webnovel

Late

Nagising si Yen sa liwanag na nagmumula sa bintana ng pamilyar na kwartong iyon. Nakita niya sa kanyang tabi ang malaking teddy na regalo ni Jason noong monthsary nila.

Inikot niya ang kanyang paningin.

KWARTO NI JASON???

Kinusot niya ang kanyang mata at pilit inalala ang nagdaang gabi. Si Jason ang tumawag sa kanya?Hindi siya nag hahalucinate?

Sumasakit ang ulo niya sa pag-alala kung anong nangyari.

Pagkatapos siyang maisakay sa kotse nito ay hindi na niya alam ang nangyari. Siguro ay nakatulog siya. Hindi niya alam. Siguro nga dahil wala siyang matandaan. Sinuri ni Yen ang sarili. Baka napagsamantalahan siya ni Jason kagabi. Wala naman siyang ibang naramdaman at parang wala namang kakatwang nangyari sa kanya. Tumayo siya sa kama para lang makita na iba na ang angkanyang suot??

Napatakip siya sa kanyang bibig at bahagyang namula. Binihisan siya na Jason?? Napamulagat ang kanyang mga mata. Inalo niya ang sarili at kinumbinse na ayos lang iyon. Dahil lahat naman iyon ay nakita na Jason. Ramdam niya pa rin ang pag-iinit ng kanyang mukha.

Hinanap ng kanyang mga mata si Jason. Lumabas siya ng kwarto nito. Umikot sa buong kabahayan at walang tao?? Pumunta siya sa kusina at nakita niyang may pagkain na nakatakip sa lamesa nito. May maliit na papel na nakalagay doon.

" kumain ka nalang, may niluto akong sabaw initin mo nalang."

-jason

Nakadama nanaman siya ng kilig. Sana ay totoo na ok na sila. Pero alam niyang hindi. Marahil ay nagmagandang loob lamang si Jason dahil inisip nito kung papano siya uuwi. Bakit ba naman kase siya nagpakalango sa alak kagabi. Nakakahiya tuloy sa kanyang mga katrabaho.

Trabaho? May pasok pala siya. Agad niyang tiningnan ang orasan at nakahinga ng maluwag nang makitang alas dose palang. Pang gabi pa ang pasok niya. At may pagkakataon pa siyang umuwi.

Hinanap niya ang kanyang bag. Sa pagkakataong ito ay may baon siyang damit. Ang plano sana ng tropa ay mag swimming. Ngunit nauwi sila sa sa bar. Kaya naman sandamakmak na gamit ang dala niya.

Dali dali siyang gumayak. Sa banyo ay nandoon pa rin ang kanyang toothbrush. Pero may baon siya nito. Naligo siya at pagkatapos ay nagbihis. Parang de numero ang kanyang mga kilos at talagang nagmamadali. Inayos niya lahat ng kalat sa kwarto ni Jason pagkatapos niya maligo. Kinain niya din ang inihandan nitong pagkain para sa kanya. Niligpit ang kusina at nang malinis na ang buong kabahayan ay nag ayos na din siya ng gamit para umalis. Alas 3 nang hapon na nang siya ay matapos. Magulo pa rin ang kanyang isip.

Sa gilid ng kama ay napansin niya ang isang susi.

Susi ng bahay ni Jason? Kinuha niya iyon para ilock ang pinto. Na-ilock niya ito nang maalala niya ang kanyang cellphone. Agad niyang hinanap iyon sa kanyang bag. Ngunit wala iyon. Kaya naman ay binuksan niyang muli ang pinto. Mabuti na lamang at kinuha niya ang susi nito. Pagkapasok niya sa kwarto ay nakita niya ang maliit niyang bag na naglalaman ng kanyang wallet at cellphone. Salamat na lamang at hindi ito nawala sa sobra niyang kalasingan. Wala sana siyang pera para makauwi sa bahay ng kanyang tiya. Ang kanyang damit na pinagpalitan kagabi ay hindi na niya naisip. Nasa biyahe na siya nang maalala niya ito at hindi na niya iyon mababalikan dahil kapos na sa oras at kailangan niya pang umuwi. Siguradong nag aalala na ang kanyang tiya.

