webnovel

Chapter One

Chapter 1

--

Present Day----2019

-Ashtonn-

"waaaaaahhhhhh!!!! waaaaaaaaaaaahhhhhh!!"

"aysttt!! hey stop crying!!"

"waaaaaaaaaaahhhhhhh!!! huwaaaaaaahh!" Napakamot naman ako sa ulo ko dahil kanina pa kaming nandito sa sulok.. kanina pa din siyang umiyak ng umiyak..

"okay!! okay!! i will marry you! just stop!" napatigil naman siya.. hay salamat!

"hindi ko maintinihan ang iyong sinabi ginoo" napatampal naman ako sa aking nuo

"taga-tribo ka ba?"

"sa Palasyo Vel Sarille ako nakatira ginoo, hindi ako tribo" nangunot naman ang nuo ko.. walang ganung lugar dito..

"ahh.. ganon ba? sige aalis na ako, baka mahuli ako"

"saglit ginoo... papakasalan mo naman ako hindi ba?" napakamot ako ng ulo ko at napatingin sa kaniyang kabuuan.. Makinis ang kaniyang balat halatang mayaman.. pero yung suot niya.. para siyang aatend sa isang childrens party

"oo na!! oo na!! basta't huwag ka nang umiyak!!" ngumiti naman siya ng malaki.. Bigla akong napatulala.. Ang ganda niya sobra! kaso baliw ang babaeng ito.. tss sayang

"maraming salamat ginoo"

"oo na! aalis na ako" sabi ko at tumayo na.. hindi siya umimik kaya naglakad na ako.. Palabas na sana ako kaso parang... parang nakokonsesiya akong iwan siya dito mag-isa..

Napabuntong hininga ako ng malalim at napalingon duon sa babae.. Napanganga ako sa kaniyang ginagawa.. Pwede bang tumawa?

Baliw na nga ito.. Hinahaplos lang naman niya ang tiles nitong museum.. tapos kumakaway pa at nagsasalita pero hindi ko pakinig.. Napailing na lang ako at lumapit sa kaniya

"hoyy! anong ginagawa mo?" napatingin siya sa akin at ngumite.. napako na naman ako sa kinakatayuan ko.. grabe ang lakas ng epekto ng ngiti niya

"Kinakausap ko lang ang binibining ginagaya ang aking ginagawa.. napaka puti niya" sabi niya at kumaway na naman sa tiles

"ahahaha!!" grabe!! ang lakas ng tama ng babaeng ito!! ahahaha!!!

"bakit ka tumatawa ginoo?" napatigil naman ako sa pagtawa at hinila siya.. Hindi katulad kanina na itinulak niya ako dahil sa paghawak ko ng kamay niya.. ngayon ay nagpahila na lamang siya..

"saan tayo pupunta ginoo?"

"sa lobby" maikli kong sagot

"labi? sino ang pumanaw ginoo?" napatigil naman ako sa paglalakad at tiningnan siya.. Mukha siyang seryoso kaya napatawa ako

"ahahaha!! pwede ka na pumalit kay luke!! ahaha"

"haha napakasaya mo naman! nakakatuwa" napatigil ako sa pagtawa dahil sa sinabi niya.. napailing na lang ako.. ano bang klaseng babae ito! takas to sa mental.. kung ibalik ko kaya?

"anong pangalan mo?" sabi ko at binitawan ko siya at nagsimula na ulit maglakad

"ang pangalan ko ay Princess Linhary Frenia Vel Serille!" tinanguan ko na lang siya.. ang haba ng pangalan niya...

"ikaw ginoo anong pangalan mo?"

"ashtonn"

"buo?"

"Ashtonn Comissan Lopez.. okay na?" tinanguan na niya lang ako at nag-ikot ng paningin.. Habang naglalakad kami ay biglang nag vibrate ang cellphone kaya kinuha ko ito at tiningnan.. Si luke ang nag message

From Luke:

Ash naka alis na kami sa museum! nasaan ka? pabalik na kami ng school

Napailing na lang ako. Lintek!!Buti na lang at may dala akong sasakyan!

