webnovel

XVIII.

PAGOD na pagod kaming nakauwi sa bahay. Nauna ng isang oras sila Mama at Papa. Nagpaiwan ako para masolo ko si Laniel at magkaroon pa muli ng alaala. Ang sarap sa pakiramdam na makasama ang lalaking kaya kang panindigan.

"Masaya ka ba?" nakangiti nitong tanong. Tumango ako bilang sagot sa kaniya.

"Masayang-masaya, Laniel. I hope this is not our last," sagot ko rito saka ko ipinatong ang aking ulo sa kaniyang kaliwang balikat. Nasa loob pa rin kami ng sasakyan niya.

Ang sarap pala talaga sa pakiramdam ng may tumatanggap sa'yo bilang ikaw maliban sa iyong mga magulang at kaibigang matalik. Hindi siguro mapapantayan ng kahit na sino ang saya ko ngayong nasa piling ko pa si Laniel. Hinding-hindi mapapantayan.

Napahawak si Laniel sa kaniyang dibdib na ikinagulat ko. Mas lalo lang akong nataranta sa inaakto niya. Tila hirap na hirap siya dahil mas lalo lamang siyang namimilipit sa sakit.

"L-laniel, anong nangyayari?!"

Hindi siya nagsasalita. Mas lalo lang akong kinakabahan dahil doon. Tinanggal ko ang seatbelt ko saka binuksan ang pintuan ng sasakyan.

"Ma! Pa!" sigaw ko rito pero walang lumalabas sa bahay. Bukas naman ang ilaw pero bakit wala sila.

"Ma! Pa!" Muli kong tawag pero wala talagang lumalabas.

Bumalik ako sa pagkakaayos ng upo ko at hindi alam ang gagawin. Hawak-hwak pa rin ni Laniel ang kaniyang dibdib dahil na rin siguro sa sakit na nararamdaman nito. Naalala ko ang cellphone ko na nasa bago ko kaya naman lumabas na ako ng sasakyan at lumipat sa likuran para kuhanin ang cellphone.

Nang makuha ay kaagad kong hinanap ang numero ni Mama para tawagan pero walang sumasagot gayon din ang nangyari noong si Papa naman na ang tinawagan ko. Hinanap ko ang cellphone ni Laniel para gamitin ito pero lowbattery naman siya. Hindi ko naman alam ang numero ng malapit na hospital dito.

Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko na rin naririnig si Laniel na umiinda ng sakit dahil nakatiklop na ito sa sakit. Nilapitan ko siya para yakapin pero kaagad na tumulo ang taksil kong mga luha. Hindi ko na nararamdaman ang pintig ng katawan ni Laniel. Wala na akong hiningang maramdaman sa kaniya.

Muli kong binalik ang tingin ko sa screen ng cellphone nang maalala ang pangalan ni Risza. Tinawagan ko ito at nagpabuntong-hininga ako ng sagutin niya ito.

"Anong oras na Bes? Nakauwi na ba kayo ni Laniel?" bungad na tanong nito pero hindi ko ito pinansin.

"Tumawag ka ng ambulansya!" Utos ko rito.

"Bakit?" mahinahong tanong nito.

"Basta tumawag ka ng ambulansya! Ipadala mo sa bahay! Dalian mo na!" Natataranta na ako. Hindi ko na alam kung makakaabot pa kami ni Laniel sa hospital pero sana naman ay makaabot kami.

Pinatay ko na ang tawag saka itinuon kay Laniel ang natitirang atensyon ko. Hinawakan ko ang kanang pisngi nito.

"Please, Laniel."

Walang humpay na pagtulo ng mga tuksong luha. Parang ang langit at lupa ay pumasan sa aking likuran. Sa sobrang bigat na aking nararamdaman. Pakiramdam ko ay guguho ang mundo ko. Kanina lang naman ay masaya kami. Isang linggo pa lang bago ko siya tuluyang balikan pero bakit ganito. Wala naman siyang sinabi na may sakit siya o nararamdaman.

Ilang minuto pa ang nakalipas nang dumating na ang ambulansya. Kaagad na kinunsulta si Laniel kung ano nga ba ang nangyari sa kaniya hanggang sa buhati siya at inilipat sa isang paraphernalia na hihigaan ni Laniel.Pinasama ako ng isang lalaki para raw may kasama ang pasyente— ang tinutukoy niya ay si Laniel.

