3
Nagkayayaan kaming pumunta sa hospital nina Monica ng mailipat sa Alcaide Medical Center and Hopsital si Master Clyde ng maaksidente ito ng nasa La Prensesa kami.
Ginagabayan parin siya Nito dahil hindi malala ang sugat na natamo niya mula sa pagkakabangga ng kotse niya.
Kung pagsusumahin ang hitsura ng kotse ni master Clyde ay himala na lang ang makakaligtas.
"Matutuloy ba ang pagpunta mo sa Pariz this weekend Nic?"tanong ko sa kambal ko habang bagtas namin ang daan papasok sa hospital.
"Oo Ark."
"Sasamahan mo ba naman na siya ngayon Sunny?"baling ko kay Sunny na nakaagapay sa kanya.
"Yeah! Ngayon pa, officially engage na din kami. Mahirap na baka ahasin pa siya ng iba."ngising sagot nito sabay akbay sa kambal ko.
"Akala mo naman maaahas nila ako. Hindi mo na yata ako kilala sweetheart."
"Of course kilalang kilala kita sweetheart. Kaya nga minahal kita eh."tawa tawa pa ito sabay kamot ng ulo.
Nangiti ako ng ismiran ng kambal ko si Sunny. Monica is good in fighting too kaya nga nakasapi at isa siya sa halimaw ng MC. Mas magaling pa yata ito sa akin. Kaya takot lang din ni Sunny na galitin ito.
"May isa na naman under."si Jacob na napatingin sa dalawa.
"Ikaw ba hindi?"sita naman ni Sunny dito.
"Azami is under my Law."pagmamataas na sagot naman niya dito.
"But you are always his bottom."tawa tawang buska naman ni Bobby.
"Shut up."
Sabay sabay kaming nagtawanan dahil sa pagsigaw ni Jacob pero hindi naman galit.
Pinagtitinginan na din kami ng mga tao sa hospital dahil sa ingay namin. Pero wala kaming pakialam. Hindi naman kami masisita ng mga guard na nagbabantay dito dahil kilala nila kami.
"Tama na nga iyan."natatawa ko paring pigil sa mga ito.
Pero sa paglingon ko ay hindi ko na napansin ang lalaking nagmamadaling lumabas kaya nabangga niya ako.
"Sorry! Hindi ko sinasadya."hinging paumanhin ng lalaki saka yumuko. Ni hindi ko makita ng maayos ang mukha nito.
"Its okay, mag ingat ka na lang sa susunod."tanging nasabi ko na lang at hindi na siniti pa.
Hindi ko na kailangan ang sitahin ito at gawin ang nararapat kapag may nakakabangga man ang isa sa amin.
Total nasa magandang mood ako ngayon kaya hindi ko na siya kailangang parusahan.
Muli itong humingi ng paumanhin saka yumuko at agad ding umalis.
"Mukhang may pinagdadaanan ang isang iyon ah."si Bobby na nakatingin sa palayong imahe ng lalaking nakabangga ko.
"Estudyante din ng AU. And look at this."yumuko si Monica sabay pulot sa kung anong nasa sahig. "He drop his name tag. Leonel Sebastian. Bachelor of Computer Engeeniring."basa nito.
"I will keep it."sabay kuha dito ng nametag. "Lets go." Muli kong yakag sa kanila kaya naman nagpatuloy na kami sa private room ni Master Clyde.
******
"Can you check for me, kung mayroong Sebastian na naka admitt dito."tanong ko sa imformation room ng lumabas ako para bumili ng makakain na pwedeng pagsaluhan namin mamaya.
"Bawal po ang mag bigay ng impormasyon ng mga pasyente kapag hindi nito kamag anak sir."sabi sa akin ng clerk na nakatalaga.
Binigyan ko siya ng seryusong tingin at kuyom ang kamaong malakas na ipinatong sa lamesa niya. "Baka gusto mong mawalan ng trabaho."galit na sabi ko dito.
Hindi ko alam kung bakit ba ako nag aabala na alamin kong sino ang binabantayan ng lalaking nakabanggaan ko. I feel wierd pero hindi ko mapigil ang sarili ko to ask it.
Agad naman na tumalima ang kawawang babe at hinanap ang may lastname na Sebastian. Nanginginig pa ang kamay nito na nagta tyoe sa keyboard ng computer.
