webnovel

Trixie

Nong gabing iyon ay sinambot niya din si Trixie at inuwi sa bahay nito. Lasing na lasing din ito at sanay ni Jason na ganoon ito palagi. Gayunpaman ay hindi niya inakala na nagsasama na pala ito at ang boyfriend nitong ipinalit sa kanya.

Labis ang pagmamahal niya kay Trixie noon. Kasehodang magmukha siyang tanga kakahabol dito pero matigas ito. Wala siyang maalalang mali sa kanyang ginawa. Binigay niya dito lahat ng inakala niyang magpapasaya sa kanya.

Nakatakda na din sana silang magsama ngunit nabalitaan niya nga mayroon na itong iba. Nagkaroon ito ng affair sa iba habang sila. Doon nadanas ni Jason ang labis na pagkabigo. Ilang araw at gabi siyang tuliro. Pinilit niyang mabuhay ng normal pero talagang nahirapan siyang mag move on. Salamat kay Yen.

Si Yen...

Malaki ang naging parte ni Yen para siya maka-recover.

" Mabuti naman at mukhang magkaka ayos na kayo." naulinigan ni Jason ang tinig ng ina nito. Napatigil siya at napatitig dito.

Binuhat niya si Trixie at ihiniga sa kama nito. Para mai-ayos ito ay inilapag niya ang kanyang cellphone sa maliit n lamesa na nasa tabi ng kama ni Trixie. Iniayos niya ito nang higa at ang ina naman nito ay nakasunod lamang sa kanya.

" simula nang maghiwalay kayo ay palagi na siyang ganyan. maglalasing tapos uuwi lamang dito kapag nag away sila ng kanyang kinakasama." Kwento ng ina nito.

" hindi ko na malaman kung ano ang gagawin ko sa kanya. Hindi ko maintindihan kung ano ang problema. Naisip ko na baka ikaw lang ang magpapatino diyan." sabi pa nito.

Tahimik lang na nakikinig si Jason. Nang makitang maayos nang nakapwesto si Trixie sa kama nito ay pinaunlakan niya ang nanay nito sa inihanda nitong maiinom.

Naupo siya sa dining table at tinanggap ang kapeng umuusok pa. Bahagya humigop si Jason at muli nitong inilapag ang tasa.

" kung ako ang papipiliin ay mas gusto ko sana na ikaw nalang ang pinili niyang pakisamahan. Ewan ko ba sa batang yan at kung anu-ano ang naiisipan. Himutok ng ina ni Trixie.

" kung maari sana, ay gawan mo ng paraan na magka-ayos kayo. Alam ko na mahal mo ang anak ko at mas panatag ako kung ikaw ang kasama niya."

sabi nito.

" may girlfriend na po ako tita." sagot ni Jason.

" ganoon ba? yan ba ay mahal mo o panakip butas lamang?" tanong nito sa kanya. " hindi kaya? "

Bigla ay natigilan si Jason sa sinabi nito. Totoong may mga pagkakapareho sina Yen at Trixie. Noong una niyang nakita si Yen ay naalala niya si Trixie dito. Kung papano ito makisama at mambully ng tropa... Kaya talagang naagaw nito ang pansin niya.

Ngunit bukod doon ay talagang magkaiba sila. Simple si Yen at malaki ang pagpapahalaga nito sa kanyang moral. Nagawa lamang nitong ibigay sa kanya ang sarili nito dahil sa sobrang pagmamahal. Maunawain ito at positibo kung mag isip. At ramdam ni Jason na mahal na mahal siya nito.

Ilang araw na din na hindi niya nadadalaw si Yen, ni hindi niya din ito magawang kumustahin dahil sa pagod. Kapag naman wala siyang pasok ay tumutulong siya sa kanyang ama sa negosyo nito. Pinipilit siya ng kanyang ama na magbitaw na sa trabaho niya at tumulong nalang sa kompanya subalit ayaw niya. Ang gusto niya ay matuto muna sa iba.

Pagkatapos ubisin ni Jason ang kanyang kape ay naisipan ibalita kay Yen ang nangyari. Hindi siya naglilihim dito. Kahit nga ang mga babaeng nagpapansin sa kompanyang pinagtatrabahuan niya ay alam din nito. Subalit hindi niya man lang ito nakitaan ni katiting na pagdududa sa kanya. Hindi katulad ni Trixie..

Pagkapa niya ng kanyang cellphone sa bulsa ay wala ito doon. Naalala niyang inilapag niya yon sa maliit na lamesa na nasa kwarto ni Trixie. Nagpaalam siya sa nanay nito na kukuhanin niya ang naiwang telepono.

