webnovel

205 Years Gap

Fantasy
Ongoing · 21K Views
  • 6 Chs
    Content
  • ratings
  • N/A
    SUPPORT
Synopsis

Si Linghary ay galing sa nakaraan mahigit isang daan na sa magic world. Pano kung dahil sa isang insedente ay mapunta sa future world ng mga tao? Ano ang gagawin niya? Si Ashtonn ay isang mabait na bata na naghihirap dahil iniwan sila ng kaniyang mama ng kaniyang tatay. Hindi rin siya naniniwala sa mahika, ngunit ano ang gagawin niya kapag nakakita siya ng isang Elemental Princess?

Tags
4 tags
Chapter 1205 YEARS GAP

Paunang Salita/Prologue

--

Present Day----2019

History class namin ngayon... nasa isang museum kami, naglilibot habang ikwinekwento ng aming lecturer ang bawat madaanan naming paintings..

"class, etong painting na ito ang sinasabi ko sa inyo, mula pa ito noong blah blah blah blah blah" hindi na ako nakikinig sa aming lecturer dahil bago pa kami pumunta rito ay nai-discuss na niya yon nung mga nakalipas na araw..

Nagpahuli ako sa paglalakad at kinuhanan ng picture ang mga painting.. Ipapadala ko ito kay mama dahil alam kong mahilig siya sa mga painting.. Nag hiwa-hiwalay muna ang mga kaklase ko at nagtingin tingin rin..

Habang ako ay nagpi-picture ay napansin ko ang isang painting sa pinakasulok.. pinuntahan ko ito at tiningnan.. Hindi kapansin pansin ang painting na ito dahil nasa sulok pero maganda!!

"ngayon ay pupunta na tayo sa mga comets, meteoroids and other rocks"

"ash!! tara na!! sa kabila na tayo!!" rinig kong sigaw ni luke

"susunod ako!! last picture na lang ito!" sigaw ko pabalik.. wala na akong narinig na ingay kaya nagkibit balikat na lang ako.. itinutok ko ang kamera ko sa painting at akmang kukuha na ng magandang shot ng may babae akong nakita sa camera ko na parang nahuhulog at humihiyaw.. napatingin ako sa painting wala naman..

Napabalik ang mata ko sa camera ko at ganon na lang nanlaki ang aking mata ng makitang malapit ng bumagsak ang babae.. mabilis akong napa angat ng tingin at doon ko nakita ang biglaang pagbagsak ng isang babae sa akin..

"waaaaahhh!!!!/aaaaaaaaahhhhh"

*blaaaaaaaaaaaagggggggggggg!!!!!*

"aray ko!! tang*na!" sabi ko at nagmulat.. pagkamulat ko ay nakita ko ang babae na nakatingin sa akin.. napatayo ako at tiningnan ang camera ko..

"arghh!! shi* basag na!" inis kong sigaw.. paano ko na lamang ito ipapadala kay mama!!

"ginoo pakiusap huwag kang sumigaw, natatakot ako" napabaling ang atensiyon ko sa babaeng nahulog

"who are you? where are you from?!" sunod sunod kong tanong na ikinatungo niya lamang...

"hoy! sumagot ka!"

"hindi ko maintndihan ginoo... ngunit, masakit ang binti ko, marahil ay napatama ito sa kahon na iyan" sabi niya at itinuro ang camera ko.. ano daw?? kahon??

"miss.. camera ito hindi kahon, kaya mo bang tumayo?" umiling siya kaya kinuha ko ang kamay niya para alalayan.... Bigla naman niya akong itinulak palayo kaya napaupo ulit siya..

"waaaaaaahhhhhh!!!" biglang nanlaki ang mata ko sa biglaang pag iyak nung babae.. hala! anong nangyare?? lumapit ako sa kaniya at umupo sa tapat niya

"anong problema? masakit ba ang binti mo?" sabi ko at hinawakan siya sa balikat niya at hinagod ito para tumahan pero lalo siyang umiyak..

"ano bang nangyayare sayo? bakit ka umiiyak?"

"waaaahhhhh!!! kapangahasan ang ginawa mo ginoo!! ang paghawak sa kamay ng babae ay katumbas ng habang buhay pagkakakulong! at ang ginawa mong paghagod sa aking balikat ay katumbas ng kamatayan!!" napalayo naman ako sa kaniya.. ano bang pinagsasasabi nito? baliw na ata siya!!

"waaaaaaahhhh!!! hindi na ako isang birhen!! pakasalan mo ako ginoo!! panagutan mo ang ginawa mo sa akin!!" Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya

"WHAT?!!!"

