webnovel

Chapter 11. "Stay Away"

Chapter 11. "Stay Away"

Abrylle's POV

Maaga akong nagising. Pasado ala-sais pa lang ng umaga. Narito ako sa terrace namin. Nagpapahangin lang habang may iniisip.Wala naman akong sakit mula sa pagkakaulan ko kahapon. Pero hindi naging maganda ang tulog ko kagabi. May kung ano sa isip ko na hindi ko maalis. Para bang na-stuck na sa utak ko.

The way she is. Parang ang gaan ng loob ko sa kanya. Ito ang unang beses na nakipagusap ako sa ibang tao. Lalo pa at kakakilala ko pa lang. Pero I felt like, I've known her so much. Para bang nagkasama na kami dati pa.

Ang boses niya. Ang mukha niya. Pati na rin kung paano siya kumilos. Lahat 'yon tumatak na sa isip ko. Naalala ko rin ang pagligtas na ginawa nito sa akin. Pati na rin ang pagyakap niya sa akin kahapon sa ilaim ng ulan.

Napangisi ako ng maalala ko ang hitsura ng mukha niya tuwing mahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. Alam kong nahihiya siya at natutuwa ako sa hitsura niya. Ano nga ba ang salitang 'yon? Cute ba ang tawag 'don? Basta ayon.

Bumalik na ako sa kwarto ko. Paghiga ko sa kama. Nakita ko yung damit na naka-hanger. Ito yung damit na pinahiram niya sa akin. Kanino kaya ito? May kapatid ba siyang lalaki? O baka naman sa tatay niya?

Tumayo ako at kinuha ang damit pati na rin ang jersey short na pinahiram niya sa akin. Kagabi pina-laundry ko ito at pinaplantsa kay Manang Amy. Isusuli ko na lang sa kanya 'to. Pero wala akong balak na pumasok. Siguro mamaya na lang paguwi niya sa bahay nila.

Alas-quatro ng hapon ng umalis ako ng bahay para pumunta sa bahay nila. Pero pagdating ko 'don. Sarado ang bahay nila at parang walang tao. Hindi pa siya nakakauwi? Hindi na ako umalis sa tapat ng bahay nila at sumandal na lang sa pader. Hihintayin ko na lang siya.

Wala pang ilang minuto may babaeng papunta sa bahay nila. Huminto ito sa tapat ng gate nila at tinignan ako.

"Hijo? Sino ka?" tanong nito sa akin. Baka siya ang Mama niya.

"Uhm, ako po si Abrylle. Hinihintay ko po si—" Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong hinawakan sa braso. Nagulat ako sa ginawa nito.

Tatawa tawa naman 'to sa harap ko. "Hahaha alam ko na, isa ka bas a suitor ng anak ko? Tara pumasok ka muna." Hindi na ako nakapalag sa pagkakahila ng Mama niya sa akin.

Pagpasok. Pinaupo muna ako nito sa sala. Iba ang ambiance ng bahay nila kapag maliwanag pa. Hindi tulad kagabi na maulan. Mayamaya pa. Bumaba na ang Mama niya, nakabihis na ito, malamang galing ito sa trabahon.

"Sandali lang ah, ipaghahanda kita ng meryenda. Maupo ka muna diyan. Mayamaya nandito na 'yun si Laarni." Nakangiti nitong sabi sa akin. Tumango naman ako rito at umalis na ito.

Habang nasa sala ako. Tinignan ko ang mga picture na naka-display. Mukhang masasaya ang mga kuhang ito. Meron isang picture na magkasama sila ng Mama niya. Nakaramdam ulit ako ng lungkot pero napatawa ako sa sunod kong nakita. May litrato kasi na umiiyak siya habang nakasuod ng putting toga. Ang sunod naman ay parang isang family picture. Tinignan ko ang lalaki, baka sa kanya ang damit na dala ko. Siya kaya ang tatay niya?

"Ma, nandito na po—"

Napatingin ako sa pinto. Nakita ko naman siya na pumasok at ang laki ng mata habang nakatingin sa akin. "A-anong g-ginawa m-mo dito?" nauutal na tanong nito.

Kinuha ko naman ang paper bag na nakalapag sa sofa at iniabot sa kanya. Naglakad naman 'to papunta sa akin at kinuha ang paper bag at tsaka tinignan.

"Ah, isusuli mo lang pala. Hehehe." Nakita ko parang dismiyado siya sa nakita niya.

"Oh? Nandiyan ka na pala Anak," napatingin kami sa Mama niyang may dalang tray ng juice at slice ng cake. Inilapag niya ito sa center table. "Kain ka muna hijo," sabi nito sa akin. "Anong pangalan mo?" masayahin ang Mama niya. At mukha bata pa kung titignan.