"ginoo, saan mo nakuha ang maliit na kahoy na iyong hawak?" napakunot naman ang nuo ko at napatingin sa kanya.. Nakatingin siya sa cellphone ko.. The heck!! kelan pa naging kahoy ang cellphone!?!

"taong luma kaba? ilang taon kana?" wala sa sarili kong nasabi..

"hmm? hindi naman ginoo... labing walo" Ka edad ko lang siya pero hindi niya alam ang cellphone.. taga bundok siguro ito

Nakababa na kami, pumunta ako sa isang staff dito at sinabing may babae na lang ang bigla biglang sumusulpot

"irereport na lang po namin sa police" ngumite naman ako at tumango..

"hoy babae!!" tawag ko

"bakit ginoo?" sabi niya habang parang mangyan na iniikot ang paningin..

"dito ka lang.. pinapahanap na nila ang mga magulang mo" sabi ko at naglakad pero hinawakan ako ng babae

"ginoo huwag mo akong iwan.. pakiusap! wala akong mapupuntahan.." napakamot naman ako sa ulo ko at inalis ang pagkakakapit niya sa akin

"kaya nga pinapahanap na nila yung magulang mo.." sabi ko at tumaliko na ulit

"waaaahhhhh!!! huwaaaaaaahhh" napapikit ako ng madiin at napalingon.. nakita ko ang babae na nakataklob ang palad sa kaniyang mukha habang umiiyak..

Aisshhh!! Napatingin ako sa mga tao at nakatingin sila sa akin at nagbubulungan.. napapikit na lang ako sa inis at saka huminga ng malalim

"sige na! tara na!!" sabi ko at tumigil siya sa pag-iyak at ngumiti.. nakakaloko na tong babae na to ahh!!

"sir! pano po yong s-----"

"it's okay" sabi ko sa isang staff at hinigit ang babae papunta sa parking lot

"nakakamangha ginoo!! napaka raming higanteng bangag!!" nangunot ang nuo ko sa sinabi nito..

"ano----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang tumakbo siya sa isang kotse at inilagay ang kaniyang mukha dito at hinimashimas.. pinagtitinginan tuloy siya ng mga tao..

"hoy! ano bang ginagawa mo?!" inis na bulyaw nang tao sa loob ng kotse kaya agad akong tumakbo papunta sa kaniya.

"wahhh!! ginoo! lumabas ka riyan!! saglit!! ililigtas kita mula sa bangag!!" sabi nung weirdong babae at kumuha ng malaking kahoy at hinampas ang kotse nang lalaki!! jusko po!

Agad ko siyang pinigilan pero tinulak niya lang ako.. lintek na babae ito! Lumabas ang may ari ng kotse na galit na galit.. paktay!

"hoy babae!! ano ba! tama na!" sabi ko at niyakap siya kaya napatigil siya sa paghampas ng kotse.. Nabitawan niya ang kahoy kaya kumalas na ako sa pagkakayakap

"yung kotse ko!!!" sabi nung may ari at tiningnan ang napingkot niyang kotse

"ligtas ka na ginoo!! maraming salamat naman!" napalingon sa amin ang may-ari ng kotse at galit na hinampas ng kamay niya ang kotse niya..

"lintek!! kabibili ko lang nito!! ano bang trip mo sa buhay??!!" sabi ng lalaki at galit na lalapit sana sa baliw kong katabi pero nagtago sa likod ko.. aba'y magaling!!

"ikaw!!"

"a-ako?" turo ko sa sarili ko

"oo!! bayaran mo ang kotse ko!! na sinira ng girl friend mo!!"

"ay... n-nako hindi ko s-siya g-girlfriend------"

"babayaran mo o ipakukulong ko kayo?"

