MAKALIPAS ANG ILANG MINUTO, habang hawak-hawak ang lagaring pambakal ay nilapitan ni Nevada ang lalakeng balot na balot ng dugo at nanlalantang nakabitin; tumigil na ito sa pagwawala matapos mapagod at mahilo sa kasalukuyang kalagayan nito. Sa gabay ng liwanag ng flashlight na hawak-hawak niya ay kitang-kita niya ang reaksyon sa mukha ng lalake nang ipakita niya ang bagong-bili na lagari, gumuhit ang kilabot sa mga mata nitong nagmamakaawa, pero sadyang hindi ito tumatalab sa kaniya.
"Hindi ka ba talaga magsasalita?"
"T-Tama na, p-pakiusap…" nauutal na pagmamakaawa nito sa kaniya.
Lumuhod siya't hinarap ang nakabaliktad na ulo ng lalake at tinitigan ito sa mata, "Alam mo naman sigurong makukuha ko pa rin ang pangalan ng kapatid mo mula sa 'yong smartphone, kaya kahit patayin kita ngayon ay 'di talaga ako magisisi." Paliwanag niya sa lalakeng parang naiiyak na, "At kung gusto mong matigil ako sa 'king gagawin Pluto, isuko mo na lang ang pangalan nila."
Pero hindi sumagot ang lalake, sa halip ay tiim-bagang siyang tinitigan nito na halatang pinapahiwatig na matibay siya sa kaniyang desisyon na pananahimik. Napailing na lang si Nevada sa panghihinayang, hindi niya inaasahang tatanggapin nito ang kamatayan upang protektahan ang mga taong hindi man lang siya kayang sagipin ngayon. Napatayo na lang siya at hinarap ang bewang ng lalake kung saan kitang-kita niya ang ari nito, isinantabi niya lang ang pagkailang, bagkus, gamit ang kanang kamay ay inilapat niya ang ngipin ng lagaring-bakal sa kanang singit din nito habang ang kabilang kamay naman ay nakahawak sa kabilang singit upang pigilan ito sa paggalaw.
"Sumigaw ka lang Pluto, h'wag mong kimkimin ang sakit." Payo niya.
At sa kaniyang hudyat ay buong-lakas niyang nilagari ang singit ng lalake; paulit-ulit niyang tinutulak at hinihila pabalik ang lagari nang sa gayon ay bumaon ito at pupunitin ang laman ng lalake. Bilang resulta ay biglang nagwala si Pluto at lubusang nagpumiglas, kung kaya't nahati ang lakas ni Nevada sa pagpipigil sa katawan nito at sa paglalagari. Muli ay dumanak ang dugo at gumapang ito pababa sa tiyan ng lalake, ngunit nagsilbing suporta naman itong likido at naramdaman niyang dumudulas ang nilalagaring laman, kung kaya't mabilis na napupunit at hinahati nito ang katawan ni Pluto.
"…hayop ka! M-Mabulok ka sana sa impyerno!"
Walang-tigil pa rin sa pagpupumiglas ang lalake at pilit nitong binubunggo si Nevada upang guluhin at itulak papalayo, pero nanatili namang siyang matibay at hindi nagpapaawat. Nagtuloy-tuloy lang din naman siya sa paglalagari at nagbibingihan, at 'pag nagkataon naman ay sinisipa niya sa mukha ang lalake upang mahilo naman ito at manghina. Pero makalipas ang ilang minutong paglalagari, laking-gimbal na lang niya nang bigla siyang kinagat nito sa binti, kung kaya't sa gulat niya'y agad niyang nahila paalis ang lagari at mabilis na hinampas ang kanang pisngi nito; malakas na napadaing ang lalake sa sakit at ramdam nitong nanindig ang sariling balahibo nang maramdaman ang tulis ng lagari na pumunit sa balat niya sa pisngi, samantalang si Nevada naman ay mabilis na humakbang paatras at sinuri ang natamo niya sa binti.
"Mag-ingat ka, Nevada." Narinig niyang payo ni Steve nang maupo siya't pinahid paalis ang laway na iniwan ng lalake.
"Buwisit," tanging nasabi niya nang makaramdam ng hapdi sa binti nang makumpirmang bumaon talaga ang ngipin nito na para bang lagari rin.
Sa inis ay muli niyang mahigpit na hinawakan ang lagari at binalikan ang lalakeng walang-humpay sa pagwawala ng 'di mawaring sakit ng natamo. Imbes na harapin ito ay umikot siya sa likod ng lalake at doon natuon ang kaniyang pansin; muli niyang hinawakan ang kanang singit nito bilang suporta at muling isinilid ang lagari sa sugat nitong nasa kaliwa.
Hanggang sa muling umalingawngaw na naman ang nakakabinging sigaw at palahaw ng lalake, walang-tigil ito sa pagpupumiglas at pagwawala, animo'y gustong gamitin ang bigat upang biyakin at baliin ang sangang pinagtalian ng kadenang nakapulupot sa binti nito. Pero kahit na anong gawin niya'y wala talaga itong silbi, bagkus ay nanghina lang siya habang ang sakit ay lumulukob sa kaniyang sistema ang sakit.
Sa puntong ito ay wala ng iba pang hinihiling ang lalake kung hindi ang mamatay na lang, gusto niyang matapos ang sariling buhay upang 'di na madama ang sakit na dulot ng lagari na pinupunit ang laman at binibiyak din ang mga buto niya. Kahit gusto niyang isuko o ibunyag ang pangalan ng kaniyang kapatid upang matapos na ito ay 'di niya magawa, sapagkat alam niyang kamumuhian siya't ituturing na traydor ng grupo; paniguradong dahil didto ay lalong hindi kilalanin ang kamatayan niya.
Ang totoo'y dumaan na siya sa isang uri ng pagsasanay na kayang tiisin ang lahat ng paghihirap upang 'di dali-daling bibigay at susuko, nang sa gayon ay 'di nila maibibigay ang ninanais ng iba o kalaban. Ngunit, sadyang iba itong paghihirap na dinanas niya, mautak ang babae at matagumpay nga nitong nabigyan siya ng nakakamatay na sakit na hindi na niya kayang tiisin pa at 'di rin niya magawang ipaliwanag ang pakiramdam. Ang gusto niya'y mawalan ng malay upang takasan itong sakit, pero ipinagkait din ito sa kaniya, gano'n na rin ang kamatayan niya na kanina pa niya dinadasal na magkatotoo.
"Tama na!" iyak na halos ibulong na ni Pluto.
Sa kabilang dako naman ay tiniis lamang ni Nevada ang pandidiri ng dugong tumatalsik sa katawan niya, gano'n na rin sa tanawin ng dugong walang humpay sa paggapang at bumabalot sa hubad na katawan ng lalake; naninigas na ito at umaalingasaw na ang lansa ng dugo. Mas nilakasan pa niya ang paglalagari habang paulit-ulit na tinatanong ang mga taong nais niyang makuha bilang sagot.
Narating na niya ang puson nito at sa paglipas ng bawat sandali ay mas lalong nagiging nakakadiri ang mga paglalagari niya, mangilan-ngilang nadurog na laman na ang gumagapang palabas ng malaking hiwa sa katawan nito at may naaamoy rin siyang kasuklam-suklam na amoy, humahalo na sa hangin na nalalanghap niya ang lansa ng dugo at dumi ng lalakeng na tumambad matapos niyang mapunit ang bituka nito.