webnovel

15 Years of Tears (COMPLETED)

After 15 years of pain, please remember my name.

gndrlsswrtr · Teen
Not enough ratings
4 Chs

Prologue

15 Years Of Tears

Jolly's POV

Noong bata pa lang ako, puro panlalait na ang naririnig ko sa mga tao. Puro masasakit na salita na galing sa kanila.

"Antaba naman niyang si Jolly e, Jollibee 'yaaan! 'Wag na nating isali sa laro 'yaaaan! HAHAHAHAH," panlalait sa akin ng isang bata doon sa lugar namin at nagtawanan ma silang lahat. Jolly kasi ang pangalan ko kaya tinatawag nila akong 'Jolly- Jollibee'.

Wala akong nagawa kaya naman bumalik na lang ako sa loob ng bahay para umiyak ng umiyak.

Wala pa man sa loob ng bahay ay pumapatak na ang luha ko kaya mas binilisan ko ang paglalakad papasok sa amin. Lalo akong napaiyak dahil nakita ko si nanay na naghahanda para sa pagpasok niya sa trabaho. Kami na lang ni mama ang magkasama sa buhay dahil iniwan kami ng tatay ko para sa ibang pamilya.

Habang umiiyak ako ay napatingin agad si nanay at natatarantang lumapit sa akin.

"Oh, bakit umiiyak ang malusog kong prinsesa?" pagtatanong ni nanay habang hinihimas ang buhok ko at niyakap ako.

"Nanay naman e, inaasar na nga po nila akong mataba tapos sasabihan mo pa 'ko ng malusog? Kaya walang gustong makipaglaro sa akin e," pag ungot ko kay nanay habang umiiyak pa rin.

"Walang gustong makipaglaro sa iyo? Pasensya na 'nak, ah. Hindi kasi puwede si nanay kasi may trabaho siya," nalulungkot na sabi ni nanay at pumunta sa kusina para ihanda ang kakainin ko.

"Malayo ba ang trabaho mo 'nay? Sasama ako sa inyo. Natatakot ako dito sa bahay," pagmamaktol ko sa kanya kaya naman napabuntong-hininga siya.

"Anak, hindi kasi pwede e. At isa pa, hindi ka naman katulong e. Kumain ka na lang dito. Nagluto ako ng paborito mong pata!" sabi ni nanay at itinaas pa sa ere ang nakapaglalaway na pata.

Pero hindi ako natakam. Mas nangingibabaw ang lungkot ko.

"Nanay, hindi mo po ako madadaan sa ganiyan mo. 'Nay, gusto ko pong sumama, sige na, 'nay. Hindi naman po ako magkukulit e. Promise," pangungumbinsi ko kay nanay at nagtaas pa ng kanang kamay habang nangangako. Lumapit naman sa akin si nanay.

"Oh, sige na nga. Sa isang kondisyon,"

"Ano po 'yon, 'nay?" tanong ko kay nanay tungkol sa kondisyong sinasabi niya.

"Kainin at ubusin mo muna itong niluto ko para sa iyo, pagkatapos ay sasama ka sa trabaho ko?" magiliw na sabi ni nanay kaya nagliwanag ang mukha ko.

"Iyon lang ba, 'nay? Sisiw na sisiw sa akin 'yan!" mayabang kong tugon ay umupo na sa lamesa at kumain. Agad ko naman natapos ang pagkain dahil masarap namang magluto si nanay. Dumighay pa ako dahilan para matawa kaming dalawa.

Pagkatapos kong kumain ay binihisan ako ni nanay at pumunta na sa trabaho niya. Medyo nahirapan pa nga akong isuot ang damit ko dahil medyo masikip na ito sa akin.

Pagdating namin sa pinapasukan ni nanay, agad akong namangha dahil sa sobrang laking bahay na nakikita ko sa harapan ko. Sabi ni nanay, 3 taon na daw siyang nagtatrabaho dito. Napangiti ako sa sobrang ganda ng bahay.

