webnovel

♥ CHAPTER 99 ♥

✿ Syden's POV ✿

Pumasok kami sa building at madilim sa hallway. Ito ang pinasukan naming lugar dahil ito ang pinakalamalapit na daanan papuntang Black House. May mga tumatakbo rin para magtago dahil base sa pagkakasabi ni Dustin kanina, nagkagulo ang event dahil sa pagdating ng Venom lalo na't nakita nilang buhay si  Claude. Hindi ko pa rin alam kung bakit sadyang napakalakas ng presensya ng Venom lalo na yung leader nila. 

"What do they want from us?" nag-aalala kong tanong kay Dean at iba ang itsura na parang galit na galit habang naglalakad kami at mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Natigilan ito sa paglalakad at napatingin sa akin habang wala pa ring pagbabago sa itsura niya, "They want us killed and they want you alive. Hindi pwedeng mangyari ang mga plano nila dahil kapag nangyari 'yon, ikaw ang kawawa dito but I won't let them" saad nito na mas ipinagtaka ko.

"A-ano kailangan nila sa atin? Bakit nila gagawin 'yon?" tanong ko dito.

"Claude wants power, kagaya ng ginawa niya kay Zorren, pababagsakin niya rin kami para mas matakot pa sila sa kanya"

"Then anong kailangan niya sa akin?"

"He doesn't need anything from you, he wants you. Gusto niyang mapunta ka sa kanya but I won't let it happen"

"B-bakit?"

"Remember what he said earlier, she's deeply inlove with Nashielle kahit patay na ito. He's starting to like you because you look like her. You have the same attitude as Nashielle, you're brave like her and dangerous kaya nagustuhan ka niya simula ng makita ka niya and I know he's not kidding. He's taking it seriously, he wants you" saad nito kaya nanghina ako at napayuko dahil alam kong mapapahamak rin ang grupo dahil sa nangyari, "I promised remember, I won't let them hurt you again" dagdag pa niya kaya napatingin ako sa kanya. 

"We can do this together and make it out alive, right?" sambit ko naman sa kanya at tumango siya. 

"Don't worry, we are all here for you" dinig kong sabi ni Raven kaya napatingin ako sa kanilang lahat na nakatingin sa akin at napangiti. I can't lose anyone of them. I want them all alive kaya kung paano nila ako proteksyonan, I will also do the same to them, "Thank you" saad ko at ngumiti sa kanila, "Let's go back. It's not safe anymore" saad ni Dean kaya nag-umpisa na kaming maglakad pabalik ng Black House. 

Tahimik sa hallway at nakikita namin ang iba na naghahanap ng mapagtataguan. Bago pa man kami makalabas sa building ay may natanaw akong isang lalaki na palabas rin sa building dahil parang pamilyar siya sa akin. Nanlaki na lang ang mata ko ng makilala ko siya kaya binilisan ko ang paglalakad na ipinagtaka nila. Nang mawala siya sa paningin ko ay tatakbo na sana ako para habulin siya ngunit bumukas ang pintuan ng isang room na nasa tapat ko kaya naharangan ako nito at napatingin ako sa nagbukas nito, "Leigh?!" gulat kong tanong dito ng makilala ko siya kaya nagulat din siya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

Napatingin siya sa mga kasama ko bago ako sinagot, "Nagtatago ako" sagot niya ngunit hindi ko maiwasang tignan ang magkabilang hallway dahil sa lalaking nakita ko kanina na napansin naman ni Leigh.

"Sinong hinahanap mo?" pagtatakang tanong ni Leigh na tinitignan rin ang paligid habang nasa likuran ko lang sina Raven.

"Si Julez nakita ko siya" sambit ko dito. 

"Bakit mo siya hinahanap?" tanong nito kaya napatingin ako sa kanya, "Bakit? Kilala mo ba si Julez?" 

"Oo, kilala ko siya" dahil sa sinabi nito ay napahawak na lang ako sa kamay niya kaya napatingin siya dito at nabigla, "Pwede mo bang sabihin sa akin kung saan ko siya pwedeng makita?" pakiusap ko na lubusan niyang ipinagtaka.

"A-ano bang kailangan mo sa kanya?"

"Kailangan ko siyang makausap para malaman ko ang totoo at siya lang ang makakasagot sa mga tanong ko"

"Ganon ba? P-pero hindi ko alam kung nasaan siya ngayon dahil wala na siya doon sa classroom kung nasaan siya palagi, ganon din sa mga lugar na madalas niyang puntahan ay wala na rin siya. Simula ng hinahanap na siya ng Venom ay bigla na rin itong nawala"

"Ganon ba?" unti-unti kong binitawan ang kamay nito dahil doon at nalungkot ako. 

