Hindi kailanman sumagi sa isip niya na may ganoong klase ng sakit sa mundo kung saan bawat
buto sa kaniyang katawan ay parang binali ng isang tao, bawat himaymay ng kaniyang laman
ay parang sinusunog, ang lamang loob niya ay hinalo ng nakakapasong bakal. Sa ilalim ng
ganoong katinding paghihirap, inisip niya na siya ay mamamatay na, ngunit sa katotohanan,
ang kaniyang kamalayan ay naging mas malinaw na ngayon, at kahit na naisin niyang mawalan
ng malay ay napakaimposible niyon.
Nanatili siyang malinaw ang malay, nararamdaman ang bawat sakit na hindi maarok ninuman
at magpapabaliw sa sinumang nilalang.
Walang awa na nakatitig si Grand Tutor He sa Emperor ng Condor Country habang namimilipit
at nagpupumiglas sa kaniyang napakahirap na kalagayan, mainit na luha ang tumutulo sa mga
mata nito.
"Ako'y… Magsusulat… Ako'y magsusulat…" Dahil sa matinding pagpapahirap na naramdaman
ng Emperor ng Condor Country hiniling niya na siya'y mamatay na, ngunit hindi, lahat ng
pagpapahirap na ipinaranas niya sa iba sa sandaling iyon tila ang kabuuan ay nasa kaniyang
katawan.
Mas nanaisin niyang mamatay, kaysa magpatuloy ang pagpapahirap na iyon.
"Ako'y… nagmamakaawa.. sa'yo.. Ako… Ako'y… magsusulat…" [Isusulat niya anumang gusto
niya, basta mapahinto lang lahat ng iyon!]
Lumipat ang tingin ni Jun Wu Xie kay Qiao Chu na nasa isang sulok. Agad naglabas si Qiao Chu
ng elixir mula sa kaniyang sinturon na ibinigay ni Jun Wu xie kanina at inilagay ang gamot na
iyon sa bibig ng Emperor ng Condor Country.
Sa isang iglap, ang sakit na iyon na nakakasria sa ulo ng sinuman ay agad nawala ng walang
bakas.
Ang kasuotan niya ay basang-basa dahil sa kaniyang pawis, ang Emperor ng Condor Country ay
nakasalampak sa sahig na tila isang patay na aso, ang paghinga niya ay napakabilis.
Lahat ng nangyari kanina lamang ay parang isang nakakatakot na bangungot.
"Tayo. Huwag kang humiga lamang diyan sa sahig." Dinampot ni Qiao Chu ang Emperor ng
Condor Country at pinaluhod ito saharap ng blankong papel.
Wala kahit anumang kulay sa mukha ng Emperor ng Condor Country. Sa nanginginig na
kamay, ay dinampot niya ang pinsel na nasa tabi at itinaas ang mata upang sulyapan si Jun Xie,
tanging matinding takot lamang ang makikita sa kaniyang mata, wala kahit kaunting poot.
Nanginginig habang sinusulat ang tuntunin ng kabayaran sa Buckwheat Kingdom, ang Emperor
ng Condor Country ay idinikit ang Imperial Seal sa Edict at ang buong katuhan niya ay
napasalampak, parang ang kaniyang espirito ay humiwalay sa kaniya, bahagyang nakaluhod sa
puwesto at hindi gumagalaw.
Kinuha ni Qiao Chu ang natapos na Imperial Edict at ibinigay iyon kay Grand Tutor He. Si Grand
Tutor He ay agad napaluhod sa takot, hindi nais na tanggapin iyon kahit pa bugbugin siya
hanggang kamatayan.
"Ang katotohanan na ang Kamahalan ng Fire Country ay naipaghiganti ang aking Kamahalan
ay isa ng matinding kabaitan na ipinakita sa amin. At ito… hindi namin ito makukuha sapagkat
kami ay hindi nararapat, at hihilingin ko Your Majesty na bawiin ito." Matindi na ang
pasasalamat ni Grand Tutor He kay Jun Xie at hindi na magagawa na bayaran ang kabaitang
iyon, kaya paano niya matatanggap ang kalahati ng imperyo ng Condor Country?
"Hindi iyan para sa'yo, o para sa Buckwheat Kingdom." Saad ni Jun Wu Xie habang nakatingin
sa tigagal at nahihintakutan na Grand Tutor He. "Para iyan sa aking munting kapatid."
Natigilan si Grand Tutor He at lumuhod at napayuko muli sa harapan ni Jun Xie, ang ulo niya
ay nakayuko habang tinatanggap ang Imperial Edict sa kaniyang mga kamay.
Ang Emperor ng Condor Country ay nakaluhod sa kaniyang puwesto, ang mata niya na puno
ng takot ay hindi naalis kay Jun Xie kahit isang saglit.
"Ito ba ngayon… ngayon… ay tama na?" Marahan niyang tanong, ang dominante at mapaniil
na kayabangan ay hindi na mababakas sa kaniyang boses.
Hindi na niya nais na maramdaman pa ang ganoong sakit, at mas pipiliin na ipagpalit ang
imperyo ng Condor Country para sa sarili. Ang ganoong kasamang tao, ay hindi talaga
nararapat na tawagin ang sarili na Emperor.
Si Mo Qian Yuan ay handang mamatay at mabuhay para sa kaharian, ang nakatatandang
kapatid ng munting Emperor ay nakahandang isakripisyo ang sarili kapalit ng kaniyang
Imperial Guards.
Ang pinuno ng dalawang maliit na kaharian, ay batid na ang mamamayan ang pondasyon ng
isang bansa, ngunit iyon ay isang bagay na hinding-hindi kailanman maiintindihan ng Emperor
ng Condor Country, at hindi na magkakaroon ng pagkakataon pa na maintindihan.
"Umalis na tayo." Tumayo si Jun Wu Xie at walang lingon-likod maski isang beses nang lisanin
niya ang pangunahing bulwagan ng Imperial Palace ng Condor Country.