"eto na nga! babayaran na! itatransfer ko na lang sa bank account mo.. ano bang pangalan mo?"

"Angelo San Jose" inilabas ko ang cellphone ko at nagtransfer ng pera sa account niya..

"okay na.. go and check it" kinuha niya rin ang cellphone niya at napatango tango

"okay! areglado na!" sabi niya kaya hinigit ko na ang babaeng weirdo na ito papunta kotse ko..

"sakay!" utos ko na hindi man lamang niya ginawa.. mainit ang ulo ko nagyon! ang laking pera na nawala sa akin! malas ang babaeng to!!

"ano? gusto mo pa bang pagbuksan kita?? sakay?!" wala siyang naging imik sa akin, nakatitig lamang siya..

"hindi ka ba magsasalita? ayaw mo sumunod?? iiwan kita di------" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan sa labi!!

Putang*na!!! Yung first kiss ko!!

--

Present Day---- 2019

-Linhary-

Isang Oras ang lumipas... Simula nuong hinalikan ko siya, nakatulala parin siya at namumula ang kaniyang mga tenga at ilong..

"ginoo?" sabi ko at hinila ang laylayan ng damit niya.. nakanganga siyang napatingin sa akin..

"why----este bakit?" sabi niya at tumingin sa malayo.. napakamot pa siya sa batok niya at may ibinubulong ngunit hindi ko pakinig

"sumasakit na ang aking paa.. kanina pa tayo nakatayo ginoo" napapikit siya ng mariin kaya akin siyang niyuyog.. balak pa ata niyang matulog

"aish! tara! sakay na!" sabi niya at hinawakan yung bangag.. nanlaki ang mata ko at agad napalapit sa bangag..

"ganito pala ang hitsura ng pakpak ng bangag kapag malaki ginoo!!" mangha kong sabi at hinimas ang pakpak ng bangag.. nakakamangha!

"sumakay ka na nga! weirdo" napatingin naman ako sa kaniya..

"saan tayo sasakay ginoo? nasaan ang kalesa?" nakita ko namang nagulat siya sa aking sinabi..

"walang kalesa! pumasok kana!" sabi niya at itinulak ako papasok sa bangag at saka nagsara ang pakpak nito.. NASA LOOB AKO NG KATAWAN NG BANGAG!! waaaaahhhh!!!!

"waaaahahhhhhh!!! AMA!! INA!!! tulungan ninyo ako!! kinain din ako ng higanteng bangag!!! waaaahhhh!!" sabi ko at nagsisipa.. sinuntok ko ang nasa gilid ko at nasira ko ang pakpak ng bangag

"SH*T!! ano bang problema mo weirdo!!??" nagulat ako ng biglang bumukas ang pakpak ng bangag at lumusot ang ginoo..

"alam mo weirdo.. kung patuloy kang maninira ng gamit.. hindi kita tutulungan! manahimik ka diyan!" sabi niya at sumara na ulit ang pakpak ng bangag.. waahhh!!

"ginoo!!! iligtas mo ako ginoo!! kinain ako ng banga---" hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng bumukas ang kabilang pakpak at pumasok ang ginoo.

Ibig sabihin nito... KINAIN DIN ANG GINOO!! waaaahhh!! paano kami makaka alis dito!!

"waaaaahhh!! ginoo!! paano na tayo maliligtas nito?? wahhh!!"

"tumahimik ka nga!!" inis na sabi niya at may inilagay siya sa aking bibig.. nginuya ko ito at masarap!!

"ginoo may maiinom ka diyan?" tanong ko at may ibinigay siyang bote.. ininom ko ang laman nito.. habang umiinom ako ay biglang umugong.. nagulat ako kaya naibuga ko ang laman ng bibig ko sa katabi kong ginoo

"f*ck!"

"waaahhhhh!! ginoo!! tinatangay na tayo ng higanteng bangag!! waaaahhh!!" sabi ko at pinagpapalo ang braso ng ginoo..

