Hindi magawang isipin ni Jun Wu Yao, na nakasuot ng pulang damit pangkasal, at nakatayo sa
tabi ng isang tao. Ang isipin lamang iyon ay nais na niyang pasabugin sa ilang milyong piraso
ang katabi nito.
"Hindi ko naman talaga siya pakakasalan." saad ni Jun Wu Xie, bahagyang humihingal.
"Oh? Kung gayon ano iyon?" tanong ni Jun Wu Yao, naninigkit ang mata.
"Hindi ko hahayaan na magpatuloy na maging paksa siya ng kahihiyan, mula sa bibig ng
sinuman. Gusto kong magawa niyang muli na tumayo sa harap ng lahat at hindi na mangaahas
ang iba na magsalita laban sa kaniya. Kailangan niya ng pagkakakilanlan at maibibigay ko iyon
sa kaniya… o sa mas madaling salita, maibibigay ni Jun iyon sa kaniya." Kahit gaano pa
kastupido si Jun Wu Xie sa mga bagay, naiintindihan niya kung ani ang kasal. Isang pagsasama
sa pagitan ng lalaki at babe, at sa mata ng mga tao ngayon, siya ay isang bata lamang. Ang
anumang nakita ng mga tao ay ang malamig at malamig ang loob na "Jun Xie", at hindi ang
Young Miss ng Lin Palace na si Jun Wu Xie.
Ang masamang hangarin sa mata ni Jun Wu Yao ay unti-unting nawala. Ang mga daliri niya ay
humawi sa buhok ni Jun Wu Xie at sa banayad na boses: "Ano ngayon?"
Bumuntong-hininga si Jun Wu Xie. Bagama't ayaw niyang nagpapaliwanag sa iba, ngunit may
boses sa kaibuturan ng kaniyang puso na nagsasabi sa kaniya na kailangan niyang ipaliwanag
lahat ng intensyon niya kay Jun Wu Yao at ipaintindi lahat, o… dadalhin ni Jun Wu Yao si Qu
Ling Yue sa impyerno sa susunod na sandali.
"Si Jun Xie ay kailangan maging haligi sa likod ni Qu Ling Yue. Ito ay utang ko sa kaniya. Kapag
siya ay nakalaya na sa mga masaamang salita tungkol sa kaniya ay magagawa niyang pulutin
muli ang kaniyang sarili. Ako ay isang babae rin, kaya sa pagitan namin, ay walang ibang
mangyayari pa. Nais ko lang siyang protektahan ng ilang sandali, hanggang sa mahanap niya
ang tunay na mahal niya sa hinaharap, magiging malaya siya na hanapin ang tunay na
minamahal, at ang makasal sa isang tulad ko na babae ay hindi magdudulot ng anumang gulo
sa mapapangasawa niya sa hinaharap."
Pinag-isipang mabuti ni Jun Wu Xie ang lahat, simple lamang. Nais lamang niyang maging
haligi sa likod ni Qu Ling Yue.
Tumaas ang kilay ni Jun Wu Yao. "Paano kung hindi makahanap si Qu Ling Yue ng
mapapangasawa? Hindi ba't ibig sabihin niyon ay magpapatuloy ang kasal ninyo?"
Umiling si Jun Wu Xie. "Ako si Jun Wu Xie, hindi si Jun Xie. Kapag dumating ang panahon na
ako'y makakauwi na, si "Jun Xie" ay mawawala na. At sa sandaling iyon, naniniwala akong
malaks na si Qu Ling Yue at hindi na niya ako kakailangan pa, magagawa na niyang harapin ang
anumang pagsubok na dumating sa kaniya."
Mula sa isang maselang bulaklak na itinago sa halamanan, upang lumaking malakas ang
kalooban na lagpasan lahat ng pagsubok, ay nangangailangan ng mahabang panahon. At ang
nais gawin ni Jun Wu Xie ay humawak ng payong kay Qu Ling Yue, upang nagawa nito na
makayanan ang mahabang panahon ng paghasa.
Tumingin si Jun wu Yao kay Jun Wu Xie, at ang galit sa kaniyang mga mata ay unti-unting
nawala. Ito ang unang pagkakataon na naging mapagpasensya ni Jun Wu Xie na ipaliwanag
lahat sa kaniya. At kanina ay naramdaman niya ang mga pilak na karayom ni Jun Wu Xie ay
dumiin sa kaniyang leeg, ngunit sa pagkakataong iyon, hindi niya iyon sinaksak sa kaniya. Nang
ang emosyon niya ay hindi niya nakontrol dahil sa kabaliwan, ay hindi siya gumanti. Iyon ay
upang unti-unting mawala ang pagpatay na dumaluyong dito.
Kung nangyari ang lahat ng ito noon, ang ilang piraso ng karayom na hawak ni Jun Wu Xie sa
kaniyang kamay ay mababaon sa leeg nito.
"Sige gawin mo ang iyong plano, ngunit may isang bagay na kailangan mong ipangako sa akin."
saad ni Jun Wu Yao.
"Ano?"
"Ang taong magsasagawa sa ritwal para sa seremonya ng kasal ay hindi maaaring ikaw ang
gumawa." saad ni Jun Wu Yao habang tinatapik ang daliri sa noo ni Jun Wu Xie, sa pagitan ng
kilay. Kahit alam niyang ang lahat ay hindi totoo, hindi pa rin niya magawa na tanggapin iyon.
Blankong napakurap si Jun Wu Xie at sinabi: "Inilaan ko si Brother Hua na tumayo sa posisyon
ko."