa laptop mo may bahagi na nabasa kaya kung gusto mo titignan ko."
"Pero kuya... Bago lang po kasi ako dine sa Manila at maliit lang po ang allowance ko hindi ko po kayo mababayaran."
Xitian smiled secretly "it's okay, free lang basta treat me as your real kuya."
"Eh???"
"By the way, I'm Xitian."
Nakipagkamay naman agad si Ricai at nag pakilala at nag pa salamat sya ng pa salamat sa lalaking bago niya palang na nakilala na gusto pa na ituring nya dito ay kuya.
"Eljo!"
"Si— Sir Wram!"
"Where's my brother? Wala na naman sya dito?!"
At tinuro naman ni Eljo si Xitian gamit ang nguso nya.
"Umm... Umm..."
"What the?! Ano't nag kakanda nguso ka na diyan?"
"Eh Sir, ayun kasi ang kapatid nyo at alam nyo ba ang man of a few words biglang naging talkative."
"What? Sino yung babaeng kasama nya? She looks so young to be my brother's girlfriend."
"Aba syempre naman po Sir. Mukhang 16 lang yung babae 26 na si Xitian." Binatukan naman sya ni Wram.
"24 lang sya gung-gong!"
"Eh? Binago na po?"
"Tumigil ka nga. Anyway, sino ba yung babaeng yon? Kilala mo?"
"Hindi po pero alam ko Ricai yung name nya kasi ako po nag sulat sa cup ng name nya eh."
"Ohhh... Ricai..."
"Kilala nyo naman yang si Xitian ang hilig sa bata."
"Huh! Bata ha?"
"Bakit Sir? Ahhh... Opo nga no? Ngayon lang tumulong si Xitian sa babae at kanina kaniyo nakita ko po sya na ngumiti."
"Wha— What?!!!"
"Shhh... Sir, quiet lang kayo."
"Pero totoo ba na ngumiti nga si Xitian?!"
"Opo nga Sir kala ko nga magugunaw na ang mundo eh."
"What the freakin' sh*t?! Nag smile ang kapatid kong bato?"
"Opo nga Sir!"
At pinagmamasdan na nga ni Wram yung dalawa nila Xitian at Ricai "ano na naman kayang iniisip ng kapatid kong ito? Sigh..."
"."
Nang matapos ni Xitian ang pag ayos ng laptop ni Ricai inihatid nya pa ito sa dorm.
"Salamat po kuya super thanks po talaga." Bumaba sya sa kotse ni Xitian at may mga students na mga "Marites" ang nakikiusyoso sa labas ng dorm.
"Pfft... no worries sige na pasok ka na mainit dito."
"Thankies kuya Tian- Tian." Then she walked away happily.
Xitian smiled "heh, Tian- Tian... she really is cute baby."
Sa mga sumunod na araw napansin ni Ricai na parang iniiwasan s'ya ng mga students.
Ricai sighed while sitting on the bench outside her classroom...
"Am I a monster? Bakit ni wala man lang nakikipag usap sakin? Hindi naman ako nangangagat. AHHHHH!!! Bakit walang gustong makipag friends sakin?!"
"Cause you're to cute to be their friends."
Hinanap ni Ricai yung nag salita at pag lingon n'ya nakita n'ya si Xitian.
"Kuya Tian- Tian!!!"
"Can I join you here?"
"Um. Upo ka po."
"Tapos na ang class mo?"
"Um. Mamaya na po ulit 3pm lumabas muna ako kasi wala naman nakikipag usap sakin. Sighhh...."
"Don't be sad I'm here talking to you."
"Opo nga eh napapanisan na ako ng laway simula nung monday na nag start ako dito sa Del Mago University parang lahat ng students eh naiwas sakin nakakatakot ba ko?"
"Pffft...of course not like what I've said you're cute to be their friends."
"Ehhhh... kuya naman eh."
"You wanna know a secret?"
"Hmm?"
"I'm the boss here so no one try to be friends to you while I'm here sa University."
"Ehhhhh? What Boss?"
"Boss of a gang."
"Pffft... Hahahahaha... kuya patawa ka Hahahahaha..."
"Ohhh... you ain't believe hah?"
"Ehhh??? Kuya, I know you're kind po even though na kakikilala ko palang senyo eh alam kong mabait talaga kayo kaya paano naman magiging boss ng gangster ang gaya nyo? Isa pa ang boss parating may bodyguard na naka sunod." At bigla nyang napansin na may mga tao sa paligid nya. "Ehhhh??? Ka— Kailan pa nagkaroon ng mga students dito? Kanina ako lang ang... tao... tapos... Ehhhh????"
Napatayo si Ricai sa takot n'ya "ku— kuya I... I have to go na— naalala ko may... may assignment pa po akong gagawin. B—- Bye... See you around." At kumaripas na nga s'ya ng takbo papalayo kay Xitian.
"Heh, she really is interesting."
Snap!
May lumapit na isang lalaking student kay Xitian.
"Boss."
"What about Ricai's background? Did you check it?"
"Yes Boss, Ricailee Villamor 16 years old a typical girl na gusto lang makapag aral ng accounting para makapag trabaho sa bangko."
"Heh! So, mahilig pala s'ya math? Ano pang nalaman mo?"
"NBSB o No Boyfriend Since Birth may nanligaw pero binusted n'ya agad dahilan nya? She's to young to enter a relationship. Kaya hanggang ngayon wala pa syang nagiging boyfriend even a first love mahilig lang syang mag aral at mag laro ng rubicks cubes pag may free time at natatapos nya ito within 8minutes while watching television."
"Ohh... kaya pala mabilis rin ang reflexes nya para mapansin kayong lahat. Is there anything else?"
"Nung bata sya muntik na syang malunod may sumagip sa kaniya na isang batang lalaki na hindi nya na nakilala pero ang batang lalaking ito ay hindi kinililala ni Ricai as her savior nya."
"Ha? What do you mean?"
"Dahil umalis agad yung batang lalaki at ang naroroon nung magising si Ricai ay ang pinsan nung batang lalaki at sya ang umako na sya ang nagligtas dito kahit hindi. Ang sumagip kay Ricai ay nag ngangalang Chase Alcantara ang anak ng pinakamayan sa lugar nila mayor rin doon ang lolo nitong si Don Arnulfo. Samantala ang pinsan nitong napagkmalan ni Ricai na sumagip sa kaniya ay ang illegitimate na si Ysmael Alcantara his father passed away kaya ang daddy ni Chase ang nangangalaga dito."
"Wait, illegitimate child yung Ysmael?"
"Yes Boss, anak sa labas ni Don Freddie si Ysmael sa isang babaeng bayaran."
"Nasan yung asawa nung tatay ni Ysmael?"
"Nasa America, nung nalaman nyang may affair ito nakipaghiwalay sya na nag dulot ng pagkalungkot kay Don Freddie kaya he had a car accident."
"Ohhh... what about the guy named Chase? Friend ba sya ni Ricai?"
"Hindi Boss. Pero nung iniligtas nya si Ricai parati syang na sunod."
"What?!"
"Yes Boss, but here he didn't make it. His father sent him to abroad to study."
"Huh! Rich kid perks. Anyway, do some research about the Alcantara family especially that Ysmael I wonder why he took the name of Ricai's savior? He is quite interesting."
"Yes Boss."
"And, siguraduhin mong may magiging kaibigan na si Ricai within 2days siguraduhin mo ring hindi sya lolokohin nito."
"Opo Boss masusunod."