"Pasensya na talaga kung hindi kita matutulungan. Pero totoo ba talagang nainject ka?" tanong niya. Sandali akong natigilan pero sinagot ko rin ang tanong niya at tumango ako, "Oo"

"Pwede mo bang sabihin sa akin kung ano talagang rason kung bakit mo siya hinahanap?"

"Hinahanap siya ng Venom dahil siya lang ang may hawak ng gamot laban sa injection na 'yon, at gusto kong makausap si Julez dahil sigurado akong may kinalaman siya sa nangyari kaya hindi ako namatay noong tinusukan ako ng injection"

"Kung ganon, mali ang hinala mo" sambit nito na ipinagtaka ko, "A-anong ibig mong sabihin, Leigh?" 

Napansin kong tinignan niya ang buong paligid bago muling tumingin sa akin, "Follow me" saad nito at nag-umpisa na siyang maglakad. Tinignan ko ang buong grupo bago ako sumunod kay Leigh kaya sumunod na rin sila sa akin. Sa pagsunod ko sa kanya ay nakarating kami sa second floor at sa pinakadulong classroom, tumingin muna siya sa akin bago pumasok doon. Muli ko silang tinignan at nagsalita si Dean, "Don't worry, we'll wait for you here" saad niya kaya tumango ako at tuluyan ng pumasok sa room na 'yon at isinara ang pinto. Nakaharap si Leigh sa bintana kaya nakatlikod siya sa akin, "Leigh, anong ginagawa natin dito?" tanong ko sa kanya dahil kaming lang ang nandito. 

Humarap siya sa akin at ilang segundo kaming nakatingin sa isa't-isa bago siya nagsalita, "Wala ng oras Syden. You need to know the truth at hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa" saad niya at nagkibit-balikat ito na ipinagtaka ko. Nag-iba rin ang itsura niya na parang naging masungit ito at nawala ang pagkamahinhin, "Ano bang sinasabi mo Leigh?" pagtataka kong tanong dito.

"Just like you, I was injected too" saad niya na ikinagulat ko.

"W-what?!"

"I was injected by Venom and why do you think I'm still alive?" tanong nito pero hindi ako sumagot, "Because I was injected twice at sigurado akong ganon din ang nangyari sayo, kaya nakaligtas ka sa injection ng Venom just like me"

"W-what do you mean injected twice?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"After akong mainjectionan ng Venom, there was this man who saw me, akala ko papatayin niya ako but I was wrong. He actually saved me by injecting me another one but that is not the injection of Venom. It's his own injection. That injection wasn't a poison just like the Venom used, it was actually a cure. He injected me that and I managed to fight that poison. Bago siya umalis, sinabihan niya ako na huwag kong ipagsasabi ang nangyari at dahil utang na loob ko sa kanya ang buhay ko, nanahimik ako. That was the day na nakita mo ako na lumabas sa isang classroom na mataas ang lagnat, medyo malakas ang gamot na 'yon kaya nilagnat ako ng malabanan ko ang poison na 'yon" pahayag niya na ikinagulat ko.

"W-who was the guy who saved you? Was it Julez?" tanong ko.

"No, it wasn't him. It's only one person who has that cure in this campus" sagot niya kaya mas nagtaka pa ako.

"Pero hindi ba ang sinabi ng Venom na siya ang may hawak ng gamot?" sa ngayon ay nag-uumpisa na akong malito dahil sa nalalaman at naririnig ko. Masyado pa akong maraming hindi alam sa lugar na 'to.

"Napagbintangan lang si Julez, pero hindi siya ang may hawak ng gamot"

"T-then who?"

Umiling lang ito bago muling magsalita, "I can't tell you. Let him introduce himself to you soon but I still want to tell you something"

"A-ano naman 'yon?"

"One thing I assure you, that man who saved me was also the one who saved you. Bilang utang na loob sa kanya, I had to hide my identity from everyone dahil tinalikuran nila ako..." napansin kong humarap ito sa bintana at napatingin sa malayo kaya dahan-dahan ko siyang nilapitan, "Sino?" tanong ko dito kaya tumingin siya sa akin, "Redblades" napaatras na lang ako ng sabihin niya 'yon sa akin at nakaramdam ako ng kaba kaya napansin niya 'yon.

"Huwag kang mag-alala, wala naman akong gagawin sa'yo. I am not part of the Redblades now kaya hindi ko na kailangang sumunod sa mga utos ni Roxanne" sinubukan kong kumalma dahil kung may gagawin man si Leigh ay hindi siya maayos na makikipag-usap sa akin ngayon, "I have many friends actually. Redblades silang lahat, pero noong time na ininjectionan ako ng Venom, iniwan ako ng dalawa kong kaibigan sa kadahilanang natatakot silang madamay kapag tinulungan nila ako. So when I lived, hindi na ako nagpakita sa kanila dahil hindi naman pala sila totoong kaibigan at higit sa lahat...hindi nila pwedeng malaman na buhay pa ako dahil hindi pwedeng malaman ng Venom na may lalaking nagpagaling sa akin that's why I also changed my name..." pagkasabi niya doon ay muli akong nagtaka, "My name is not Leigh. I am Gwendolyn...for short, Gwen" saad niya na ikinabigla ko.

