webnovel

#2 Leo

2

"Hindi namin tinotolorate ang ganitong mga bagay misis. Halos malasog na ang katawan mo dahil sa mga pasa na natamo mo."ang doctor na pinagsasabihan ang aking ina na magsuplong ito sa pulis para ipadukot na ang amahin ko.

Tudo ang naging pag iling naman nito na siyang lalong kinaiinisan ko. Hindi ko naman kasi siya matitiis. Ina ko parin siya kaya naman kahit labag na sa kalooban ko na huwag kantiin ang mahal niyang asawa ay kinakaya ko.

"At ikaw rin ba ay binubogbog ng ama mo?"baling sa akin ng doctor dahil sa nakitang putok ang gilid ng labi ko. "Hindi masamang labanan ang iyong ama kong sumusobra na siya. Kung hindi mo naman siya kaya pwede kang magsuplong sa pulis gaya ng sinasabi ko sa inay mo."

"Gagawin ko po iyon doc. At maraming salamat ng marami sa paalala."sagot ko at bahagyang yumikod pa bilang paggalang.

"Hala sige. Maiwan ko na muna kayo at may mga pasyente pa akong bibisitahin."

Tango at muling pasasalamat ang naging sagot ko dito bago tuluyang umalis.

"Saan mo nakuha ang perang ipinambayad mo dito sa hospital Leo."tanong ng ina ng mapag isa kami.

"Hindi na mahalaga ang bagay na iyon ina. Basta pagaling ka. Iyon na muna ang isipin mo."

"Sabihin mong hindi galing iyan sa nakaw Leo. Dahil ngayon din ay lalabas na ako sa hospital na ito."

"Ina, hindi ko kaylanman naisip na magnakaw."sagot ko dito. Pero hindi ko naman masabi na nakapatay ako mismo ng tao dahil sa perang hawak ko.

Hindi naman nila ako masisisi. Dahil kung hindi ko ginawa iyon ay malamang ako na mismo ang nilalamayan ng ina kung hindi ko napatumba ang kalaban ko.

"At saan mo nakuha ang pasang iyan sa labi mo. O sa labi nga lang ba?"tanong pa nito sabay hila sa damit ko at itinaas iyon. "Sinasabi ko na nga bang sumali ka na naman sa larong iyon. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na itigil mo na ang pakikipaglaban."

"Ina, dito lang ako nakakakiha ng malaking halaga."

"Malaking halaga, pero buhay mo ang nakataya. Sabihin mo Leo, hindi mo naman inulit ang unang ginawa mo nuon diba?"tanong nito sa akin na ang ibig ipahiwatig ay ang pagkitil ko ng buhay ng kinalaban ko.

Oo! Alam ng iba iyon dahil sa unang beses kong ginawa iyon ay halos hindi ako makatulog. Binabangongot ako. Dinadalaw ako sa panaginip ko ng taong una kong napatay dahil sa larong iyon.

Hanggang sa nasanay na ang sarili ko about that nightmare. Kaya wala na lang sa akin kung makakapatay pa ako sa ngalan ng malaking halaga. Kaya nga gustong gusto ko ng kitilin ang buhay ng walangbkwenta kong amahin.

"Pasensya na ina. Hindi ko naman ginusto ang bagay na iyon. Gaya nga ng sinabi mo. Kung hindi ko ginawa iyon, baka ako na mismo ang nilalamayan niyo."mababang tunong sagot ko sa kanya.

Napahagulgol ito ng iyak dahil sa sinabi ko. Kaya naman agad ko itong dinaluhan at niyakap.

"Patawarin mo ako Leo anak. Kung hindi lang tayo naghihirap, hindi ka sana sasabak sa ganung bagay."

"Tahan na ina, wala kang kasalanan na ipinanganak mo akong mahirap. Ang mahalaga ngayon ay magkasama parin tayo. At gagawa ako bg paraan para kaangat tayo sa hirap na kinalulugmukan natin."pang aalo ko sa kanya.

