webnovel

MHR | Chapter 38

Hindi napigilan ni Luna na mapaiyak nang marinig ang sinabi ni Marco mula sa kabilang linya.

Ryu has finally woken up! He suddenly just started mumbling and eventually started talking. At nangyari iyon noong nakikinig ito ng video na ipinadala niya, as she sang the Voice Of The Sea while playing the ukulele.

She somehow helped Ryu to recover! And she was just so happy she couldn't help herself but cry.

"Ryu will need to stay in Germany to undergo therapies. It'll take long but he's out of danger now. Tita Iris promised to bring Ryu back in there once he's fully recovered."

"I can't wait for that day to come, Marco," she said while crying. "I have so many things to say to him."

Sandaling natahimik si Marco sa kabilang linya na ikina-kunot ng noo niya. Pinahid niya ang mga luha, "May... hindi ka pa ba sinasabi sa akin? Is there anything else?"

Naka-ilang tikhim muna si Marco bago nagsalitang muli. "When... Ryu woke up yesterday, he started mumbling some words. And as he looked at us, he was frowning, looking so worried and scared."

Patuloy ang pagtulo ng mga luha niya na sunod-sunod din niyang pinapahiran. "Why? Was he... traumatized? Pumasok ba sa isip niya ang ginawa sa kaniya ng mga lalaking iyon?"

"No."

"Then, what?"

"He couldn't remember anything or anyone."

Ang sayang naramdaman niya sa pagkaka-recover ni Ryu ay biglang humulagpos. Muli ay nanlumo siya. Pakiramdam niya'y binigyan siya ng regalong matagal na niyang mini-mithi na kaagad ring binawi.

Laglag ang mga balikat na napa-upo siya sa kama niya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa sinabi ni Marco, kaya nanatili siyang tahimik na humikbi.

"The doctors explained that due to the level of damage his brain got from that incident and the extensive time he spent in a coma, the memory-storing areas of his brain has been severely impaired," Marco explained in her silence. "The doctors also said that he has a rare case. Normally, when a person recovers from a vegetative state, they are likely to have some ongoing cognitive and physical impairments and disabilities. But in Ryu's case, he could move his whole body normally as if nothing happened. Faintly though, but still. His legs are weak but are still in good condition. The doctors were amazed that he wasn't affected physically, and he could speak and think normally, too. The only thing that's affected is his memory."

Wala pa ring kahit na anong salita ang lumabas sa bibig niya matapos marinig ang paliwanag ni Marco, she just kept on whimpering.

"He couldn't remember us, Luna. Not even his parents. He couldn't remember his name either. All he remembers and knows to do is to speak. He is like a newborn baby who needs to be taught and assisted."

"G—Gaano ka-tagal ang sabi ng mga doktor bago siya muling maka-alala?" She finally found her voice.

Marco took a deep breath and released it heavily. "They said it could be permanent. That he will never recover his memories."

"B—But how about—" natigilan siya at napa-kagat labi. How about us? How about his feelings?

"Ryu's treatment will continue until he is able to walk and eat by his own. As for his memories, his doctors said there's a very little chance of them coming back."

Muli na naman siyang natahimik ay nawalan ng sasabihin. Ang akala niyang maganda nang balita ay makapagdadala lang pala ng mas matinding sakit sa dibdib niya.

"I will give you updates about Ryu's condition every now and then, Luna. Kapag mabuti na ang lagay niya ay gagawa ako ng paraan para makita mo siya. But you need to prepare yourself. Because he may also not recognize you."

Hanggang sa makapagpaalam si Marco ay hindi pa rin siya kumilos mula sa kina-u-upuan. She just sat on her bed and stared at emptiness.

She was hurt. Terribly. Dahil sa pagkawala ng alaala ni Ryu, hindi na rin siya nito makikilala. Hindi na rin nito maalala ang naging damdamin sa kaniya. Wala na ring saysay na humingi siya ng tawad sa mga nasabi niya noon dito.

Why is this happening? Are you punishing me, Ryu? Is this my punishment for hurting and pushing you away?

Napasulyap siya sa ibabaw ng side table niya, kung saan naroon at nakapatong ang journal ni Ryu. Naroon lang iyon at madalas niyang binabasa bago matulog. Inabot niya iyon at dinala sa dibdib.

One day, when our paths cross again, you will probably not even look at me nor recognize me at all. And it's okay. It's okay because I understand that this is my punishment from above. A punishment for hurting you before. For ignoring your efforts and kindness. For not giving you a chance. And at this end, I have no choice but to watch and keep loving you from a distance.

