webnovel

Chapter 12. "Partners"

Chapter 12. "Partners"

Laarni's POV

Gumagawa ako ng homework ko sa kwarto habang nakikinig sa music. Nasa minimize volume lang naman ito. At tsaka mellow lang. Para kasing ang bigat ng pakiramdam ko. Simula nung umalis si Abrylle.

"Lumayo ka sa akin. Wag mo na akong kakausapin. Kapag nakita mo akong tatalon sa tulay. Wag mo na akong sasagipin o yayakapin."

Ramdam na ramdam ko ang diin sa pagkakasabi niya 'non sa akin. Galit ba siya sa akin? Hay, ang gulo. At napapaisip ako. Bakit niya kaya nasabi 'yon? Hindi kaya naiinis siya kasi nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya.

"Baka 'yon nga ang dahilan. Hay Arni. Wag mo na siyang pansinin." Pinilit ko na lang i-focus ang sarili ko sa mga homeworks ko.

Lumipas na isang linggo. Naka-isang linggo na pala ako sa school na 'to. Mabuti naman at wala nang nangyayari sa akin. Minsan na lang tuwing magkakasalubong kami ni Courtney. Kung di niya ako papatirin. Babanggain niya naman ako. Palagi niya akong iniismiran. Sabi sa akin ni Leicy, wag na lang daw patulan. Hindi ko lang alam kung hanggang saan ang aabutin ng pasensya ko sa kanya. Kapag sumobra na siya.

Lagi kong kasama sila Lexter at Leicy. Kumbaga, sila ang mga nakakausap ko at nakakasabay kumain. Minsan naman dalawa lang kami ni Leicy kasi busy si Lexter sa hotel nila. Pero may araw na pinapapunta kami ni Lexter sa hotel nila kapag free time niya. Pinapasundo pa kami ng sasakyan niya.

Minsan nga, wala si Lexter at naunang umuwi sa amin ni Leicy.

"Sa tingin ko Arni, may gusto sayo si Lexter." Nagulat ako sa sinabi ni Leicy sa akin.

"Parang hindi naman." Sagot ko rito.

"Eh, tignan mo. Lagi ka niyang pinapapunat sa hotel nila. Pinapasundo ka pa."

"Ano ka ba, eh hindi lang naman ako ang pinapasundo niya di ba? Kasama ka di ba?" natatawang sabi ko rito. Natahimik naman si Leicy sa sinabi ko.

Sa nagdaang linggo. Hindi ko na rin pinansin si Abrylle. 'yon naman ang kagustuhan niya. Pero nalulungkot ako sa sinabi niyang 'yon. Para bang pinagtatabuyan niya ako. Minsan, palihim pa rin akong titingin dito. Nakamasid lang siya sa labas ng bintana. Walang sigla. Walang buhay. Tuwing mapapaling ang tingin ko sa mata niya. Hindi ko alam. Pero gusto ko siyang makausap. Para kasing kailangan niya ng kausap eh.

MAPEH class.

Magbubunutan na kami para sa gagawing presentation. Nagkakagulo na ang buong klase. Kanya kanyang tanong kung sino ang gusto at hiling n asana 'yun ang maging partner nila. Habang nagkakagulo sila. Nakalumbaba naman ako rito. Nakakainis naman. Bakit di mawala sa isip ko ang mga sinabi niya sa akin.

Nagumpisa na ang bunutan. Lahat sila nakatingin kay Abrylle. Ang rule ng bunutan ay mga babae lang ang bubunot. Dahil nga mas marami kami. Tapos yung ibang babae na hindi makakabunot ng lalaki. Babae na lang ang magiging partner.

"Ano ba 'yan. Hindi si Abrylle." Dismayadong sabi ng isa kong classmate na babae.

"Hahaha, ambisyosa ka kasi. Kami kasi ang destined na maging partner" sabi naman ng isa. Talagang, determinado silang maging partner si Abrylle.

Si Leicy na ang tumayo para bumunot. Halata naman sa mukha ni Leicy ang kaba. Pinasok na niya ang kamay sa bunutan. Napapikit pa siya. May hinihiling din siguro siyang maging partner.

Inilabas na niya ang kamay at tinignan ang papel na nabunot niya. Bigla naman 'tong nag-blush sa harap ng klase.

"Ms. Betinez? Sino ang nabunot mo?" tanong ng teacher namin. Nililista kasi niya kung sino ang magkakapartner kaya sasabihin mo sa kanya kung sino ang nabunot mo.

"M-Monteverde p-po" nauutal namang sinabi ni Leicy ang surname ni Lexter. ANO? SI LEXTER?

"Hay, ano ba 'yan Leicy, akala ko pa naman si Arni ang magiging partner ko. Hahaha. Pero ayos lang na ikaw." Napatingin ako kay Lexter. Kumindat naman 'to sa akin. Inismiran ko lang.

Marami na ang nakabunot. Dahil nga, ang surname ko ay nagsisimula sa "S" medyo nasa hulihan na ako. Pero wala pa ring nakakabunot kay Abrylle. Sandali? Naga-assume rin ba ako? Ang gulo.

"Saldivar. Ikaw na" ako na pala ang bubunot. Bigla akong kinabahan. Naglakad na ako papunta sa harap. Lahat naman ng tingin ng mga kaklase kong babae ay ang sama. Gusto na nila akong ibaon sa lupa sa mga titig nila.

