webnovel

Ang Angkan ng Spirit Soul (2)

Editor: LiberReverieGroup

Para sa mga tao mula sa Middle Realm, ang salitang angkan ng Spirit Soul ay pamilyar sa

kanila. Ang angkan na iyon ay mahiwaga at makapapangyarihan ngunit ang mismong

kapangyarihan na iyon ang nagdala ng kapahamakan sa kanila. Walang nakakaalam kung

kailan iyon nagsimula ngunit malaking bilang mamamayan ng angkan ng Spirit Soul ang

naglaho at sa mga nagdaang siglo, ang angkan ng Spirit Soul ay tuluyang naglaho sa Middle

Realm at wala kahit anong bakas nila ang makikita.

Inisip ng lahat na ang angkan ng Spirit Soul ay nabura.

Ngunit ang alamat ng angkan ng Spirit Soul ay hindi maglalaho.

"Hindi ako maaring magkamali. Ang maskarang iyan, ay isang mahalagang magical artifact ng

angkan ng Spirit Soul at tinatawag na Spirit Shackle Mask." Napalunok na saad ni Rong Ruo.

Saka a lamang siya nagpatuloy natapos ang ilang sandali upang kalmahin ang sarili: "Ayon sa

kuwento, ang mga tao ng angkan ng Spirit Soul ay ipinanganak na may dalawang soul sa isang

katawan kung saan ang isa ay dominante at ang isa ay alalay. Sa dalawang soul, ang

pinakamalakas ang yayabong at magiging pinakamalakas sa bagong silang sa mga angkan ng

Spirit Soul ngunit sa paglipas ng panahon at sa kanilang paglaki, ang pagkakaroon ng dalawang

soul sa isang katawan ang dahilan upang sila'y humina nang humina habang ang dominanteng

soul ay unti-unting aalisin at igugupo ang lakas ng alalay na soul at kapag sila'y nasa hustong

gulang, ang alalay na soul ay tuluyang maglalaho."

Ang pinakamalakas sa angkan ng Spirit Soul ay hindi ang matatanda sa angkan na iyon kundi

ang mga bata na wala pa sa hustong gulang.

Mas bata ang mga iyon, ay mas matatag ang kapangyarihan ng dalawang soul. Ang matinding

kapangyarihan na ibibigay sa kanila sa pagkakaroon ng dawalang soul ay isang bagay na hindi

maikukumpara sa anumang angkan.

Ngunit habang sila'y nagkakaedad, ang likas na kaloob na taglay nila pagkapanganak pa

lamang ay unti-unting manghihina kung saan ang alalay na soul ay tuluyang lalamunin ng

dominanteng soul.

Higit doon, sa pagitan ng dalawang soul sa mamamayan na angkan ng Spirit Soul, ang isa ay

ang Yin at ang isa ay ang Yang, at habang ang katangian ng dominanteng soul ay naiiba, ang

kasarian nila ay magkaiba.

"Spirit Shackle Mask, ano iyon?" Tanong ni Fei Yan, wala masyadong alam tungkol sa angkan

ng Spirit Soul.

Hindi tumugon si Rong Ruo at sa halip ay patuloy lamang nito tinitigan na baka na maskara sa

mukha ni Ye Gu.

"Ang Spirit Shackle Mask ay isang mahalgang magical artifact sa angkan ng Spirit Soul na

ginagamit nila upang mapanatili ang dalawang soul sa kanilang katawan." BIglang narinig ang

boses ni Fan Zhuo. Naglakad ito at tumayo sa tabi ni Rong Ruo at Fei Yan at minasdan si Ye Gu

na nanatiling tahimik lamang.

"Upang mapanatili ng angkan ng Spirit Soul ang kanilang matinding kapangyarihan, ay

kailangan nilang masiguro na ang dawalang soul ay buo at ang Spirit Shackle Mask ang tumpak

na artifact na tutupad sa kanilang kahilingan. Usap-usapan na mula sa simula, bawat napiling

Chief sa angkan ng Spirit Soul ay magsusuot ng Spirit Shackle Mask simula pagkabata. Sa oras

na maisuot ang Spirit Shackle Mask ay hindi na iyon maalis maliban na lang kung ang

nagsusuot ay pumanaw, saka pa lamang ito matatanggal. Matapos maisuot ang Spirit Shackle

Mask, ang dalawang soul ay hindi na maglalaho at mananatiling buo ngunit sa parehong

pagkakataon, ang hitsura at katawan ng may suot nito ay hindi na lalaki kailanman. Ang

katawan nila'y parang ang kanilang dalawang soul, ginapos ng Spirit Shackle Mask, hindi na

magbabago kailanman sa buong buhay nila."

Upang mapanatili ng napiling Chief ng angkan ng Spirit Soul ang matinding kapangyarihan

upang pangalagaan ang kaniyang mamamayan, ay kailangang piliin na isuot ang Spirit Shackle

Mask, isakripisyo ang katawan upang makamtan ang kapangyarihang iyon. Ngunit walang

nakakaalam kung kailan iyon nagsimula, ang Spirit Shackle Mask ay naglaho sa angkan ng

Spirit Soul. Sa paglaho ng Spirit Shackle Mask, ay ang pagbagsak din ng angkan ng Spirit Soul.

Hanggang sa tuluyan silang maglaho sa MIddle Realm.

"Sinabing ang huling Chief ng Spirit Soul na nakasuot ng Spirit Shackle Mask ang nagtatag ng

Soul Return Palace, ngunit dahil sa panloob na alitan sa Soul Return Palace, ang mamamayan

ng angkan ng Spirit Soul ay napaalis doonat ang Chief ay naglaho simula noon. Sabi ng iba na

ito'y pinaslang ng kasalukuyang nakaupo na Palace Lord ng Soul Return Palace at sabi rin ng

iba na pinamunuan nito ang mamamayan ng angkan ng Spirit Soul upang bukod na mamuhay

sa kagubatan at tumakas sa pag-uusig…" Saad ni Fan Zhuo at saglit na nag-alinlangan. Niligon

niya si Ye Gu ng ilang sandali bago nagpatuloy na magsalita.

"Ngunit hindi dapat paniwalaan ang mga usap-usapan at walang nakakaalam sa nangyari ng

mga panahon na iyon. Kung hindi ako nagkakamali sa aking hinala, ikaw ang Chief ng angkan

ng Spirit Soul na nagtatag noon ng Soul Return Palace, tama ba?"

Next chapter