webnovel

♥ CHAPTER 98 ♥

✿ Author's POV ✿

Habang magkayakap ng mahigpit ang dalawa ay parehong naging delikado ang mga mata nilang nakatingin sa harapan nila. Syden is protecting him and Dean Carson is protecting her. Sabay  nilang naramdaman ang presensya ng mga bagay at tao na nasa paligid nila ngunit hindi pa nila makita dahil madilim. Naramdaman na lang ni Dean na may naghagis ng dalawang kutsilyo kay Syden at nakita naman ni Syden na may naghagis ng injection kay Dean kaya't sabay nilang hinarangan 'yon gamit ang magkapareho nilang kutsilyo. Itinago ni Syden ang kanyang armas sa mismong sandals nito bago pa man siya mag-ayos kaya't agad niya rin iyong nailabas para pigilan ang injection na papunta kay Dean. 

Pareho nilang napigilan 'yon at napansing magkatalikod na silang dalawa na hawak ang kutsilyo nila. Tinignan nila ng maigi ang paligid at hinihintay ang kalaban dahil pagkatapos ng nangyari ay tahimik pa rin. Isa-isa na lang silang pinalibutan ng Redblades at Phantom Sinners kaya pareho silang napaatras at nagkadikit habang inihahanda ang sarili sa kung anumang laban. Nakita na lang ni Dean sina Roxanne at Clyde sa harapan niya kaya napatingin rin doon si Syden at napaharap sa kanila. 

"So you planned this?" tanong ni Dean sa kanila kaya napangiti sila ng masama. 

"What do you think?" sambit ni Roxanne. Pagkasabi niya doon ay sabay-sabay silang lahat na lumusob sa kanilang dalawa kaya't nilabanan na rin naman nila ang mga ito ngunit hindi nila maiwasang mag-alala para sa isa't-isa habang nakikipaglaban. 

Kinalaban ni Roxanne si Syden habang kalaban naman ni Dean si Clyde. Ginawa lahat ni Syden ang makakaya niya para maiwasang masugatan at masaksak habang si Dean naman ay napapatingin sa kanya habang naglalaban sila ni Clyde. Muntik ng masaksak ni Roxanne si Syden ngunit nasipa niya rin ito papalayo sa kanya at napansin niyang tinignan siya ng masama ni Roxanne, "Unfortunately, may mga nakikisali na hindi naman dapat kasali" saad nito na ipinagtaka niya. 

"What do you mean?" tanong nito habang humihinga ng malalim si Roxanne dahil sa pagod. 

Itinago ni Roxanne ang hawak niyang armas at nagsalita si Clyde na natigilan rin sila ni Dean sa paglalaban na parang may hinihintay sila sa paligid, "We don't even know na sasali ang Venom sa labang 'to. Kaya pala may naghagis ng injection sa'yo" saad ni Clyde na nakangiti ng masama kay Dean. 

"Come out Claude, we know you're here" dagdag pa niya na naging dahilan para mas maging delikado pa ang mga mata ni Dean habang tinitignan ang paligid. 

Unti-unti silang napalibutan ng Venom kaya napaatras si Dean at Syden hanggang sa magdikit silang dalawa at napatingin sa isa't-isa. Hindi lang dalawang grupo ang nakaabang at nakapalibot sa kanila kundi tatlo. 

"Seriously?! I can't believe na sabay-sabay nating lulusubin ang dalawang 'to. Just because you are alone here, kayo na lang ang hindi nakakaalam ng tungkol sa akin dahil lahat ng tao sa gymnasium, alam na nila ang lahat at ang totoo" sambit ng lalaking nangunguna sa Venom at nakamaskara rin ito katulad ng members niya. 

Dahan-dahan nitong inialis ang kanyang maskara at hindi na nagulat pa si Dean ng muli niya itong makita dahil alam niyang buhay ito kaya napangisi na lang siya, "Good to see you again, Dean Carson" saad nito na ngumiti ng masama kay Dean.

"Jackson Claude" saad ni Dean habang matapang na nakatingin dito. 

