Sa huli, hindi pa rin nagawang baguhin ni Gu Li ang isipan ni Duan Ling Tian.
Sa katunayan, kahit sino pa ito, walang sinumang ang makapagbabago sa kaniyang isipan. Ito ay dahil mayroon siyang kumpiyansa na kaya niyang talunin si Di Jue at kuhain ang pagkakataon na mapasok ang Saint Land ng dragon clan, ang Dragon Cleansing Pool!
Pagkatapos magtungo ni Gu Li sa Azure Cloud Platform, bumalik si Duan Ling Tian sa tirahan ng kaniyang ama at bumalik sa silid na hinanda ng kaniyang ina para sa kaniya.
Sa buong Azure Cloud Mansion, maliban sa mga espesyal na mga Spirit Pool na iyon, ang tirahan ni Mansion Master Duan Ru Feng ay walang dudang ang pinakamagandang cultivation place. Dahil, ito ay direktang nakaugnay sa quasi third-grade Saint Stage reserve.
Ang lugar na ito ay nababalot ng Heaven and Earth Spirit Energy nang buong taon katulad ng hamog na pumapalibot sa isang bundok.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com