"Timog? Si Gu Li?" Napakunot ang noo ni Mansion Master Meng Qing nang marinig ang mga salita ng elder ng Mystical Sky Mansion at tumingin kay Gu Ci Yun. "Guardian Gu, alam mo ba kung bakit nagtungo si Gu Li sa timog?"
"Ang aking anak ay hinanap ang isa niyang kaibigan bago sila magtungo sa Upper Province nang magkasama," sagot ni Gu Ci Yun. Hindi niya sinabi na hinanap ni Gu Li si Ling Tian.
"Ayos lang naman si Gu Li, hindi ba?" Tanong ni Meng Qing.
"Salamat sa iyong pag-aalala, Mansion Master. Ayos lamang si Gu Li." Umiling si Gu Ci Yun. Kung mayroong nangyari sa kaniyang anak na lalaki, hindi siya magiging kalmado.
Guardian Gu, maaari mo bang sabihin sa lahat kung sinong kaibigan ang hinanap ng iyong anak?" Tanong ni Zhao Jin sa malalim niyang tinig habang ang kaniyang mga mata ay malamig na nagniningning.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com