*****

Pitong buwan pa ang lumipas matapos maka-recover ni Ryu, ay nagpatuloy si Luna sa araw-araw na buhay niya. She wasn't the same anymore, though. She was always sad, and she felt lonely all the time. Laging laman ng isip ay si Ryu na naroon sa Germany at nagpapagaling.

From time to time, she would get an email from Iris Donovan, giving her an update about Ryu's condition. She would tell her that Ryu has learned to stand by his own, na hindi na nito kinailangan ng saklay o gabay mula sa nurse nito. Eventually, he started walking by his own again. And that he started to gain weight and was out of the feeding tube.

Naging mabilis ang pag-galing nito, physically at least. Dahil hanggang sa mga panahong iyon ay wala pa ring maalala si Ryu tungkol sa nakaraan nito. Ayon kay Iris, kahit anong gawin nilang kwento ay wala talagang maalala si Ryu. Kahit anong larawan ang ipakita rito ay wala itong matandaan. There were times that Ryu would force himself to remember, and would end up just hurting himself, dahil bigla na lang sumasakit ang ulo nito. Kaya hindi na lamang pinilit ng pamilya na makaalala ito.

Naniniwala ang pamilya Donovan na isang araw, kahit na gaano pa kaliit ang tsansang mangyari, Ryu would remember everything.

At umaasa rin siyang mangyayari iyon. In God's will and timing.

"That's a nice dress, Kaki, pero sigurado ka bang iyan ang gusto mong isuot sa graduation natin? Hindi ka kaya mag-mukhang parent d'yan sa damit na 'yan imbes na estudyanteng magtatapos?"

"That's rude, Dani! Eh sa dito ako magiging kumportable, eh."

Napa-kurap siya ng agawin ng pagtatalong iyon nina Dani at Kaki ang pansin niya. Nagising siya sa malalim na pag-iisip at nilingon ang mga ito.

Nasa isang botique sila sa bayan upang maghanap ng white dress na isusuot nila ni Kaki sa graduation nila na gaganapin dalawang araw mula sa araw na iyon. Nakapili na siya at nakabili ng sa kaniya. She chose ruffled V-neckline dress na below the knee ang haba at hanggang siko rin ang ruffled na manggas. It was a pretty dress, at ayon kay Dani ay bagay sa kaniya.

Subalit nang si Kaki naman ang pumili ng dress ay halos maglabasan ang ugat ni Dani sa leeg dahil ayaw makinig ng isa sa suhestiyon nito.

Napa-iling na lamang siya sa mga ito at ibinaling ang pansin sa glass wall ng botique. Mula sa kinatatayuan ay natatanaw niya sa hindi kalayuan ang musical intrument store na pinagbilhan niya ng ukulele noon.

She released a heavy sigh. Mrs. Donovan had mentioned that they tried to play the video of her playing the instument and singing the Japanese song, subalit kahit iyon ay hindi rin nakatulong upang maibalik ang mga alaala ni Ryu. It didn't even affect him.

Sinabi rin ni Mrs. Donovan na nakatitig lang si Ryu sa TV screen nang may kunot sa noo, asking who she was in his life.

Nang mabasa niya iyon sa email na ipinadala sa kaniya ng ginang ay hindi niya naiwasang mapa-hagulgol. Hindi niya matanggap na kahit siya ay hindi na rin maalala ni Ryu.

Ryu has forgotten about me. He has forgotten about his feelings, too. And now, I am the one who's chasing him. I am the one who's chasing for his love.

"Luna, let's go."

Ibinalik niya ang pansin sa dalawang kasama nang marinig ang pagtawag ni Dani. Nakita niyang nasa cashier na si Kaki at binabayaran ang napili nitong dress.

Sumunod siya kay Dani na humakbang patungo sa pinto.

"She chose that grandma outfit," Dani said while rolling his eyes.

She laughed at him. "Let her choose whatever she wants to wear for the graduation, Dani. Stop being so dramatic."

"All I want was for her to look good, not to look like a teacher!" sabat pa nito bago tuluyang lumabas ng botique.

Hinintay ni Luna si Kaki na matapos sa pagbabayad bago sila sabay na lumabas.

Nang makalabas ay nagmungkahi si Dani na dumaan muna sila sa coffee shop bago umuwi. They agreed, and when they were about to cross the road, a group of kids, ranging between ten to twelve years old, ran in front of them. Ang iba sa mga iyon ay muntikan na silang mabangga. Nahinto sila at sinundan ang mga ito ng tingin, nag-aalalang baka sa pagtawid ng mga ito sa kabilang kanto ay madisgrasya.