"Gwen? Ikaw yung babaeng hinahanap ko noon" saad ko kaya siya naman ang nagtaka, "Why?" bigla ko na lang naalala yung nangyari noon ng hinahanap ko siya. 

"I heard two girls talking about you. Ang sabi niya nainject ka daw, tutulungan ka niya sana pero pinaalis mo daw siya kaya iniwanan ka niya at hindi ka na binalikan" pahayag ko.

"That's not true, humingi ako ng tulong pero tinakbuhan niya ako. Kaya simula noong araw na 'yon, hindi na ako nagpakita sa kanila at sa buong Redblades kahit na buhay pa rin ako. I'm very sorry kung hindi ko agad sinabi sa'yo ang totoo"

"It's okay" napayuko na lang ako at muli ko siyang tinignan, "Kung hindi si Julez ang nagpadala ng sulat sa akin noon na ibinigay mo, kanino galing 'yon?" tanong ko.

"I was the one who sent you the letter. Iniutos ng nagpagaling sa akin na sabihan ka para hindi magsalita sa Vipers tungkol sa nangyari sa'yo, I thought of an idea na bigyan ka ng sulat at palabasing ipinapabigay sa'yo"

"Pero bakit niyo ako pinigilang magsalita sa Vipers?"

"Dahil kapag nalaman ng Vipers ang nangyari sa'yo na nainject ka pero nabuhay ka, surely makikielam sila at masisira ang plano niya. Soon, you will know everything. Remember that I am Gwen who sent you the letter and Julez wasn't the one who saved you. Kung nagtataka ka kung bakit hindi ka namin pinigilan na makita ng Venom na buhay ka...well, ang  gusto niya talaga malaman ng Venom na buhay ka para magkagulo and that's one of his plan. For now, ito na lang ang masasabi ko sa'yo. It's not safe anymore. Umalis na kayo dito" pahayag niya kaya tinignan ko lang siya. Tumango na lang ako at nagsalita bago siya tinalikuran, "Thank you Leigh. I-i mean Gwen. I'm glad na pareho tayong nakaligtas" nakita kong ngumiti ito kaya naglakad na ako papalabas at nadatnan ko pa rin ang grupo na hinihintay ako kaya ng makita nila ako ay lumapit sila sa akin, "What did she say?" tanong ni Raven. 

"Hindi na natin kailangang hanapin si Julez" sambit ko habang nakayuko na ipinagtaka nila.

"Ha? Bakit naman?" tinignan ko si Raven bago nagsalita, "Hindi siya ang nagligtas sa akin. Ibang tao na hindi ko rin kilala kung sino" higit sa lahat, ayaw sabihin ni Gwen kung sino.

Tinignan ko rin silang lahat na nag-aalalang nakatingin sa akin pero ngumiti na lang ako, "Let's just go back. Hindi na rin naman magandang magtagal pa tayo dito"

"Are you sure?" tanong ni Dean na nag-aalala kaya nginitian ko siya, "Yah, don't worry" pagkasabi ko doon ay naglakad na ako kaya sinabayan nila ako sa paglalakad. Tahimik kaming naglakad sa hallway pabalik ng Black House ngunit sa mabilis na pamamaraan dahil baka makasalubong namin ang Venom.

Pagkabalik namin sa Black House ay didiretso sana ako sa kwarto ko ng matigilan ako sa paglalakad dahil napansin kong nagkakatinginan sila habang nakatayo na parang may mali. Nakita kong napasandal si Dean sa lamesa at nagkibit-balikat habang nakatingin ng masama sa malayo na parang may iniisip kaya nagtaka ako dahil ganon din ang members niya habang nakatayo, "He intentionally escaped ng hindi natin napapansin" sambit niya kaya mas lalo pa akong nagtaka.

"He knows something na hindi natin alam" sagot naman ni Dave at hindi ko alam kung sinong tinutukoy nila.

"What do you mean?" tanong naman ni Raven na sinagot ni Dean, "The way he talked to Jackson Claude earlier, nakita ko na inis na inis sa kanya si Claude which made me think na may alam siya sa lahat ng nangyayari ngayon. Maraming alam si Nash" pahayag nito. 

"And he escaped now" saad naman ni Dave kaya hinanap ko si Nash pero hindi ko siya makita ngayon samantalang kasama namin siya kaninang pabalik kami.

"Maybe he knew na marami siyang kailangang sagutin sa mga tanong natin kaya tumakas siya" dagdag pa niya.

"Vipers" tinignan ni Dean ang mga members niya at seryoso silang lahat, "Find him and bring him here alive" utos niya sa kanila.

To be continued...

Next chapter