Nanlaki ang mata ni Jun Wu Xie. Nang mga sandaling iyon, ang ikinikilos ni Jun Wu Yao ay
kakaiba kaysa noon. Ang sulok ng kaniyang mga labi ay nakangit pa rin, ngunit hindi makita ni
Jun Wu Xie ang saya na madalas niyang makita sa mata nito.
"Dahil lamang sa awa ay pakakasalan mo siya? Hiniling niya na mamatay na, kaya bakit hindi
nalang kita tulungan na patayin siya at tuparin ang kaniyang hiling?" naningkit ang mata ni Jun
Wu Yao at ang kamay na nakahawak sa baba ni Jun Wu Xie ay wala sa loob na naglabas ng
lakas at ang balat sa ibaba ng kaniyang daliri ay namula. Ang lila na liwanag sa mata ay
pabago-bago at ang berdeng ugat ay lumalabas na sa kaniyang kamay. Nilalabanan niya ang
daluyong ng emosyon upang hindi siya mawalan ng kontrol sa pamamagitan nang pagdurog sa
munting anyo sa kaniyang harapan.
"Tutulungan kitang patayin siya, tama?" dahil wala siyang nakuhang sagot mula kay Jun Wu
Xie ay inulit ni Jun wu Yao ang tanong sa marahang boses, ngunit ang salita at tono ng boses
niya ay halata ang pagnais nitong pumatay at hindi siya nagbibiro, at gagawin ang kaniyang
salita.
Tumitig ng walang tigil si Jun Wu Xie sa hindi pamilyar na mata ni Jun Wu Yao, ang malinaw na
mata nito ay hindi nagpakita ng takot at sa halip ay puno ng pagtataka at pagkalito.
Ang makita ang pagakalito sa mata ni Jun Wu Xie, ay huminga nang malalim si Jun Wu Yao at
inabot ang baywang ni Jun Wu Xie, binuhat siya at inilapit ang bibig sa munting bibig na
bahagyang nakabukas.
Iyon ay isang salakay at parusang halik, na nag-alis ng hangin sa dibdib ni Jun Wu Xie, malakas
at makapangyarihang kamay ang humapit sa munti nitong katawan patungo sa yakap nito,
kung saan siya ay nanatiling malapit sa kaniya, at walang kahit anong puwang sa pagitan nila.
Pakiramdam niya ay nais niya itong ibaon sa kaniyang buto, hinihiling maging kaniya lamang
ito habang-buhay, ang matinding kagustuhan na kunin lahat ng sumalakay na cell sa loob ni
Jun Wu Yao, ang kawalang-kasiyahan sa kaniyang isip na humila sa tali at umabot sa
limitasyon nito, tila anumang oras ay mapuputol ito, at mawawalan siya ng kontrol!
Itinulak ni Jun Wu Xie si Jun Wu Yao sa dibdib, ang pakiramdam na siniil ay mabilis, at nawala
siya sa sarili ng ilang sandali. Higit pa roon, ang lakas niya sa harapan ni Jun Wu Yao ay walang
silbi at hindi niya magawa na mapatinag ito kahit bahagya.
Bawat pulgada ng kaniyang bibig ay puno ng hininga nito at wala siyang pagkakataon na
huminga. Ang utak niyang binawian ng hangin ay biglang nanakita at wala sa srili na inilabas
niya ang mga karayom sa kaniyang daliri, nais tapusin ang nakakalito at silakbong sitwasyon.
Ngunit nang ang mga karayom na iyon ay dumiin sa mahahalagang puntos ni Jun Wu Yao, ang
braso ni Jun Wu Yao ay biglang umigkas at hindi niya nagawa na ibao ang mga karayom na
iyon…
Ang malamig at matalim na dulo ay bumaon sa balat ni Jun Wu Yao ngunit hindi nito
nagawang punitin iyon, ngunit sa kaniyang paggalaw, ay marahan itong kumiskis sa kaniyang
balat at ang sakit mula sa kalmot ay nagpablik sa kamalayan ni Jun Wu Yao.
Nang mapansin ang nanginginig na munting anyo sa kaniyang braso, ay binawasan niya ang
lakas sa kaniyang braso at itinaas ang kaniyang ulo, bahagayang lumayo kay Jun Wu Xie!
Ang mukha ni Jun Wu Xie ay namumula na at ang hangin ay muling nagbalik sa kaniyang
dibdib at dahil doon siya ay nabulunan at inubo, mas lalong namula ang kaniyang mukha, ang
kaniyang mata ay may bahagyang ulap dala ng pag-ubo.
Tinitigan ni Jun Wu Yao ang namumulang pisngi ni Jun Wu Xie sa naninigkit nitong mata, ang
sulyap ay dumako sa mapula at namamagang labi. Itinaas niya ang kamay at banayad na
hinimas ng daliri ang basang labi.
"Hindi ko papayagan na pakasalan mo siya. Hindi mahalaga kung si Qu Ling Yue man iyon o iba
pa man, kung ito man ay kumuha ng asawa o pakasalan ang iyong sarili, hindi ko papayagan
iyon."