Chapter 17
After nangyari samin ni Irene nawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay. Para sakin big deal yun kasi para sakin kasing halaga ng pamilya ang kaibigan kasi naging part na sila ng buhay mo kaya dapat mo din sila pahalagahan. Simula din nun tinatamad na akong pumasok nung una cut classes lang pero habang tumatagal hindi na talaga ako pumapasok hindi pa naman nagtatanong si mommy dahil busy din siya.
"Gabbie let's eat" napabuntong hininga na lang ako. Kahit ayokong kumilos ay napilitan na lang ako dahil alam kong hindi naman papayag si mom na hindi ako kikilos.
"K mom. Sunod ako" bumangon na ako sa kama. Tiningnan ko kung anong oras na sa phone ko.
11:11 am
Bumaba na ako kaagad dahil masamang pinagaantay ang grasya tumabi ako kay kuyang nakakunot ang noo.
"Lolo wants to talk to you" masungit na sabi ni kuya. ano kaya problema nito.
"Okay mamaya pupuntahan ko siya" walang gana kong sagot.
"Kailan ka ba babalik sa school?" napatingin ako kay kuya seryoso ung mukha niya.
"I don't know? magtransfer na lang siguro ako" wala pa din ganang sabi ko.
"Transfer? Where?" nagtatakang tanong ni mommy.
"Kahit saan...basta itransfer niyo ako" medyo naiirita kong sagot.
"Yun lang at papasok ka na ulit?" paninigurado ni kuya.
"Yeah" walang gana kong sagot.
Sinimulan ko na kumain samantalang si mom and kuya at naguusap sa school na possibleng lilipatan ko. Nauna na akong umakyat dahil magaayos pa ako aalis ako at pupuntahan ko si lolo.
"Tara ihahatid na kita Gabbie" offer ni kuya.
"No kuya. I can handle myself. But thanks" napatango na lang ang kuya ko saka umalis ng bahay. Buti na lang hindi na niya ako pinilit gusto ko din naman mapagisa eh.
Parang zombie ako naglakad papunta sa kotse tinawag ko na lang si mang Tsoy. Pero bago pa ako makapasok sa loob ng kotse.
"Gabbie" i know that voice. Bigla akong kinabahan parang gusto kong bumalik na lang sa bahay at magpahatid kesa makausap ko tong taong to. Hindi ko na lang siya papansinin.
"Gabbie sandali lang" pigil niya. sino bang nagpapasok dito.
"Gabbie!" napahinto ako dahil hinawaka niya ako sa braso pero agad ko rin naman iwinaksi ang kamay ko para makawala sa pagkakahawak niya.
"Gusto lang naman kitang kamustahin hindi na kasi kita nakikita sa school eh" inirapan ko na lang siya.
"Kasi hindi naman ako pumapasok so paano mo ako makikita. And besides hindi naman tayo friends eh so hindi ko kailangan magexplain sayo and hindi mo ako kailangan kamustahin" hindi ko na siya pinansin. binukasan ko na ung pintuan ang kotse.
"Pero totoo bang ikaw ung gumawa nun kay Blue?" napahinto ako. Siya na naman kailan ba ako tatantanan ng pangalan na yan.
"Ako nga so what? Please Orange just leave me alone Orange" nagpatuloy na ako sa pagsakay sinabi ko kaagad kay mang Tsoy na umandar na.
hindi ko namalayan na nakarating na pala kami kay lolo. Sa sobrang lutang ko hindi ko na napansin na nandito na pala kami kila lolo.
"Iha how are you? Nakwento sa akin ng kuya mo ung nangyayari sayo" napabuntong hininga na lang ako pati si lolo alam na ung nangyayari sa akin.
"I'm fine lolo. No need to worry" tumango na lang si lolo.
"Iha gusto ka pala makausap ng kumpare ko kaya gusto kitang makausap. Okay lang ba sayo kung kakausapin ka niya?"
"Opo lo okay lang" matamlay kong sabi.
"Good. papunta na sila dito" nginitian ako ni lolo. pero hindi ko nagawang suklian dahil sa sinabi ni lolo.
"Sila?" nagtatakang tanong ko.
"Yes dalawa sila eh" no! don't tell me kasama siya.
"Ung kumpare niyo lang po ung kakausapin ko" pinal kong sabi. Ayokong kausapin ung taong yun pagod na ako sa mga nangyayari.
"Okay if that's what you want" seryosong sabi ni lolo.
Dahil wala pa naman ung kaibigan ni lolo nagikot muna ako sa resort ni lolo pakiramdam ko ang bilis ng lahat parang nung kailan lang hindi ko pa kilala si lolo at galit pa si mom kay lolo pero ngayon okay na sila and open na si mom sa pagpunta namin kay lolo. Si kuya naman tinitrain na ni lolo para siya na ang hahawak sa mga tauhan ni lolo dahil tumatanda na si lolo. Napakinggan na din ni mom ang explanation ni lolo.
"Iha nandito na sila" sabi ni lolo pagkabalik ko.
"Okay po" huminga ako ng malalim sumunod na ako kay lolo.
Tahimik lang akong nakasunod kay lolo alam ko naman na hindi nawawalan ng kwento si lolo pero sadyang lumilipad lang talaga ung isip ko at hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi ni lolo
"Gabbie" tawag ng kumpare ni lolo.
"Hello po" bati ko.
"Are you sick? Ang tamlay tamlay mo unlike before"
"No po" ang nasabi ko na lang.
"Actually hindi naman talaga ako ang gustong kumausap sayo si Blue. pero alam niya atang hindi mo siya kakausapi kaya nakiusap sa akin. Ngayon lang humingi ng tulong sa akin ang batang yun kaya naman pinagbiyan ko na sana kausapin mo siya gusto niya lang naman magexplain sayo hindi ko alam kung anong nangyari pero sana pakinggan mo siya" umalis na ung kumpare ni lolo.
Bumukas ang pinto at pumasok si Blue. tinitigan niya muna ako bago siya umupo sa tapat ko iniwas ko ung tingin ko dahil naiiyak ako ngayon ko pa lang nararamdaman ung mga sakit.
"Sorry" panimula niya. "I really didn't mean na ganun ung mangyari"
"Wala ka naman kasalanan eh sumunod lang naman tayo sa utos. Kung yan lang naman pala sasabihin sana pinasabi mo na lang. Sinasayang mo ung oras ko inistor---" napahawak na lang ako sa mukha ko dahil pakiramdam ko basa ung mukha ko.
"Ga--"
"Wag kang magsasalita hindi ko kailangan ung awa. Wala akong pake kung wala akong kaibigan wala akong pake!" tuloy tuloy ang pagluha ko napatakip na akong ng mukha ko.
"Iwan mo na ako umalis ka na!" sigaw ko. Patuloy lang ako sa pagiyak ko pakiramdam ko kasi ngayon ko lang mabubuhos lahat ng nasa loob ko na sobrang kinimkim ko.
I feel so empty....