Pagpasok niya ng kwarto ay nakita niyang gising si Trixie. Wari bang nahimasmasan na ito. Mataman itong nakatitig sa kanya.

" naiwan ko ang cellpone ko. kukuhanin ko lang." akmang dadamputin niya ito nang bigla ay yumakap ito sa kanyang likuran. Bigla siyang natigilan.

" alam ko na hindi mo talaga ako kayang tiisin." mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanyan bewang. Dama ni Jason ang init ng katawan nito.

" ang tanga ko lang na hinayaan kitang masaktan...." dahan dahan niyang kinalas ang pagkakahawak nito sa bewang niya. Pagkabitaw nito ay humarap siya dito. Bahagya niya itong itinulak palayo..

" sorry babe. At thank you. Dahil kahit ilang beses pa ko magkamali ay andiyan ka para tanggapin ako. " malambing na sabi nito habang muling yumakap sa kanya at umakla ang dalawang braso sa leeg niya.

Muli niya kinalas iyon at bahagyang umatras.

" m- may girlfriend na ako. at may kinakasama ka na. hindi na tama na magkaroon pa tayo ng anumang ugnayan." sabi niya rito.

Tumaas ang kilay nito.

" girlfriend? break na kayo. kakabreak niyo lang."

Nanlaki ang mata ni Jason sa tinuran nito. Kahit nong sila pa ay madalas ito makialam ng cellphone niya. Lahat ng babaeng posibleng magkaroon ng ugnayan sa kanya ay inaaway niya. Hinahayaan niya ito. Minsan nga ay isang buwan pa silang nagpapalit simcard para lang i-prove dito na wala siyang ibang babae, at walang tinitext na iba. Kabisado nito ang stokes ng text niya. At nagagaya niya yon.

Bago pa man siya makapagsalita ay malakas siyang itinulak ni Trixie sa kama. Kama ni Trixie ang nasa kanyang likuran. Sa pagkabigla ay napahiga siya doon at umibabaw ang babae sa kanya na animo' y cowboy na nangangabayo. Sumasayaw ito ng dirty dance.... Gumigiling at kinikiskis ang kanyang hiyas doon sa bahagi ng namimintog niya nang pagkalalaki.

" bakit? hindi naman siya maganda." sabi nito.

" magaling ba siya sa kama? mas magaling ba sakin?" bumubulong ito habang hinahalikhalikan ang ang likod ng kanyang tenga.

Noong mag nobyo pa sila ay madalas nitong gawin iyon. Kapag ganoon na ang eksena ay parang sasabog siya sa pagkasabik. Tila siya mababaliw sa sensasyong dulot ng kalikutan nito. Hindi niya ito kayang hindian. Hindi niya ito kayang deadmahin. Alam na alam nito kung papano bubuhayin ang sa kanyang katawan ang makalamang pagnanasa.

Patuloy ito sa pag indayog sa ibabaw niya habang tinatanggal ang butones ng kanyang pantalon. Yumuko ito at hinagkan ang kanyang labi. Mapang akit iyon mainit at puno ng pananabik.

Mariin siyang napapkit at sa kanyang pagpikit ay nakita niya ang payapang mukha ni Yen. Nakangiti ito. Bigla siyang napamulagat at agad na tinulak si Trixie palayo. Bumangon siya sa pagkakahiga. Dinampot niya ang cellphone niya sa ibabaw ng lamesa at agad lumabas ng silid na iyon.

" Baaabe!!!" sigaw ng babae.

" Jasooon! Bumalik ka dito!! " hinabol siya nito hanggag sa gate nila.

" ayusin mo ang sarili mo. May kinakasama ka na at hindi na tama na magkaroon tayo pa tayo nang kahit anong ugnayan. "

" kaya kong iwanan si Lester bumalik ka lang." lumuluha nitong sabi.

Nangunot ang kanyang noo. Alam na niya, ramdam na niya sa sarili niya na wala na siyang pagtingin dito.

" may girlfriend na ako."

" bakit siya? hindi naman siya maganda. bakit siya??"

" mahal ko siya."

" bakit??

" hindi ko alam"

Kahit sa sarili niya ay ngayon niya lang naintindihan. Mahal niya nga si Yen. Kung bakit mahal niya Yen? hindi niya yon alam.

Hindi na niya hinintay na magsalitang muli si Trixie. Walang lingon lingon niya itong iniwan. Sumakay sa kotse at pinaharurot ito pauwi.

Nasa isip niya ang sinabi ni Trixie na break na daw sila ni Yen.

Next chapter