Sa puntong 'to. Kay George na muna tayo. Happy reading.
A/N: Nagsusulat ako para makapagbigay inspirasyon sa mga mambabasa ko kaya sana respetohin niyo ako hindi lang bilang manunulat kundi bilang tao rin. Salamat sa pagbabasa nito. Nawa'y pagpalain ka ng panginoon.
George POV
Nakakairita ang dalawang mag love birds na 'to. Nagawa pang mag harutan sa harapan ko. O sige ako na walang love life, ako na walang minamahal. Pero sana respeto naman sa single no.
"Ano ba 'yan. Ang ingay naman." Reklamo ko habang hindi ko inaalis ang tingin sa palabas.
"Tsk. Bitter." Rinig kong bulong niya.
Eh 'di ako na bitter. Para 'di niya mahalatang narinig ko ang sinabi niya. Nagkibit balikat ako.
Tinignan ko siya. "What did you say?" Kunot noong tanong ko.
Umiling ako. "Nothing bro." Sabay ngiti niya.
"Kung gusto niyong gumawa ng milagro. May kwarto, doon kayo gumawa. Wa'g dito. Alam niyo namang may nanood oh." Sabi ko.
"Isturbo." Dagdag ko.
Itinuon ko nalang ang tingin ko pabalik sa pinapanood ko. Sa lahat ba naman ng lugar na paghaharutan, dito pa. Napa buntong hininga ako sa kanila. Sige pa rin sila sa paghaharutan. Napa iling nalang ako sa kanila.
Ilang oras ang lumipas pero sige pa rin sila sa paghaharutan. Grabe talaga ang dalawang 'to. Sa inis ko ipinikit ko nalang ang mga mata ko pero naririnig ko pa rin ang mga pinag-uusapan nila.
"Ano gusto mo babe? Tuloy natin sa taas?" Rinig kong alok ni Kevin. Aba! May balak pa talaga silang gumawa ng milagro ha.
"Babe... ano? Tuloy natin?" Rinig kong tanong ulit ni Kevin. Niyaya niya pa talaga ang kapatid ko ha.
"Kevin... nakikiliti ako. Puwede... naman. Pero... mamaya bago... tayo matulog. Kevin nakikiliti ako..." Malanding sabi ng kapatid ko.
"Sige babe. I'll wait until later." Rinig kong sabi ni Kevin.
Napansin kong tumayo si Kevin at narinig ko ang mga yabag niya papunta sa kitchen. Marahan kong ibinuka ang kaliwang mata ko at nakita ko namang seryosong nanonood ang maganda kong kapatid. Actually we're alike pero may isa parte ng katawan ko na lamang ako sa kaniya at 'yun ang mapupula kong labi. Mapula naman ang sa kaniya pero mas mapula ang sa akin.
Isinara ko ulit ang mga mata ko ng narinig ko ang mga yabag ni Kevin papunta sa gawi ng kapatid ko. Ilang sandali lang ay naramdaman kong umupo siya sa tabi ng kapatid ko at narinig ko pa nga ang usapan nila.
"Ito oh." Rinig kong boses ni Kevin. Inaalok niya ba ang kapatid ko?
"Rinig ko kay George paborito mo daw 'to. Tama ba ako?" Rinig kong tanong niya sa kapatid ko. Parang alam ko na kung ano ang tinutukoy niya. It's our favorite. Chicharon.
"Alam mo. Ako rin." Rinig ko na naman ang boses ni Kevin. Paborito niya rin ang chicharon? 'Di halata ha.
"Huh? Anong ako rin?" Inosenteng tanong ng kapatid ko.
Narinig kong tumawa ng mahina si Kevin. Ang slow naman kasi ng kapatid ko eh. Natatawa na tuloy ako.
"Ang slow mo naman." Sabi ni Kevin. Buti alam mo na Kevin.
"Excuse me! Hindi ako slow no." Matapang sagot ng kapatid ko. Wee?
Narinig ko ulit na tumawa siya. Hindi daw slow pero kung maka 'huh' parang 'di alam ang ibig sabihin mg kausap niya. Hay nako Mariella Rodriguez.
"Sige nga. Kung hindi ka slow. Ano ang ibig kong sabihin?" Panghahamon ni Kevin.
"Ano ba kasi 'yung sinabi mo kanina? Nakalimutan ko kasi eh..." Pagdadahilan niya. 'Yan mahilig kang magdahilan.
"Tignan mo. 'Di mo nga maalala. Lutang ka kasi. Sino ba kasing iniisip mo? Ako no? Wa'g kang mag-alala babe. I'm only yours." Rinig kong sabi ni Kevin. Tsk! Gross.
"Kahit kailan ang manyak mo." Rinig kong boses ng kapatid ko. Manyak? Eh gusto mo nga eh.
"Eh mahal mo naman." Rinig kong sagot ni Kevin. PDA talaga ng mga 'to.
"Ewan ko sa'yo." Pa arte pa talaga 'tong kapatid ko pero gusto niya rin naman pala.
Binuka ko ang mga mata ko sabay umarteng humihikab. Kinusot ko ang mga mata ko para 'di sila
magtaka.
"Goodmorning brother." Pang-aasar ng kapatid ko.
Kinunotan ko siya ng noo. "Can you please. Shut up! Ang ingay niyo na nga tapos nagawa mo pa akong asarin. You two ruined my sleep. Ang sarap ng tulog ko dito tapos kayo mag-iingay lang kayo. Hindi niyo ba alam 'yung word na silence? Kung makatawa kayo parang wala kayong kasamang natutulog ah." Tumayo ako saka umakyat sa taas.
Kevin's POV
"Can you please. Shut up! Ang ingay niyo na nga tapos nagawa mo pa akong asarin. You two ruined my sleep. Ang sarap ng tulog ko dito tapos mag-iingay lang kayo! Hindi niyo ba alam 'yung word na silence? Kung makatawa kayo parang wala kayong kasamang natutulog ah." Tumayo siya saka umakyat sa taas.
Nagkatitigan kami ni Ella. "Anong nangyari do'n?" Tanong ko kay Ella.
She shrugged. "I don't know." Kibit balikat niyang sagot.
Anong nangyari do'n? Bigla na lang uminit ang ulo. Hirap talaga kapag ampalaya. Ang sensitive sa mga sweets.
"Babe. Feeling ko kailangan ko ng hanapan ng jowa 'yang kuya mo or else..." Pangbibitin ko.
Kumunot naman ang noo niya. "Or else what?" Curious niyang tanong.
"Or else..." Pangbibitin ko ulit.
Mas lalong kumunot ang noo niya. "Or else what nga?" Naiinip niyang tanong.
"Or else... magiging ganiyan na 'yan forever." Sagot ko.
Napahawak nalang siya sa dibdib niya. "Wa'g naman sana. Kahit kailan ginusto ko namang makitang masaya si kuya kasi palagi nalang siyang nagsusungit sa'kin. Katulad kanina." Nanlulumo niyang saad.
"Babe. Listen to me." Sabay iginiya ko pataas ang ulo niya pra magkatapat kami.
Tinignan niya naman ako.
"We can change him. I know it's not too late to change him." Sabay ngiti ko.
Alam ko namang mababago pa namin ang kuya niya. Hindi naman bato si George para 'di makaramdam ng pagmamahal. I know it's quite impossible to change him but then there's no impossible if we try our best to change her brother.
—ShineInNightt—