"STOP!!" hindi ko alam ang kaniyang sinabi pero dahil sa kaniyang pagsigaw ako ay napatahimik..

"ginoo.. hindi ka ba nababahala dahil kinain tayo ng higanteng bangag?" sabi ko at tumungo..

"look---este ganito ha.. hindi ito isang bangag o kung ano mang insekto na iniisip ng makitid mong utak babae.. nasa loob tayo ng isang kotse!"

"ano ang kotse ginoo?"

"kotse isang sasakyan" aaahh.. napatango ako sa kaniyang sinabi..

"ginoo, bakit ganito ang sasakyan dito? wala bang kabayo o kahit anong kalesa?" napabuntong hininga naman siya at tumingin sa akin..

"mamaya ka na magtanong pwede?? uwi muna tayo.. mag seat belt ka" hindi ako gumalaw.. hindi ko alam ang sinasabi niya..

"ginoo ano yung seat belt?" napailing naman siya at lumapit sakin.. may hinigit siya sa aking tagiliran at kinabit niya sa aking inuupuan

"yan yung seat belt.. saka pwede ba? wag mo akong tawaging ginoo.. luma na iyon" tumango naman ako sa kaniya at nagsimula nang umuga ang sasakyan na sinasabi ni comissan..

Habang umuuga ang sasakyan ay nadadaanan namin ang mga ibang higanteng bangag ay! mga sasakyan pala.. inilabas ko ang aking ulo sa butas at dinama ang hangin

"hoy!! babae!!" sabi ni comissan at hinigit ako papunta sa loob

"bakit?"

"magpapakamatay ka ba? wag mu na ulit gagawin yon!!" sabi niya sa akin habang hindi tumitingin.. napatango na lang ako..

Sumsulyap na lamang ako sa butas nitong sasakyan at umagaw ng aking pansin ang isang napakalaking tinapay!! higanteng tinapay!!!

"waaahhhh!! comissan!! comissan!! tingnan mo!! ang laki nang tinapay!! tara!! puntahan natin at kainin!!" sabi ko habang pinapalo siya sa kaniyang balikat

"ayst! wag ka magulo! nagmamaneho ako!" tumigil naman ako sa pagpalo sa kaniya at muling tumingin sa labas..

"comissan!!! NAPAKA RAMING TINAPAY!! nakakatuwa!!" Pang isang taon ko na siguro ang isang higanteng tinapay na iyon!

Biglang tumigil ang paggalaw ng sasakyan kaya napatingin ako kay comissan "anong nangyayare?"

"traffic" napakunot ang aking nuo..

"ano yung traffic?"

"ayst! hindi ko alam ang tagalog don.. manahimik ka na lang" napatango na lang ako at tiningnan ang mga higanteng tinapay..

"comissan.. magkano kaya ang kapalit ng isang higanteng tinapay na iyon??" turo ko sa labas.. tiningnan naman niya ang itinuturo ko at pagkatapos ay tumawa ng malakas

"bakit comissan?"

"ahahaha!! grabe!! ahaha!! hindi yuon higanteng tinapay! ahaha builing yon!! ahahaha" gumalaw na ang nasa unahan naming sasakyan kaya tumigil na si comissan sa pagtawa at hinawakan ang bilog

"comissan ano yung building?" mahina siyang napatawa at napailing

"isang istruktura.. para siyang bahay pero maraming palapag.. naiintindihan mo na ba?" napatango ako sa kaniya habang nakatingin sa building.. sayang naman akala ko tuloy makakain ko yun..

"edi maraming nakatira doon?"

"depende.. kung ang isang building ay pinatayo para sa trabaho o para tirhan" napatango tango ulit ako..

"napakatalino mo naman comissan! nakakahanga" mahina siyang napatawa dahil sa aking turan...Ilang minuto ang lumipas at nakaramdam ako ng antok..

