Si Ye Gu ay tumitig kay Fan Zuo at biglang tumahimik, nanliit and kaniyang mga mata.
Si Fan Zuo ay patuloy na nakatingin kay Ye gu nang may tanong sa isip.
Ang labi ni Yegu ay bigla na lamang napangiwi at napasigaw: "Aray! Aw! Masakit masakit
masakit!!!"
Biglang napasigaw si Ye Gu sa hindi malamang dahilan at hawak ang kaniyang tiyan habang
nakakunot ang kaniyang mukha sa sakit at bumagsak siya sa sahig na pagulong gulong dahil sa
sakit.
Si Fan Zhuo ay natigilan at napatingin kay Ye Mei.
Si Ye Mei ay natulala nang ilang saglit bago niya napagtanto kung bakit ganito ang ipinapakita
ni Ye Gu.
[Ang tampalasan ay muli na naman kumikilos!]
Ngunit ang mga sinabing salita ni Fan Zhuo ay ikinagulat ni Ye Mei. Totoo na si Ye Gu ay tunay
na lahi ng Soul Spirit at sa kaniyang mukha ay nakasuot ang Spirit Shackle Mask, ngunit hindi
naisip ni Ye Mei na makikilala ni Rong Ruo and lahi ni Ye Gu sa unang tingin at hindi niya naisip
na marami nang nalalaman si Fan Zhuo tungkol sa lahi ng Spirit Soul.
Upang matulungan pagtakpan si Ye Gu, sina Ye Mei at Ye Sha ay sumulyap sa isat-isa at itinayo
si Ye Gu na nagpapanggap na nasasaktan bago magsalita ng kalmado :"Hindi natin alam kung
ano pang ibang uri ng panganib doon sa libingan ng Dark Emperor. Isama na lang natin ang
lalaking ito upang makakuha tayo ng mas mahusay na pangunawa sa lugar na ito."
Ang mga salita ni Yei Mei ay pumigil at pumutol sa paguusisa ni Rong Ruo at Fan Zhuo sa
sandaling iyon. Ang kanilang pangunahing layunin sa paglalakbay na ito ay upang hanapin ang
libingan ng Dark Emperor at hindi para sa lahi ng mga taong Spirit Soul.
"Sige. Kung si Little Ruo ay interesado sa lahi ng Spirit Soul , pagkatapos natin makilala ang
lugar na ito, maaari na natin siyang tanungin tungkol dito. " Natatawang sabi ni Fan Zhuo.
Tumango si Ron ruo, ngunit tila siya ay mukhang nabagabag.
Pinagmasdan ni Fei Yan ang ipinahahayag ni Rong Ruo at hindi maiwasang makaramdam pa
rin ng kaunting pangamba ngunit hindi niya alam kung ano ang sasabihin.
Pinasan ni Jun Wu Yao si Jun Wu Xie at nangunang maglakad habang si Jun Wu Xie ay
nakatingin sa likod upang tingnan sila.
Si Ye Gu ay halatang pagod habang siya ay hawak nina Ye Mei at Ye Sha ngunit nakuha pa rin
niyang mapansin ang itim na pusa at nananatili ang ulo sa braso ni Jun Wu Yao. Iyon ang
unang pagkakataon na nakita niya ng kawalan ng pasensya ang kaniyang Lord Jue na
makitungo sa mga nilalang. Maaari kaya na ang pusang itim ay ang ring spirit ng Dark
Emperor?
Ngunit malamang ay hindi…
Sa kakaibang tumatakbo sa kanyang isipan, ang kalungkutan sa mukha ni Ye Gu ay
pansamantalang nawala at napansin din ni Ye Mei na si Jun Wu Xie ay nakatingin sa kanilang
direksyon.
[Iyan ay isang pambihirang talino at pangunawa!]
[Sa pamamagitan ng maling hakbang, tiyak na malalaman nila!]
Agad na kinurot ng palihim ni Ye Mei si Ye Gu at bumulong : " Huwag mong hayaan lumabas
ang pusa sa bag."
" Sino ang makakaalam? Ang tanging nakatingin sa akin ngayon , bukod sa inyong dalawa sa
aking tabi , ay isa lamang pusa" mahinang bulong ni Ye Gu.
Si Ye Sha ay nagbuntong-hininga at siya ay bumulong nang nagngangalit ang ngipin : Sa pusa
na iyon, naninirahan ang isang kamangha manghang kaluluwa, at ang kaluluwang iyon ay ang
lubos na sinasang-ayunan ng ating Lord Jue. Kung isusuko mo ang laban, alam mo na ang
kahihinatnan."
Matapos ang babala ni Ye Sha, Si Ye gu ay mas lalong naging tahimik at patuloy na
nakakaramdam ng galit at sama ng loob , ngunit sa kaniyang puso, parami ng parami ang mga
tanong na namumuo.
Ginamit ni Jun Wu Xie ang kaniyang paa upang ituro ang direksyon , sa pangunguna ni Jun Wu
Yao sa lugar kung saan naroon si Drunk Lotus at ang iba pa.
Habang binabantayan siya ni Jun Wu Yao, muling sumanib ang kanyang kaluluwa sa pusang
itim.
Sa sandaling nakita nina Poppy at Drunk Lotus na lumitaw si Jun Wu Yao, pareho silang agad
na tumahimik tulad ng mga bato na hindi umaalis sa kanilang lugar.
Matapos magpalit ng kaluluwa ni Jun Wu Xie at ng pusang itim, nasaksihan ni Ye Gu ang
buong pangyayari at nagulat sa kaniyang nakita.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita niya ang isang tao na lumipat ang kaluluwa sa
pamamagitang ng ring spirit.
Naramdaman niya na ang kaluluwa ng pusang itim ay kakaiba ngunit hindi niya naisip na
maaring kakaiba talaga ito.
Ang katotohanan na ang isang kaluluwa ng tao ay maaaring magpalipat-lipat sa
pamamagitang ng espiritu ng singsing , at hindi abot ng kaniyang kaaalaman.