webnovel

Two Face by pinkyjhewelii

Urban
Ongoing · 535.2K Views
  • 42 Chs
    Content
  • 4.7
    113 ratings
  • NO.200+
    SUPPORT
Synopsis

In a world where everyone is over exposed, the coolest thing you can do is maintain your mystery. Kenshin Aki Sarmiento grew up with his father alone—not knowing her mother. There is something in his personality. Sometimes, he's innocent like a kid but sometimes, he's a bad boy. Curiousity will kill you, of course. But what is the secret behind the innocence and the wild side of this guy? Remember that the less you reveal, the more people can wonder.

Chapter 1Chapter 1

NAKABUSANGOT ang mukha ko habang nakatingin sa tatay kong napa-panot na. My gosh! Nakaka-stress tingnan ang ulo niya.

"What's with your face, Cybel?"

I rolled my eyes. "Duh, Papa! I told you, I'm not a teenager anymore. Gusto ko rin namang magkaroon ng sariling condo unit! Nakakainggit kaya ang bestfriend ko kasi she has her own unit! Imagine, kulang nalang tumira ako doon." Sabi ko.

He glared at me. "When I say no, it's a no. Dalawa lang kayong magkapatid ng Kuya mo. At ang Kuya mo, doctor sa US. At alam mong busy ako sa mga business natin kaya hindi ako madalas nakakauwi dito sa Pilipinas. Ikaw nalang ang natitira dito so you should stay at this house."

I sighed. Iyon naman palagi ang dahilan ni Papa e. Palagi niyang sinasabi na hindi ko kailangan ng condo unit dahil ang laki laki nitong bahay namin, more likely mansyon. Totoo naman ang sinabi niya na halos ako lang talaga ang natitira dito sa Pilipinas. Minsan lang nakakauwi si Papa dito—kapag may business meeting lang siya. Tapos ang Kuya kong ubod ng pangit, nasa US. And sadly, my mother is so busy with her amigas and business in France. Hindi talaga kami ganoon ka-close dahil kakapanganak palang yata niya sa akin, umalis na siya ng bansa.

To be honest, I really want to be free. Though, free naman akong makapunta kung saan saan, I mean, gusto ko rin namang maranasan iyong nakatira lang ako sa iisang condo unit without maids and all. Iyong ako lang talaga. Siyempre para makapag-uwi rin ako ng boylets. Kidding aside, nakakasakal pa rin naman dito sa mansyon e. I don't want to be treated like I'm some kind of a princess na para bang lahat nalang ibibigay sa akin. Ultimo pagkuha ng pagkain ko, Gawain ng mga katulong dito. Literal na kakain nalang ako. Feeling ko tuloy tumatanda akong walang alam sa buhay e. I still want to be dependent. Ayokong umasa sa yaman ng pamilya ko para mamuhay prinsesa.

"Let's stop this topic. I'll be flying to New York for some business matters tonight. Be a good girl. May nabasa na naman akong article tungkol sa iyo at kay Cherrypink nang pinagagagawa niyo sa mga bar. I hope you know your limitations."

"Papa, at least naman alam mo ang totoo, right? You know how good I am. Saka ang bait bait ko kayang anak. Kaya baka magbago pa ang isip mo, Pa. Condo unit..."

"I have to go." Bagkus ay sabi niya. "Take care, my princess. Don't forget that anytime soon, kailangan mo na ring mag-trabaho sa company."

Again, again. Calling me a princess sucks! And working in our company? No way. Pangarap ko kayang maging super famous model. It's not because I have the body and the looks but because I believe, I was born to be a famous model.

I just nodded at him and kissed her cheeks and said my goodbye. Sumandal ako sa sofa at nagmaktol. Nakakainis talaga!

"Miss Freya..."

Sumimangot ako. "I told you to call me Frey. Not Freya. Okay?" pagtataray ko sa personal maid ko. "What is it?"

