Ang Emperor ng Condor Country ay natulala at natigagal kay Jun Xie, hindi niya inaasahan na
ganoon ang magiging sagot nito.
Intensyon na ni Jun Wu Xie na wasakin ang Condor Country ngunit hindi niya nais na gawin
iyon sa pamamagitan ng digmaan. Sa pamamagitan ng paraan na ginagawa niya sa sandaling
iyon, hindi lamang niya inilgtas ang mamamayan ng Condor Country mula sa kalupitan ng
digmaan, hindi rin iyon gaanong mahirap at mas simple para sa kaniya.
Hindi mawawalan maski isang paa ng mandirigma upang patumbahin ang ikalawa sa
pinakamalakas na bansa sa kalupaan. Ang ganitong kahibangan at kamangha-manghang
gawain, ay tanging siya lamang ang makakagawa.
Napasalampak ang Emperor ng Condor Country sa sahig, ang mukha niya ay tinakasan na ng
kulay at namumutla.
Hindi kailanman sa kaniyang panaginip na naisip niya na babagsak sa lahat ng ganito, na ang
malakas na Condor Country ay mapupuwersa sa isang sulok, paano niya tatanggapin lahat ng
iyon?
"Huwag mo gawin ito… Huwag… Nagmamakaawa ako…" Ang tanging magagawa ng Emperor
ng Condor Country ay ang makiusap at magmakaawa. Wala nang ibang paraan. Sa sandaling
tumapak si Jun Wu Xie sa bulwagan ng Imperial Palace, ay nakalaan na wala na siyang kawala.
Paano siya lalaban? Pitong Purple Spirits ang naroon at bihag siya sa loob ng bulwagan, kung
susubukin niyang manlaban maski kaunti, siguradong ikamamatay niya agad.
Ang Emperor ng Condor Country na minsan ay pinilit ang mga pinuno ng iba't ibang bansa sa
isang sulok na wala silang kakayahan ngayon ay pinuwersa na patikimin ang desperasyon at
ang pakiramdam ng nalalapit na pagwawakas, at ngayon, si Jun Xie ay hindi rin siya binigyan
ng pag-asa na makalaya.
"Little Yan." Tawag ni Jun Wu Xie hapag nakatitig sa tumatangis at pumapalahaw na Emperor
ng Condor Country na nakasalampak pa rin sa sahig.
"Ito." Malaki ang ngiti ni Fei Yan habang naglalakad.
"Dalhin ang pinsel, tinta, papel at pantatak doon, upang matapos niya ang pagbibigay ng
huling Imperial Edict." walang emosyon na saad ni Jun Wu Xie.
Agad kinuha ni Fei Yan ang mga kagamitan at dinala iyon sa harapan ng Emperor ng Condor
Country.
Nahihintakutan na napatitig ang Emperor ng Condor Country sa blankong papel na nakalatag
sa kaniyang harapan at ang takot na iyon ay umabot sa antas na bumakas iyon sa kaniyang
mga mata!
"Hindi! Hindi ko isusulat iyon! Ako ang Emperor ng Condor Country! Lahat ng nasa loob ng
Condor Country ay pagmamay-ari ko! Hindi ako magsusulat maski isang letra!" Nagapi dahil sa
kawalan ng pag-asa, ang Emperor ng Condor Country ay napasigaw. Kahabag-habag na ang
kaniyang hitsura, ang korona ay hindi na namalayan na nahulog mula sa kaniyang ulo, ang
buhok niya ay gulong-gulo, at iyon ay nagbigay sa kaniya ng hitsura na kakutya-kutya.
Napatingin si Jun Wu Xie sa Emperor ng Condor Country na biglang nagpakita ng katapangan
at isang kahindik-hindik na ngiti ang namutawi sa kaniyang labi.
"Puwersahing buksan ang kaniyang bibig."
Natigagal ang Emperor ng Condor Country. Desperadong tinangka niyang tumakbo ngunit
agad siyang nahuli sa kaniyang balikat at ganap na hindi pinakilos ni Qiao Chu na mabilis
kumilos na parang isang palaso sa sandaling gumalaw ang Emperor ng Condor Country!
Hinawakan siya ni Qiao Chu sa balikat sa pamamagitan ng isang kamay at puwersahang
ibinukas ang bibig niya ng isa pa.
Naglabas si Jun Wu Xie ng elixir mula sa kaniyang Cosmos Sack at sa isang pitik ng kaniyang
daliri, ang elixir ay bumuhos sa bibig ng Emperor. Puwersahang pinalunok ni Qiao Chu sa
kaniya ang elixir at pagkatapos ay pinakawalan siya.
"Anong pinainom mo sa akin? Ano iyon!" Mahigpit na hinawakan ng Emperor ng Condor
Country ang kaniyang lalamunan, matalim ang tingin kay Jun Xie.
"Malapit mo na malaman." Payak na sagot ni Jun Wu Xie.
At sa eksaktong sandali na natapos ni Jun Xie ang pagsasalita, isang napakatindi at makapigil-
hiningang sakit ang pumunit sa kaniyang loob, agad na sumabog sa buong katawan ng
Emperor ng Condor Country!
Parang nakalunok siya hindi mabilang na mga talim sa kaniyang katawan at ang mga iyon ay
umikot-ikot sa loob niya. Ang kaniyang lamang loob, ang kaniyang laman, at buto, bawat
himaymay niya ay dumanas ng sakit na hindi kaya ng isang tao. Sa sandaling iyon, nawala lahat
ng lakas ng Emperor ng Condor Country, nabuwal siya sa sahig at namilipit, ang katawan niya
ay dumanas ng matinding paghihirap at dahil doon ang kaniyang mukha ay nagkulay-ube.
"Kung ayaw mo magsulat, hindi kita pupuwersahin at maaari ka nang magsaya dito. Maaari
mo namang isulat iyon pagkatapos mo pag-isipang mabuti. Hindi rin naman ako
nagmamadali." Magaan lamang ang boses ni Jun Wu Xie ngunit napakalamig, tulad ng hangin
ng Pebreo na puno ng nagyeyelong ginaw ng taglamig, na nanunuot sa buto kapag umihip.
Nanatiling nakahiga doon ang Emperor ng Condor Country at namimilipit, ang luha at sipon ay
patuloy sa pagtulo at naghalo na sa kaniyang mukha, labis ang sakit nararamdaman at siya'y
nagpaikot-ikot sa sahig.