webnovel

Good Samaritan (2)

Editor: LiberReverieGroup

Ang lalaking nasa harapan ay masasabing gwapo at halata dito ang pagiging elegante. Marahan itong ngumiti.

"Mmm." Tumango ang lalaki sa katabi nito.

Ang mga alalay nito ay may hawak na wooden box ang bawat isa at nang senyasan sila ng lalaking nasa gitna ay binuksan nila iyon. Laman ng mga wooden box ay ang mga tinapay na halata mong mainit pa dahil sa usok na lumalabas doon.

Mas lalo pang umingay ang mga refugees na nasa harapan. Kahit na naririto na sila sa Clear Breeze City at ligtas na sila sa mga Poison Men, problema pa rin nila kung saan makakahanap ng pagkain. Kahit na binibigyan sila ng tinapay ng Clear Breeze City, maliit lang iyon at hindi sapat.

Ang bawat isa ay halos dalawang tinapay lang ang nakukuha araw-araw. At dahil sa maliit lang iyon, hindi iyon magiging sapat para sa buong araw. Marami pa rin sa kanila ang nagugutuman kahit na sila ay binibigyan ng pagkain ng Clear Breeze City.

Kaya naman ngayon, ganun na lang ang pagkasabik ng mga refugees nang makita ang pagkaing dala ng grupo ng mga eleganteng lalaki.

Halos tumalon na sila sa mga wooden box at kunin ang lahat ng mga tinapay na iyon ngunit wala silang magagawa kundi pigilan ang kanilang sarili at tumitig sa grupo ng mga "Good Samaritan."

Mabilis namang ipinamigay ng mga alalay ang mga tinapay sa mga naghihintay na refugees. Isa kada tao lang ang bigayan non. Kahit papaano ay mas masarap ang tinapay na iyon kaysa sa nabibiling tinapay.

Agad namang nagpasalamat ang mga refugee nang matanggap nila ang tinapay.

Banayad ang ngiting nasa mukha ng gwapong lalaki saka tumango.

Bukod sa mga tinapay na laman ng mga wooden box, mayroon ding iyon laman na pangmerienda na ibinigay naman sa mga kabataan. Hindi man mamahalin ang pangmeriendang iyon, ngunit sapat na iyon para magdulot ng kasiyahan sa mga inosenteng bata.

"Kumusta naman kayo nitong mga nakaraang araw?" Tanong ng lider sa mga refugees na nakapaikot sa kaniya.

"Isang malaking tulong na na papasukin kami dito sa lungsod. Wala kaming karapatang magreklamo. Matatanda na kami at mahina na, kaya kuntento na kami na magkaroon ng makakain. Naaawa lang kami sa mga batang ito, masyado pa silang bata..." Sagot ng isa sa mga refugees. Hindi nito maitago ang lungkot na nararamdaman. Matanda na sila at marami na silang dinanas, hindi katulad sa mga batang ito na nagsisimula pa lang umusbong. Malayo pa ang mararating ng mga batang paslit na ito.

Ngayong narito sila sa Clear Breeze City, dahil sa kanilang kalagayan, hindi nila pwedeng hayaang ipahalata na may mga sakit ang mga batang ito.

Tumingin ang lalaki sa mga bata at tumalim ang kaniyang mga mata. Saglit lang iyon at hindi napansin ng mga taong naroroon. Muli itong ngumiti.

"May sakit ang mga batang ito?" Nag-aalalang tanong ng lalaki.

Pinunasan ng ilang matatandang babae ang luha sa kanilang mga mata saka sumagot.

"Opo. Napakabata pa nila at mahina ang kanilang mga katawan. Pagkatapos ng kanilang mga pinagdaanan, marahil ay nagkasakit sila dahil sa kaba at takot..." Naiiyak na sagot ng isang matandang babae. Nag-aalangan pa siyang sumagot sa "Good Samaritan" na nasa kaniyang harapan.

Mukha namang agad na nakuha ng lider na lalaki kung ano ang ibig sabihin ng matanda kaya naman tumugon siya dito: "Mayroon akong ilang gamot dito. Hindi gaanong maganda ang kalidad nito pero pwede na itong makatulong para bumuti ang pakiramdam ng mga bata." Matapos niyang sabihin iyon ay sinenyasan niya ang kaniyang mga alalay at inabot sa kaniya ang ilang bote ng mga elixir para ibigay sa matanda.

"Heto, ipainom mo ito sa mga bata kasabay ng tubig nang sa gayon ay bumuti ang kanilang pakiramdam."

Pinasalamatan ng matanda ang lider. Nawawalan na siya ng pag-asa ngunit heto at tinugunan ng "Good Samaritan" ang kaniyang hinihiling.

Next chapter