"Naka-ready na po ang bathtub sa bedroom niyo. Tulad po ng sabi niyo, may mga rose petals and rose scents po." Aniya.

"Alright! Good." Sagot ko.

Tumayo na ako saka pinalibot ang tingin ko sa kabuuan ng private office ni Papa dito sa bahay namin. Malaki—as in, kasi si Papa, ito na ang kanyang bedroom, kitchen and all. Kapag uuwi siya dito sa Pilipinas, palagi lag siyang narito. Kaya nga kapag babatiin ko siya, ako nalang ang pumupunta rito.

I sighed. Mag-isa na naman ako dito sa bahay na 'to. Well, sanay naman akong mag-isa. Kaya nga siguro madalas ay pumupunta ako sa condo unit ng bestfriend ko—si Cherrypink Castillo. At madalas, lumalabas kami para magsaya. We were classmates since primary school hanggang maka-graduate kami ng college. Until now that we are already graduate, close na close pa din kami to the point na halos kapatid na ang turingan namin. We shared everything—good and bad. Lahat ng kalokohan, lagi kaming magkasama at sa lahat ng mga trippings, lagi kaming go for the gold. That's how we live our life.

Lumabas na ako ng private office ni Papa saka dumiretso sa kwarto ko. Sakto namang nag-vibrate ang phone ko. I looked at it, and I have a new message.

From: Biatch 💕

Hoy Freya Cybel Guevarra, kanina pa ako nagmi-misscall sa iyo, aba! Suplada ka na ngayon. Nakalimutan mo na ako. Hindi mo na ba ako friend? Grabe napakasakit, ha! I hate you!

Kumunot ang noo ko. Ano namang dina-drama ng bruhang 'to. Kapag talaga nagtatampo na siya, tinatawag niya ako sa buong pngalan ko. My gosh, nakakastress 'tong babaeng 'to!

I called her. "O, ano namang dina-drama mo diyang bruha ka?"

"Freyyyyyy!" may pagtili pa siya niyan, my gosh, ang eardrums ko.

"Ano, ano? Kung makatili ka, para kang nakakita ng banana."

"Eww! Kadiri ka talaga, Frey! Anyway, Success! As in success ang pag-flirt ko kay Mr. Palermo chukchakchenes! Niyaya niya akong makipagkita sa isang bar tonight! You should come! Kailangan ko ng powers mo."

"Grabe siya. Anong tingin mo sa akin, member ng power rangers?" sumimangot ako.

"Duh! Kailangan ko ng power of support mo, siyempre! Don't forget tonight, ha? See you later!"

Call ended. Bastos. Binabaan ako ng bruha. Sasbaunutan ko siya mamaya kapag nagkita kami. Lumalandi na, letse! Samantalang ako, wala. Ano, siya lang ang pwedeng lumandi? Hay, kailangan ko yatang maghanap ng boylet mamayang gabi para may kalandian naman ako.

Oopss, baka isipin ng mga tao, malandi ako. Well, malandi talaga ako pero hindi ako pokpok. Bestfriend goals kami ni Cherrypink. Mahilig kaming makipaglandian sa boys at magpaasa, but they never bring us to bed. Duhh! Mataas kaya standards ko. Ganda ganda ko e.

Anyway, I need beauty rest. Kailangan kong magbabad sa bathtub na may roses. Para fresh na fresh mamayang gabi. I'm so excited.

📌

HINDI ako mapakali. As in OMG! Hindi ko naman kasi inakalang ganito ka-hot at ka-gwapo ang nilalandi ng bestfriend ko! I'm willing to take bullets for him, shit!

"I want him! Darn, biatch! Ibibigay ko ang virginity ko sa kaniya!" sabi ko habang tinatanaw siya sa VIP table—prenteng nakaupo ang lolo niyo.

Bahagyang hinila ng bruha ang buhok ko. "Stay here, Frey. Huwag kang malandi." Aniya.

