webnovel

Chapter 19

"HINDI mo ako masusundo? Sige, ok lang. Magta-taxi na lang ako pauwi," malungkot na sabi ni Yesha kay Kalix na kausap niya sa cellphone.

Hindi pa man niya dinala ang kotse niya dahil ang usapan nila ay ang kababata ang maghahatid sa kanya pauwi kagaya ng nakagawian nila. Maaga niyang pinauwi ang staff at isinara ang Suay Flower Shop dahil umaasa rin siyang manonood muna sila ng sine. Kaya lang, mukhang maaga siyang matutulog ngayon.

Tahimik na niyang iniligpit ang mga gamit bago tuluyang isinara ang flower shop. Inila-lock na niya ang pinto nang mapapitlag sa businang biglang umalingawngaw hindi kalayuan sa kinatatayuan niya.

"Hi, byonda, bet mo bang i-chorva kitech pauwi?"

Napangiti siya ng malingunan ang may hawak na manibela at salarin sa nakakagulat na busina. "Wit, dehins kita bet," sagot niya bago natawa. Hindi pa rin talaga siya sanay sa pag-gay language ni Ken. "What are you doing here?"

"Wala kasi akong magawa. Sinusulit ko lang ang bakasyon ko rito sa Pilipinas. So ano, pwede ba kitang ihatid?"

Saglit siyang napatitig sa gwapong mukha nito. Mahigit isang lingo na rin itong hindi nakita mula no'ng araw na naghiwalay sila sa airport. At sa ilang araw na hindi nito pagpaparamdam, lalo niyang naramdaman sa sarili na na-miss niya ang pamintang na sa harapan niya ngayon. "Sa gwapo ng kotse mo, makakatanggi pa baa ko?"

Tumuloy na siyang pumasok sa loob.

"At bago tayo umuwi, mag hihingin sana akong favor."

"Favor? Akala ko ba tapos na 'yong pagpapanggap natin?"

"This time, iba 'to,Yesha," sabi ni Ken sabay hawak sa kamay niya. "Ayoko na kasing manlalaki."

Napapangiti siyang napakunot-noo. "Huh? What do you mean?"

"You know what I mean. And please, Yesha, 'wag mo kong tatawanan."

Saglit niyang itinikom ang mga labi upang muling pigilang mamutawi ang mas malaking ngiti. Hindi niya kasi alam kung saan matatawa. Kung sa favor ba na sinasabi nito o sa pagpipigil din ni Ken sa sarili na matawa. "I will not, promise. Pigilan ko."

"Gusto ko kasi sana na pagbalik ko kina Papsy….. hmm… totoong lalaki na ako." Muling humugot nang mas malalim na buntong-hininga sa Ken. "I want to be straight guy again. Not a bi…. Not a beki or not even a heteroflexible… straight, Yesha. I want to be totally straight guy."

"Seriously?"

"Ano ba'ng type mo?" tanong ni Yesha habang nagpapalinga-linga sa paligid. Sa isang bar sa Maynila niya dinala si Ken. Ang bar na kung saan paminsan-minsan ay pumupunta sila ng kabarkada niya. Mga barkada niya na naghahanap ng kalandian o seryosong relasyon.

"Hmmm…. Yung mas matangkad sa akin, mas maganda ang biceps at may perfect abs," sagot ni Ken.

"Baliw! I mean sa babae!" natatawang Singhal niya rito habang patuloy sa paglilibot ng paningin.

Naisip niyang kasing ganda at sexy siguro ni Katrina ang mga type nito. Hindi naman kasi siguro ito magkakaroon ng pang Miss Universe na ex-girlfriend kung saan ang isang plain na kagaya niya ay tipo nitong babae. Bigla siyang natawa sa sarili nang maisip na bakit kailangan niyang ikumpara ang sarili sa mga tipo nitong babae. "What about that girl?"

Nabaling na rin ang tingin ni Ken sa tinitingnan ni Yesha sa kabilang mesa. Isang babaeng nakasuot ng manipis at maiksing party dress na kung saan lumalabas ang magandang korte ng katawan ang nakapuwesto roon. "hmm… not bad."

"Oh? What are you waiting for? Puntahan mo na. Don't tell me, torpe ka?" natatawang kantyaw niya kay Ken.

