webnovel

Final Exams Day 2

Nasa classroom na ako at... yeah... late. As always. Pero okay lang, hindi rin ako confident sa mga sagot ko, eh. Char AHAHAHHAHAHAHAHHAHAA! Breaktime na at di na ako sumasama kila Violado kaya heto ako ngayon nagsecellphone at nakaupo sa upuan na tinatapatan ng aircon kasi the cold never bothered me anyway~ Elsa yarn?

"Tagum! Nakauwi ka naman kagabi?"

Tanong sakin bigla ni Carl habang naglalakad na siya papalapit sakin, dahilan para mapatingin na ako sakaniya. Tumango ako sakaniya bilang sagot habang nakangiti.

"Lumagpas pa nga ako sa bahay namin kagabi, eh."

Natatawang sabi ko sakaniya, dahilan para matawa na rin siya at sinabi niya agad un kay Madera. Besties sila, eh.

"Buti nakauwi ka pa."

Sabi sakin ni Madera habang tinitignan na niya ako, natawa na lang ako.

"Oo nga, eh."

Ayan na lang din ang nasabi ko sakaniya at naglakad na silang dalawa ni Carl papalayo sakin, habang ako naman ay tahimik lang na tinignan si Jervien na nakaupo lang sa puwesto niya at tahimik na nagsecellphone. Ano pang inaasahan ko? Eh, siya na rin mismo nagsabi na wala akong maaasahan sakaniya nung una pa lang. Hays...

Pero gagu... first experience ko 'to na makauwi ng alas dyis ng gabi na may exam pa kinabukasan tapos hindi pa ako sinermonan ni mama. Buti na lang kahit papatapos na 'tong school year na 'to nagkakaron pa rin ako ng mga new experiences. Inampon pa ako nila Lara at Micah sa friend group nila~ thank you research dahil ginawa mo kaming groupmates hehehe~

"Magsi-upo na kayo! Magi-start na ng last exam for today!"

"Teka ma'am!"

"Bilisan niyo para maka-uwi na kayo agad!"

"Ayaw pa namin umuwi~!"

"Edi wag! Wag na rin kayo mag exam!"

"Hoy! Umayos na kase kayo!"

"Nasan sila ano?"

"Baka nasa canteen pa ma'am."

"Oh, sige. Start na tayo kahit wala pa sila."

Sabi ng adviser namin habang dinidistribute na niya ung mga test papers.

"Okay, get one and pass."

Sabi niya sabay lakad na niya pabalik sa teacher's table at pinasa na ng mga kaklase namin ung mga test papers patalikod. Oh my fucking ghad, sana mairaos ko 'to.

Lumipas ang mahigit kalahating oras ay may mga nagpapasa na ng test papers nila at unti-unti nang umiingay ung loob ng classroom namin kasi parami na ng parami ung mga natatapos. Ay shibal... bahala na, papasa pa rin naman ako neto. Sana...

Tumayo na ako sa upuan ko at saka naglakad na papalapit sa adviser namin para ipasa na ung test paper ko. Pagkabalik ko sa upuan ko ay nilapitan na ako ni Chin.

"Yvonne~ may pupuntahan ka ngayon?"

Tanong sakin ni Chin habang inaayos ko na ung mga gamit ko.

"Wala naman, bakit?"

"Sabay na tayo umuwi."

"Hindi ka ngayon susunduin?"

"Hindi, ehh. Sabay ba kayo ni Lara uuwi?"

"Ewan ko dun. Tanungin ko."

Sagot ko sa tanong sakin ni Chin sabay bitbit ko na sa bag ko, kaso imbis na si Lara ang hanapin ng mga mata ko... si Jervien ang hinahanap neto. Nakatayo na siya sa tabi ng pinto sa bandang likod ng classroom namin habang nakatingin sa harap, tapos eto namang si Pecson kinakausap si Jervien.

"Lara!"

Tawag ni Chin kay Lara, dahilan para maalala ko na si Lara pala ung hinahanap ko at maalis na ung atensyon ko kay Jervien.

"Baket?!"

"Sabay kayo ni Yvon uuwi ngayon?"

Tanong ni Chin kay Lara habang naglalakad na kaming dalawa papalapit sakaniya na kausap sila Ceejay.

"May pupuntahan pa ako kasama sila Cess, eh. Baket?"

"Sabay kasi kami uuwi ngayon ni Chin, eh."

Sagot ko sa tanong ni Lara.

"Pwede na ba lumabas?"

"Wala pa sinasabi si ma'am, eh."

"Bakit lumabas na sila Pecson?"

"Lumabas na sila?"

Tanong ni Jasben kay Ceejay, dahilan para mapatingin ako sa pintuan na kinatatayuan kanina ni Jervien at nakitang wala na silang dalawa ni Pecson dun. Hay... hanggang kelan pa ba ako panghahawakan ng one-sided love? Pota.

"Sige na! Magsi-alis na kayo! NAkakagulo kayo sa ibang nagsasagot pa, oh!"

Sabi ng adviser namin. Maingay naman na kasi talaga sila. Di ako kasama kasi tahimik lang po ako. Tangina. Nawala ako sa mood. AHAHAHAHHAHAHA! Gusto ko na lang umuwi agad.

THIS IS BASED ON A TRUE STORY.

iboni007creators' thoughts
Next chapter