-Ashton-

"siya nga pala babae.. nakalimutan ko ang pangalan mo.." sabi ko at tumingin sa katabi ko.. Nakatulog na siya.. haha napagod siguro sa kakasigaw niya kanina..

Nang makarating na kami sa aming bahay ay bumusina ako.. Bumukas ang gate at pinarada ko ang kotse sa garahe..

"hoy babae! gumising ka na" sabi ko at inalog alog siya

"comissan"

"lumabas ka na diyan.. tara sa loob" nauna akong maglakad at rinig ko ang mga yabag niya na sumusunod..

"nakakamangha!! sobrang laki comissan!!" sabi niya at naunang maglakad sakin.. ikaw ang may bahay?? gusto kong itanong kaso hindi ko na naitanong.. ayaw ko mawala ang ngiti sa mga labi niya..

"sir.. girlfriend niyo sir?" umiling ako

"kaibigan ko.." tumango naman si aling melinda at binigyan ako ng mapanuksong ngiti

"sir ahh!! ikaw ha! lagot ka kay madam"

"sshh.. wag kang maingay yaya.. wag na wag mong sasabihin kay mom na may babae akong patitirahin dito.."

"PATITIRAHIN NIYO SIYA SIR??" tumango na lang ako kay yaya melinda at sumunod kay nalimutan ko na pangalan nito.. balak ko siyang patirahin dito sa bahay habang hindi ko pa nalalaman kung saan siya nakatira at kung saan man yung Palasyo Vel Serille..

"aaaahh!!" napahagalpak ako ng tawa ng makita ko si weirdo na napaupo sa sahig.. nadulas siya sa tiles haha!!

"magdahan dahan ka kase" sabi ko at inalalayan siyang tumayo at inupo muna sa couch

"ang lambot! higaan ba ito comissan?"

"hindi.. upuan yan.. wala bang ganito sa inyo??" umiling lang siya sa akin at humiga sa couch..

"waaahhh!! ang sarap!!" napatawa ako ng mahina sa inasta niya.. napatingin ako sa suot niya..

"mukha kang makalumang tao sa suot mo" sabi ko.. umupo naman siya sa couch at umayos ng tayo

"ahh.. ito? alam mo ba na itong suot ko ngayon ang pinakamahal na damit sa buong palasyo?" napangunot naman ang nuo ko sa sinabi niya.. ang alam ko merong palasyo sa ibang bansa pero wala dito..

"palasyo? haha niloloko mo ata ako ehh!! walang palasyo dito.. nasa modernong panahon tayo babae" sabi ko at naupo sa tabi niya

"modernong panahon?" tumango ako sa kaniya.. Napatahimik siya sandali at maya maya ay niyugyog ako..

"anong panahon ngayon comissan?? anong buwan at taon??" aligaga niyang tanong

"ha? ano yang.. july 2019"

"hindi kita naintindihan ginoo" napakamot naman ako sa ulo ko..

"hulyo dalawang libo't labing siyam" Bigla siyang napatayo sa kinauupuan niya

"WAAAAAAAAHHHHHHHH!!!"

"b-b-bakit?"

"Waaahhh!! sabihin mong ako'y iyong binibiro lamang comissan!! sabihin mong ang taon ngayon ay isang libo walong daan at tatlongpu't dalawa (1832)!!" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya..

"anong ibig mong sabihin??"

"comissan!! nasa ibang panahon ako!?!!" Nabigla naman ako sa sinabi niya.. Napatawa na lang ako ng malakas

"grabe! ang galing mo talagang magjoke!! ahahaha"

"comissan huwag kang tumawa.. ako'y seryoso sa a-aking s-sinasabi" napatigil ako sa pagtawa ng makita kong malapit na siyang umiyak..

"sino ka ba talaga?"

"ako si Princess Linhary Frenia Vel Serille ipinanganak noong Disyembre dalawangpo't apat taong isang libo walong daan at labing apat (December 24,1814) Isa akong prinsesa...At ang aking elemento ay lahat"

Next chapter