webnovel

Chapter 18

"CHECK!" sabi ni Ken nang mailipat ng puwesto ang hawak na piyesa ng chess.

"Yes! Panalo na naman kami," bulalas ni Yesha na nakaupo sa armchair na inu-upuan ni Ken. Na sa sala sila at naglalaro ng chess habang nanonood ang dalawang matanda.

"Okay, talo na naman ako. Parang dati lang sa Kuwait," sabi naman ni Kalix bago uminom ng juice na nasa tabi.

"Syempre, nandito yata ang lucky charm ko sa tabi ko."

"Oops! No kiss, baby. Kanina ka pa, napapansin ko," natatawang saway ni Yesha bago inilipat ang hintuturo sa mga labi ni Ken.

"Excuse me, magpapahangin lang ako," biglang paalam ni Kalix bago lumabas.

Nag-alala si Yesha na napasunod ng tingin kay Kalix. Ito na lang ang nagawa niya dahil hindi niya agad ito masundan.

"Magpapahinga na rin muna kami sa kwarto namin at lumalalim na ang gabi," sabi ni Papsy.

Sabay naman silang tumango ni Ken bilang sagot. At nang masiguradong nakapanhik na sa taas ang dalawang matanda ay ibinaling niya ang tingin kay Ken. "Labas lang ako."

Naiwan namang nakahatid-tanaw si Ken sa papalabas na si Yesha. Naisip nitong kahit naman sabihin nitong mag-stay na lang muna siya ay alam nitong hindi rin siya matitiis ni Kalix na mag-isa sa labas.

"Oh, bakit ka nag yo-yosi? Na stress ka ba sa naiwan mong trabaho sa Maynila?" tanong ni Yesha ng maabutan sa balkonahe ang kababata na may hawak na sigarilyo habang nakatingin sa kawalan. Alam niyang hindi malakas manigarilyo si Kalix, minsan lang kapag na stress ito o may problema. "Sana hindi mo na lang pinilit na sumunod, pauwi na rin naman kami, eh."

Tuluyan ng pinatay ni Kalix ang sigarilyo bago tumingin sa kanya. "Ok lang. Hindi mo man ako kasama pumunta dito sa Cebu kagaya ng isa sa mga plano natin dati, at least kasama mo akong babalik ng Maynila."

Nakangiti na rin siya bago ibinaling tingin sa langit na puno ng bituin.

"Close na close na pala kayo, 'no?" puna ni Kalix.

"Mabait naman pala si Ken. Kahit medyo mayabang, madali naman pala siyang pakisamahan. Nakakapikon lang minsan ang mga jokes niya."

"Sorry, napasubo ka sa ganitong gulo dahil sa akin," sabi ni Kalix bago hinawakan ang isang kamay niya. "Thank you, Yesha, ha."

"Alam mo namang hindi kita kayang tanggihan," naramdaman niya ang pagpisil ni Kalix sa kamay niya.

Lingid sa kaalaman nilang dalawa, tahimik na nakatayo si Ken hindi kalayuan sa kanila at tahimik na nonood sa eksena nila ngayun na parang pampelikula.

________________________________________________________________________

"MAMI-MISS kita nang sobra, Yesha."

Hindi na rin mapigilan ni Yesha ang maiyak nang yakapin siya ni Mamita nang matapos itong yakapin si Ken. Nai-iyak siya dahil sobrang napalapit na rin sa kanya ang dalawang matanda at sa konsensyang nararamdaman niya dahil alam niyang kasinungalingan lamang ang lahat. "Ako rin po, Mamita, Mami-miss ko rin kayo ni Papsy."

"Mamita, babalik naman ang mga bata kaya wag ka nang malungkot," nakangiting sabi ni Papsy.

"Mamita, babalik kami. Dadalasan naming ang pagdalaw sa inyo ni Papsy," segunda ni Ken bago lumingon kay Kalix. "Hindi ba, bro?"

"Oo nga po, Mamita. Kung alam ko lang na napakaganda nang lugar ninyo dapat hindi na ako pumasok sa trabaho at sumama na kina Ken at Yesha no'ng unang araw pa lang nang pagpunta nila rito," sabi ni Kalix.

"Basta, bukas na bukas ang lugar namin sa espesyal na tao sa buhay ni Ken," nakangiting sagot ni Papsy.

"Dapat dito na kayo mag ho-honeymoon, ha? Walang gagamit ng buong resort sa buong buwan pagkatapos ng araw ng kasal ninyo," dagdag pa ni Mamita bago bumaling kay Ken. "Kaya, Ken, kapag nalaman ko na pinakawalan mo pa 'tong si Yesha maraming buntal ang makukuha mo sa Papsy mo."

Napangiti naman siya sa narinig lalo nang mapakamot sa ulo si Ken.

"Mamita, tatandaan 'yan ni Ken, hindi ba?"

"Yes, Mamita and Papsy. Promise, hinding hindi ko na papakawalan ang 'tong baby ko" sagot ni Ken at saka inakbayan si Yesha bago humalik sa noo niya. "Sasakay na kami ng eroplano at baka ma-extend pa ang bakasyon naming nang wala sa oras." Isang mahigpit pa na yakap ang ibinigay ni Mamita sa kanilang tatlo ni Ken, Kalix at Yesha bago nila tinahak ang daan pasakay ng eroplano.

"Mag-cr lang ako. Mauna na kayo," paalam ni Kalix sa dalawa.

Tumango lang sina Yesha at Ken at saka tumuloy na sa loob ng eroplano para ayusin na ang mga gamit na dala.

"Bakit nandyan ka?" nangtatakang tanong niya nang makita si Ken na nakaupo sa likuran ng upuan niya.

Ngumiti naman si Ken. "Wala na tayo sa harap nina Papsy at Mamita. Tapos na rin ang stageplay natin. At gustuhin ko mang umupo sa tabi mo, nand'yan na ang real prince charming mo, Yesha."

Pilit siyang ngumiti bilang sagot bago tuluyang umupo. Tapos na nga pala ang lahat ng pagpapanggap nilang dalawa. At tama si Ken, nand'yan na ang totoong prinsipe niya. Si Kalix.

"Hey."

Naramdaman niya ang mainit na palad na humawak sa kanya bago nalingunan si Kalix. Pagkatapos, tuluyan na nitong pinagdaop ang palad sa palad niya.

"Okay ka lang?"

Napatingin siya sa kamay na tuluyang nakakulong sa mga palad ni Kalix. Dati, sobrang kilig ang nararamdaman niya kapag ginagawa 'yon ng kababata pero bakit ngayun, parang may biglang nagbago? Parang hindi na yata siya kinikilig kagaya ng dati kapag ginagawa iyon ni Kalix? Parang may kulang o may kung ano siyang hinahanap. Ano ba 'to? Parang may mali... Bakit iba ang nararamdaman niya kapag si Ken ang gumagawa no'n kung ikukumpara kay Kalix?. Simula na ba ito nang pagbabago ng kanyang nararamdaman sa kababata?

"OK lang, Kalix," sagot niya bago ibinaling ang tingin kay Ken.

....

follow niyo ako sa IG (kaneza.kenlet) ko for more novels to come :)... and pati na rin sa fb ko (kaneza kenlet) for updates.... thank u guys for reading this novel... alam kung hindi pa dito nagtatapos ang lahat nagsisimula pa lang tayo... first time kung gumawa nang ganito sana magustuhan niyo at sana suportahan niyo rin.... thank you again, guys. :)

Next chapter