"Nanay, paglaki ko bibilhan kita ng ganitong bahay. Mas malaki pa dito!" sabi ko kay nanay kaya natawa siya sa akin.

"Hay nako, anak. Ikaw ang bahala. Pero bago mo 'ko bilhan nito, tapusin mo muna ang pag aaral mo," nakangiting sabi ni nanay at ginulo pa ang buhok ko.

Nang makapasok kami, ay lalo akong namangha. Parang palasyo ang loob nito at may hagdan pang nakakalula dahil sa sobrang taas. Napakarami ding ilaw at sigurado akong mahal ang bayarin nila sa kuryente. Nagkalat din ang mga kasambahay at abalang-abala sa mga ginagawa nila.

"Manang, ito po ang anak ko, si Jolly," pagpapakilala sa akin ni inay doon sa matandang babae na nakasuot ng pangkasambahay kaya naman nagmano ako sa kanya.

"Ito na ba ang anak mo? E kegandang bata naman nire at kaygalang pa," papuri sa akin ng matandang kasambahay.

"Sige, iwan mo muna siya dito. Hayaan mo siyang maglibot. Basta siguruhin mo lang na hindi siya maglilikot para hindi makabasag," sambit ng matandang kasambahay sa nanay ko.

Agad naman akong binalingan ng atensyon ni nanay at lumuhod pa para mapantayan ako.

"Narinig mo 'yon, anak? 'Wag kang maglikot. Maglibot ka muna dito dahil marami pang gagawin ang nanay," sabi ni nanay kaya agad naman akong napatango. Pagkatapos no'n ay iniwan na ako ni inay at sumama na siya doon sa matandang babae para magtrabaho.

Naglakad lakad ako. Napakalaki nitong mansion at napakaganda. Pero nataranta ako nang hindi ko na alam kung nasaan ako.

Medyo nahihilo na din ako dahil kada lakad ko ay bumabalik lang ako kung saan ako naligaw. Napaiyak ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Nandito ako ngayon sa parang hardin na napakalawak na bakuran ng mansion. Pero hindi ko na alam kung saan pabalik sa loob. Napaupo na lang ako at doon ako umiyak ng umiyak.

"Hey, why are you crying? Who are you? Why are you here? MOMMY!" sigaw ng batang lalaki na nasa tapat ko ngayon at nakatayo kaya napatayo na din ako.

"Hala, bata. Wag kang maingay. Hindi ako masama," pagpigil ko sa bata pero hindi pa din siya maawat sa kakasigaw.

"Uy! Tumigil ka diyan, hindi ako masamang tao," pagpigil ko nanaman sa kanya.

"I don't believe you! Who are you, then? Why are you here!" pasigaw na tanong niya sa'kin kaya napaatras ako sa kanya. Napaiyak ako dahil unang beses na may manigaw sa akin. Sanay akong asarin ako ng mga bata pero hindi ako sanay masigawan. Kahit nga si nanay ay hindi ako sinisigawan e.

Napatingin ako sa batang lalake pero nag- iba ang ekspresyon niya. Napatigil siya sa pagsigaw habang natataranta siya at parang hindi alam ang gagawin.

"W-wait, calm down. Don't cry," pagpapakalma niya sa akin pero tuloy pa rin ako sa kaka- atungal kaya lalo siyang nataranta.

"Stop c-crying. Fine. I believe in you. You're not a bad kid," sabi njya at may inalok sa akin. Isa itong candy kaya napatingin ako sa kanya.

"B-baka may lason yan ah," usal ko pero ngumiti lang siya sa akin. Kinuha ko naman ang candy.

"A-ako si Jolly Arcega. Anak ako ni nanay Susan yu-"

"Really? You're the daughter of nanay Susan? She's the best yaya ever!" pagmamalaki niya pa sa nanay ko.

"Alam kong da best ang nanay ko, nanay ko 'yon e," pagyayabang ko sa naman kaya nagkatinginan kami at sabay tumawa.