Tumahan naman ito saka kumawala sa yakap ko. Tumingala pa ito sa akin saka hinaplos mismo ang labing namamaga.

"Nasisira tuloy ang gandang lalaki mo dahil sa pinaggagawa mo. Hindi ka makakapag asaw niyan kapag laging may pasa ang mukha mo."

"Ina, marami diyang babaeng nagkakagusto sa anak niyo.  Kaya huwag kayong mag aalala. Mabibigyan ko kayo ng maraming apo. Kaya alagaan niyo ang sarili niyo. Para kapag dumating ang araw na nahanap ko na ang babaeng pakakasalan ko ay magiging buong pamilya muli tayo."

"Salamat anak. Salamat." Muli itong yumakap sa akin pero hindi na gaya kanina na umiiyak ito.

******

Palabas na ako ng hospital ng sa mismong silid ng ina ko ako nagpalit ng damit para sa pagpasok ko sa eskwelahan. 2nd year collage na ako sa kursong computer engineering. Mahaba habang taon pa ang gugugulin ko para sa pag aaral ko.

Binilisan ko ang pag lalakad. Hindi ko na kailangang sumakay dahil malapit lang ang AU mismo sa hospital na kung saan ko ipina-admitt ang ina. Na kilala ding iisa ang may ari ng AU at sa hospital na ito.

Pero dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko napansin ang grupong nakasalubong ko kaya nabangga ko ang isa sa kanila.

"Sorry! Hindi ko sinasadya."hinging paumanhin ko sa kanila.

"Its okay! Mag ingat ka na lang sa susunod."sagot naman ng lalaking nabangga ko pero hindi ko na tinignan ang mukha. Yumuko na lang ako saka muling humingi ng patawad saka tuluyan ng umalis.

Hindi ko na rin ipinaalam sa amahin ko kung nasaan kami ng ina ko. Dahil ayaw kong makita pa siya sa ngayon. Kailangang magpagaling muna ito bago kami uuwi sa amin.

May plano na ako sa perang napalanunan ko. I a-advance payment ko na lang sa pag aaral ko ng hindi ko na poporoblemahin angvtuition fee ko. Allawance na lang ang kikitain ko kapag nagkataon at extra para sa ikabubuhay namin sa araw araw.

"Anong nangyaribsayo Leo?"tanong ni Marky ng makapasok na ako ng silid aralan at tumabi na tabing upuan niya. "Nagkipaglaban ka na naman ba?"may halong pag aalalang tanong pa nito.

"Kailangan Marky. Dahil kung hindi ko naman gagawin ay hindi ako makakapag-aral."

"Pero alam mo ba kung gaano kadelekado ang pinapasok mo. Alam mong illigal ang trabahong iyon. Kung hindi ikaw ang papatay, ikaw mismo ang mamamatay."

"Alam ko naman iyon Marky. Kaya iyon na ang huli kong laban duon. Dahil malaki laki na din ang napalanunan ko nuong isang araw."sagot ko dito saka kampante na akong umayos ng upo. "Samahan mo ako mamaya sa admin. Para maka advance ako sa tuition fee ko."

"Sige, sasamahan kita mamaya. Fullypaid mo na ba ngayong semester?"tanong nito.

"Oo, at mag aadvance na din ako sa susunod pa. Kung hanggang kaya bg budget ko ngayon."

"Wow! Ganun na ba kalaki ang napalanunan mo?"

"Oo! Kaya maniniguro na ako para tuloy tukoy na ang pag aaral ko. At hindi na ako matitigil pa."

"Sgie sige."tango tango pa ito. Hanggang sa dumating na ang prof. namin ay naging abala na ang tainga ko sa pakikinig ng lecture niya at ang kamay ko sa pag te-take note ko. At ang utak ko adopt them.

"Hi Leo."nakangiting bati sa akin ni Maylyn ng lumapit ito sa amin ji Marky ng matapos na ang buong subject namin ngayong araw na ito.