Wow, coming from her? Minsan taaga, pa-inosente 'tong kaibigan ko e.

"I'm sure, biggie si banana! I want to see!" malanding sabi ko. Naku, kailangan kong manalo sa pustahan naming ng bruha na 'to! Malaki nga kaya ang banana ng lalaking iyon?

Sinamaan ako ng tingin ni biatch. "Act like a lady, jusko! Umayos ka nga diyan!"

I almost freak out, seriously. "E, kasi naman! Malay ko bang ganyan siya ka-hot at ka-gwapo? Grabe natanggal na nga ang strap ng bra ko!"

Wait, may bra ba ako?

"Tigilan mo 'yan, babae! Psh." Sabi ni Cherrypink na masama pa ring nakatingin sa akin.

Grabe, dapat kapag friends nagshe-share.

"Bakit nga ba hindi ko man lang naisip na i-search siya sa google para hindi nagwawala ang hormones ko ngayon. Damn, he's so gwapoooo! Kahit shake hands lang. God!"

Minsan lang talaga ako ma-freak-out sa itsura ng isang lalaki. And when I say, freak out. It's literally freaking out!

"Mamaya. Okay? Just, please stay calm. Mukha kang tanga, Frey."

I rolled my eyes. Tingnan mo 'tong babaeng ito. Sinabihan pa akong tanga. Kaibigan ko ba talaga siya?

"Grabe ka naman. Look oh, appreciate his beauty." Sabi ko saka umayos ng pagkakaupo dito sa table namin.

"His beauty? His kalandian! Psh. Dito ka lang. Huwag na huwag kang lalapit sa amin. I'm warning you." Bilin niya.

Napaka-unfair! Bakit kasi hindi nalang niya ako isama sa VIP table na iyon? Hay, tumango nalang ako at nag-behave. Ise-save ko ang energy ko mamaya kapag pinakilala na niya ako sa Palermo na iyon.

"Sige na, I'm going there. Baka magtaka na siya. Masyado na akong matagal. Baka puntahan pa ako sa comfort room."

Fine, fine. Kanina pa nga pala siya ro'n sa VIP table na iyon at nagpaalam lang siyang pupunta sa comfort room para inggitin ako dito sa table ko. Yes, table ko dahil solo flight ako dito. Mukha tuloy akong loner.

"Alright! Basta ang banana. Kapag may pagkakataon, take a picture ha?" bilin ko sa kaniya. Syempre, ang pustahan!

Condo unit pa naman ang ipinusta niya sa akin. My dream!

"Okay, fine!" napilitan pa yata ang bruha. Ayun, rumampa na palapit sa Palermo na iyon.

Uminom nalang ako ng beer.

Maya maya pa ay kumunot ang noo ko nang makitang magka-akbay na sina Cherrypink at ang hottie na Palermo na iyon na palabas ng bar. Wow! As in wow. What a very nice friend I have! Iniwan ako ng bruha! Bwisit! Hindi pa nga niya ako pinapakilala sa hottie na iyon, e. Akala mo naman aagawin sa kaniya.

I sighed. Whatever! Bahala nga sila. Well, siguro gagawin na ni Cherrypink ang oplan: tingnan ang size ng banana ni Palermo. Mas maigi na iyon for our deal.

And now, what should I do? The usual. Flirting with boys.

"Hi, are you alone?"

Nag-angat ako ng tingin sa lalaking... sa isang segundo...

"Miss?"

"Uh, yes? Wanna have a drink with me?" I asked. Sanay na naman ako sa mga boys na lumalapit sa akin para yayain akong uminom at makipag-good time e. Ako pa? E ang ganda ganda ko.

He smirked at me. "Since you're alone, can you move at the bar counter? Puno na ang bar at marami pa kaming grupo ng customers na dumarating. They need a table like this. At dahil mag-isa ka naman, pwede naman sigurong sa bar counter ka nalang?"