"Abrylle po." Maikli kong sagot dito.

"Wow, ang cool naman ng name mo. Ako nga pala ang Mama ni Laarni. Just call me Tita Jes." Masayang sabi nito sa akin. Napangiti naman ako ng bahagya at tsaka tinignan si Arni. Nahuli ko na naman itong nakatingin sa akin at sabay iwas.

"Arni anak, maiwan ko muna kayo ng manliligaw mo ah"

"ANO PO?" gulat na tanong ni Arni sabay tingin nito sa akin at balik ng tingin sa Mama niya. "Mama di ko po siya manliligaw." Tumayo ito at hinila ang mama niya palayo sa sala.

Bumalik naman sila sa sala na natatawa. "Hijo ikaw pala ang anak ng may ari ng school." Nakita kong pinanlakihan ng mata ni Arni ang mama niya. "Opps, sorry. Osya alis muna ako para mamili ng pang-dinner. Hijo, dito ka na mag-dinner. Hehehe Bye!" lumabas na ng pinto ang mama niya.

"Naku, pasensya ka na sa Mama ko ah. Medyo feeling bagets kasi 'yun eh hehehe." Nahihiya nitong sabi sa akin.

Laarni's POV

Umuwi na ako paggaling sa hotel ni Lexter. Kasabay ko si Leicy dahil nga on the way na rin naman siya sa way ko pauwi. Habang naglalakad kami. Nagkukwentuhan pa rin kami. Pinaguusapan namin si Lexter.

"Alam mo, sobrang bait na tao ni Lexter. Mukha lang talaga siyang loko loko. Lagi kasi siyang masaya. Yung parang walang iniindang problema." Sabi nito.

Napaisip ako at naalala ko ang unang pagkikita namin ni Lexter noong na-late ako sa first day ko sa school. Pati na rin nung mga nakaraang araw na kasama ko siya. Oo nga, masayahin siyang tao. Hindi ko nga akalain na nagtatrabaho siya after class. I mean, how is he handling his schedule? Ang galing niya sa time management. Hindi rin siguro biro ang maging anak ng mayayaman.

"Alam mo Leicy, swerte ng babaeng magugustuhan ni Lexter." Nagulat naman ako sa biglang paghinto ni Leicy. Napatingin ako rito. Tulala lang siya. "May problem aba Leicy?"

"Ah? Ah—eh, wala. Wala naman Hehehehe." Sabi nito habang may pilit na tawa. "Ay, nandito na pala ako. Sige Arni! Bye see you bukas!" nagpaalam na ito at patuloy na naglakad pauwi sa kanila.

Napangiti na lamang ako habang pinapanuod siyang maglakad. Bigla namang tumunog ang cellphone ko. Kinuha koi to sa bulsa ko at tinignan. Nag-text si Mama? Binasa ko ang text niya.

From: Mama <3

Anak, nasaan ka na? Umuwi ka na may naghihintay sayong poging lalaki. Ayiieep! >.<

"Huh? Poging lalaki?"

Nagmadali na akong maglakad. At pagpasok ko ng bahay.

"Ma, nandito na po—" kukurap kurap ang mata ko sa nakita ko. "A-anong g-ginawa m-mo dito?" nauutal kong tanong dito.

Nakatingin lang ito sa akin. Walang emosyon ang mukha at parang di man lang nabigla sa pagdating ko. May kinuha ito sa na nakapatong sa sofa. Isang paper bag. Nung makita ko yung paper bag. Parang pang-regalo pa ang design. Hala, baka nag-regalo pa siya sa akin dahil sa pinatuloy ko siya sa bahay. A little token of appreciation.

Iniabot niya ito sa akin. Naglakad ako papunta sa kanya at kinuha ang paper bag na inaabot niya sa akin. Tinignan ko ang laman at ang masaya kong mukha kanina ay napalitan ng dismayadong mukha. Nakita ko yung damit ni tito Fred na pinahiram ko sa kanya.

"Ah, isusuli mo lang pala. Hehehe." Pilit na ngiti kong sabi rito.

"Oh? Nandiyan ka na pala Anak," napalingon naman kami kay Mama na may dalang tray ng juice at slice ng cake. Inilapag niya ito sa center table. "Kain ka muna hijo," sabi nito kay Abrylle habang may kakaibang ngiti.

-,- heto na naman ang feeling bagets kong Mama.

"Anong pangalan mo?" sinimulan na niyang interviewhin si Abrylle.

"Abrylle po." Maikling sagot ni Abrylle. Napatingin naman ako sa kanya. Kumpara kahapon. Mas maaliwalas ang mukha niya ngayon. Pero makikita mo parin ang lungkot sa mga matatamlay niyang mata.