Subalit sabay silang kinunutan ng mga noo nang makitang ang batang lalaking nasa unahan ay hinablot sa kwelyo ng kasunod nitong batang lalaki at saka hinila, dahilan upang mawalan ito ng balanse at bumagsak. Nahinto ang apat pang mga batang nasa likuran at nagtawanan.

Doon nila napagtantong hindi pala naglalaro ng habulan ang mga batang iyon. They were chasing after the first kid!

"Akin na sabi, eh!" sabi ng batang humablot sa damit ng batang lalaki na naka-suot ng reading glasses at nakasalampak sa footwalk.

"Para ito sa kapatid ko, nangako akong kukunin ko ang laruang ito sa claw machine para sa kaniya," depensa ng isa. "Matagal na niyang gustong magkaroon ng ganito—"

"Wala akong pake! Akin na 'yan!" Pilit na inagaw ng batang lalaki na may kalakihan ang katawan ang laruang hawak-hawak ng batang itinumba nito.

Umiiyak na itinatago ng batang naka-salamin sa likod nito ang pinag-aagawang laruan.

Luna tsked. Ibinigay niya kay Dani ang hawak na paper bag kung saan naroon ang nabili niyang dress at sa mabilis na mga hakbang ay nilapitan niya ang mga bata.

"Hey!" awat niya sa mga ito.

Ang mga batang nasa likod lang ng isang batang nakikipag-agawan sa nakatumbang bata ay gumilid at nagtatakang tiningala siya.

Pumagitna siya sa dalawang batang nag-aagawan. Napatingala ang mga ito sa kaniya habang ang mga kamay ay parehong nakahawak sa laruan.

"Ano iyan?" tanong niya sa mga ito. Ang kaniyang tingin ay nakatutok sa maliit na laruang gitara.

Ang batang naka-upo pa rin sa footwalk at basa ang mga mata ng luha, ang sumagot. "Laruan na nakuha ko sa claw machine..."

Tumango siya saka binalingan ang batang lalaking humila rito. Naka-mata rin ito sa kaniya nang may pagtataka. "Bakit mo kinukuha sa kaniya ang laruang pag-aari niya?" malumanay niyang tanong.

Umiwas ng tingin ang bata at namumula ang pisnging bumitiw. "Gusto ko lang."

"I see." Tumango siya at hinawakan ito sa balikat. "Alam mo bang hindi tama ang kumuha ng bagay na hindi iyo?"

"Wala akong pake," sagot nito sabay ismid.

Napangiti siya nang makita kung paanong nangamatis ang mukha nito. "Siya nga pala, ako si Luna. Ikaw, anong pangalan mo?"

Saglit lang siya nitong sinulyapan bago muling umiwas ng tingin. "Troy."

"Ang cute naman ng pangalan mo, Troy..."

Lalong namula ang magkabilang pisngi ng bata na ikina-lapad ng ngiti niya.

Sunod niyang binalingan ang batang nakasalampak pa rin sa footwalk. Inabot niya ang kamay rito upang tulungan itong tumayo. At nang makatayo na ito ay saka rin niya tinanong. "At ikaw? Ano'ng pangalan mo?"

"Mitch," nahihiyang sagot naman nito sabay ayos ng suot na salamin.

Nginitian niya si Mitch saka ibinalik ang pansin kay Troy. "Alam mo, Troy... Kung ako ang kapatid ni Mitch at makita kong dala-dala niya sa pag-uwi ang laruang matagal ko nang gusto, magiging sobrang masaya ako."

Hindi ito sumagot, pero pasimple nitong sinulyapan ang laruang mahigpit pa ring hawak ni Mitch.

"May kapatid ka rin ba, Troy?" tanong niya rito.

"Wala," matigas nitong tugon.

Tumango siya. "Paano kung isang araw, magkapalit kayo ng posisyon ni Mitch? Nakita mong may laruan sa claw machine na matagal nang gustong makuha ng kapatid mo. At dahil ang nais mo lang ay mapasaya siya, gagawin mo ang lahat para makuha ang laruang iyon. At kapag nakuha mo na, paano kung si Mitch, kasama ang mga kaibigan niya, ay piliting kunin sa iyo ang laruang iyon? Ano ang mararamdaman mo?"

Wala pa rin itong naging tugon.

Nagpatuloy siya. "Hindi mo rin ito ibibigay sa kanila, hindi ba? Dahil gusto mong maging masaya ang kapatid mo, hindi mo ibibigay sa iba ang laruang para sa kaniya." Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. "Ang gusto ko lang sabihin ay ganito... Hindi mo dapat ginagawa ang isang bagay na ayaw mong gawin din ng iba sa iyo. Maging mahinahon at mabait ka. Makipagkaibigan ka sa lahat— mas maraming kaibigan, mas masaya, hindi ba?"