"Ako, Torpe,?!" sabi nito bago diritsong ininom ang alak na laman sa kaharap na baso. "Watch me,"

Tumaas ang isang kilay niya nang buksan pa ni Ken ang unang dalawang buttones ng polo shirt na suot kung saan lumabas ang matipuno nitong dibdib. Nakasunod ang tingin niya sa pamintang lumapit sa mesa ng babaeng pinag-uusapan nila kanina.

Ilang saglit na ngitian at tawanan lamang, pumuwesto na ito ng upo sa tabi ng babae. Habang pinapanood ang dalawa mula sa puwesto niya ay hindi niya maitatanggi na hindi talaga kababakasan ng kahit kaunting pagkasilahis ni Ken.

Kanina, habang papasok sila ng bar ay ramdam niyang nasa kanila ang tingin ng ilang mga taong nadaanan. Na kay Ken, actually. Kaya alam niyang kahit sino naman yatang babae na lapitan nito upang kuhain ang pangalan at makipagkaibigan ay hindi tatanggi.

Habang naghihintay kay Ken, kinuha niya na lang muna ang cellphone. At napabuntong-hininga siya nang makitang wala man lang text message sa kanya galing kay Kalix. Bakit ba hindi pa siya nasanay na hindi talaga siya ang priority nito?

Ibinalik niya uli ang tingin sa mesa na kung saan si Ken. Napangiti siya nang bumukas mga labi ni Ken ang pagtawa nito na tila naririnig niya sa kina-uupuan niya. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis sa nang mapansing kinikilig na kaagad ang babaeng kausap nito. Ilang saglit pang nagtawanan ang dalawa bago tila nagpaalam ang babae ata umalis sa kinauupuan. Wala pang limang minute, tumayo na rin si Ken sa kinauupuan niya at bumalik sa kung saan nakaupo si Yesha.

"Oh, bakit bumalik ka kaagad? Saka bakit umalis yong chix na 'yon?"

"Magc-cr lang daw. Magre-retouch yata," sagot ni Ken na tumawag ng waiter at um-order ng maiinom pa.

"Eh, bakit nandito ka na kaagad?" nagtatakang tanong niya.

"Boring kasi kausap, eh. Dito na lang ako. Magkuwentuhan na lang tayo, Yesha."

"Sure ka? Ang ganda n'ong chix. Sayang naman kung—"

"Shh"

Napalunok siya nang lumapat ang hintuturo ni Ken sa mga labi niya.

"Let me just enjoy this night with you, please?"

Hindi nakaimik si Yesha sa sinabi ni Ken. Saglit pa silang nagkatitigan hanggang sa maramdaman na niya ang mainit na mga palad nito na kumulong sa magkabilang pisngi niya.

Inaatake na naman siya ng kakaibang kaba kapag umaarte ng ganito si Ken. Pakiramdam niya kasi, nawawala ang lahat ng kabaklaan nito sa katawan kasabay ng saglit ding pagkawala ng feelings niya para kay Kalix. Teka, sinabi niya bang nawawala ang feeling niya para kay Kalix dahil kay Ken? No! Mali. Mali siya ng nararamdaman.

"Keri na ba?"

"Ha?" kunot-noong balik tanong niya nang bigla itong kumilos na parang binabae kagaya ng dati.

"Pwede na bang magpa-in love ng mga chix ang mga lines ko?"

Gumuhit ng malaking ngiti sa mga labi niyang habang nagpipigil ng tawa. Napakagaling talagang umarte ni Ken. Muntik na siyang madala… Actually nadala na nga siya, ayaw niya lang aminin. Akala kasi niya, seryoso na ito.

"You almost got me there."

.

.

.

.

.

.

Be safe guys lalo na ngayon dahil may Covid-19.....

follow niyo ako sa IG (kaneza.kenlet) ko for more novels to come :)... and pati na rin sa fb ko (kaneza kenlet) for updates.... thank u guys for reading this novel... alam kung hindi pa dito nagtatapos ang lahat nagsisimula pa lang tayo... first time kung gumawa nang ganito sana magustuhan niyo at sana suportahan niyo rin.... thank you again, guys. :)

Next chapter