webnovel

Sampal Gamit Ang Hiram Na Kamay – AngUnangAnyo (6)

Editor: LiberReverieGroup

Nagulat si Lei Fan ngunit pinilit niya ang sarili na huminahon at nagsabi, "Ama, paano mo nasabing hindi

mo ako anak? Hindi mo ba nakikilala ang mukhang ito ng iyong anak? Ama! Nakalimutan mo na ba kung

ano ang hitsura ng aking ina?"

[Ginagawa niya pa rin ang lahat hanggang sa huli!]

[May pag-asa pa siyang maibaliktad ang pangyayari!]

[Ang mukha niya ang maaring magsagip sa buhay niya!]

Nang pinagmasdang muli ng Emperadora ng mukha ni Lei Fan na kamukhang kamukha ng

pinakamamahal niyang babae at walang pagkakahawig sa mukha ng punong ministro.

Alam ng Emperatris na wala na siyang ligtas sa pagkakataong ito ngunit ang mga sinabi ni Lei Fan ay

nabigyan siya ng kaunting pag-asa. Hindi man niya maililigtas ang sarili niya pero maililigtas niya si ang

kaniyang anak!

"Kamahalan! Kamahalan! Nagkamali ako. Ngunit si Little Fan… si Little Fan ay ang anak mo kay Lady

Cheng! Kahit kamuhian mo ako ngayon, ngunit naaalala mo pa ba ang mukha ni Lady Cheng? Sa anong

paraang ko naging kamukha si Little Fan?" saad ng Emperatris habang patuloy na umiiyak.

Nagsalubong ang mga kilay ng Emperador habang nakatitig lamang sa mukha ni Lei Fan.

"Malinaw kong narinig ang mga sinabi mo sa punong ministro kanina." Masamang tiningnan ng

Emperador ang Emperatris.

Ngunit hindi susuko ang Emperatris. Muli siyang yumukod, ang kaniyang ulo ay lumalapat sa sahig at

nagsabing, "Ang lahat ng ito ay dahil sa kasakiman ko! Gusto kong matulongan ako ng punong ministro

upang maitaas ang posisyon ni Little Fan sa bilang tagapagmanang prinsipe. Si Little Fan ay hindi ko

anak at maging ng punong ministro. Anong mo siya kamhalan kay Lady Chen! Kung hindi naniniwala ang

kamahalan sa akin, bakit hindi mo tingnan ng mabuti ang mukha ni Lei Fan!"

Alam niya na siya at ang punong ministro ay may siguradong kamatayan ngunit kung makumbinsi niya

ang Emperador na na sinabi niya lamang ang lahat ng iyon upang tulungan siya ng punong minnnisitro,

baka may tyansa pang makalaya si Lei Fan.

At sa inaasahan niya, nagdalawang isip ang Emperador habang nakatingin sa mukha ni Lei Fan na

kamukhang kamukha ng pinakamamahal niyang babae. Minahal niya ito sa mahabang panahon!

"Ama! Ama! Tunay mo akong anak, tingnan mo ang mukha ko!"

Huminga ng malalim ang Emperador. "Kung hindi ka nga anak ng punong ministro, sa paanong paraan ka

maaring iligtas ang iyong buhay?"

Walang masabi si Lei Chen. Ang blood of kin ang isa sa mga nakasira sa plano niya.

Nakita ng Emperatris na lumalala ang sitwasyon kaya mabilis siyang nagsalita, "Ang punong ministro ay

hindi nagbigay sa kaniya ng kahit kaunting dugo. Ako ay gumamit ng ibang paraan upang matanggal ang

lason sa katawan ni Lei Fan at pinapunta ko ang punong ministro upang papaniwalain siya na anak niya

si Lei Fan para makumbinsi siya na tulungan si Lei Fan."

Lalong lumalim ang gitla sa noon g Emperador lalo la nang makita niya ang mga luha ni Lei Fan at ang

kaniyang galit ay dahan dahang natutunaw.

"Mga kawal! Ikulong ang dalawang ito!"

At sa mg autos ng Emperador, ang mga kawal ay inaresto ang Emperatris at ang punong ministro ngunit

hindi nila kinuha si Little Fan. Sa tingin ng Emperatris na paniwala niya ang Emperador.

Gaya ng inaasahan, ang Emoperador ay hindi maatim na tiisin si Lei Fan. Ngunit, hindi lamang ito ang

plano ni Jun Wu Xie, may mga kasunod pa ito. Sinabihan ni Lei Chen ang sarili na maghintay lamang.

Next chapter