"Marami pong naka admitt na Sebastian ang apelyedo sir Clark. Kaya hindi ko sigurado kong sino sa mga ito ang hinahanap niyo."sagot nito saka tumingin sa akin.
"Hanapin mo diyan ang may guardian na Leonel Sebastian."muli kong utos dito.
"Yes, sir."muli nitong itinuon ang pamingin sa monitor ng computer nito. At lumipas pa ang sandali ay sinabi na nito na nag ngangalang Martha Sebastian ang naka admitt sa room. 243. A seme-private room.
"Okay Ty."pasasalamat ko dito saka na ako umalis. Nagpatuloy ako sa paglabas ng hospital to go buy some snack to eat.
"Bakit ang tagal mo yata?"tanong ni Kelly ng makabalik ako dala ang mga pinamili ko.
"May ginawa lang ako."maikling sagot ko dito. "Halina kayo,kain na muna tayo habang nagpapalipas ng oras."yaya ko sa kanila ng mailapag ko ang dala kong pagkain.
Nagsilapitan naman na ang mga ito. Ganun din si Master Clyde na nakaalalay sa kanya so Zoey.
"Nag bibehave ba ang pasyente mo Zoey?"tanong ni Sunny dito ng makalapit sa amin.
"Hindi nga eh! Masyadong masaway."
"Hehe! Namiss ka lang niyan Zoey, ikaw ba naman ang matigang ng apat na taon."ngisi pang sabi ni Sunny.
"Wala ka ng pakialam dun."pabalang na sabat naman ni Master Clyde sa kanila.
"Haha totoo naman master, kaya humanda ka Zoey. Mapapalaban ka kapag nakalabas na ng hospital si Master."
Hindi man agad na nakasagot si Zoey ay ngumiti ito. Parang babae talaga ito kung tititigan mo at ngayon ay namumula na ang pisngi dahil sa sinabi ni Sunny.
"Hanggang ngayon ba naman Zoey, namumula ka pa rin kapag pinag uusapan natin ang mga bagay na ganyan. Hayst, ang cute mo eh."sabay pisil ni Sunny sa pisngi nito na panabay na tinampal ni Monica at Masyer Clyde ang kamay nito.
"Kung saan saan dumadapo ang kamay mo."panabay din na sabi ng mga ito kay Sunny.
"Hehe!" Sabay kamot ng ulo nito.
Inirapan lang ito ni Monica at tinapunan naman ng masamang tingin ni Master Clyde.
"Hey! Kung makatingin naman kayo master para niyo na akong kakatayin dahil nakagawa ako ng napakalaking kasalanan." Baliwala pang sabi nito.
"Baka gusto mong putulin ko ang kamay mo."si Monica.
"Sweetheart naman. Hindi na mauulit. Ikaw naman eh."sabay akbay dito. Ngali ngaling batukan ito ng kambal ko.
"Itigil na nga niyo yan."pumagitna si Zoey sa mga ito. "Ikain na lang natin iyan."dagdag pa nito saka nauna ng dumulig sa mesa at nauna pa talagang kumuha ng pagkain. "Kung hindi pa kayo kikilos, sigurado akong kaya kung ubusin ang mga ito."banta pa nito.
Kaya naman agad kaming tumalima at nagsikain na na sinabayan na naman ng kwentuhan tawanan, at biruan.
*******
"Sino sila?"tanong ng matandang babae ng makita kung nag iisa na kampanting nakaupo sa hospital bed.
Para naman akong nakaramdam ng awa dito dahil sa pasa niya sa mukha. Mayroon din sa mga braso. Ewan ko na lang kung buong katawan na niya dahil halata ang nangingitim na balat nito.
"Isa po akong kaibigan kaya huwag po kayong mag alala. Wala akong masamang balak sa inyko."sagot ko dito ng makitaan ko ng takot sa mukha saka ako lumapit. "Kung hindi ako nag kakamali kayo ang ina ni Leonel Sebastian."
"Kaibigan mo ba ang anak ko?"
"Hindi po." Sagot ko dito. "Para nga po sa inyo."sabay lapag ng mga prutas na binili ko kanina bago ko tinungo ang silid nito.
"Maraming salamat. Kung hindi mo siya kaibigan ay ano ang kaugnayan mo sa anak ko?"