"Wow, ang cool naman ng name mo. Ako nga pala ang Mama ni Laarni. Just call me Tita Jes." Pakilala sa kanya ni Mama. Bigla naman itong napatingin sa akin at agad ko naman iniwas ang tingin ko sa kanya.

>///< Nakakahiya, nahuli niya akong pinagmamasdan ang mukha niya. Baka isipin niya, may gusto ako sa kanya. TEKA? Meron nga ba? Sandali. Ang gulo ko naman.

"Arni anak, maiwan ko muna kayo ng manliligaw mo ah"

"ANO PO?" nagulut naman ako sa sinabi ni Mama. Tinignan ko si Abrylle kong may kakaiba siyang reaksyon o baka na-disappoint pero kalmado lang ang mukha nito. Bumalik ang tingin ko kay Mama. "Mama di ko po siya manliligaw." Pinanlakihan ko ng mata si Mama. Pero hindi yata na-gets kaya naman hinila ko 'to palayo kay Abrylle.

"Ma, behave. Siya ang anak ng may ari ng West Bridge Academy. Nakakahiya naman. Baka isipin niya na feelingera ako." Sabi k okay Mama. Nakita kong nabigla siya sa nalaman niya.

"Hijo ikaw pala ang anak ng may ari ng school." Pinanlakihan ko ulit siya ng mata and I gave her a shut-your-mouth look . "Opps, sorry. Osya alis muna ako para mamili ng pang-dinner. Hijo, dito ka na mag-dinner. Hehehe Bye!" Umalis na ito at lumabas ng bahay.

"Naku, pasensya ka na sa Mama ko ah. Medyo feeling bagets kasi 'yun eh hehehe." Nahihiya kong sabi kay Abrylle. Tahimik lang ito. At wala na namang balak na sagutin ako.

"Ayos lang" napatingin ako ng magsalita 'to.

"Ah—eh, kamusta?" ang awkward kaya yan lang ang nasabi ko. This time, hindi na niya ako sinagot. Nakatayo lang siya at nakatingin sa isang lugar habang nakapamulsa.

Ang cool naman niya kahit na tahimik lang siya. Para siyang bidang lalaki sa napanood kong Korean Drama. Ano bang title 'non? Ah, "Playful Kiss" yung suplado at cool na lalaking 'yon.

Napatitig ako sa mukha nito. Pakiramdam ko. Sa amin lang umiikot ang mundo ng mga oras na 'yon. Para kami ang tao. At nakasentro sa amin ang oras. Kung nasa shooting kami. Ito na yung scene na umiikot ang camera sa aming dalawa habang may maliwanag sa ilaw. Ang magical naman ng scene na 'to.

"Alis na ako." Nabalik naman ang isip ko sa realidad ng magsalita siya. Nahuli niya kaya akong nakatingin sa kanya?

"Ah, sige. Ihahatid na kita sa labas." Prisinta ko rito.

Lumabas na kami para umuwi siya. Tahimik kaming naglalakad. Pagabi na rin. Naalala ko, hindi pala siyang pumasok kanina.

"Bakit di ka pumasok kanina?" tanong ko rito. Pero tahimik lang itong naglalakad. Mukhang walang balak na sumagot. Hindi ko alam, pero medyo nakaramdam ako ng inis.

Mayamaya pa. Bigla siyang nagsalita. "Wag kang magalala. Hindi ako nagkasakit." Sabi nito sa akin. Napatingin ako rito.

"Haha, di naman ako nagaalala." Sabi ko rito. Baka kasi isipin niya talaga na may gusto ako sa kanya. Ang mga lalaki kasi, mahahangin, mayayabang. Kapag nalaman nilang may gusto sa kanila ang babae. Iisipin nilang kaya nilang kontrolin ito.

Bigla itong huminto, na siya ring dahilan para huminto ako. Tinignan ko ito. Nakayuko habang nakakuyom ang mga kamay. Nagalit ba siya sa sinabi ko?

"M-may p-problema b-ba?" kinakabahan ako.

"Layuan mo na ako." Nanglaki ang mata ko sa sinabi nito. Ang lamig ng boses niya na animoy isang galit na oso. "Lumayo ka sa akin. Wag mo na akong kakausapin. Kapag nakita mo akong tatalon sa tulay. Wag mo na akong sasagipin o yayakapin." Dirediretso nitong sabi sa akin at tsaka tumakbo palayo.

Wala na akong nagawa. Gulat pa rin ako sa mga sinabi niya. Naiwan akong nakatayo 'don habang tinatanaw ang pagalis niya. Nalulungkot ako.

Next chapter