"Ikaw, anong pangalan mo?"

"Vander Severo. You can call me V," kaswal na sagot niya.

"D?" natawa siya.

"You can call me V. not D," pagtatama niya.

"D nga? Ano bang sabi ko?" giit ko.

"Fine. Call me whatever you want. But my name is Vander,"

Bulol pa 'ko sa ibang pagbigkas dahil bata pa naman ako e. Kaya 'di ko mabigkas ng maayos ang palayaw niya.

Na'ndito pa din kami sa garden ngayon kung saan ako naligaw nang may kinuha siyang notebook sa tabi niya. Sandali pa kaming nagkwentuhan pero maya maya ay napaiyak nanaman ako.

"Hey, why are you crying again? Did I say something wrong?" nag alala niyang tanong at iniharap ang mukha ko sa kanya. Nakaupo na kami ngayon sa garden dito.

"Wala. Naalala ko lang yung mga bata doon sa amin. Buti pa ikaw, mabait ka. E sila, ayaw nila akong kalaro ng mata-mataya dahil antaba ko daw at mabilis akong mataya," kuwento ko sa kanya habang umiiyak.

"It's okay, Jolly. I accept you for who you are," sagot niya kaya napaligon ako sa kanya.

"Talaga? Tanggap mo 'ko?" tanong ko at sumulyap sa kanya.

"Of course. Do you know why your name is Jolly?"

"Hindi. Bakit nga ba Jolly ang pangalan ko? Hindi ko natanong sa nanay ko 'yon ah? Wait lang itatanong ko kay nan-" naputol ang sinabi ko nang magsalita siya

"No. Don't disturb yaya. I know the answer to my question,"

"Alam mo naman pala e bakit mo pa tinanong sa'kin. Ayon nga, e bakit Jolly ang pinangalan sa'kin ng nanay ko?" tinanong ko siya.

"Because you're always happy. You always smile even when you cry. Jolly mean happiness in English," makahulugang sabi niya sakin kaya namangha ako.

Grabe, ang talino niya.

"Bakit ka may hawak na notebook?" usisa ko dahil kanina pa niya hawak ang notebook na 'yon.

"Ah, this?" tinignan niya ang notebook na hawak niya.

"I am thankful that you came. 'Cause, I have no playmate since then. I always write on my notebook and write some fictional stories. I also write here, in this notebook on how I feel if I am alone, sad, angry, confused, or whatever,"

"Ahh, parang diary?" tumango siya. Ibinigay niya naman sa akin ang notebook at pati ang panulat.

"Anong gagawin ko diyan?" nagtataka ako.

"Write how you feel. Write what emotions do you have right now. Write it so that I can also see it," bakangiti niyang saad kaya agad naman akong nagsulat.

Pagkatapos ko magsulat ay ibinigay ko ito sa kanya.

"Wow, you have a very good handwriting!" pagpuri niya sa sulat ko.

"Sandali nga lang. Bakit naman puro ka ingles? Di ka ba marunong magtagalog?" naiinis kong tanong dahil kanina pa siya ingles ng ingles.

"I don't know how to speak tagalog but I can understand it. That's why I understand you. When I was a child, my mom train me how to speak fluently in English." Pagkekwento niya kaya napatango ako.

Kinagabihan ay uuwi na kami ni nanay.

"Yaya Susan. Please always take Jolly with you whenever you're coming here in our mansion. She is now my playmate," masayang sabi ni Vander sa nanay ko.

"Gano'n ba, hijo? Oh sige. Lagi ko siyang isasama dito para may kalaro na rin siya. Bukas ay isasama ko," masayang sabi ni nanay.

Pagkauwi namin ay inayusan na ako ni nanay para matulog na. Halatang napagod siya kaya nakatulog sya kaagad. Magkatabi kami ngayon sa banig na nikalatag. Pero ako, hindi pa din ako nakatulog. Masaya ako dahil may bago akong naging kakilala na tumanggap sa akin bilang kalaro niya.

---