webnovel

KAILANGAN KONG MAGPALAKAS (1)

Editor: LiberReverieGroup

Agad na bumalik si Jun Wu Xie sa Lin Palace at nakipagpulong kay Jun Xian at Jun Qing sa study room para sabihin sa kaniya ang tungkol sa Soul Jade.

Nagpakawala ng buntong hininga si Jun Xian at nagsalita: "Ang Soul Jade ay inilbing kasama ang iyong ama."

Nanatiling tahimik si Jun Wu Xie habang inoobserbahan ang ekspresyon sa mukha nina Jun Xian at Jun Qing. Nalaman niyang ang mag-amang ito ay ayaw nang istorbohin ang pamamahinga ng kaniyang ama.

Ayon kay Jun Xian, nalaman niyang ang mga tao sa mundong ito ay maglalagay ng kapiraso ng jade sa bibig ng namatay para itaboy ang mga masasamang espiritu. Pinapaniwalaan din nilang tumutulong ito para payapang mamatay ang taong iyon. Ang gawaing iyon ay narinig na ni Jun Wu Xie sa kaniyang naunang buhay. Sobrang makaluma na ng kagawiang iyon.

Ang Soul Jade ay ipinagkaloob sa kanilang pamilya ng unang Emperor, simbulo din ito ng kaluwalhatian. Nang mamatay si Jun Jun Gu sa isang laban, lubos na naapektuhan si Jun Xian lalo pa at sa kaniyang mga naunang laban ay palagi silang nananalo. Kaya naman napagdesisyunan niyang ilibing ang Soul Jade kasama ng paglibing kay Jun Gu

Sinong mag-aakala na makalipas ang ilang taon ay darating ang Qing Yun Clan para hanapinn ang Soul Jade?

"Patungkol diyan, ako at ang iyong tiyuhin ang bahalang mag-ayos niyan." Muling nagpalabas ng buntong hininga si Jun Xian at nakabuo na ng desisyon sa kaniyang puso.

Ang namatay aay wala na dito, habang ang nabubuhay ay patuloy na nagdurusa sa masaklap na karanasan ng buhay. Ang might of the Qing Yun Clan ay ayaw makalaban ng Lin Palace. Kahit na itanggi pa nila, marami ang nakakaalam na kasamang inilibig ang Soul Jade kasama ni Jun Gu. Magtanong-tanong lamang ang mga ito ay malalaman na ng mga ito agad ang sagot.

Alam ng lahat na mapaniil ang Qing Yun Clan at ipagsasawalang bahala ng mga ito kung magpoprotesta man ang Jun Family.

Kaysa hayaan nilang ang Qing Yun Clan ang maghukay sa libingan, sila na lang mismo ang gagawa.

Tahimik pa rin si Jun Wu Xie batid niya sa itsura ni Jun Xian at Jun Qing na wala itong magawa.

Ang pagkakaiba nila ng kakayanan ay nagpatunay lang na masakit ang katotohanan.

Sa law of the jungle, ang mahina ay mananatiling sunud-sunuran sa malakas gaano man kabigat ito sa kanilang kalooban.

Ano naman kung nagawa niyang patalsikin sa pwesto ang Emperor? Malaki masyado ang mundo at mayroon talagang mas makapangyarihan na mapipilit silang mapasunod ayon sa gusto ng mga ito.

Katulad na lang ng sitwasyon ngayon. Sapilitang paghuhukayin ng Qing Yun Clan ang Jun Family na hukayin ang libingan ni Jun Gu. Kapag nalaman ng Qing Yun Clan ang ginawa ni Jun Wu Xie kay Bai Yun Xian, ang buong Jun Family ay lilipulin.

Kahit na marami ang Rui Lin Army na dedepensa sa kanila, ang mahigit dalawampu na dumayo sa kanila ay mas dalubhasa. Sa lakas pa lang ng loob ni Jiang Chen Qing, kung gugustuhin nitong patayin silang tatlo sa loob ng Lin Palace, hindi ito kayang pigilan ng buong Rui Lin Army!

Nagtagis ang mga bagang ni Jun Wu Xie, ayaw niyang nalalagay sa ganitong sitwasyon ang Jun Family.

"Magpahinga ka na muna." Malalim na huminga si Jun Xian. Mabigat ang loob niya ngunit hindi siya handing itaya ang buhay ng kaniyang anak at apo.

Hindi nila kasalanan ang sila ay usigin.

Ang pamilyang ito ay hindi makatarungang dadanasin ang hirap.

Kung alam ng Qing Yun Clan na ang kalahati ng Soul Jade ay nasa kamay ng Jun Family, ang mga ito ay kakatok sa kanilang pinto at pilit na kukuhanin sa kanila kapag hindi nila ito kusang ibibigay.

Tumayo si Jun Wu Xie na walang pasabi at umalis.

Lumabas siya sa study room at tumingala sa madilim na kalangitan. Hindi niya magawang magandahan sa bilog na buwan at nagkikislapang mga bituin.

"Anong nasa isip mo?" Isang pamilyar na boses ang kaniyang narinig.

Hindi na nag-abalang lumingon si Jun Wu Xie dahil alam na niya kung kanino iyon.

"Jun Wu Yao." Usal nito, ang mga tingin nito ay nanatiling nakapako sa kalangitan.

"Hmmm?"

"Malakas ka ba?"

Ang mga yabag papalapit kay Jun Wu Xie ay napatigil. Hindi siya nagmadali katulad ng madalas nitong gawin upang siya ay yakapin. Mataman lang nitong tinitigan ang likuran ni Jun Wu Xie.

"Sa tingin ko naman. Siguro."

Next chapter