"Yes, I'm back. We were supposed to attack you, ikaw lang dapat but unfortunately, kasama mo ang girlfriend mo" saad ni Claude dito. 

"So it's you who planned to kill him?" matapang na tanong naman ni Syden dahil gusto niya talagang malaman kung sino ang nagbabalak na patayin si Dean. 

Napatingin na lang si Claude kay Syden dahil sa sinabi nito, "Marami ang nagsasabi sakin tungkol sayo and you're really alive even though you were injected... but yes I am the one who's planning to kill him" 

"I won't let you" inayos nito ang pagkakahawak niya sa kutsilyo pero pinigilan siya ni Dean kaya nagkatinginan sila at muling tumingin kay Claude. 

"What do you want Claude?" tanong ni Dean dito. 

Naglabas ito ng injection at tinignan ito ng maayos habang nakangiti ng masama, "What do I want? I want you dead!" sambit nito at nabigla na lang ang iba ng masugatan ito sa mukha at mabasag ang hawak niyang injection kaya't hinanap nila kung saan nanggaling ang kutsilyong inihagis sa kanya. Nakita ng tatlong grupo na dumating ang mga members ni Dean at lumapit sila sa kanilang dalawa ni Syden at masamang tinignan ang Venom na nasa harapan nila habang ang Redblades at Phantoms naman ay nasa likuran nila.

"Why are you here?" tanong ni Dean sa kanila.

"Because you need help" saad ni Dave na napatingin kay Syden, "Akala ko maisasayaw kita binibini pero mukhang imposible na 'yon" sambit niya kaya napangiti si Syden. 

"What happened? Bakit nagmamadali ang ibang estudyante?" tanong ulit ni Dean dahil napansin niyang may mga estudyante na galing sa gym na nagmamadali at tumatakbo para magtago habang ang iba naman ay natigilan dahil nakita nilang nandoon ang apat na grupo. 

"Sinira ng Venom ang event at alam na ng lahat na buhay si Claude dahil siya mismo ang nagpakilala sa sarili niya kaya muling nagkagulo. Alam naman nating lahat na pinaniniwalaan ng karamihan na patay na siya" 

"So, this is Black Vipers. I see, you are all dangerous to the eye, just like a real Viper" saad naman ni Claude kaya napatingin lahat sa kanya. 

"So you really planned to attack us all at once?" tanong ni Dustin na tinitignan ang tatlong grupo habang nakangisi. 

"No, we will never cooperate with Venom" sagot ni Roxanne na masama ang tingin kay Claude.

"Come on Roxanne, we can attack this group together, right Clyde?" pahayag naman ni Claude.

"No thanks Claude, Bliss Syden is just our target and we don't need your help" dahil sa sinabi ni Clyde ay nalaman ni Dean na sila ang may plano na tirahin si Syden. Venom's target is Dean while Redblades and Phantoms' target is Bliss Syden. 

"If you say so, my target is none other than Dean Carson but if the Vipers will interfere, then join your leader in this bloody fight. Dean Carson?" tinignan niya ng masama ito bago muling nagsalita,  "Mahina ka lang noon but look at you now. You're strong at kinatatakutan that's why I can't be powerful just like in Chained School so I'm gonna kill you and your group now pero hindi natin kailangang umabot sa ganon kung sasali kayo sa amin. We can rule this place together" hinintay nitong magsalita si Dean nguniti nanatili lang itong nakatingin ng masama sa kanya, "I...killed your Chained School president. I killed the most respectful and dangerous person in Chained School, Zorren Kai Estacion. Kung siya nga napatay ko, ikaw pa kaya at ang grupo mo?" dagdag pa nito. 

"Don't try us Claude. We're different from Zorren at lalung-lalo na sa'yo" sagot ni Dean. 

"Oh look, mapagmalaki ka na rin pala ngayon pero wala kayong laban sa amin. Isang salita ko lang, matutusukan na kayo ng injection kaya ngayon pa lang, devote yourself to me Vipers. I am still the king!"

"You were never the king Claude. We'll choose to die rather than to kneel infront of a fake king" sagot ni Dean kaya nainis ito sa kanya.