Naisipan niya itong itext. Pag bukas niya ng cellphone ay may ilang text galing kay Jason.

[ pwede mo akong hintayin kung wala kang pasok. Pero iniwan ko ang duplicate key sa side table para kung sakaling aalis ka mailock mo ang pinto.]

[ kumain ka muna bago umalis.]

[ ang damit mo ay tuyo na at nasa loob ng cabinet.]

Nilabhan nanaman ni Jason ang kanyang mga damit. Kasama ang undies??? Bigla nanamang nag init ang kanyang muka. Gayunpaman ay hindi niya din naman nadala iyon dahil hinagilap niya ito pero hindi niya alam kung saan ito napunta. Nasa cabinet pala. Napapailing si Yen sa kanyang kagagahan.

[ pauwi na ko. May pasok ako mamaya. Naiwan ko ang ilang gamit ko. At dala ko ang susi mo. Babalikan ko nalang gamit ko sa ibang araw.]

[ at ibabalik ang susi mo ]

[ salamat ]

Nagkaroon muli ng rason para muli silang magkita ni Jason. Tadhana ba ito? O sadyang sinusubok lang siya ng pagkakataon.Saka nalang niya iisipin ang mga isiping iyon. Kailangan niya magmadali para hindi siya magahol sa oras. Ayaw niya ma-late at maiwan ng service. Sa layo ng bahay ng tiya niya kailangan niya palagi ng time allowance. Konti nalang naman at ok na din ang kanyang bahay. Konting tiis pa.

Napalatak si Jason nang makita niya ang estado ni Yen. Kung hindi niya pa naisipang tawagan ito ay hindi niya malalaman na nagpakalunod ito sa alak at nalasing. Kung hindi niya pala ito tinawagan ay iniisip niya kung papano ito uuwi.

Nalaman ni Jason na umalis na ito sa dating tinutuluyan. Yon ay dahil updated pa rin siya sa mga nangyayari at ginagawa nito dahil kina Jonathan at Simoun.

Nang isakay niya ito sa kotse ay hindi niya alam kung saan ito ihahatid. Hindi na ito matinong kausap at nang nagtangka siyang tanungin ito ay nakatulog na ito.

Minabuti nalang ni Jason na iuwi ito sa kanyang bahay. Malas lang dahil may pasok siya kinabukasan at hindi na niya ito maasikaso at mahihintay gumising. Siguradong tanghali na ito babangon dahil lasing.

Hinayaan niya itong matulog sa kanyang kama katabi ang teddy na binili niya. Awang awa siya dito at may kaunting guilt siyang naramdaman nang makita itong ganoon ang ayos. Hindi niya alam kung kelan pa nito ginagawa ang ganito.

Nagagalit siya sa kanyang sarili kung bakit nagawa niya itong saktan. Alam niya kung gaano siya nito kamahal at hindi niya sinasadyang masaktan ito.

Isang gabi ay tumawag sa kanya si Trixie.

Lasing din ito at umiiyak. Sa telepono ay nagmamaka awa ito na puntahan niya at kailangang kailangan daw siya nito. Dala ng bugso nang damdamin ay agad naman siyang tumakbo dito. Naabutan niya itong nakasalampak sa pintuan ng isang bar at mukang kawawang inalalayan niya ito at ihinatid sa kanilang bahay.

Kalunan ay napag alaman ni Jason mula sa mga kaibigan nito na kakilala niya rin na nag away daw ito ang kanyang kinakasama. Oo nagsasama na sila ng lalaking ipinalit nito sa kanya. Pinagbuhatan daw ito ng kamay kaya naman ay nag inom kasama ang mga barkada nito. Naawa siya kay Trixie. Alam niya sa sarili na naroon pa rin ang pagmamahal niya dito. Subalit hindi na niya iyon mabibigyang puwang dahil si Yen ay nariyan at wala na siyang balak pang bitawan ito.

Si Yen ang babaeng nagpadama sa kanya ng importansiyang hindi niya naramdaman kay Trixie. Napakabait ni Yen at walang ginawa kundi unawain siya at mahalin.

OMG! posible kayang mali ang iniisip ni Yen?

nicolycahcreators' thoughts
Next chapter