"Nagkataon lang na may kailangan lang akong ibalik sa kanya. Medyo balisa ang anak niyo ng nakabanggan ko siya kanina kaya hindi na niya napansin na nalaglag ang nametag niya."sagot ko. Inilabas ko ang nametag na hawak ko sa bulsa ko at nakangiting inabot iyon sa matanda.
"Ganun ba. Maraming salamat naman kung ganun."kiming ngiti lang ito saka tinanggap naman ang pag abot ko sa kanya ng nametag.
"Hindi naman sa nakikialam ako. Pero pwede bang malaman kong ano ang nangyari sa inyo? Baka may maitulong ako."tanong ko dito. Nakakaawa ang hitsura nito
Napatingala ito sa akin dahil sa sinabi ko pero agad ding nagbawi ng tingin.
"Okay lang po kung ayaw niyong sabihin. Isa nga pala ako sa kaibigan ng anak ng may ari ng hospital na ito." Para mawala ang mailap na pakikitungo nito ay binigyan ko ito ng palakaibigang ngiti. "At para po maniwala kayo. Ako na ang bahala sa lahat ng gagastusin niyo sa hospital na ito."
Muli niya akong tinignan. "Kung hindi ka kaibigan ng anak ko. Hindi mo kailangan gawin ang bagay na iyan."
"Huwag po kayong-"natingil ang pagsasalita ko ng bumukas ang pinto at nakita kong iniluwa duon asi Dr. Trivor.
Nagulat pa ito ng makita ako.
"What are you doing here buddy."salubong niya sa akin. "Kakilala mo ba ang pasyente ko?"
Umiling ako. "May ibinalik lang ako sa pasyente mo."
"Ganun ba."saka binalingan na nito ang matanda. "Kumusta na po kayo nay." Tanong nito. Saka sinimulan na niya itong i check.
"Maayos ayos na ang pakiramdam ko doctor."
"Mabuti naman kung ganun."
"Siya nga pala bud."tawag pansin ko sa kanya. Hindi man ito tumingin sa akin ay sumagot ito. "I charge mo na sa pangalan ko ang magagastos nila dito."
"Yeah sure Bud. As you wish."nakangiting tinapunan ako saglit ng tingin saka ipinagpatuliy ang ginagawa. "Mabait po iyang kaibigan ko Nay. Kay maswerte kayo at napagtuunan niya kayo ng pansin." pagkukuwento nito. "Inumin niyo lang ang mga gamot na ireresita ko sa inyo at para mabilis na mawala ang pamamaga ng buo niyong katawan. Huwag na din niyong hahayaan maulit ang bagay na ito Nay. Para naman hindi na namoblema ang anak niyo. Nakikitaan ko kasi ang masyadong pag aalala ng anak niyo kaya sana po. Makinig kayo sa payo ko noong isang araw."mahaba habang lintaya nito. Pinapangaralan ang matanda.
Ng masigurado na nitong maayos na ang pasyente niy ay nagyaya na itong lumabas kasama ko.
"Sige po, maiwan na po kayo namin."magalang na paalam ko dito. Kaya naman sabay na kaming lumabas ni Hanzel.
"Anong nangyari duon sa pasyente mo?"hindi ko mapigilan ang tanungin ito.
"Binugbog ng walang kwentang asawa nito."walang kagatol gatol na sagot niya. "Ewan ko kung pati ang anak niya ay binogbog din ng ama. Dahil may mga pasa din ito sa mukha pero hindi malala gaya ng kanyang ina."
"Ganun ba? Tignan mo nga naman. Marami talaga ang mga taong walang kwenta sa mundong ito."seryusong sabi ko.
Ewan ko pero nakaramdam ako ng panggagalaiti dahil sa nalaman ko. Isa kasi iyon sa pinakaayaw ko. Ang asawang minamaltrato ang sariling pamilya. Hindi ko mapigilan ang maawa sa mag ina kahit hindi ko man sila kawawa.
Isa ito sa nagpapahina sa akin. Madali akong maawa sa mga taong nasasaktan. Madaling maawa sa mga taong walang kalaban laban.
"So! Sa iyo ko ba i cha charge ang mga gagastusin nila?"muling tanong niya sa akin.
Tumango ako. "Oo! Ako na ang bahala sa lahat."sagot ko dito. Saka kami nagpatuloybsa paglalakad palayo sa silid ng matanda hanggang sa maghiwalay na kami.
*******
@YuChenXi