Mamayang gabi na ang birthday party ni JC sa bahay nila. Nakahanda na ang isusuot ko, simpleng peach colored dress na abot hanggang tuhod ko. Hindi naman ito masyadong revealing kaya ito ang pinili ko. Isa din ito sa mga binigay sa akin ni Arra.
4pm na, 6pm ako susunduin ni Arra dito sa amin. Naka ready na ako at naghihintay nalang sa kaniya. Alam na rin nila mama saan ako pupunta kaya pinayagan ako kasi kilala rin naman nila si JC.
Excited na ako, first time ko palang makakapunta sa birthday ni JC. Past years kasi ay laging hindi ako pinapayagan.
Binasa ko nalang muna ang libro ko na 'When you came into my Life' ni MR_TERYO. Balak ko nga mag collect ng books niya pati na rin ng books ni kuya SupremoASM. Ang huhusay nila gumawa ng istorya, tipong mapapamahal ka talaga sa mga tauhan dito at hindi ka magsasawang ulit ulitin ng basa.
Sana kahit isang beses makapunta ako sa book signing nila. Isa talaga yun sa mga hinahangad ko. Makita sila kahit isang beses lang ay napakalaking achievement na sa akin yun. Sisipagin kong magipon para kung sakaling may book signing sila.
Hindi ko na namalayan ang oras at nagulat nalang nang biglang dumating si Arra. Namangha pa ako dahil ang ganda niya sa suot niyang dress above the knee pero hindi masyadong maikli, kulay pula ito at sobrang bagay sa kaniya. Naglagay lang ito ng kaunting make up pero napakaganda na. Minsan nai-inggit din ako sa kaniya pero nawawala din naman.
"Goodevening tita! I miss you po. Andito po ako para sunduin to si Angela. Uuwi din kami agad" paalam ni Arra kay mama. Nakangiti namang bumaling si mama sa kaniya.
"Oh sige, may tiwala naman ako sa inyo. Basta magiingat kayo ha? Kung san punta deretso doon walang ibang pupuntahan na ha?" Bilin nito at tumango kami sabay yakap.
Close na ni Arra pamilya ko eh kaya ayan 'di na awkward at feel at home na siya dito.
Umalis na kami ni Arra at halata sa kaniya na excited ito. "Angela, maganda ba ako? Is my make up too much?" Namomroblemang tanong nito at tinawanan ko lang siya. Halata na naiinis na ito sa pagtawa ko kaya tumahimik na ako at sumagot.
"Lagi ka namang maganda, kahit ano pa isuot mo. Hindi rin makapal make up mo, sakto lang ang nilagay mo. Sabi ko at bahagya pa itong namblush. Natawa nalang ako dahil sa reaction nito. Hindi ko inaasahan na mamb-blush siya dun sa sinabi ko.
"Uy nag blush siya" tukso ko kay Arra habang tinatawanan ito. Umirap lang ito at tumawa rin.
_____
Nandito na kami sa labas nang bahay nina JC, mayaman nga ito. Tinext ko ito at sinabing nandito na kami, palabas na rin daw siya para sunduin kami.
Naghintay kami at thankfully lumabas na din ito. Ang gwapo niya sa suot niya na Tuxedo. Halatang mamahalin.
"Happy birthday JC! Ang gwapo natin ah?" Bati ni Arra at natawa lang si JC dito "Thank you Arra, ikaw nga ang ganda mo sa suot mo. Bagay na bagay" parang sila lang, bagay rin.
"Angela, good thing at nakarating ka." Sabi nito at ngumiti nang pagkatamis tamis. Hays, bakit kasi ang gwapo mo JC?
"Oo naman, hinding hindi ko na ito papalampasin, hindi gaya noon na laging busy. Buti nga ngayon may oras nako para sa ganito.." sabi ko pa, tumawa lang ito at inakbayan kaming pareho ni Arra "..Happy Birthday pala, pasensiya na kung wala akong maibigay na regalo. Yung pera ko kasi kasiya lang pang gastos kay nanay" nahihiya kong sabi.
"Sus, okay lang yun no. As long as both of you are here, masaya na ako" sabi nito na nakapagaan ng damdamin ko.
Nagtungo kami sa likuran ng bahay nila dahil doon raw idaraos ang party. Pagdating namin doon, hindi na ako nagulat pa noong nakitang may pool ito at maraming tao. Sa yaman ba naman nito.
Dinala kami nito sa isang table, saktong pang tatlong tao lang. Pero hindi siya doon uupo dahil may sarili siyang uupuan sa may maliit na entablado.
"Arra, Angela, alis muna ako ha? Babalik ako mamaya, tinatawag kasi ako ng parents ko." Paalam nito at tumango lang kami. Hindi naman kasi pwedeng kami lang ang pagtuonan nang pansin niya.
Isa-isang sinerve nang service crew ang mga pagkain. Marami nang nakahain sa mesa namin na hindi rin namin makakayang ubusin.
Bago nagsimulang kumain may emcee na nagsalita sa harap
Good evening ladies and gentlemen! We are glad to see you here at the birthday party for the only son of the Dela Vega Family. Now let me introduce to all of you the birthday celebrant! Mr. JC Dela Vega!
Nagpalakpakan ang lahat ng lumabas na si JC. Nakangiti ito at kahit medyo madilim ay nakikita ko parin ang dimples nito.
Thank you to everyone that are here tonight. I appreciate your presence here. I hope you'll enjoy the night. Have fun! Once again, Thank you.
You can now eat. Later the party will begin.
Matapos sabihin iyon ng emcee nagsimulanang kumain ang lahat. Bumalik din si JC sa table namin ni Arra pero hindi rin nagtagal dahil may sarili silang mesa nang pamilya niya.
Malakas ang tugtugan mamaya may disco pa nga raw. "Ang swerte ni JC no, mayaman na kompleto pa ang pamilya. Halatang pinaghandaan talaga ang araw na ito" bigla ko nalang nasabi at napatingin kami kay JC.
Masaya itong kumakain kasama ang pamilya "sana ma experience ko din ang ganito. Kaso wala kaming pera kaya hindi na ako maghahangad nang ganito" sabi ko at tiningnan si Arra, halata ang lungkot nito para sa akin.
"Hi slave.." nagulat ako nang makitang biglang sumulpot si Jake sa gilid ko. Nagtataka pa ako kung bakit andito ang taong to. Akala ko hindi sila magkakilala "..natulala ka na diyan sa kagwapuhan ko?" Nagsmirk pa ito na ikinainis ko. Tsk bakit kase nakatulala Ko sa mukha nito.
"Wow naman, ang kapal." Pabulong kong sabi pero mukhang narinig niya dahil kumunot ang noo nito. Hindi na ito sumagot pa at dumeretso na sa kung saan nakaupo si JC. Pero hindi pa ito nakakalapit, tumayo na si JC para salubungin si Jake.
To be continued...