webnovel

MHR | Chapter 39

Mula sa kinatatayuan niya hanggang sa kabilang kalsada kung saan naroon at naglalakad ang pamilyar na pigura ay mahigit dalawampung metro ang pagitan. Subalit hindi niya maaaring ipagkamali sa iba ang nakikita.

It was him. It was really him.

Bumilis nang bumilis ang pagtibok ng puso niya habang sinusuyod niya ito ng tingin. Para iyong sasabog sa tindi ng pananabik. She felt like she's having a heart attack!

Hindi niya maialis ang tingin sa lalaking naglalakad doon sa sidewalk, patungo sa kinatatayuan niya. Ang atensyon nito'y nasa mga nadadaanang mga shops; patingin-tingin doon at sinusuri ang mga produkto.

He was holding that styro cup of coffee in his left hand, while the other was shove in his pocket. Sandali itong humihinto sa kada shops, babasahin ang pangalan ng mga iyon habang hinihigop ang kape, saka muling magpapatuloy sa paglalakad, at muling hihinto sa kasunod na shop.

It was as if he was studying every place... or maybe, he was just trying to remember.

Napahawak siya sa dibdib nang pakiramdam niya'y lalong lumakas ang pagkaka-kabog niyon.

Sinundan pa niya ito ng tingin hanggang sa marating nito ang pedestrian lane. Huminto ito roon at naghintay na makadaan ang lahat ng sasakyan bago tumawid kasabay ng ilan pang mga naglalakad na hindi na niya binigyang pansin pa.

She swallowed the lump in her throat. Habang papalapit ang lalaki ay pakiramdam niya, para siyang nauupos na kandila. Hindi rin niya alam kung papaano pa niya nagagawang tumayo roon sa gitna ng footwalk habang hinihintay na makalapit ito at mapansin siya.

Stop shaking, Luna, suway niya sa sarili. Breathe in, breathe out. You can't lose consciousness now that he's getting closer?

Ginawa niya ang nasa isip. Huminga siya ng malalim— sunud-sunod— at dahan-dahan din iyong pinakawalan. Pero hindi pa rin tumitigil ang malakas na pag-kabog ng kaniyang dibdib habang papalapit ito nang papalapit sa kinatatayuan niya. Sa palagay niya ay nakikipagsabayan ang pagkabog ng puso niya sa bawat hakbang na ginagawa ng lalaki.

Mangha siyang napatitig sa mukha nito nang tuluyan na itong nakatawid sa kalsada. He was already ten meters away from her when she noticed a little difference.

He lost weight, his hair was cut shorter than his usual, his skin was pale, and he got a two-day stubble on his face. The diamond earing that he used to wear on his left ear was gone.

But then...

He still got that magnetic thing in him. Bahagya na niyang napansin ang ilang mga babae at dalagitang nakakasalubong nito na napapatingin at napapalingon, saka magbubulungan at maghahagikhikan.

And she couldn't blame them...

Bahagya na rin niyang narinig ang malakas na pag-singhap ni Kaki sa likuran niya, kasunod ng pagmumura ni Dani. Sigurado siyang nakita na rin ng mga ito ang lalaking papalapit.

Five meters away.

Ganoon na lang ito ka-layo sa kaniya. And she was literally gasping for air.

She opened her mouth to say something as the man got closer. Akma na siyang magsasalita upang kuhanin ang pansin nito nang tumingin ito sa direksyon niya dahilan upang matigilan siya. Pero sandali lang siya nitong sinulyapan bago muling ibinalik ang tingin sa shop na nasa gilid niya at nilampasan siya.

Ryu Donovan just walked past her!

Pakiramdam niya ay gumuho ang mundo niya. Ryu didn't recognize her. She knew it could happen, but she didn't expect it would hurt that much.

Nanlabo ang paningin niya sa pag-alpas ng mga luha sa kaniyang mga mata.

No— don't just cry there! Do something!

Huminga siya ng malalim.

One...

Two...

Three...

Four...

Five.

Pagkabilang niya ng lima ay mabilis siyang humarap upang sana'y tatawagin ito nang makitang huminto rin sa paglalakad si Ryu, ilang dipa mula sa kanila ng mga kaibigang tahimik at namamanghang nakamasid lang.

Napalunok siya nang makitang dahan-dahan itong pumihit paharap, hand in his pocket still, while the other was still holding that cup.

At nang magtama ang kanilang mga mata ay lihim siyang humikbi. She could barely see him, because her eyes were misty. Bahagya na rin niyang nakita ang pagkunot ng noo nito.