Natulala ako. Literal akong napanganga sa sinabi niya. What the hell did he say? "A-Anong sabi mo? Pakiulit nga?"

"Bingi ka ba, miss? Sabi ko pwede bang lumi—"

"Enough!" pinatigil ko siya. "So you mean, pinapaalis mo ako sa table na ito dahil marami pang customers ang dumarating at wala ng ibang available tables? And because I'm alone, gusto mong lumipat ako sa bar counter? Wow. Amazing. Are you what, the manager?" pagtataray ko.

In my entire life, this is the very first time na may magpalipat sa akin ng table. Seriously!? I'm paying for my drinks. Anong tingin niya sa akin? Mahirap?

He smiled. "I'm the owner's son." Simpleng sagot niya.

Amazing naman talaga! Tumayo ako saka nameywang sa kaniya. "You're just the son! How dare you? Hindi porke mag-isa ako, may karapatan ka ng paalisin ako sa table na ito! Ako ang nauna rito, um-order ako ng drinks and I have the rights to stay here whenever I want!" naiinis talaga ako! Naiinis ako! Pigilan niyo ako!

Ngumiti pa din siya. Nagawa pa talaga niyang ngumiti? Sayang ang kagwapuhan niya kung ganyan siya ka-rude!

"Excuse me, iha. Anong nangyayari dito?"

Tumingin ako sa may-edad na lalaki. They looked alike. Baka siya ang owner?

"Are you the owner?" tanong ko.

"Oo, iha. Ako nga ang may-ari ng napakatanyag na hashtag bar na ito. At kung iyong tatanungin, talaga namang sikat na sikat ito dahil sa aking taglay na pagka-hot. Huwag mong kalilimutan iha, ako ang nag-iisang Ken Sarmiento. Hashtag hot si ken."

Kumunot ang noo ko. This man is weird. Seriously? "Whatever. My point is, itong lalaking 'to—"

"Naku, iha. Huwag mong dinuduro ang anak ko. Kahit kailan, hindi ko siya dinuro at talaga namang pinalaki ko siyang may dangal—"

My head! What's with this man?! "Enough, Mr. Owner. Sumasakit ang ulo ko sa lalim ng tagalog niyo. Anyway, pakisabihan lang ito—"

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla nalang akong hilahin ng rude na lalaking 'to plabas ng bar. Ang lalaking 'to, feeling close pa!

"Bitawan mo nga ako!" sigaw ko. Saka niya ako binitawan. Nakarating kami dito sa labas ng bar.

He looked at me—innocently.

"Sorry for my rudeness a while ago. I'm not in the mood, actually. May jetlag pa ako at napagtuunan kita." Sabi niya.

Okay, nagso-sorry siya. Kumalma ako. "But you were rude."

"Yes, I admit. That's why I apologize. I'm really sorry." Aniya. Mukha na siyang mabait na tuta. Anyway, gwapo talaga siya pero mukhang good boy.

Huminga ako ng malalim. "Fine. Ayoko rin namang masira ang gabi ko dahil lang sa ginawa mo. Pero mali talaga iyon."

"Again, sorry."

Kumalma naman ako dahil sa kainosentehang itsura niya habang nagso-sorry. My weakness, ny goah.

"Look, hindi lang ako maganda, mabait pa. Kaya pasalamat ka." Sabi ko.

Tumawa siya ng malakas. "You're funny."

Bwisit na lalaking 'to! Pagtawanan ba ako?

"Anyway, bakit mag-isa ka? Are you broken hearted?"

I rolled my eyes. "Kapag mag-isa ba, broken hearted agad? Iniwan lang naman ako ng magaling kong kaibigan at sumama sa lalaki. Ugh, ang bruhang iyon. Porke gwapo at hot ang Palermo na iyon, kinalimutan na agad ako."

"Wait, what did you say? You mentioned Palermo?"

I nodded at him. "Yes. Duke Palermo. Ka-date siya ng bestfriend ko kanina."

