webnovel

Sampal Gamit Ang Hiram Na Kamay – Ang Unang Anyo (5)

Editor: LiberReverieGroup

Habang nakikita ang dalawang tao na nilalamon ng pita ng laman, isang bagay sa kaniyang dibdib ang

nagnanais na sumabog, ang kaniyang galit ay labis labis na hindi niya man lamang magawang magsalita.

"Kamahalan….Kamahalan…"

Ang Emperatris at ang Punong Minisgro ay biglaang natauhan, at ang dalawa ay nabalot ng takot. Agad

nilang binitiwan ang isa't isa, hindi na inisip ang kanilang mga nagkalat na damit, naglumuhod ang

dalawa sa Emperador nang may pagkatakot at panginginig.

"Kamahalan….Kamahalan… ang iyong lingkod ay walang sala…" Binanggit niya ito habang ang kaniyang

mukha ay napunta mula sa pagiging pulang-pula sa matinding kasarapan na ninamnam kanina laman,

tungo sa isang maputlang kulay na animo'y pumanaw.

Ang Punong Ministro na nakaluhod at ang ulo ay nakatungo lamang sa lupa, nanginginig sa matinding

pagkatakot, hindi man lamang makagalaw dahil sa takot para sa kaniyang buhay.

Ni minsan ay hindi nila naisip na ang Emperador ay bubungad sa kanila, at matutuklasan ang kanilang

madilim na lihim.

"Mga walang hiya! Kayong mga immoral! Papatayin ko kayong dalawa! Papatayin ko kayo!" Ang

mukhang ng emperador ay halos mangitim, ang mga mata'y pulang pula, at ang mga ugat ay

nagpuputukan dahil sa pagpupuyos ng galit

Ang Emperatris ay nagpapalahaw sa matinding pagiyak. Nasisiguro niyang tinalaga niya ang kaniyang

pinaka pinagkakatiwalaang alalay upang siya ay bigyang babala kung may ano mang panyayari, ngunit

walang nakapag sabi sa kaniya ng pagdating ng Emperador.

Lingid sa kaniyang kaalaman, ang lahat ng kaniyang mga alalay ay pinatulog at ikinulong sa pinakadulong

mga kwarto, kaya't walang nakapag sabi ng pagdating ng Emperador.

Tumingala si Lei Chen sa Emperador na sumasabog ang galit, na parang susuka na ng dugo sa sobrang

sama ng loob. Alam ni Lei Chen na naguumpisa palang ang palabas, at nasisiguro niyang ang Emperatris

at ang Punong Minisistro ay sasapit na sa kanilang katapusan. Dahil sa kanilang pagkahuli na mismong

Emperador pa ang nakamalas, walang nang patutunguhan ang dalawa kundi ang kamatayan.

Ama! Ama, huminahon ka! Pagpapanggap ni Lei Chen na animo'y nagaalala para sa Emperador.

Pinalis naman ng Emperador si Lei Chen ng may matinding galit!

Bumagsak si Lei Chen ng may malakas na pagkalabog sa paanan ng Emperador, nagmamakaawa, "Ama,

kahit na si Ina ay nagkasala, ang ikaapat kong kapatid ay…"

Isa malakas na paglagpak ang narinig!

Inilapat ng malalim ng Emperador ang palad sa pagmumukha ni Lei Chen at sinampal niya ito ng buong

lakas.

"Wag mong binabanggit ang bastardo na yon sa akin!"

Unti-unting nagising si Lei Fan at bumangon mula sa kaniyang pagkalason. Siya ay nagising ng malakas

na pagmumura ng Emperador. Siya ay bumangon na halos wala sa tamang ulirat. Parang kidlat na

tumama sa kaniyang isipan ang nangyari nang matanaw niya ang Emperatris at ang Punong Ministro na

nakaluhod sa harap na Emperador.

"Ama, Ama…" Nanginginig na parang dahong iniihip ng hangin si Lei Fan habang siya ay tumitingin sa

nagpupuyos na ama. BIgla siyang nakaramdam ng pagkahilo sa nakita.

"Ikaw na bastardo, sino ang nagpahintulot sa iyo na ako ay tawaging Ama?" Nagsusumabog sa sama ng

loo bang Emperador habang kaniyang tinitingnan si Lei Fan, habang iniisip ang lahat ng mabuting

idinulot niya sa batang ito, ngunit ang katotohanan pala ay hindi niya ito tunay na anak. Nakaramdam

siya ng matinding pagkasuklam.

Isang matinding kuryente ang dumaloy kay Lei Fan kaya't siya ay napaluhod sa lupa. Ang puso niya ay

napuno ng takot. Wala siyang kamuwang-muwang sa mga nanyayari, ngunit sa pagkakita niya sa

Emperatris at Punong Ministro na walang mga saplot at naglulumuhod sa pagmamakaawa habang

hinaharap ang matinding galit ng Emperador, naintindihan niya ang madilim na sikreto ng dalawa

habang siya walang malay, at ang masahol pa, ang Emperador mismo ang nakadiskubre.

"Ama, ano ang problema? Di mo na ba gustong makasama ang minamahal mong anak?"

Sumagot ang Emperador, "Isa ka lamang bastardo na ipinangangak sa kasalanan ng Emperatris at ng

lecheng ito."

Pinlit kumalma ni Lei Fan sa gitna ng mga pangyayari habang nagsasabi ng mga katagang, "Ama,

paanong hindi mo ako anak? Hindi ba kinikilala ng isang Ama ang mukha ng kaniyang anak? Ama!

Kinalimutan mo na ba ang wangis ni Ina?"

Next chapter