"Gaano kalakas?" Tanong ni Jun Wu Xie na nakatitig pa din sa kalangitan.
Bahagyang tumawa si Jun Wu Yao. "Gaano ba kalakas ang gusto mo?"
"Sobrang lakas na kaya mong patayin ang mga taong iyon, magagawa mo ba?" Sa wakas ay humarap si Jun Wu Xie kay Jun Wu Yao. Ang mga mata nito ay punong puno ng determinasyon.
Tanging siya lamang ang makakaintindi ng naramdaman niya nang makita niyang walang magawa at puno ng lungkot sina Jun Xian at Jun Qing. Labis siyang nasaktan dahil dito.
Ang kaniyang pamilya ay hindi dapat na nabubuhay sa pagkukumpromiso.
Nagtaas naman ng kilay si Jun Wu Yao. Ito ang unang beses na hiniling sa kaniya ni Jun Wu Xie na pumatay ng tao at sadyang ikinagulat niya ito. Ang kaniyang iniisip ay walang interes sa kaniya ang babaeng ito.
"Walang makakapigil sa akin para gawin ang kagustuhan mo." Ngumiti si Jun Wu Yao.
"May gusto silang kunin sa Jun Family, pero kapag ibinigay namin ito sa kanila, labis na masasaktan ang aking lolo at tiyuhin." Saad ni Jun Wu Xie. Hindi man siya madalas makaintindi ng emosyon ng isang tao, ngunit damang-dama niyang siya ay nasasaktan dahil nasasaktan din ang mga ito.
Hindi din matukoy ni Jun Wu Xie kung bakit niya ito sinasabi kay Jun Wu Yao.
Ang lalaki ay misteryoso at mapanganib. Sa kabila noon ay nararamdaman niyang isang hiling niya lang dito at gagawin naman nito.
Naguluhan siya sa kaniyang lubos na pagtitiwala.
"Kung ayaw mong ibigay ito sa kanila, itago mo nalang at 'wag ibigay sa kanila." Ibang-iba ang nakikitang Jun Wu Xie ni Jun Wu Yao ngayon. Ang mga mata nito ay puno ng pagkagulo. Para itong nag-iisip at sabay na natututo.
"Sila ay masyadong malakas, mas malakas kumpara sa Lin Palace. Kung tatanggi kami ay susugurin nila ang Lin Palace." SIgurado si Jun Wu Xie sa kaniyang sinabi. Masyadong mahina ang Lin Palace para sa mga taga Qing Yun Clan. Ang katotohanan pa nga niyan ay hindi lang ang Lin Palace, kundi ang buong Kingdom of Qi.
Hindi mo ito maipagkakaila sa paraan pa lang ng pagtrato ni Jiang Chen Qing kay Mo Qian Yuan, ng Emperor lang naman ng Qi.
Tumayo at magprotesta, sumuko na lang at magdusa?
"Edi patayin nalang silang lahat." Malapit na sa pagiging demonyo ang tawa ni Jun Wu Yao. Ang pagbitaw nito ng salita na patayin ang lahat ay napakadali lamang dito.
"Pinag-iisipan mo kung titiisin mo na lang ba ang sakit para iwasan ang magiging kapalit nito kung sakali?" Tanong ni Jun Wu Yao nang nanatiling tahimik si Jun Wu Xie.
Nag-alangan muna si Jun Wu Xie bago tumango.
Noong kalabanin niya ang Second Prince at ang Emperor ay wala siynag pag-aalangan, kumpiyansa sa sarili niya at hindi natatakot sa anuman ang magiging kahihinatnan nito. Ngunit ngayon ay hindi siya gaanng sigurado sa might of the Qing Yun Clan.
Hindi mahirap ang patayin ang mga delegedo dito sa Imperial City, subalit ang buong lakas ng mga ito sa pag-igkas ay mahirap takasan.
Naglakad si Jun Wu Yao papunta sa tabi ni Jun Wu Xie. Inabot niya ang balikat ni Jun Wu Xie, pinaharap ito sa kaniya at diretsong tinitigan ang mga mata nito.
"Ang mga mahihina ay laging pinipili ang sumuko. Umamin ka ngayon at magiging gawi mo na ang pagsuko. Di ba't hindi mo gusto ang laging sumusuko?"
"Tama." Tumango si Jun Wu Xie bilang sagot. Napakaraming bagay na ang tiniis ng Jun Family sa nakalipas na sampung taon, at hindi siya papayag na mamuhay ulit ang kaniyang lolo at tiyuhin sa pagpipigil. Maaaring mabigyan sila ng pansamantalang kapayapaan kapag binigay nila ang Soul Jade, pero ang kumpiyansa sa sarili ng Jun Family ay mawawala naman sa kanila kahit na sila ang nagpanalo sa pagbabago ng pamumuno. Habang buhay nilang iindahin na sila ay talunan.
"Kaya 'wag kang sumuko. Mayroon akong utang na loob sa'yo. Kaya naman gamitin mo ako sa anumang paraan ang naiisip mo." Malapad na ngumit sa kaniya si Jun Wu Yao. Sinakop nito ang kaniyang kamay at hinalikan.
"Ako ang magiging patalim mong hawak, at ang iyong panangga sa kaaway. Gamitin mo ako sa anumang paraan ang iyong ninanais."
Sinalubong ni Jun Wu Xie ang titig ni Jun Wu Yao. "Bakit?" Bayad na ang utang na loob nila sa isa't isa. Bakit handa itong magbuwis ng buhay para lang tulungan siya.