webnovel

WAKAS

"CARINA?"

Iminulat ko ang aking mata at nakita mukha ni Mama. Kaagad kong inilibot ang aking mata. Nasa isa akong kuwarto— kilalang kuwarto.

Napabuntong-hininga ako saka ngumiti. Binuksan ni Mama ang kurtina sa kuwarto ko at biglang tumama ang sinag ng araw sa aking mukha. Napangiwi naman ako dahil sa silaw nito.

"Ayos ka na ba anak?" mahinang tanong ni Mama. Nginitian ko muna ito. "Oo naman po. May masamang panaginip lang ako."

Niyakap ako ni Mama dahilan para magtaka ako. Wala akong ideya pero niyakap ko siya pabalik. Nagpapasalamat ako na isa lamang pala itong panaginip. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung nagkataon na hindi ito panaginip.

"Kain na kaya tayo, Mama? Nagugutom na rin ako, e," sabi ko rito. "Pupunta pa si Laniel dito mamaya. Sana abutan niya tayong kumakain. Si Papa ba nakaalis na po?"

Hindi umiimik si Mama. Binigyan niya ako ng isang ngiti na hindi ko alam kung para saan. "Mama, ikaw yata dapat tinatanong, e. Ayos ka lang ba?" Tumango ito bilang sagot dahilan para mapangiti na rin ako.

Tumayo na ako sa kama ko saka hinalikan si Mama sa noo. "Maliligo lang po muna ako tapos susunod na ako sa kusina."

Dumiretso ako sa lagayan ng damit ko saka namili ng susuotin. Nang makapili na ay kinuha ko na rin ang tuwalya ko bago tuluyang iniwan si Mama na nakaupo sa kama.

Napakasama man ng panaginip ko ay nanatili ako positibo dahil napakagaang na ng pakiramdam ko. Siguro sa pagod ay gano'n na lang ang mga napapanaginipan ko. Mahirap pala ako mapagod dahil nananaginip ako ng masama.

Naghubad ako ng damit bago ako nagbuhos ng isang tabo ng tubig dahilan para mapasigaw sa sobrang lamig nito. Kinuha ko ang sabon saka ipinahid sa aking katawan. Madulas at anag sarap sa pakiramdam. Ang sarap magbababad sa tubig. Nakakarelax ng utak at katawan. Nagpatuloy ako sa pagligo ko hanggang sa abutin ako ng thirty minutes sa banyo. Kung hindi pa siguro sisisgaw si Mama na may bisita ako ay hindi talaga muna ako lalabas ng banyo.

Lumabas ako ng kuwarto peo dumiretso na muna ako sa bintana para silipin kung sino ang tinutukoy ni Mama at nakita ko ang sasakyan ni Lanel. Napaisip ako dahilan para muli akong mapangiti.

"Anak, magsuot ka ng plain white, a." Utos ni Mama nang sumilip itong sa kuwarto ko. Ang kinuha ko pa naman din ay kulay asul pero mukhang binigyan ako ng hint ni Mama sa susuotin ko. Tumango ako at nginitian siya saka nito isinara ang pintuan.

Ibinalik ko ang kaninang damit na dinampot sa lagayan ko ng damit at kinuha ang hanging blouse na dirty white ang kulay.

Nanag makuha ay kaagad akong nagpunas ng buhok saka nagbihis. Matapos ay kaagad akong nagsuklay at nag-ayos ng sarili. Nakakatawa kasi normal na araw lang naman siya pero parang para sa akin ay napaka-espesyal na araw nito para sa akin at ni Laniel.

Lumabas ako ng kuwarto at imbis na si Laniel ang makita ko ay si Tita Loraine ang nakita ko. Nakaupo ito sa bulaklakin naming sofa. "Nasaan po si Laniel?" takang tanong dito.

Nagkatinginan sina Mama at Tita Loraine dahilan para magbigay ako ng nagtatakang itsura. Gusto kong tawanan pero bigla yatang huminto ang mundo ko sa tanong ni Tita Loraine. Parang nanghina kaagad ako roon. Hindi ko alam na ang langit at lupa pala ay nagkaisa at sumampa sa aking likuran. Naramdaman ko ang tulo ng aking mga luha na dumadampi sa aking pisngi.

"Hindi ba ay magkasama kao ni Laniel kagabi? Bakit nakalimutan mo na wala na si Laniel?" tanong ni Tita Loraine. Hindi ako umimik. Hindi kasi magsink in sa akin ang tanong niya.

Kaninang tulo lamang ay napalitan ng pagbuhos no'ng marinig ko ang sinabi ni Mama. "Patay na si Laniel, anak."

"Paanong patay na? Ang lakas pa kaya ni Laniel kahapon. Huwag kayong magbiro nang ganiyan dahil hindi nakakatuwa," sabi ko rito nang nakangiti pa rin kahit na patuloy ang pagbuhos ng mga luha sa akung mata.

"My son has heart disease. Sabi ng doktor sa kaniya, nasobran siya sa tuwa o galak kagabi kaya nagcollapse ang heartbeat nito. May butas din sa puso niya na nakita sa findings," sagot ni Tita Loraine. "Dahil siguro sa kasama ka niya bukod sa kahapon ay ganiyan na pala."

"Sana sinabi niya ng mas maaga sa akin para mailapit kaagad." Nagsama-sama ang nararamdaman ko. Gusto kong mainis sa sarili. Gusto kong magsisi. Gusto kong mawala na lang din. Kaya ba ganito ang pinasuot sa aking damit, puti?

"Nasaan pala si Laniel?" tanong ko rito sa kanila ng aking mga luha.

"Kaya ako nandito para ihatid ka sa kaniyang burol," sagot ni Tita Loraine.

Hindi na ako nagsalita pa. Naglakad kaagad ako papunta sa labas at dirediretso sa sasakyan. Naramdaman ko ang pagsunod ni Tita Loraine sa akin.

Nang tuluyang makapasok ay kaagad na binuhay ni Tita Loraine ang sasakyan saka binusinahan si Mama hudyat na aalis na kami. Sa biyahe, wala akong imik. Malayo ang tingin hanggang sa luha ay muling tumulo.

Ilang oras pa ay nakarating na kami sa mansyon nila. Maraming tao. Ang buong atensyon nila ay napunta sa akin. Kita ko ang isang kahon. Puti. Sa kaliwang parte nito sa gilid ay mayroong isang malaking picture frame na ang mukha ay si Laniel at kanan naman ay isang ilog na bulaklak.

Napaluhod ako. Nagsama ang emosyong hindi ko inaasahan na magsasama. Napakaguwapo pa ni Laniel sa ngiti niya sa litrato. Itinayo ako ni Tita Loraine saka pinilit na lumapit sa kabaong nito. Nang makalapit ay kita ko ang nakangiting Laniel sa ilalim ng salamin. "Please, Laniel. Tell me that this is another nightmare, please."

Napayakap ako sa kabaong nito at walang alintanang iniyakan ang labi ng pinakamamahal kong lalaki.