THE HECK!!! Baliw na nga 'tong babaeng 'to!

You May Also Like

AZURE DRAGON ACADEMY [TUA 3] (Tagalog/Filipino)

Isang panibagong araw naman ang dumating para sa binatang si Evor. Makikitang umaga pa lamang ay rinig na rinig niya na ang ingay nagmumula sa labas ng inn na tinutuluyan niya. Isang simple at murang inn lamang siya tumutuloy ngayon matapos ang mahabang biyaheng ginawa njya kahapon makapunta lamang sa lugar na ito. Sa kamalas-malasan niya ay mukhang marami ng naunang mga estudyanteng tila katulad niya ay galing pa sa mga malalayong parte ng mga bayang pinagmulan ng mga ito. Karamihan kasi sa mga bagong dating ay nagtayo na lamang munting tent sa mga gilid-gilid lalo na at wala na rin silang matutuluyan. Wala namang magbabalak na gumawa ng gulo dahil bawat lugar rito lalo na sa mga piangtatayuan ng tent ay may nakabantay buong magdamag na mga kawal mula mismo sa Dragon City. Walang magbabalak na labanan ang mga ito dahil likas na malalakas ang mga ito at subok ng magaling sa pakikipaglaban. Kung di nagkakamali si Evor ay mga 4th Level Summoner hanggang 7th Level Summoner ang mga kawal ng Dragon City. Hindi mo rin basta-bastang malalaman ang tunay na lebel ng mga ito dahil pare-pareho lamang ang unipormeng suot-suot ng mga kawal unless kung lalabanan mo ang mga ito at hindi mo mahal ang buhay mo. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang mauubusan siya ng mga maaaring tuluyan na mga maaayos na mga room na fully booked na rin dahil sa dagsa-dagsang mga summoners katulad niya na gusto at nangangarap na makapasok sa prestirhiyosong paaralan ng Azure Dragon Academy. Malamang ay nitong nakaraang mga araw pa pumunta ang karamihan sa mga nasa malayong mga bayan habang mas pinili nilang manatili rito ng matagal kaysa maghintay pa sila ng susunod na taon para lang makalahok sa elimination round.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
24 Chs

BREAK THE WORLD(Living Is Dying) BOOK 2 of Hunting Kendra[ FILIPINO]

BREAK THE WORLD(Living Is Dying)COMPLETED -BOOK TWO OF HUNTING KENDRA Genre:Vampire/Werewolf SYPNOSIS NAGMULA sa angkan ng mga Bampira sina Halls, Oreo at Zain. Lumaki sila na busog sa pagmamahal sa kanilang ina na si Kendra, kalahating Bampira at mortal. Habang ang ama naman nilang si Timothy ay kalahating Lobo at Bampira. Naging matiwasay ang mga taon na nagdaan para sa pamilya nila sa mundo ng mga tao. Matapos na maganap ang pagkawasak sa tagong mundo--- ang Acerria. Kung saan nanirahan dati ang mga lahi ng Bampira, Lobo at mga naagnas na nilalang kung tawagin ng mga mortal ay Zombie. Ngunit sa pagdaan ng mga taon ay nagkaroon ng malaking digmaan sa kabilang mundo. Kaya upang sa ikalawang pagkakataon ay tuluyang mawasak ang Acerria. Nakaligtas sina Kendra at Timothy, ngunit sa kasawiang palad ang lahat ng nilalang sa Acceria'y tuluyang nakasama sa pagkaguho. Sa mga lumipas na taon ay muli silang bumangon, hindi nila hinayaan mabalewala ang sakripisyo ng ina ni Timothy; ang huling may purong dugo ng Bampira. Ngunit iyon ang inaakala nila... Dahil isang pangyayari ang magpapabago sa lahat. Pangyayaring kasugpong ng nakaraan. Nakaraan na siyang hahabol sa kanila sa kasalukuyan. Muling dadanak ng dugo sa magkabilang lahi sa mundo ng mga mortal. Na magiging dahilan ng pagkasawi nina Kendra at Timothy. Paano kung sa pagkawala ng mga magulang ay ang siyang pagdating ng bagong nilalang na magbibigay sa kanila ng ibayong pag-asa. Ngunit paano kung ang natitirang pag-asa na iyon ay tuluyang mawala at mapalitan ng 'di matatawarang pighati. Pighati na siyang wawasak sa mundong kanilang ginagalawan. "Dugo at laman ng banal ang siyang papawi sa lahat ng sakit, hanggang wakas upang bigyang daan ang bagong sibol na mundo..."

Babz07_Aziole · Fantasy
Not enough ratings
17 Chs