"You will regret this Vipers. Soon, you will ask for seconds to spare your lives" tinignan niya sila isa-isa at natigilan na lang ng mapatingin ito kay Syden at maayos itong tinignan. Nawala ang pagkainis sa itsura nito habang tinitignan siya at napangiti ng masama, "The Vipers' girl is here. I finally get to see her in person dahil curious ako kung bakit masyado niyo siyang pinoprotektahan. But I never knew you were this beautiful. I guess I should change my plan of killing you" habang nagkakatinginan silang dalawa ni Syden ay hinila ni Nash si Syden sa pinakalikod nila kaya nagulat si Syden sa ginawa nito.

"She looks like Nashielle and this girl is giving me a reason to target Black Vipers even more. I'm starting to like her just like Nashielle" saad nito na ikinagulat nilang lahat at lubos na ikinagalit ni Nash. 

"Stop it Claude" pagsasalita ni Nash kaya napatingin si Claude sa kanya at nabigla dahil namukhaan niya ito. 

"Nash, you're alive?" dahil sa sinabi nito ay napangiti ng masama si Nash, "What made you think that I am already dead? Just because you killed my sister, does it mean na patay na rin ako? Hindi pa ba sapat na pinatay mo na ang kapatid ko, mambibiktima ka nanaman ng iba?" galit na pahayag nito kay Claude.

"Killed who?" tanong ni Claude. 

"You killed my sister! This guy killed my sister and he wasn't able to kill the Chained School president! Lahat ng sinabi niya ay kasinungalingan!" galit na sigaw nito na ikinabigla ng lahat ng estudyante na nakatingin sa kanila pati na rin ang mga estudyanteng magtatago sana ngunit natigilan sa pagtakbo dahil sa narinig nila. 

"Claude, what is he saying?" tanong naman ni Roxanne na nalilito at nag-uumpisang magbulungan ang iba. 

"He made you believe na pinatay niya si Zorren dahil sa kapatid ko para katakutan niyo siya. But the truth, the story of Nashielle and Zorren is not true. Lahat ng narinig niyo ay kasinungalingan! Nashielle died because of an explosion? You killed Zorren? How pathetic!"

"You mean it's a fake story?" tanong naman ni Clyde.

"Oo at pareho nating alam kung ano ang totoo Claude" sambit ni Nash kay Claude at masama silang nakatingin sa isa't-isa habang nagtataka ang tatlong grupo bukod sa Venom dahil sa sinasabi ni Nash, "It's only Zorren, Nashielle, you and me who knows what really happened. Nashielle did not die because of an explosion in an office, this guy killed her. Other than her, you killed all of the officers of Chained School, right?"

"Nash, no one would believe you. And I could see why you are desperately protecting that girl, because she looks like Nashielle right? That's why I'm starting to like her too at aagawin ko siya sa Vipers" sambit nito kaya nakaramdam ng kaba si Syden.

"Just like what you did to Zorren and Nashielle, this time I won't let you, not anymore Claude. You will never get her this time" sagot naman ni Nash.

"But Zorren is dead kaya wala na akong kakompetensya and no one can stop me from getting her. All we need is her blood, but now all I want is her" all their eyes became dangerous at medyo napalapit sila kay Syden, especially Dean's eyes turned devilishly at halatang nagagalit na ito. 

Nilapitan ni Nash si Claude at nagkatapatan silang dalawa, "Nagkakamali ka. My sister died, but not Zorren. Soon, malalaman ng lahat kung ano talaga ang nangyari kaya huwag kang magpakampante" bulong nito na mas ikinainis pa ni Claude. 

"Just like what happened to them Nash..." tumingin ito kay Syden bago muling nagsalita at ngumiti ng masama, "I will also get her and do the same if possible" pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tinalikuran na nito si Nash kaya sumunod na rin ang Venom sa kanya. Muling hinawakan ni Dean ang kamay ni Syden at nagmadali na rin silang umalis dahil sa mga oras na 'yon, alam na nila ang klasi ng laban na haharapin nila.

The war will just begin. 

To be continued...

Next chapter