Lumipas ang weekend ko na parang wala lang. Sabado, wala masyadong ginawa kundi maglinis ng bahay at maglaro ng bloxro; linggo, nagsimba kaming pamilya kahit na atheist ako at tamang gala lang sa mall after.
Maaga pasok namin kasi may pe kami at grabe ang pagod ko dahil mula ground floor ng building namin ay naghagdan lang ako paakyat ng 9th floor kung saan kami nagkaklase. Pagkarating ko sa rooftop- yes, sa rooftop kami nagkaklase- nilampasan ko lang sila Violado at dirediretso sa puwesto nila Jasben kasama sila Lara at Chin.
"Oh, bat pagod na pagod ka dyan?"
"Hagdan... paakyat..."
"Pota AHAHAHHAHAHAHAHA!"
"Gago ka! Dapat sinulit mo na pagiging late mo!"
"Oo nga, wala naman ginagawa, eh."
"Tanginang yan... malay ko ba."
Ayan na lang ang nasabi ko sa inis habang hinahabol ko na ung hininga ko. Tumawa na lang sila Lara at ako naman ay iniikot na ang paningin ko. Yes, hinahanap ko si Jervien at... wala pa siya. I hate this.
Habang nagpapahinga lang ako at nagkekwentuhan sila Lara, Ceejay, Jasben, Micah, at Angela ay... hay... hindi ko mapigilan ung sarili ko na hindi tumingin-tingin sa nag-iisang pasukan at labasan ng rooftop na 'to. And yep... siya ang hinihintay ko.
"Chin, sa tingin mo may mga ipapagawa sa ibang subject mamaya?"
"Baka wala na."
"Wala na yan! Tangina nila kung may ipagawa pa sila!"
Sabi naman ni Micah. AHAHAHAHHAHAHAHA gusto na ata neto magbakasyon, ehh. Ilang saglit pa ay nakakita na ako ng brown na bag sa peripheral vision ko, paglingon ko, si Jervien~! Kala ko di na siya papasok. Makita ko lang siya buo na araw ko, kahit pa na malaman ko na mababa score ko sa ibang subjects ngayon okay lang!
Kinabukasan, sinabi sakin ni mama na wala raw pasok ng dalawang linggo dahil tumataas ung mga cases ng covid, tapos baka iextend pa raw ung walang pasok pag di agad nabawasan ung cases ng covid. Puta? Kung di man agad na-prevent ung covid edi... kahapon na pala ung huling beses na makikita ko si Jervien pati na rin sila Chin, Lara, Micah at iba pa? Tangina naman... parang tumigil ung mundo ko, ah... sana maagapan agad 'tong covid...