"Wow! Ang ganda ng resort ninyo, Mamita!" namamanghang sabi ni Yesha nang makarating sila sa isang private beach resort na pagmamay-ari ng pamilya ni Ken. Nagkayayaan kasi ang mga ito na mag outing.
"Lahat nang nakikita mo ay mamanahin mo rin Yesha kasama na'ng magiging apo naming sa inyu ni Ken," Sabi ni Mamita."
Nawala naman bigla ang mga ngiti sa mga labi niya at nakagat ang pang-ibabang labi. Nagu-guilty na naman kasi siya.
"baby…."
Napatingin siya sa kamay na umakbay sa kanya. Kasunod no'on ang paglingon sa mukha na nagmamay-ari nito. Si Ken. Kung hindi lang talag ito beki, iisipan niyang na nanantsing na ito sa kanya.
"Ang ganda, no?" sabi ni Ken sabay hawak sa pinsgi niya." Parang ikaw…"
"Ang sweet talaga ng apo natin, Papsy," nakangiting sabi ni Mamita at saka sumandal kay Papsy. "Parang tayo lang no'ng kabataan natin."
"Oo nga, Mamita. Sana magkaroon din sila nang maraming chikiting ni Ken," segunda ni Papsy.
"Oo naman, Papsy. Yung tipong pwede nang pang basketball team."
"Makaisang dosena ka naman, baby. Grabe ka, ha!" nanlalaki ang mga matang awat niya sa sinabi ni Ken. Natatawa siya pero hindi niya maiwasang kabahan. Isang dosenang baby?! Haler?!.
"Biro lang, baby. Heto na ang swimsuit mo, oh. Magpalit ka na para makapagswimming na tayo habang hindi pa dumarating ang ibang bisita. Para din wala pang masyadong tao sa shower room at walang makakita ng bilbil mo."
"Yabang nito! Wala akong bilbil, no! baka ikaw!" kunwa'y inis na sagot niya.
Tinanggap niya ang paper bag at nagpaalam sa dalawang matanda bago pumunta sa pinakamalapit na shower room kung saan pwede siyang magpalit ng damit. Malaki ang shower room at halos may labing lima na pinto sa loob. "Yesha."
Napalingon si Yesha sa may pinto kung saan narinig ang boses ni Ken kasunod ang mararahing pagkatok. "What?" tanong niya pagbukas ng pinto.
"Nakalimutan kung i-abot 'tong sarong."
"thanks," sabi niya. Isasara na sana niya uli ang pinto pero naalala niyang nahirapan nga pala siyang i-buttones ang suot na blouse sa may likuran. "Ken, wait."
Nakangiting humarap si Ken. "Yes?"
"Can you unbutton my blouse at my back?"
"H-Huh?"
"sabi ko pakibuksan naman yung buttones sa may likuran ko." Inayos na niya ang buhok bago inilapat ang likuran niya sa kausap na beki.
"O-Okay," sagot ni Ken bago sundin ang hinihinging pabor ni Yesha.
"Thanks, Ken, hindi ko kasi talaga—,"
Napakunot ang noo niya nang malingonan si Ken na naglalakad na palayo sa kanya. Halos hindi niya nga naramdamang dumampi ang balat nito sa balat niya.
Muli na lang siyang pumasok sa loob ng banyo at sinilip ang paper bag na inabot ni Ken.
"Hindi ba ibinilin ni Kalix sa kanya na conserbatibo akong baklang-babae?" One piece 'yon na kulay navy blue na halos kita ang buong likod niya. Pagkatapos, kinuha niya mula sa paper bag ang kulay puting sarong na maaaring ipatong sana sa katawan niya pero nadismaya siya nang makita na manipis ang tela.
Gayunpaman, isinuot pa rin niya ito. Pagkatapos, nag pose siya na parang model sa harap ng salamin. Mabuti na lang at walang bakas ng bilbil ang tiyan niya ngayon. Magaling talaga pumili nang kulay para sa maputi niyang balat. Isang buntong-hininga pa ang binitawan ni Yesha bago isinuot ang shades sa mga mata saka lumabas sa ng shower room.
Ramdam niyang na sa kanya ang tingin ng mga nadaanan na mga bisita hanggang sa makarating sa puwesto nina Ken.
"Si Ken ba ang pumili ng swimsuit mo, Yesha?" nakangiting tanong ni Mamita na napahinto sa pagtulong sa mga katulong sa pagaayos sa mesa at nakangiti siyang pinagmasdan. "Bagay na bagay sa 'yo, hija. Alam mo bang magkasing katawan talaga tayo no'ng dalaga pa ako?"
