webnovel

MOVE ON

Chapter 18

5 months later....

Sa bawat patak ng luhang lumalabas sa aking mata ay siyang pagkalimot ko din sa mga alaala kong iningatan na ngayon ay wala ng kwenta.

"Gabbie" walang emosyon kong tiningnan si kuya.

"Gusto mo ba ng kausap?" umiling ako. Dahil wala naman akong gustong pagusapan.

"Gabbie alam mo naman nandito lang ako kung kailangan mo ng kausap" tumango ako. At tumingin ulit sa dagat.

"Gabbie uuwi kami ni mommy sa Manila bukas. Kaya mo bang magisa dito?" tumango ako. Kaya ko naman talaga eh.

Lumabas na si kuya ng kwarto. Alam ni kuya na hindi ako palakaibigan kaya nga si Irene lang ang kaibigan ko dahil kilala ni kuya pero siguro kung hindi ko naging kaibigan si Irene wala akong kaibigan hanggang ngayon at sana hindi ko na lang siya naging kaibigan. Siguro sa iba mababang bagay lang ito pero sa akin hindi dahil hirap akong makipagsocialize tanging around my circle lang ang gusto kong laging kasama yun kasi ang comfort zone ko kapag umaalis ako nahihirapan ako magcope sa mga ibang bagay gusto ko man na ibahin pero hindi ko magawa.

"Anak aalis na kami ng kuya mo" niyakap niya ako. "Please take care of yourself okay" tumango ako.

"If you need anything you can call ate Marisa para tulungan ka" tumango ko ulit.

"mom it's okay kung matagalan pa ang balik niyo. Kaya ko na" paniniguro ko alam ko naman na nahihirapan sila pero ito ang gusto ko eh.

"Okay lang kami anak" umiling ako alam kong nahihirapan din sila.

"mom kailangan ni lolo si kuya. Promise okay lang" napayakap naman sakin si mommy alam kong ayaw niya akong iwan pero kailangan niya din bumalik ulit ng manila.

"Okay fine but every weekends nandito kami para bisitahin ka" tumango ako. Ngumiti naman si mom.

"Bye take care" hinalikan ako ni mom sa cheeks.

Gusto kong pumunta sa dagat pakiramdam ko kasi nagiging kalmado din ang isip ko tuwing nasa tabing dagat ako.

"Kamusta ka na?" napatingin ako sa lalaking nakasuot ng leather kahit na nasa dagat. Hindi ko siya pinansin binalik ko na lang ulit ung tingin ko sa dagat.

"hanggang ngayon ayaw mo pa din ako kausapin" umupo siya sa tabi ko.

Hindi po siya pinansin at pinaglaruan ko na lang ang buhangin

"Gusto ko lang naman kamustahin ka medyo matagal tagal ka na din dito ayaw mo na bang bumalik?" seryoso niyang sabi.

"Hindi ko kailangan ng concern mo Blue. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan mo pang pumunta dito. Umalis ka na dahil kahit ano pang sabihin mo walang magbabago" masungit kong sabi.

"Nakausap ko si Irene" napakagat ako ng labi. "Gusto ka niyang makausap. Lumapit na siya sa mommy mo pati sa kuya mo pero hindi pumapayag ung kuya mo" pagtuloy niya.

"Kaya dinala ko na lang siya dito" napatayo ako at tiningnan ko siya ng masama.

Tumayo na din siya. Gusto ko siyang sapakin dahil nakikialam siya. Napalunok ako hindi ko alam ang gagawin ko kaya tinalikuran ko na lang siya.

"Ano tatakbuhan mo na naman si Irene hindi yan ang kilala kong Gabbie" hindi na ako nagisip bumalik ako at sinuntok siya sa ilong.

"Hindi mo ako kilala Blue and for your information hindi tayo magkaibigan para maging ganyan ka sa akin" nakita kong naiinis siya kaya naman hinila niya ang damit ko at inilapit sa kanya.

"Sawang sawa na ako sa drama mo Gabbie! Gumising ka nga hindi lang si Irene ang tao sa mundo madami pa! Pero pinapaikot mo ung mundo mo sa kanya madaming nagaalala sayo! Hindi mo ba naiisip yun? Baka nga pagod na sila kakaintindi sayo eh!!" sagad hanggang buto ung mga sinabi sa akin ni Blue sa akin. Pero wala pa din siyang pake.

ngumisi ako. "drama? arte? hah! palibhasa hindi mo alam ung nararamdaman ko. wala kang alam kaya manahimik ka na lang"

Tinulak ko siya at sinuntok ko siya binuhos ko lahat ng emosyon ko dahil masyado na siyang pakialamero hindi ko naman hinihingi ung opinion niya. Wala!

"Sige saktan mo ako ilabas mo lahat ng nararamdaman mo alam kong madami pa jan" napahinto ako dahil pagod na ako. Pero siguro ito na din ang tamang oras para kausapin ko si Irene.

"Fine. i'll talk to her" walang emosyon kong sabi at pumasok na sa loob ng bahay.

Nakatulala lang ako sa kawalan gustong kong isipin kung ano ba ang mararamdaman ko kapag nakita ko si Irene dapat ba kinausap ko na lang siya? Hindi ba talaga ako naging mabuting kaibigan sa kanya para maisip niya yun? am I really dangerous to others?

"Gabbie..." nilingon ko lang sila at tinuro ung upuan.

"Gabbie I'm really sorry" naiiyak na sabi ni Irene. But I don't feel anything. kahit awa kahit umiiyak na siya sa harap ko.

"Really I'm sorry alam mo naman ako kung anu-ano na lang ung lumalabas sa bibig ko minsan hindi na din ako nakakapagisip. I'm sorry" humahagulgol na siya.

"okay" yun lang ang nasabi ko hindi ko din alam kasi parang yun lang gusto kong sabihin sa kanya para matapos na.

"Really? Pinapatawad mo na ako? Are we okay now?" natutuwang sagot niya.

"Yes. Yes. No" nawala ang ngiti niya at napalitan ng lungkot

"Pero sabi mo okay na?" naguguluhan niyang tanong.

"yes I said okay but it doesn't mean na okay na tayo na. Pinapatawad na kita dahil matagal na yun baka kailangan ko na magmove on and just forget about it" she looked down and wipe her tears.

"Siguro okay na ako sa ganyan muna at least napatawad mo na ako" mapait siyang nakangiti sa akin.

"I don't want to be your friend anymore. I don't want to feel the depression and loneliness that i'm feeling right now. But we can still civil to each other" i smiled at her. It's a genuine smile. Pero kita ko ang lungkot at sakit sa mga mata niya.

"Please reconsider I know deep down that i'm still your friend. But i will not force you please don't be mad to kuya Blue he tell me everything and he said it's his fault and I force him to bring me to you. I'm really sorry I'll go now" tumayo na siya at sinundan naman siya ni Blue na kanina pa nakikinig sa amin.

I feel much better now dahil nakausap ko na siya pero sa tingin ko mahihirapan akong ibalik ung dating ako kaya naman mahihirapan na akong magadjust sa kung anuman ang mangyayari sa akin ngayon na nakausap ko na si Irene.

maybe it's time to move on and to move forward.

Next chapter