Isa ito sa palaging nagpaparinig na gusto ako pero hindi ko naman pinapansin. Kung hindi ko pa alam sex lang ang hanap nito at hindi ako interesado sa babaeng iba iba na ang nakakaniig. Kung magkakaroon man ako gusto ko isa lang at hindi palipat lipat.

"Hi Maylyn. May kailangan ka?"si Marky ang sumagot ng hindi agad ako nakapagsaluta.

"Wala naman, I just want to hangout with you guys. How about having drink with us later. Nagkayayaan kasi ang mga barkada ko. So I decide to invited the two of you."sagot nito pero sa akin naman nakatingin at sinabayan pa ng kindat.

"Wala akong panahon para diyan Maylyn kaya kayo na lang."sagot ko dito dahilan para mapasimangot siya. "May trabaho pa ako sa gabi kaya hindinako makakasama. Saka nasa hospital ang inay ko kaya ayaw ko namang mag enjoy habang nasa hospital siya."

"You always rejected me. Wala ka pang inayunan sa lahat ng mga inbita ko sayo."may pagdadamdam na sabi pa nito at sinabayan ng paglabi.

"Sa susunod Maylyn. Kailangan ko lang talaga makaipon para sa pag aaral ko. Hindi naman kasi ako gaya niyo na kahit hindi na magtrabaho ay nakakapag aral parin."

Napabuntong hininga ito.

"Okay then. Lets  talk later. I have offer for you para hindi ka na kailangang magtrabaho pa ng 24/7."sabi nito. "Aabangan kita sa gate ng AU." Nagpaalam na ito sa amin at nagkatinginan naman kami ni Marky.

"Alam na this. Kung hindi ko pa alam Leo, patay na patay sayo ang isang iyon. Hindi na ako magtataka na i offer niya ang katawan niya tapos siya na ang magpapaaral sayo kapag mapapaligaya mo siya. Tiba tiba ka sa isang iyan kapag sinunggaban mo. May pera ka na lahat lahat, nagpapasarap ka pa."mahabang lintaya nito. Nakangisi pang nakatingin ito sa akin.

"Gago, hindi ako interesado sa babaeng laspag na."sagot ko dito saka ko sinabayan ng paglabas ng classroom.

Tumawa ito sa sinabi ko habang nakasunod sa akin.

"Kahit laspag naman, maganda ang katawan, masaga ang harapan. At higit sa lahat, ganda ng pagkakaumbok ng puwetan niya. Kung ayaw mo siyang pasukin sa ano niya. Sa likod ka niya pumasok, duon siguradong masisikipan ka."

Walang hiyang Marky ito. Napakalaswa ng mga lumalabas sa bunganga.

"Gago, kung ano ano na ang sinasabi mo. Halikana nga at ng matapos na tayo. Ng makapasok na din ako sa pinagtratrabahuan ko. Dalawang gabi ng hindi ako nakapasok eh."

Binilisan ko ang naging lakad ko at tiningo mismo ang opisina ng eskwelahan at nagtungo sa bayaran. At gaya nga ng inaasahan ko. Ang perang napalanunan ko ay kasya na hanggang sa maka graduate ako. At may natitira pa sa perang hawak ko. Ang pro problemahin ko na lang ay ang allawance ko sa mga taong darating pa.

Nakangiting lumabas kami ni Marky ng office. At gaya ng sinabi ni Maylyn ay inabangan nga niya ako sa may gate at tama ng hinala si Marky. Ganun nga mismo ang inoffer sa akin.

Magalang naman na tinanggihan ko ito para hindi maoofend. Sinabi ko na lang na pag iisipan ko at kung talagang kapos na ako ng pera ay siya ang una konv lalapitan.

Masama man ang loob niya ay wala din siyang magagawa at hindi niya ako mapipilit sa gusto niya.

*****

@YuChenXi

Next chapter