webnovel

Chapter 7

Anastasia Fuentes

Sino kaya ito? Mama kaya niya ito? Napatingin ako kay Jake, ngayon ko lang napansin na may dala itong bulaklak.

Nilagay niya ang bulaklak sa ibabaw nang puntod nang mama niya. Umupo siya sa tabi nito at sinenyas din ako na maupo, sinunod ko naman ito.

Tahimik lang akong nakiramdam sa kaniya at narinig ko ang kaniyang pag buntong hininga. Mukhang mabigat ang dinadala nito.

"Ma, andito ulit ako" bigla itong nagsalita. Tahimik ko lang itong nilingon at nakitang may butil ng luha na tumutulo galing sa mata niya. Naaawa tuloy ako sa kaniya. Alam kong sobra sakit nito para sa kaniya.

"Miss na kita ma. Btw, okay na okay lang po ako mama, sana binabantayan mo pa rin ako kahit nasa langit kana" tumingala ito at pumikit. Ramdam ko ang sakit niya.

Ngumiti ito sa kawalan at nagsalita ulit "Sana okay ka lang diyan ma. Graduating na po pala ako. Sayang hindi mo ako masasamahan sa pag punta nang stage" pinunasan nito ang mga luha pero kusa pa rin itong tumutulo.

"Sorry ulit ma..." doon sunod sunod ang pag agos nang luha niya. "K-kung hindi l-lang sana a-ako naging mah-hina non, s-sana buhay ka p-pa ngayon" hindi na napigilan nito ang paghagulgol. Gusto ko ito lapitan at icomfort pero natatakot ako, hindi kami ganun kaclose. Hinayaan ko nalang itong ilabas lahat ng sakit at umiyak.

"Kung nailigtas lang kita noon ma, sana kasama pa kita ngayon. At sana hindi ako ganito ngayon" medyo naka recover na ito sa kaniyang pag iyak. "Sorry ma, sorry. Ngayon kaya ko na ipagtanggol ang sarili ko. Malakas na ako ma, hindi na ako tulad noon. Ayoko na mangyari sa iba ang nangyari sa yo" dagdag nito.

"Sige ma, paalam na. Babalik na kami. I love you ma." Paalam nito.

Ilang minuto kaming nanatili doon at nang makabawi na siya napagisipan namin na bumalik na sa school.

"Sorry Angela kung nakita mo ako sa ganung sitwasyon." Pagpaumanhin nito nang makasakay na kami sa sasakyan niya. Tiningnan ko ito at halata sa mga mata niya na galing ito sa pag-iyak.

"Okay lang. Okay na yun kesa naman sa magisa ka habang umiiyak ka doon" sagot ko at bahagyang ngumiti.

"Salamat" tanging nasabi lang ni Jake at pinaandar na ang sasakyan papunta sa school. Tahimik lang kami sa byahe, gusto ko tanungin ano ang nangyari sa mama niya, pero tumahimik lang ako. Ayoko muna siyang pangunahan. Gusto ko siya mismo ang magsabi tungkol dito.

"Sana hindi mo ipagkalat ang nangyaring break down ko" sabi niya nang hindi ako nililingon. "Hmm, pangako. Walang ibamg makakaalam nito" sabi ko at bahagya din siyang tiningnan. Hindi ko alam kong totoo ba yung nakita kong ngumiti siya o guni-guni ko lang.

_____

Nandito na kami sa Campus. Papunta na ako sa next subject ko dahil malamang tapos na ang first. Tahimik lang ako naglalakad nang makasalubong ko si JC.

"Bat andito ka pa Ela?" Takang tanong nito at bahagya pang kumunot ang noo. "May pinuntahan lang ako" yun nalang ang sinabi ko dahil ayokong pagisipan niya kami ng masama ni Jake.

"Hmm sige punta ka na sa next subject mo. By the way, bukas ha? Sana makapunta ka. I'll be expecting you" saad pa nito at umalis na.

Ngayon ko lang napagtanto na bukas na pala ang birthday ni JC. Hindi ko namalayan ang araw, muntikan ko na itong makalimutan.

Nagmadali na ako papunta sa room at buti wala pa ang teacher. Agad akong nakita ni Arra at base sa mukha neto ay marami itong tanong.

Lagot ako neto mamaya, tadtad na ako ng tanong niyan.

Umupo na ako, magsasalita na sana si Arra nang biglang pumasok ang teacher namin kaya walang  nagawa kundi tumahimik nalang muna. 

---

Tahimik lang kaming naglalakad ni Arra papunta sa bleachers dito sa Campus ground. Alam ko pagkaupo ko neto ratrat na naman bunganga neto.

Nakarating na kami sa bleachers, dahan dahan akong umopo nang "Saan ka kanina?" Sabi ko na nga ba at magtatanong ito. "Bakit nag-skip ka nang isang subject?" Dagdag pa nito.

Napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa kaniya. Nakakunot ang noo nito at seryoso akong tinititigan.

"Sorry, hinatak kasi ako ni Jake. Dinala niya ako sa sementeryo, may dinalaw lang siya doon." Sabi ko, ayoko naman ikwento yung nasaksihan ko na pag break down ni Jake.

Mas lalong kumunot ang noo nito. "Bakit kailangan ka pang dalhin? Ano tingin niya sayo, bodyguard? Na dapat laging kasama niya at nakasunod?" Masungit na tanong nito. "Arra hindi naman sa ganun." Pagdadahilan ko pa.

"Angela naman wag mo sirain pagaaral mo dahil sa lalaking yan. Scholar ka diba, kailan mo pumasok sa mga klase, pano nalang kung matanggal scholarship mo? Pano na parents mo?" Binaba ko nalang ang tingin ko nang walang maisabi.

Tama si Arra, di dapat masira ang pinaghirapan ko dahil lang sa lalaking iyon. Pero natatakot ako, anak siya nang may ari nang unibersidad na ito. Pwede niya akong kunan nang scholarship oras na hindi ako aumunod sa utos niya.

"Angela.." nilingon ko si Arra at halata sa mukha nito ang awa. Alam kong iniisip niya lang ito para sa akin. "..sana pag isipan mong mabuti mga ginagawa mo.." dagdag pa nito at tumango ako. Wala akong masabi dahil sa hiya. "..tandaan mo rin na andito lang ako kapag kailangan mo nang tulong. Hindi ako magda-dalawang isip na tulungan ka" nayakap ko si Arra dahil sa sinabi niya. Hindi ako nagkamali nang kinaibigan. Talagang maasahan itong si Arra kapag may problema.

"Salamat Arra. Buti at ikaw ang naging kaibigan ko. Sobrang saya ko na naging kaibigan kita" bumitaw na ako sa yakap at umayos nang upo. "Arra, bukas na birthday ni JC" naalala ko bigla kaya tinanong ko siya.

"Hala oo nga pala no? May maisusuot ka na ba?" Tumango lang ako sa kaniya, siya naman ay problemado sa isusuot. Palibhasa kasi gusto magpaganda dahil crush niya si JC. Hindi niya na rin kailangan magayos nang todo, maganda naman siya kahit ano ang isuot niya.

"Uwi na tayo, sa bahay niyo nalang problemahin ang isusuot mo. Alam ko marami kang damit sa inyo. Kapal mo" tatawa-tawang sabi ko dito at napa-pout lang ito.

_______________

Please do leave some comments!

Next chapter