Napilitan siyang magpakawala ng ngiti. "H—Hi?"

Matagal siya nitong sinuri ng tingin bago nagsalita. "Have we met before?'

Doon tuluyang bumagsak ang mga luha niya. Mabilis niyang pinahid ang mga iyon at marahang tumango bilang pagsagot sa tanong nito.

"Oh," he uttered and then he went silent again. Ang kunot sa noo nito'y tila permanente na dahil hindi iyon nawala-wala habang patuloy siya nitong sinusuyod ng tingin. It was as if he was trying to figure out something.

Sina Dani at Kaki ay magkahawak lang ng mga kamay. Halos pigil-pigil rin ang paghinga ng mga ito habang pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Ryu.

Hanggang sa...

"I'm sorry."

Siya naman ang kinunutan ng noo nang marinig ang sinabi nito. "What are you... sorry about?"

"I'm sorry that I can't remember you."

Mapait siyang ngumiti saka bahagyang yumuko. Pilit na itinatago ang hapdi na nararamdaman sa sandaling iyon. "It's... it's fine. Don't worry about it."

Because I've hurt you and I've wasted your love. So don't worry if you can't remember me. After all, I don't think I deserve someone like you...

"But I am worried."

Doon siya nag-angat ng tingin at sinalubong ang mga mata nito. "W—Why?"

"Because you're crying. Which probably means you're hurt."

Muling nag-unahan ang mga luha niya sa pagbagsak.

"Did I do something wrong to you before? Did I hurt you?" Ryu said in an apologetic tone.

No, Ryu. It's the other way around.

Subalit sa halip na sabihin iyon ay muli siyang pilit na ngumiti, nagpahid ng mga luha, saka umiling. "No, you didn't do anything wrong. I was just happy to see you back."

Hindi niya alam kung nakumbinsi ito sa sinabi niya. Matagal siyang tinitigan nito at kinilatis. Hanggang sa bumuntong hininga ito. "I'm sure you've heard the news about the incident that wiped out all my memories in the past?"

Tumango siya.

"And you already know that I don't remember everybody?"

She nodded again.

"But do you know what's bizarre?"

She frowned and shook her head softly.

"The familiarity that I felt when I met your eyes. I couldn't explain what it was, but it made me stop, turn, and speak to you."

Oh, Ryu... Gustung-gusto na niya itong yakapin, subalit pinako niya ang sarili sa kinatatayuan.

"Are you a friend of mine?" he asked.

"Yes—I mean, no. No, I mean, actually..." Napapikit siya sa kahihiyan nang makita ang pag-ngiti nito sa pagkaka-utal niya.

They were never friends. Ryu was just simply in love with her, and she was just a stupid lady who never noticed his sincerity.

Huminga siya ng malalim saka nagmulat. Muling nagsalubong ang kanilang mga mata, at hindi niya naiwasang pamulahan ng mukha nang makitang nakangiti pa rin ito sa kaniya.

"You're cute," he said while supressing his laughters.

Napakagat-labi na lamang siya nang wala siyang maisip na sagot sa sinabi nito. Paano nga ba sagutin iyon? Dapat ba siyang magpasalamat, because he found her cute?

Ryu was about to say something more when his phone rang. Dinukot nito iyon sa likod ng bulsa ng pantalon at saka sinagot. At habang nakikinig ito sa sinasabi ng kausap sa kabilang linya ay nanatiling naka-pako ang mga mata nito sa kaniya.

And she couldn't take her eyes off him, too. They just stared at each other for a long time... until Ryu finished the call.

"I have to go," sabi nito. "I'm meet someone and I need to hurry. Hope to see you again?"

Wait... please, don't go yet.

Pero sa halip na sabihin iyon ay pilit na lamang siyang ngumiti saka tumango.

Isang ngiti rin ang pinakawalan ni Ryu bago tumalikod.

Doon siya natilihan— ayaw niyang matapos ng ganoon na lang ang unang pagkikita nila matapos ang mahabang panahon. Marami siyang gustong sabihin, pero hindi niya alam kung saan at paano magsisimula.

Do something! Ask him to give you a call, at least!

She opened her mouth to do exactly what was on her mind when the other side of it contradicted.

Don't chase him now, Luna. You don't deserve him. You had your chance before, but you just wasted it.

Bagsak ang balikat na sinundan na lamang niya ng tingin ang naglalakad palayo na si Ryu. Subalit nakaka-ilang hakbang pa lang ito'y muli itong huminto.

"Damn, I forgot to ask something," anito saka humarap. "What's your name?"

*****

FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE

Next chapter