Nakarating na ako sa harap. Iniabot sa akin ng Teacher namin ang bunutan. I cleared my throat. At tsaka ko pinasok ang kamay ko. Huminga pa ako ng malalim bago ko ito ilabas. Paglabas ng kamay ko sa bunutan. Para hindi ko kayang buksan ang papel.

"Open it." Sabi ng teacher ko. Tumango naman ako at marahan na binuksan ang papel. Sa tainga ko, para may nagda-drum roll.

Halos manlaki ang mata ko at mahulog sa sahig sa nakita ko.

"Sino ang partner mo?" tanong ng Teacher namin. Napatingin ako rito. At napatingin kay Abrylle. Pero nakamasid pa rin ito sa labas ng classroom.

"Si De Mesa po." Mahina kong sabi.

"Okay, Saldivar and De Mesa"

Narinig ko naman ang inis sa mga kaklase kong babae. At mga mura nila sa akin. Pero nang mga oras na ito. Sa isang tao lang nakasentro ang buong atensyon ko. Nanglaki ang mata ko ng biglang tumingin sa akin si Abrylle. Walang emosyon at matamlay ang mga mata.

"Saldivar, you can sit now."

"Opo"

Bumalik ako sa upuan ko ng tahimik. Pagupo ko, napatingin ako kay Lexter. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Seryoso ang mukha niya na siya niya ring iniwas agad. Ano naman ang problema 'non?

Natapos na bunutan.

"Okay, pag-usapan niyo na kung ano ang kakantahin niyo. Tandaan niyong, ito ang pagbabasehan ko ng grades niyo sa music. Is it clear?"

"Yes!"

"Okay, classe dismiss."

Paglabas ng teacher namin. Nagsitayuan naman ang mga kaklase kong babae. At nagsilapitan sa akin.

"Hoy, bibilhin ko ang nabunot mo! Magkano na?"

"Hoy transfer, exchange tayo ng nabunot! I'll pay for it."

"Ako ang nauna."

"Hindi ako na lang"

Nagulat ako sa mga pinagsasabi nila. Pero lahat sila nagsitigil ng tumayo si Courtney sa upuan niya at pumunta sa akin.

"1 million para sa nabunot mo" alok nito sa akin. Nagulat naman silang lahat sa laki ng inalok na pera ni Courtney sa akin.

"Answer, deal?" tanong nito. Ganito ba silang mga mayayaman? Parang wala lang sa kanila ang pera.

Napalunok ako ng laway.

"Sabihin mo—" hindi na natapos ni Courtney ang sasabihin niya ng bigla tumayo si Abrylle sa upuan niya na siyang umagawa sa atensyon ng lahat.

Napatingin ako rito at nakatingin din siya sa akin. Bigla naman akong hinawakan nito sa braso.

"Sumama ka saken." Sabi nit sa akin sabay hila palabas ng classroom. Narinig kong naghiyawan ang mga kaklase ko. Hiyawan sa galit.

Tahimik lang siya habang hawak hawak ang kamay ko na kanina ay nasa braso lang ang pagkakahawak nito. Umakyat kami sa taas. At nasa rooftop na kami. Binitawan nito ang kamay ko.

"Wag mong ibebenta." Seryosong sabi nito sa akin habang may mga matatalim na tingin.

"Di ba sabi mo layuan kita? Eh bakit mo ako ngayon hinila paakyat dito?"

"Basta, wag mong ibebenta ang nabunot mo." Ulit nito.

"Ano? Pero dapat na layuan kita. Ay kapag naging partner kita. Baka isipin mong natutuwa ako." Naging mataray na ang tono ng boses ko rito. Naiinis na rin kasi ako. Sinabi niyang layuan ko siya. Edi ipapalit ko na lang sa iba ang nabunot ko.

"Wag mo kong ibenta." Natigil ako sa sinabi nito. Napatingin akom rito. Seryoso ang mga mata niya.

"Ano bang gusto mo? Bakit mo nasabi"

"Dahil alam kong nagiging magulo ang buhay mo sa school na 'to dahil sa akin." Paliwanag nito. May kinuha naman siya sa bulsa niya. Nagulat ako ng ilabas niya ang picture namin na magkayakap. At nung niligtas ko siya sa ilog. "Di ba?"

"Oo! Ikaw nga ang dahilan. Pero bakit mo sinabi 'yon? Dahil lang sa kanila? Gusto mo mawalan ng kaibigan?" sigaw ko rito. Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko.

"K-kaibigan?" tumango tango ako sa sinabi nito.

"Oo! At kung gusto mong layuan kita. Gagawin ko, dahil kaibigan kita. Pero wag kang mag-aalala. Hindi ko ito ibebenta. Hindi ako mukhang pera." Tumalikod na ako rito at nagumpisang maglakad.

Namumuo ang luha sa gilid ng mga mata ko. Ang totoo kasi niyan, gusto ko siyang maging partner. Pero dapat nga na layuan ko siya.

"Sandali." Nabigla ako ng bigla niya akong pigilan. Pinigilan niya ako gamit ang pagkayap niya sa akin mula sa likod. "I want you to be my partner. Please…"

Next chapter