Sumama ako at sinakay kami sa ambulansya. Iniwan ko ang sasakyan ni Laniel sa tapat ng bahay namin. Hawak-hawak ko ang kamay ni Laniel na namumutla na. Hinalikan ko ito.

"Please, Laniel. Stay. Please, stay awake," I whispered. Hinalikan ko ang noo niya saka muling bumuhos ang bugso ng damdamin ko. Luhang kay taksil sa aking mga mata. All I thought, everything is okay. Everything is okay but here— Laniel is lying on this ambulance's paraphernalia.

Daig ko pa ang natalo sa isang labanan; labanan na ako ang pinagkaisahan. Ako ang pinuntirya. Ako ang taya. Ako ang kinawawa. Labanang sinigurado nilang ako ang magdurusa. Hindi ko na mayadong marinig ang mga sinasabi ng mga tao sa loob ng ambulansyang ito dahil tanging wang-wang lang ang naririnig ko at si Laniel ang pasyenteng narito.

Nang marating namin ang hospital, kaagad na nagtakbuhan ang mga nurse para asikasuhin si Laniel. Masasabi kong hindi makatarungan ang pag-aasikaso nila rito dahil kilala si Laniel samantalang ang iba ay hindi. May mga humihingi ng tulong pero hindi pinapansin dahil na rin siguro alam nilang walang kakayahang magbayad ang mga ito. Dinala si Laniel sa emergency room at nanag sundan ko ito ay hinarangan ako ng isang nurse.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko rin nadala ang cellphone ko maging ang kay Laniel kaya kinapalan ko na ang aking mukha para makitawag.

"Kuya, puwede po ba akong makitawag? Emergency lang po," sabi ko sa lalaking nakatayo malapit sa pintuan ng emergency room. Tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa bago niya iabot ang cellphone niya. Ngumiti ako nang mapait at binigyan ito ng isang ngiti.

Buti na lamang ay kabisado ko ang numero ni Mama. Pinunasan ko ang luhang malapit ng matuyo. Tinawagan ko ito at makalipas ang ilang segundo ay sinagot na nito.

"Ma?"

"Anak, bakit ka tumatawag kanina? Kanino itong number? Kay Laniel ba ang number na ito?" sunod-sunod na tanong ni Mama.

Muling dumampi sa aking pisngi ang butil ng tubig mula sa aking mata. "Ma?" Wala akong masabi. Tila nawawalan na ako ng salita sa bibig.

"Anak, umiiyak ka ba? Bakit? Anong nangyari? Sinaktan ka na naman ba ni Laniel? Akala ko ba ay ayos na kayong dalawa? Kaya ka ba nagpaiwan kanina sa dagat dahil nag-usap kayo? Anak, nasaan ka ba? Napansin ko kasing mayroong sasakyan sa tapat ng bahay, e." Parang machine gun ang bibig ni Mama sa dami nitong tanong. Tumawa na lang ako nang pilit.

Pinilip kong ngumiti kahit na nararamdaman ko na ang agos ng aking mga luha sa aking mukha. "Nasa hospital po ako. Sinugod ko si Laniel sa hospital."

Natahimik ang kabilang linya nang ilang segundo bago muling magsalita si Mama. "Saang hospital iyan?" tanong nito.

"Lhentel Hospital po," sagot ko rito. Binabaan ako nito ng tawag kaya napakunot ang aking noo. Nag-aalala talaga sila sa kalagayan namin ni Laniel. We are lucky to have them. Hindi ko man sila tunay na pamilya pero nandiyan pa rin sila para sa ikaliligaya ko at ikalulungkot ko.

"Please, Laniel. Don't ever leave me," bulong ko sa sarili.

Ibinalik ko na ang cellphone sa may-ari nito saka nagpasalamat. Humanap ako ng mauupuan para kung sakali mang hanapin ang bantay ni Laniel ay nandito lang ako.

Nang makahanap ako ay kaagad akong umupo para magpahinga. Pasado alas otso na ng gabi pero bigla yatang nawala at kung saan pumunta ang antok na kanina ko pa iniinda. Sana ay maging maayos ang lahat. Wala akong ideya sa kung ano man ang sakit ni Laniel dahil wala naman siyang nababanggit sa akin.

Next chapter