His eyes widened. "Damn... is it real? For flirt or for serious?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong klaseng tanong iyan? Judgemental ka!" sabi ko. "Bakit ka pala interested? You know him?"

Grabe, bakit nawala agad iyong inis ko sa lalaking 'to pagkatapos ng ginawa niya sa akin kanina?

"He's my friend." Sagot niya. "Close friend. Best buddies. Hindi niya alam na narito na ako sa PIlipinas. Ang liit naman pala ng mundo. Look, I met you—her girl's friend."

I bit my lower lip. Ano na, bess? Lalandiin ko na ba ang lalaking 'to? He seems okay. Bukod sa gwapo siya, hot din naman siya kaso hindi siya mukhang bad boy tulad ni Palermo ni biatch.

"Keshe..."

"What?"

"I mean, kasi naman, maliit talaga ang mundo." Sabi ko.

"Really? I wonder... paano tayo nagkasya kung maliit ang mundo? For over millions of people?"

Ano daw? "What did you say?"

He looked innocent. "Nothing. Anyway, because of my rudeness, I will treat you. Let's go inside and drink."

Iyan na nga ba nag sinasabi ko. Ang karisma ni Frey 101. My gosh, siguro sinadya niyang maging rude kanina sa akin para magpapansin. Hay, bagong technique ba iyon to get a girl? Asus naman, wait?

"What's your name nga pala? Kanina pa tayo nag-uusap." Sabi ko.

"Kenshin." he said. "Kenshin Sarmiento." He winked. Sumenyas siya na pumasok na kami sa loob ng bar.

For a moment, I was... mesmerized with him. Damn boy!

You May Also Like

The CEO's Substitute Wife

Sampung taong gulang siya noon nang ipadala siya ng mga magulang niya sa US at doon pinatira sa lolo't lola niya. Madaming dahilan kung bakit siya inilayo ng mga ito. At isa na doon ang pagtago sa kanya sa mga Sandoval. She was sad that time because she knew that her parents never liked her. Kaya nga pinadala ito siya ng mga ito sa ibang bansa. She tried to beg but they never give her a chance. She was abandoned by her own family. But her grandparents never let her feel that way. Thay kept her,  loved her, and let her feel secured and happy.. But 13 years pass when her gradparents died. Her parents never showed up instead they just send her a money for her grandparents funeral. Ilang araw din pagkatapos ng libing ng mga ito ay pinauwi din siya ng mga magulang niya sa Pilipinas. She was forced to go back because of her sister. Nawawala daw ito bago ang kasal nito sa lalaking mahal niya. Yes. Her sister will supposed to marry the man that she loved 13 years ago until now. The man that she abandoned 13 years ago without noticing it and saying goodbye. Mahal ito ng kapatid niya at suportado din ito ng mga magulang nila. Kaya nga pinadala siya sa ibang bansa sa araw ng operasyon nito. Sa araw na dapat ay kasama siya nitong lumalaban. Pero wala nang halaga yun. Dahil ang lalaking mahal niya ay may mahal nang iba. At yun ang kakambal niya. He don't know anything and she don't have any intentions to say or speak about that matter anymore. Ayaw niyang sirain ang pagmamahalang meron sila. Ayaw niyang maging kontrabida sa isang love story na ang main characters ay ang taong mahal niya at ang kapatid niya. Pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana dahil pinagkasundo siya ng mga magulang niya na gawing pamalit sa kakambal niya. She need to marry him as a substitute to her twin sister. She can't even protest about it. Time passed and they are now husband and wife. But that's only in a piece of paper that they've signed. Isang taon din ang lumipas hanggang sa bumalik ang kakambal niya. Pero sa isang taong yun ay may namuo kayang pag-ibig na maaaring magbago sa kanilang tadhana o tutuldukan na nito ang lahat nang meron sila? Let's all find it out!

Mixxy_18 · Urban
Not enough ratings
31 Chs