Francine's POV
"Love." Tawag ko kay Noah.
Lumingon naman ito.
""Love. Maganda ba?" 'Di kasi ako sure sa damit na 'to. I'm not into fashion.
Pero natulala lang siya sa kawalan. Damn this guy! Ano na naman kayang iniisip nito?
"Love." Malakas kong tawag sa kaniya.
Siguro nagising naman ang diwa niya kasi napa tingin siya sa'kin.
Bumaling siya sa'kin. "Ano 'yon love?" Wala sa mundo niyang tanong. My gosh Noah!
Napa hawak nalang ako sa sentido ko. "Bakit ba natutulala ka diyan?" Mataray kong tanong.
Minsan talaga ang mga lalaki kahit na may kaniya na may iniisip pa rin itong iba. Sana bato nalang ako para 'di ako makaramdam ng kahit anong sakit. Too much drama France.
Umiling siya. "Wala." Tipid niyang sagot.
"Ah okay, ano? Maganda ba 'tong suot ko?" Hindi ako sigurado sa damit ko para bang ang ikli.
Tumango siya. "Sobrang ganda." Aniya.
Ngumiti ako sa sinabi niya. Ang bolero talaga ng mga lalaki no. 'Yung sasabihan ka ng mga malalambing na mga salita na makakapagpa pukaw sa tulog mong diwa. Nako! Lumaya na 'yan. Sana silang mga lalaki. Marunong rin silang maging stick to one. Hindi 'yung may jowa ka nga tapos napatingin ka lang sa magandang babae o 'di kaya sa mga naka bikini. Kinukumpara mo na. Mali 'yon.
Tumingin ako sa kaniya. "Thank you love." Matamis kong sagot.
Pagkatapos kong magsukat ng napakadaming damit ang ending nauwi rin sa naunang nakita ni Noah. Talaga bang okay 'tong dami na to? Para kasing ang ikli. Ayaw pa naman ni kuya na makita 'yung legs ko. Napaka protective ng kuya ko na 'yon.
"Ano love? Tara na?" Pag-aaya niya.
Tumango ako. Lumabas kami sa naturang shop at tinungo namin ang kotse niya. Nagpaalam kasi si Noah na ilalabas niya ako ngayon kay kuya. Si kuya naman ayaw pa kasi nga 'di pa rin siya sigurado kay Noah pero buti sa pagkumbinsi ko sa kaniya pumayag na rin sa wakas.
Pagkabukas ko sa kotse niya bumungad sa'kin ang isang bouquet ng white roses. Alam niya talaga ang paborito kong bulaklak. No wonder alam na lahat ni Noah lahat ng mga paborito ko. From
My cravings and my favorites. Maybe pati mga like and dislike ko alam niya na rin.
Tumingin ako sa kaniya. "Love..." Naiiyak kong sabi.
Ngumiti lang siya sa'kin. "Happy Anniversary." Pagbabati niya sa'kin.
Oo nga pala. Anniversary pala namin ngayon. Sa lahat ng date itong araw na 'to ang 'di ko makakalimutan kasi memorable sa'kin 'tong araw na 'to eh. Sa araw na 'to naging kami at sa araw na 'to rin kami nagkahiwalay at sadiyang panig si tadhana sa'min kaya ngayong araw ulit na 'to ang anniversary namin. Sobrang saya ko dahil naging kami na ulit. At first hindi ko inaasahan na mangyayari ulit 'to kasama siya at hindi ko rin in expect na mababalik pa 'tong hindi ko malilimotang araw. Naging masakit rin ang araw na ito noon sa akin pero tinuruan ako ng araw na 'to na bumangon at lumaban sa pagsubok ng buhay.
"You're my treasure that I don't wanted to lose. You're the gold chest where I won't let anyone stole it from me. You're my treasure love and I don't want lose you again. I assured before this day ends. You'll be my Mrs. Rozon." Sabay ngiti niya.
Nagulat ako ng bigla siyang pumunta sa gitna ng daan. Ano bang pinag-iisip nitong taong 'to.
"Noah. Umalis ka diyan." Saway ko.
Hindi siya nakinig sa sinabi ko. Laking gulat ko nalang na lahat ng sasakyan ay pumalibot sa kaniya at sabay-sabay itong huminto habang nasa gitna siya sa bilog nito. Napansin ko namang may nakalaang daan para sa akin lang. Sinenyasan niya akong pumunta sa gawi niya. Sa ayaw at sa gusto ko man ay wala akong magagawa dahil may pumunta sa gawi ko at inalalayan ako papunta sa nakapalibot na kotse.
Pagkapasok ko sa gitna ng bilog. Nagulat ako sa nakita ko. Nagbabaan ang mga puting tela at binasa ko naman ito.
"I love you." Pagbabasa ko.
Pumunta siya sa gawi ko. "Francine Gemenez." Lumuhod siya. Parang alam ko na kung ano 'to.
Ito 'yung eksena sa mga telenovela eh. Hindi ako puwedeng magka mali. Napanood ko na 'tong ganitong eksena pero mas bizarre lang 'tong sa kaniya.
May kinuha siya sa bulsa niya. Nang makuha na niya 'yon. Nagulat ako sa nakita ko.
"Will you marry me?" Sabay bukas niya ng lalagyan sa singsing.
Napaka takip nalang ako ng kamay sa bibig ko. Hindi ko in expect na mangyayari 'tong ganitong eksena. Tanging napapanood ko lang 'to sa mga palabas pero ngayon ito na. Nasa harapan ko na ang taong pinakamamahal ko. Napaka iba ng araw na 'to.
Tumango ako sa tanong niya. Ngumiti naman siya sa sagot ko at dahan-dahan niya namang ipinasok ang singsing sa kamay ko. Tumayo siya sabay halik sa'kin. Gumanti naman ako sa mga halik niya. Damn! Magiging Mrs. Rozon na ako. Tagal kong hinintay 'tong pagkakataon na 'to.
Bumitaw siya sa paghalik sa'kin saka ako hinarap. "Magiging Mrs. Rozon ka na love." Malambing niyang sabi. Dang! Nakakabaliw talaga 'tong lalaking 'to.
"Magiging Mr. Rozon na rin kita." Malambing kong sagot.
Ngumiti siya sa'kin. "Magiging ina ka na ng mga anak natin." Sexy niyang sabi. Nakakainis talaga 'tong lalaking 'to. Hindi ko talaga in expect 'to. Kainis! I was caught in his trapped.
Ngumiti lang ako bilang sagot. Mapilyo naman siyang ngumisi. Kahit kailan napaka gwapo niya talaga. His looks may deceive you.
"Ilan ba ang gusto mong anak?" Tanong ko. Shit! Bakit anak agad sinabi ko. Nako! Hindi ka nag-iisip Francine eh.
Mapilyo naman siyang ngumiti. Tignan mo ginawa mo Francine.
"Ilan ba gusto mo?" Tanong niya pabalik sa'kin. Bakit dito napunta kami sa topic na 'to?
Nag-isip ako kung ilan ba ang gusto kong anak. Maybe okay na sa'kin ang apat.
"Apat." Sagot ko.
Mapilyo na naman siyang ngumiti ulit. Nako! Parang iba na 'tong ngiti na 'to ah.
"Ako gusto ko sampo." Aniya sabay halik sa'kin sa labi.
Tignan mo ginawa mo Francine. Alam ko pa naman 'yan si Noah. Kapag nag desisyon 'yan hindi magbabago ang napag desisyonan niya kaya maghanda ka Francine.
—ShineInNightt—