webnovel

Chapter 9

Hindi pa rin ako makapaniwala, magkakilala pala ang dalawang ito. Magkababata pa nga.

Nakita kong papunta si Jake sa mesa namin kasama si JC. Ang awkward lang. Nakakainis 'tong dalawang 'to. 'Di ko man lang alam na magkakilala pala 'to sila! Ano ba 'yan!

"Miss Barboza, I'm surprised to see you here. I didn't know you and JC are close " nag smirk pa siya pag kasabi niya nun.

"Panong hindi alam, eh diba nga si JC ang kasama ko non nung hinatak mo ako kung saan? Tss" angal ko naman at nangunot ang noo nito. 

"Tss, alis na ako. May gagawin pa ako, just stopped by to give you the gift. Happy birthday ulit bro." Nag fist bump pa sila saka na umalis si Jake.

Magsasalita pa sana si JC nang biglang nagsalita ang emcee.

"Hello everyone! Kamusta? Busog na ba kayo? Kasi ako, sobra!.." nagtawanan lahat aa sinabi nito "..ngayon ating panoorin ang ating birthday boy na pumili nang babae dito na isasayaw niya!" Nagsimulang magpalakpakan ang mga tao. Ang iba naman halatang kinikilig.

"Now, JC pwede ka na pumili nang babaeng isasayaw mo" sabi nang emcee. Ngumiti naman si JC. Rinig na rinig ko ang mahinang pag volunteer nang iba

"JC ako nalang please", puro ganito ang naririnig ko. Tsk. Kesa naman bantayan sila, binaling ko kay JC ang tingin at nagulat nang nakatingin din ito sa 'kin.

Hindi ako mapakali nang magsimula itong maglakad papunta sa table namin.

Teka bat ba hindi ako mapakali, eh baka si Arra ang kukunin niya. Wag kang feeling diyan Angela.

Papalapit na ito at mas lumakas ang hiyawan nang nga tao dahil sa kilig. Sino bang hindi kikiligin sa taong 'to.

Nakangiti ito, sobrang gwapo. Hindi ko alam kung namamalik mata ako pero mas lalong lumawak ang ngiti niya nang magkatitigan kami.

Iniwas ko ang tingin ko. Paglingon ko sa gawi ni Arra, halata dito na kinikilig ito. Sigurado akong umaasa ito na siya ang kunin ni JC para isayaw.

"Angela..." Napaigtad ako nang biglang  may nagsalita. Pagharap ko, nakita ko si JC na nakangiti habang nakalahad ang kamay sa akin. "... Can I have this dance with you?" Sabi pa nito at napatingin ako sa paligid. Lahat sila ay nakatutok sa amin.

Bigla ay nakaramdam ako ng hiya. Bakit kasi ako pa ang naiisipan isayaw ni JC. Nahihiya akong humindi dahil syempre birthday niya, ayaw ko siyang mapahiya. Pero nahihiya rin akong um-oo lalo na't di ako marunong sumayaw.

"Uhm, JC...kasi" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magsalita naman siya. "Please? Pambawi sa ilang birthdays ko na wala ka" at tumawa pa nga ito.

Napa tingin ako kay Arra at halata na nasasaktan ito pero pinipilit pa rin ngumiti. "Go na Gela" sabi pa nito. Ngumiti siya pero alam kong di yun totoong masaya.

Napabuntong hininga ako at ibinalik ang tingin kay JC. Tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad sa akin.

Ngumiti si JC pagkahawak niya sa kamay ko. Inalalayan niya akong tumayo at iginiya ako papunta sa maliit na entablado.

Nilagay niya ang kamay ko sa balikat niya at nasa bewang ko ang kamay niya. Nagsimula nang tumugtog ang kanta. Kasabay nun ang mahina naming pagsayaw.

Ikaw at Ako by Moira & Jason

At ngayon nandyan kana

'Di mapaliwanag ang nadarama

Handa ako, sa walang hanggan

'Di paaasahin, 'di ka sasaktan

Mula noon, hanggang ngayon

Ikaw at ako

"Ang ganda mo talaga Angela." hindi ko alam ang sasabihin ko, 'bat kasi bigla bigla siyang nagsasabi nang ganyang bagay. Napatingin nalang ako sa paa ko para hindi niya makita ang pamumula ng pisnge ko. Nakakahiya. Hindi ako sanay masabihan ng ganyan ng lalaki.

"Uhm..Salamat" nahihiya ko paring sabi. Bahagya itong natawa at napatingin ako sa kaniya. "Ang cute mo naman kapag nahihiya" aba ano ang cute dun. Nahihiya na nga yung tao eh.

"By the way, salamat ulit at nakapunta ka. Currently this is the best birthday for me." tumitig ito sa mga mata ko, halata ang saya sa mga mata niya. Pero ako din ang unang nagiwas nang tingin. "Bakit naman?" tanong ko nalang.

"Kasi, nandito ka. Kasama kita, at naisayaw pa nga" hindi ko maintidihan, bakit ako? Hindi ko alam ano ang mararamdaman ko sa sinabi ni JC.

"Angela? Pwede ba manghingi ng favor?" tinignan ko ito at seryoso ito. Nakakunot noo ko itong pinagmasdan "Hmm? Basta kaya ko, bakit naman hindi?" tugon ko.

Ilang sandali itong natahimik bago magsalita "Sana hindi ka magalit sa kung ano man ang sasabihin ko." sabi nito at ngumiti ulit. Ang hilig ngumiti ng lalaking ito

"Bakit? Kagalit galit ba 'yan?" mahina akong tumawa at natawa din ito. Napaka swerte ng babaeng mamahalin nito.

"Kasi, favor ko kasi ay, kung pu-pwede ay payagan mo akong ligawan ka" naestatwa ako sa kinatatayuan ko at nakatitig lang sa kaniya. Hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"H-ha? Ano ulit yun?" Para akong nabingi sa sinabi niya. Hindi pa rin kayang ireshistro ng utak ko. Parang biglang nablanko ang isip ko.

"Sabi ko baka pwede, kung papayag ka, ah manligaw ako sa 'yo." Doon nabalik ako sa wisyo. "Bakit ako JC? Andaming magandang babae diyan. Andyan si Arra. Bat ako pa?" Takang taka kong tanong.

"Sa'yo kasi komportable ako, masaya ako tuwing kasama ka. Pakiramdam ko, kailangan kita alagaan at protektahan. Hindi naman itsura ang tinitingnan ko kundi yung saloobin mo. Kung ano ka ba talaga." Hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi naman sa ayaw ko kay JC pero hindi pa ako handa sa mga ganyan.

"JC.." tanging nasabi ko lang at napatitig lang sa kaniya. "Please, give me a chance Angela. I Promise, hinding hindi kita sasaktan." Napailing lang ako sa sinabi niya. Kahit anong magandang isipin ko kay JC, umaayaw pa rin ang puso ko. Alam ko din sa sarili ko na hindi ko masusulian ang pagmamahal niya.

"Pasensiya na JC, pero hindi pa ako handa." Tinanggal ko ang kamay ko sa balikat niya at unti unti siyang tinalikuran. Pagka talikod ko, nakita ko si Jake sa may kalayuan, nakatitig sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin kaya umalis nalang ako sa lugar na 'yon at umuwi.

Next chapter