"Thank you po, Mamita." Lalo siyang napangiti nang mabaling ang tangin niya kay Ken na nakatulala sa kanya. "Baby, kaunti na lang at magkakasiya na ang kamao ko sa bibig mo."
"Sorry, I just can't help it. You're so hot, baby," sabi ni Ken. Hindi kasi ito inaasahan na may itinatagong pang-mens magazine na katawan ang dalaga.
'Naha-hot-an siya sa akin?" muli siyang napalunok nang maisip 'yon.
"Hi, guys! May naka-miss ba sa akin?"
Agad na nawala ang gumugulo sa isipan ni Yesha nang malingunan ang bumati at nagtatanong na iyon. "Kalix!" halos patakbo niyang nilapitan ang kababata na nakatayo hindi kalayuan sa kanila at niyakap ito ng mahigpit. "Akala ko hindi ka na dadating!"
"Matitiis ko ba naming hindi tuparin ang promise ko sa 'yo na susunod ako?" sagit ni Kalix. "Teka, parang may bago sa 'yo, ah?" napatitig ito sa kababata.
Nakangiti siyang umikot sa harapan ni Kalix. "Bagay ba? Si baby ang pumili nito."
"Baby?"
"I-I mean, si Ken. Let's go, ipapakilala kita kina Papsy at Mamita." Hinila na niya ang kababata palapit kina Mamita.
"Kalix, mabuti't hindi ka nahirapang hanapin 'tong resort," bati ni Ken sa bagong dating na beki.
"Kilala naman kasi 'tong resort niyo kaya mabilis lang ito hanapin" sagot naman ni Kalix.
Maya-maya, nagsalita na si Yesha. "Papsy, Mamita, si Kalix po pala—"
"Pinsan ni baby," mabilis na dugtong ni Ken bago pa matapos ni Yesha ang sinasabi. "Siya 'yong kinukwento naming sa inyo na nakasama ko sa Kuwait. 'Di ba baby?" pasimpleng umakbay si Ken kay Yesha upang mapabitaw kay Kalix.
"Y-Yes, si Kalix po, pinsan ko," sabi niya bago tuluyang mabitawan ang kamay ni Kalix.
"Ah, ikaw pala 'yon. Tamang-tama at nakahain na ang mga pagkain. Myra, tawagin mon a ang mga bisita," baling ni Mamita sa katulong.
"Maganda at gwapo talaga ang lahi ninyo, Kalix, 'no? Hindi talaga nagkamali sa pagpili ng mapapangasawa 'tong apo ko," sabi ni Papsy.
Kahit natawa si Kalix sa sinabi, parang may kung anong inis itong naramdaman nang mapadako ang tingin kina Ken at Yesha na magkahawak ang mga kamay. Nagseselos ba siya? kanino? kay Yesha kasi naagaw nito ang atensyon ni Ken? Pero bakit parang hindi? Parang kay Ken siya nagseselos… dahil malapit na ito kay Yesha. Pero bakit?
Maya-maya, nagyaya nang kumain ang dalawang matanda dahilan para maputol ang pagmuni-muni ni Kalix.
"Kalix, 'wag kang kakain ng hipon, ha? Heto, mag chicken ka na lang at saka chopsuey. Dadagdagan ko na rin ang kanin mo," sabi ni Yesha na nakaupo sa pagitan ng upuan nina Ken at Kalix.
"Baby.."
Napalingon siya sa katabing si Ken bago saglit na nakagat ang pang-ibabang labi. Nakalimutan niya yata kung saan sila.
"Wala pang laman ang plato mo, oh. Sa 'yo na yung favorite mong part ng chicken saka itong kare-kare. Lagyan ko na rin ang plato mo," sabi naman ni Ken habang nilalagyan ng mga ulam ang plato niya.
"Kukuha na rin ako ng inumin mo. Pineapple juice, right?"
"Y-Yes. Thank you."
Hindi naman maiwasan ni Kalix ang manibago lalo na nang makita ang pagaasikaso ni Ken kay Yesha.
Hindi ito madalas na nagaasikaso kay Yesha pero sanay itong inaasikaso ng kababata. Kaya saglit pa itong napatulala sa dalawa bago nagpatuloy sa pagkuha na sariling pagkain.
.
.
.
.
.
follow niyo ako sa IG (kaneza.kenlet) ko for more novels to come :)... and pati na rin sa fb ko (kaneza kenlet) for updates.... thank u guys for reading this novel... alam kung hindi pa dito nagtatapos ang lahat nagsisimula pa lang tayo... first time kung gumawa nang ganito sana magustuhan niyo at sana suportahan niyo rin.... thank you again, guys. :)