Napayuko si Troy saka sinulyapan si Mitch na napatingin din dito. "Gusto ko lang namang makuha 'yang laruang 'yan dahil gusto rin iyan ng kaibigan ko. Naunahan lang niya akong makuha 'yan sa claw machine."

"Oh! Sino dito sa mga kasama mo ang gusto ring magkaroon ng kaparehong laruan?" aniya sabay lingon sa mga batang lalaking kasama ni Troy na humabol kay Mitch.

"Wala siya rito, nasa ospital siya."

Oh... Hindi naiwasan ni Luna na malungkot sa sinabi ni Troy.

A friend in a hospital...

Troy was actually a caring kid.

"Mahilig siyang tumugtog ng mga instrumento, at nang makita niya ang laruang gitara na iyan noong nakaraan ay natuwa siya. Gusto ko lang namang ibigay sa kaniya 'yan para kahit papaano ay hindi siya malungkot sa ospital," dagdag pa ni Troy.

Lalo siyang nahabag. Kahit sina Dani at Kaki na nasa likuran ng mga bata ay narinig niyang napa-buntong hininga.

Si Mitch, matapos marinig ang sinabi ni Troy, ay iniabot ang hawak na laruan.

"Kung ganoon ay sa iyo na ito. Ibigay mo sa kaibigan mo."

Oh... Magkasabay na sambit nina Kaki at Dani matapos marinig at makita ang ginawa ni Mitch.

Nakita niya ang saglit na pag-aalinlangan ni Troy. Palipat-lipat ang tingin nito kay Mitch at sa laruang ini-a-abot nito.

"Sige na, kunin mo na," sabi pa rito ni Mitch. "Pwede ko namang sabihin sa kapatid ko na ibinigay ko ang laruang 'yan sa isa kong kaibigan na nasa ospital. Siguradong maiintindihan niya."

Doon na iyon tinanggap ni Troy.

Ngumiti si Mitch saka pinagpagan ang naalibukang shorts. "Pwede ba naming dalawin ng kapatid ko ang kaibigan mo sa ospital?"

Banayad na tumango si Troy.

Inabot ni Mitch ang kamay dito. "Ako si Mitch."

Muli, ay sandaling nag-alinlangan si Troy. Pero makaraan ang ilang sandali ay tinanggap din nito ang pakikipagkamay ni Mitch.

Napangiti siya sa nakita. "Ayan, magkaibigan na kayo ngayon, ha?"

Tiningala siyang muli ng mga ito at sabay na tumango.

Si Mitch ay kaagad na ibinalik ang pansin kay Troy. "Siya nga pala, meron pa akong mga laruan doon sa bahay namin na hindi ko na gaanong nagagamit. Kung gusto niyo ay sa inyo na lang. Gusto niyo bang sumama sa bahay namin?"

Ang ibang batang nasa likuran nila ay lumapit na rin kay Mitch at kinausap ito. Gumilid siya at nakangiting pinagmasdan ang mga ito. Ilang sandali pa'y muli siyang tiningala ng mga bata.

"Thank you, Ate Luna," sabay na sabi nina Troy at Mitch.

"Walang anuman," nakangiti niyang sagot sa mga ito.

Patakbong umalis ang mga bata, na ngayon ay nagtatawanan na. Hindi niya inalis ang tingin sa mga ito hanggang sa makatawid ng kalsada.

Sa pagtawid ng mga bata sa kabila ay muli ang mga itong nagsitakbuhan, dahilan upang muntikan pang mabunggo ang mga taong nakasalubong. Isa sa mga iyon ay ang lalaking may bitbit na styro cup mula sa isa sa mga coffee shops sa bayan. Nasagi ito ni Troy na kung hindi kaagad naitaas ang hawak na styro cup ay baka natapon ang laman niyon sa mga bata.

Nakita niyang huminto si Troy at humingi ng paumanhin bago itinuloy ang pagtakbo.

Ang lalaki ay sandali ring huminto at tinanaw ang mga batang tumakbo palayo.

Ang akma niyang pagtalikod pabalik kina Dani at Kaki ay naudlot nang makita ang muling pagharap ng lalaki at ang pagtuloy nito sa paglalakad.

Pakiramdam niya'y napuno ng hangin ang kaniyang dibdib sa marahas na pagsinghap na ginawa niya. Hindi siya makapaniwala sa nakikita— hindi niya alam kung totoo iyon o parte ng kaniyang imahinasyon.

It was him. The man who she had been waiting to see again for a long, long time.

*****

FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE

Next chapter