webnovel

Good Samaritan (3)

Editor: LiberReverieGroup

"Napakabuti mo! Napakabuti mo talagang tao! Kung hindi dahil sa'yo, paniguradong mas mahirap ang dadanasin ng mga batang ito! Maraming salamat po talaga sa inyo! Hindi namin alam kung paano namin susuklian ang inyong kabaitan samin." Matapos sabihin iyon ay akmang luluhod na sana sa harapan ng lider ang matandang babae subalit hinawakan siya sa magkabilang kamay ng lalaki.

"Nakakahiya ho. Ngayong ang ating mundo ay humaharap sa isang malaking krisis at ako ay di hamak na mahina lamang para kayaning ipaglaban ang ating bansa, ang tanging magagawa ko lang ay manatili dito para tulungan ang mga nangangailangan. Kaya naman hindi niyo po kailangang magpasalamat. Kung may kakailanganin pa po kayo sa susunod, hanapin niyo lang ako anumang oras sa Fortune Spring Hall. Ako po si Luo Xie, ang may-ari ng Fortune Spring Hall." Nakangiting saad ni Luo Xi.

Mukha namang nadala ang matanda sa sinabing iyon ni Luo Xi. Paniwalang-paniwala ito na mabait ang lalaki.

Nagulat naman ang ibang mga matanda sa narinig mula kay Luo Xi. Ngayon lang sila nakakilala ng ganito kabait na tao.

"Kayo po ang may-ari ng Fortune Spring Hall? Ang Fortune Spring Hall ang pinakamalaking tindahan ng gamot sa Clear Breeze City. Narinig kong ang Fortune Spring Hall ay madalas na nagbibigay ng tulong sa mga refugees. Nito lang, isang bata ang nagkasakit ng malubha mula sa isang pamilya ng refugee. Wala silang dala ni isang kusing ngunit nang sila ay manghinging tulong sa Fortune Spring Hall ay agad silang tinugunan at hindi nanghingi ng bayad. Tinanggap pa nila ang buong pamilya para tumulong sa tindahan." Isa sa mga grupo ng refugee ang nagsalita at sinabi ang kabutihan ni Luo Xi.

Agad namang nakaramdam ng inggit ang mga refugee na nakarinig non. Sa pananamit pa lang ni Luo Xi, halata nang mayaman ito. Sabayan pa ng pagiging mabait nito, agad na nagtiwala ang mga refugee kay Luo Xi.

Bilang mga refugee, wala silang pera at walang kakayahan. Kaya hindi kailangang magbalat-kayo ni Luo Xi dahil wala naman itong mapapala sa kanila kung sakali.

Saglit pang nanatili si Luo Xi sa refugee camp bago umalis kasama ang kaniyang mga alalay. Walang humpay na pasasalamat ang narinig nito habang naglalakad paalis.

Subalit nang tuluyan na itong makatalikod sa mga refugee, agad na naglaho ang ngiti sa mukha nito. Agad na nagsalubong ang kilay nito at tumingin sa kaniyang mga kamay: "Napadumi!"

"Heto po Young Master." Mabilis na inabutan si Luo Xi ng malinis na panyo ng kaniyang alalay.

Agad iyong kinuha ni Luo Xi at galit na pinunasan ang kaniyang kamay. "Napakadumi! Napakabaho! Bakit ganon na lang kabaho ang lugar na iyon? Ang matandang iyon ay wala nang ginawa kundi lumuhod, kaya wala akong magawa kundi pigilan siya! Nakakabwisit!"

Ibang-iba ang Luo Xi ngayon kumpara sa Luo Xi na nasa harap ng mga refugee kanina.

"Huminahon ka Young Master. Bakit kailangan mong ubusin ang panahon mo sa matandang iyon. Bukas na bukas, ako na ang bahalang magligpit sa matandang iyon." Sabi ng katabi nitong alalay.

Nakasimangot pa ring sumagot si Luo Xi: "Hindi na kailangan."

"Hayaan mong mabuhay ang matandang iyon ng kaunti pang panahon. Ako na ang bahala sa matandang iyon."

"Oo nga naman."

"Sige, bilisan na nating umuwi. Hindi dapat natin paghintayin ng matagal ang Master." Sagot naman ni Luo Xi saka ihinagis ang panyo sa lupa.

Agad naman siyang kaniyang mga alalay.

Sa kasamaang palad, ang tusong si Luo Xi ay hindi namalayan na mayroong isang sumusubaybay sa kaniya.

"Ipokrito." Pumatong ang itim na pusa sa balikat ni Jun Wu Xie. "Napakasama talaga ng lalaking iyon. Nagpapasalamat lang naman ang matanda pero gusto niya na agad patayin. Lintik! Mistress, may mali talaga dito, baka isa siya sa mga taga-Twelve Palaces."

Next chapter